Aw!” daing ni Hunter sabay hawak sa batok niya nagising siya mula sa pagkakatulog. Nang magmulat siya ng mata naroon na siya sa altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay ng mga miyembro ng kulto. Ang huli niyang natatandaan ay nakikipaglaban siya mula sa isang nilalang na siyang dahilan nang mga patayang nagaganap sa lugar na iyon. Huli niyang natatandaan ay ang matingkad na Liwanag habang pasugod sa kanya ang nilalang after that everything was blank. Wala na siyang matandaan kung anong nangyari.
Napaupo si Hunter mula sa kanyang kinahihigaan. Bakit wala siyang maalala sa nangyari sa kanya? Anong nangyari? Paano siya nakaligtas? Talagang palaispian sa kanya iyon. Napadako ang atensyon ni Hunter sa matandang walang malay na nasa tabi niya. Palaisipan para kay Hunter ang nangyari ay kung papaanong wala siyang maalala sa mga nangyari. Ay kung papaano siyang nakalabas nang buhay. May tumulong ba sa kanya? Sino?
“Hunter? Hunter!” wika ni Meggan nang maaninag ang isang bultong papalapit sa kanila. Magbubukang liwayway na nang mga sandaling iyon. Lahat sila halos bagsak ang balikat dahil sa nangyari at walang nakakaalm kung nakaligtas nang buhay ang binata mula sa nasusunog a mansion. Namataan ni Meggan ang isang bulto nang katawan na naglalakad papalapit sa kanila. Napansin din niya na tila may pinapasan ito sa likod niya. Ilang sandali pa, unti-unti niyang nakilala ang bulto.
Napatingin ang lahat kay Meggan nang bigla nitong banggitin ang pangalan nang binata. Sino naman ang makakaligtas sa nasusunod na mansion. Maging ang mga fire fighters ay hirap na makapasok sa lugar dahil sa pagiging liblib noon. Lahat napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si Meggan at ganoon na lamang ang gulat nila nang makita ang Binatang naglalakad papalapit sa kanila habang pasan-pasang ang walang malay na matandang leader nang kulto. Lahat napatayo mula sa kinauupuan nila nang makita ang binata. Lahat na gulat at nabigla. Sinong mag-aakalang makakalabas nang buhay ang binata?
Nang makabawi sila sa pagkakabigla. Agad silang tumakbo papalapit sa binata para salubungin ito. Agad na kinuha ni Ben at Rick ang matanda mula sa pagkakapasan ni Hunter. Hindi naman nakaligtas sa mga mata nila ang mga sugat nang binata sa braso, at mukha. Knowing how terrible the fire was last night it was a miracle na galos at pasa lang ang tinamo nito.
“You’re alive.” Wika in Julianne na lumapit sa sa binata.
“Would you rather want to see me dead?” sakristong wika ni Hunter sa binata.
“This Punk.” Wika ni Julianne na nainis sa sagot nang binata saka napakuyom nang kamao. Agad namang hinawakan ni Kristian ang braso nang kaibigan para pigilan ito.
“I will not ask how you made it out. But I am glad that you are safe.” Wika ni Kristian sa binata. Nagtataka man siya kung papaano ito nakalabas Hindi iyon ang oras para magtanong. Ang mahalaga ay ligtas ito. It was a relief. He is the youngest sa grupo niya at magiging responsibilidad niya kung may mangyaring masama dito.
“How’s your sister?” tanong nang binata.
“She is safe. Nagpapahinga lang siya. Maraming usok ang nalanghap niya at nawalan din siya nang malay. There is nothing to worry about her. She is safe thanks to you.” Wika ni Kristian. Hindi niya alam kung papaano nito nagawang mailabas si Selene nang walang galos mula sa nasusunog na mansion but he is thankful.
Napatingin sa kapatid. Nasa damuhan si Selene at nakahiga kasama si Aurora. Ang mga kadalagahang na rescue naman ay nasa di kalayuan. Naroon din ang banggay nang huling biktima. Inilagay nila ito sa isang bag na pinaglalagyan nang mga sundalong namatay.
“That’s a relief.” Wika ni Hunter saka tumingin sa dalaga. Napatingin naman si Kristian kay Hunter. Bakit kakaiba ang tingin nito sa kapatid niya. He always looks so arrogant and fierce. But right now, he is looking softly and dearly kay Selene. Is this brat falling for his sister? Iyon ang tanong nang isip nang Kristian.
“Selene!” biglang wika ni Aurora nang bigla nalang bumangon ang dalaga. Nang naupo ito agad itong napatingin sa Binatang si Hunter. Ilang sandali silang nakatingin sa isa’t-isa. As if there were only the two of them nang mga sandaling iyon. None of other matters. They are looking straight to each other's eyes.
“Anong ginawa mo. You have to rest.” Wika ni Aurora na pinigilan ang dalaga nang tumayo ito pero pasimple lang na tinanggal ni Selene ang kamay nang dalaga na nakahawak sa kanya saka naglakad papalapit kay Hunter.
“Buhay ka.” Wika ni Selene habang nakatingin sa binata at nakatayo sa harap nito. Sina Kristian naman ay nakatingin lang sa dalawa. Parang nakalimutan nang mga ito na nasa paligid lang sila.
“I’m here. I guess I am. hindi ko pa siguro oras.” Wika nang binata habang nakatingin sa dalaga. Nag-alala ba ito sa kanya?
“Sa reaksyon mo. Mukhang mas gusto mo na kasama akong. natusta sa loob nang bahay na iyon.” wika ni Hunter “Hindi ako ganoon ka daling mapatumba.” Dagdag pa nang binata saka naglakad papalapit sa dalaga. He is staring at her turquoise blue eyes.
“Ang yabang mo.” Wika ni Selene sa binata.
“Well, May nagsabi sa akin na kailangan kung lumabas nang buhay. How can I ignore a request that I hear for the first time in my life.” Dahil sa sinabi ni Hunter biglang nag-angat nang tingin si Selene. In a split second, pakiramdam ni Selene sila lang ang tao sa lugar na iyon nang mga sandaling iyon. She can only see him. And her heart is racing like crazy. “You did well, Kiddo.” Wika ni Hunter saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. With that gesture. Lalo namang lumakas ang t***k nang puso nang dalaga at tila ba nabibingi siya. It was the first time that her heart race like crazy.
“Eheem.” Biglang tumikhim na wika ni Julianne. At tila naman napagtanto nang dalawa na hindi sila ang natatanging tao sa lugar na iyon. Agad na tinanggal ni Hunter ang kamay sa ulo ni Selene saka napaligon sa mga kasama nila.
“Smooth move, brat. Pero baka nakakalimutan mong nandito ang kuya niya.” Wika ni Julianne. Simple namang napatingin si Hunter kay Kristian na nakatingin sa kanya nang diresto.
“You are talking nonsense.” Wika nang binata saka naglakad papalayo sa kanila. Sinundan naman nang tingin ni Selene ang binata.
“I laud your efforts. You have work hard. Let's call it a day.” Ani Kristian at ngumiti saka bumaling sa ibang mga kasama. “Alright guys. Oras na para bumalik. Ben, Meggan, Aurora. Samahan niyo sa hospital ang mga dalaga, contact their families as well.” Wika ni Kristian saka nag lakad patungo sa mga dalagang nakaligtas. Bago bumaling sa bangkay nang huling biktima. It was so sad na nahuli sila nang dating. They could have saved her.
“Yes Chief.” Sagot sina Julius at Meggan.
“Johnny. Ikaw na ang bahala sa bangkay ng dalagang ito. contact her parents.” Ani Kristian kay Johnny.
“Affirmative!” sagot nito.
“Julianne, sumama kana pabalik sa kanila.” Wika ni Kristian bago bumaling kay Selene. “You too. Sumama ka na kay Julianne pabalik.” Wika nito sa kapatid niya.
“Magpapaiwan ka?” tanong ni Selene sa kuya niya.
“I still have things to do here.” Wika ni Kristian saka hinawakan ang balikat nang kapatid niya. “Babalik din ako agad. I just have to make sure everything is settled here bago ako bumalik.” Wika pa nito saka bumaling kay Julianne. “Ikaw nang bahala kay Selene.”
“You don’t have to ask.” Wika ni Julianne.
“Sasamahan kita dito.” Wika ni Selene saka humawak sa kamay nang kuya niya.
“Don’t be such a baby. Hindi naman magbabakasyon si Kristian dito.” Wikani Julianne sa dalaga.
“Don’t worry Selene. Sasamahan ko dito si Chief. Akong bahala sa kanya.” Wika ni Rick. Napatingin naman si Selene kay Rick. Alam naman niyang maasahan ang mga kasama nang kuya niya.
“Pasasamahan kita kay Julianne sa hospital. Kailangan----”
“No!” wika ni Selene sabay hawak sa braso nang kuya niya nang mahigpit. “I’m Okay. Wala naman akong sugat. I don’t need to go to the hospital. I’m totally fine.” Wika ni Selene.
“You’re totally fine huh, Ang sabihin mo takot kalang sa hospital.” Wika ni Julianne. Napasimangot naman si Selene sa binata. Simpleng ngumiti si Kristian saka marahang hinimas ang ulo nang kapatid. Napatingin naman si Selene sa kuya niya.
“Bumalik ka kaagad.” Wika nang dalaga.
“I will.” Wika ni Kristian. Simple namang tumango si Selene sa kuya niya bago ito niyakap.
“Such a baby.” Ani Julianne habang nakatingin sa magkapatid. Ang ilang miyembro nang Task force ay napangiti din habang nakatingin sa dalawa. Maging si hunter na nasa di kalayuan ay nakatingin din sa kanila. Iniisip nang binata hindi ito ang magiging huling beses na may makakalaban silang ganoong nilalang. Hindi niya alam kung ilan pa sa kanila ang nasa mundo nang mga mortal. He has to find a way to find out what is happening at bakit may mga ganoon sa mundo nang mortal and of course find a way to retrieve his real identity.