Sino ka! Ano ang totoo mong pagkatao?” wika nang Nilalang at biglang umatras. Naramdaman din ni Selenr ang pagluwag nang pagkakahawak nito sa leeg niya. Bakit parang natatakot ito kay Hunter. Maging si Selene ay nagtataka din. Anong meron sa binata at bakit parang natatakot dito ang nakakatakot na nilalang na ito,
“Sasabihin ko saiyo kung sino ako. Kung pakakawalan moa ng dalagang yan. Wala siyang kinalaman ----” wika ni Hunter.
“Hindi pwede! Ang puso niya ang magiging katuparan nang matagal ko kang inaasam. Ang maging malakas na nilalang na kayang maghari sa mundo.” Agaw nang nilalang sa iba pang sasabihin nang binata.
“AH!” impit na tili ni Selene nang mararamdaman ang pagtarak nang patulis na bagay sa leeg niya. hindi malalim ang sugat ngunit sapat na iyon para mag sargo ang dugo sa leeg nang dalaga. Nakita ni Hunter ang ginawa nang nilalang. Kung wala siyang gagawin tiyak na mapapahamak ang dalaga sa kamay nang lalaking ito. Pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi siya ganoon kalakas para kalabanin ang nilalang sa harap niya. Hindi na siya ang Dating Azrael. At bukod doon, hindi rin siya ang kalaban nang nilalang na ito.
Ano bang ginagawa niya? Makikipagtitigan na lang ba siya sa halimaw na to? Wika nang isip ni Selene. Habang nakatingin sa binata. Kapwa sila walang laban sa halimaw o nilalang sa harap nila. Hindi niya alam kung anong gagawin. O kung may magagawa ba sila.
“Ah!” Muling sigaw ni Selene nang bigla may sumabog. Nagulat pa si Hunter nang nasa likod pala niya ang sumabog. Napayuko pa ang binata upang hindi matamaan nang nagliparang debris. Isang bomba na planted sa mansion ang biglang sumabog. Dahil alam nang matangdang lider nang kulto na isang araw mahuhuli din sila nang mga pulis. Inisip niyang lagyan nang bomba ang buong bahay. Isa sa mga ito Sumabog na. At nasundan pa nang isa. Nagsimula na ding mag-apoy ang buong mansion.
“Selene!” sigaw ni Kristian nang makitang nagsimula nang masunog ang mansion. Gusto sana niyang tumakbo papasok para iligtas ang kapatid niya ngunit pinigilan siya ni Julianne.
“Bitiwan mo Ako! Nasa loob pa ang kapatid ko.” Asik ni Kristian sa kaibigan.
“You have to calm down. Ibinigay mo sa kanya ang tiwala mo diba?”
Natigilan si Kristian dahil sa sinabi ni Julianne. Oo, ibinigay niya ang tiwala niya kay Hunter. Dahil sa kutob niyang may kakaiba sa binata. Pero ngayon bakit parang gusto niyang magsisis. Bakit parang gusto niyang isipin na mali ang desisyon niyang iasa sa isang bagito ang buhay nang kapatid niya. Kahit naman isang kilalang detective ang binata. Hindi naman ibig sabihin nito magaling itong lumusot sa mga mahihirap na sitwasyon. Masyado yatang niyang na overestimate ang binata at kung anong nararadaman niya.
“Hindi ako tatayo lang dito at maghihintay.” Wika ni Kristian.4
“Anong gusto mong gawin? Nag tumakbo sa loob at salubingin ang apoy? Paano mo ililigtas si Selene? May posibilidad na pati ikaw ma trap sa loob.” Wika ni Julianne. “Wala na tayong ibang magagawa ngayon kundi maghintay at iasa sa brat na iyon ang magiging kaligtasan ni Selene. Wala man akong tiwala sa kanya. Mabuti na iyon kesa sa pare-pareho tayong matusta kapag sinalubong natin ang malakas na apoy na yan.” Wika ni Julianne. Ganoon din ang nararamdaman ni Kristin. Ngunit kailangan nilang magtiwala sa binata. Ibiinigay niya ang salita niya dito at iniaasa nagkaligatsan ni Selene sa kamay nito.. Believe na makakalibas sila nang buhay sa loob nang nag-aapoy na bahay. Kahit na anxious na anxious na siya. Kailangan nilang maghintay at magtiwala. Matatagalan bago makarating sa lokasyon nila ang bomber at medic dahil sa makitid na daanan nang lugar papasok. Hindi rin inla maaasahan ang mga residente na tumulong sa kanila na apulahin ang apoy dahil sa lahat sila hindi makausap nang maayos.
****
Napakuyom nang kamao si Hunter. Kung may magagawa lang siya. Kung may kapangyarihan lang siya. Magagawa niyang mailigtas ang dalaga at ang sarili niya mula sa sunog na ito at sa nilalang sa harap nila. Sa unang pagkakataon nakaramdam si Hunter nang hopelessness and being helpless. Gaya nang isang mortal.
Panay na ang ubo ni Selene dahil sa usok na nalalanghap. Kumakapal na ang usok sa basement. Kung hindi pa sila makakalabas maaaring masunog na sila kasama nang bahay. Dahil wala nang maisip na paraan si Selene. Buong lakas niyang inapakan ang paa nang matandang lalaki hoping nagagana iyon para makawala siya mula sa pagkakahawak nito. And to her luck, naagaw niya ang atensyon nang lalaki. Nabitiwan siya nito. sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang makalayo. Nang makita ni Hunter ang ginawa ni Selene. Agad siyang umatake sa matanda at magkasunod na sipa ang pinakawalan. Nawalan nang balanse ang lalaki at tumilapon papunta sa may pader.
Tumama pa ang katawan nito sa pader. Dahil sa ginawa ni Hunter nawalan nang malay ang matandag sinapian nang nilalang.
“Are you okay?” nag-aalalang wika ni Hunter kay Selene nang makalapit sa dalaga. “You should get out from here.” Dagdag pa nang binata at napatingin sa may pinto. Makapal na ang usok sa bahaging iyon.
“Sundalo ka ba talaga? Bakit ang bagal mong kumilos.” Halos hirap na magsalita na wika ni Selene.
“Kahit na hirap ka nang magsalita. Nagagawa mo pa akong awayin. Trouble girl.” Nangigiting wika ni Hunter. But hearing her say that. Nakaramdam siya nang relief dahil ibig sabihin ay okay lang ito. “At, hindi ako sundalo. I am a university student.” Birong wika nang binata.
“Seriously.” Wika nang dalaga sa binata.
“Saka na tayo mag-usap. Kailangan makalabas ka dito. Lumalaki na ang apoy. Mahihirapan din ang mga fire fighter na pumasok sa lugar na ito. We can only save ourselves.” Wika nang binata saka tinulungang tumayo ang dalaga. Hinubad niya ang suot na jacket saka ibinalot sa dalaga.
“Sa likod mo!” tili ni Selene nang makitang lumabas mula sa katawan nang matanda ang nakakatakot na nilalang. Animoy lumulutang sa ere na lumapit ang lalaki sa kanila. Napansin agad ni Selene ang paglapit nito. Napalingon si Hunter ngunit huli na para masangga niya ang atake nito. Kung hindi pa niya naiharang ang kamay niya baka sa mukha siya tinamaan. Sa lakas nang ginawa nitong pagsipa, nabitiwan ni Hunter si Selene. Tumilapon din ang binata sa may pader.
“Hindi mo Ako Matatakasan. Mapapasakin ang puso mo. At matutupad na ang buhay na pinapangarap ko.” wika nito at naglakad palapit sa dalaga. napaatras sa takot si Selene. Hirap namang tumayo si Hunter. Masyado siyang mahina para sa kalaban nila. sa Estado nang katawan niya ngayon kamatayan lang ang naghihintay sa kanilang dalawa. Inis na napakuyom nang kamao ang binata. Ano bang pwede niyang gawin.
“HWAG kang lumapit!” malakas na sigaw ni Selene nang akmang hahawakan siya nang lalaki. Ang sunod na nangyari ay isang bagay na maging ang kakaibang nilalang ay nagulat. Isang liwanag ang lumabas sa sout na kwentas nang dalaga. Ang nakakuyom na kamao si Hunter ay naglabas din nang kakaibang pulang liwanag.
Naramdaman ni Hunter ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kamao niya. Hindi na siya nag-aksaya nang panahon. Isang Malakas na suntok ang iginawad nang bibaa sa nilalang dahilan para tumilapod ito sa may pader. Dahil din sa lakas nang suntok ni HUnter nagkaroon nang lamat ang pader kung saan tumama ang nilalang.
Nang tumama sa pader ang nilalang napatingin si Hunter sa kamay niya. For a moment there naramdaman niya ang kapangyarihan niya na bumalik sa kanya. Taka siyang napatingin sa takot na takot na si Selene at nakahawak sa Kwentas niya.
“Hey.” Wika ni Hunter at lumapit sa dalaga at hinawakan ang balikat nito. Nang mapatingin siya sa mukha nang dalaga Nakita niya ang biglang pagbabago nang kulay nang mat anito. Those pale red eyes at ang hourglass sa kaliwang mata nito. Patuloy parin ang pagilaw nang kwentas na suot nito habang hawak nang dalaga.
“It’s okay.” Wika ni Hunter saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “I’m here.” Wika pa nito. Napatingin naman sa kanya ang dalaga. Isang simpleng ngiti ang tinugon niya sa dalaga.
“You are brave. Now! Let’s get you out of here.” Wika nang binata saka itinayo ang dalaga.
“Huh!” napasinghap na wika ni Selene ng makabawi mula sa pagkakabigla.
“I said you need to get out. Nakatulog ka ba? Kapag nakabawi muli ang nilalang na yan baka hindi na tayo makalabas. Habang hindi pa malakas ang apoy mas mabuti pang mauna kana. I’ll keep him busy. That should give you enough time para makalabas nang mansion. Naiintindihan mo ba ako?”
“Are you telling me to leave you behind?” takang wika ni Selene.
“Kakasabi ko lang. And don’t get me wrong. Alam ko kung anong ginagawa ko. Mas mapapabagal ang galaw ko kung nandito ka. Ikaw ang gusto niyang makuha. Susubukan ko siyang pigilan para makatakas ka.” Wika ni Hunter.
“Hindi! Sabay tayong lalabas—Isa pa paano ako lalabas? Masayadong makapal ang apoy sa----.” Wika ni Selene at humina ang boses saka nilingon ang daanan. Baka bago pa siya makalabas tastado na siya. “Hindi kita iiwan dito. Kakasabi mo lang hindi ka sundalo. How could I possibly ----”
“C’mon! I don’t need your chivalry right now!” untag ni Hunter. “Nasa labas ang kuya mo at hinihintay ka. You better get out here alive. At least one of us should.”