Lalong napaigtad si Selene nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sabay silang napatigin ni hunter sa cellphone na nasa side table. Pero dahil sa may mga kaluluwa sa dakong iyon nang silid hindi niya magawang lumapit.
“Oh please. They can’t do anything to you.” Wika ni Hunter saka inakay ang dalaga papalapit sa side table saka kinuha ang cellphone at ibinigay sa dalaga. Bago niya sinagot ang tawag napatingin ang dalaga sa caller ID nan aka register. At pangalan ni Aurora iyon. Napatingin siya kau Hunter bago sagutin ang tawag. Nang sagutin niya ang tawag nito parang takot na takot ang boses ni Aurora. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Tapos bigla na lamang naputol ang tawag ng biglang may umagaw sa Cellphone ni Aurora. Narinig niyang tumili si Aurora. Napuno ang pag-alala si Selene. Maaring nasa panganib ang buhay ng ate Aurora niya.
“I think she is in trouble.” Wika nang dalaga.
“Try to contact your brother.” Wika ni Hunter. Na agad naman niyang ginawa. Habang si Hunter ay kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang Task force para sabihin ang nangyari at hanapin si Aurora.
“Where are you going?” tanong ni Hunter ng Makita niyang sumunod sa kanya ang dalaga ng lumabas siya ng silid.
“Sasama ako sa paghahanap.” Sagot niya.
“What?” gulat na wika ni Hunter.
“I can’t stay here. And besides. I can’t just stay here knowing that -----” wika nang dalaga na naputol.
“You better stay here. Baka sa halip na dumali ang trabaho mas lalong maging komplikado.” Wika ni Hunter sa kanya.
“No!” tanggi ng dalaga. “I am not gonna sit here ang wait for something to happen.” Aniya.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo.” Ani Hunter sa kanya. “Do you have any idea this could be dangerous?”
“Huwag na tayong mag-away. Pwede mo akong pagalitan pero huwag ngayon hanapin muna natin si Ate Aurora.” Ani Selene. “Tiyak mag-aalala si Kuya kapag nalaang nawawala si Ate Aurora.” Nakita ni Hunter na nangilid ang luha sa mata nang dalaga.
Nararamdaman niyang mahalaga sa dalaga si Aurora and he hates it when he sees her eyes na nangingilid ang luha.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko. But are you really gonna go out wearing nothing but pajamas?”
“Para namang may oras pa akong magpalit.” Wika ni Selene.
Napapailing na hinubad ni Hunter ang suot niyang jacket at iniabot sa dalaga. Ngumiti si Selene at tinanggap ang jacket nito.
“I think I will just postponed your punishment for later.” Wika nang binata at itinuro ang noo si Selene.
Nilibot na ni Kristian ang boung cafeteria pero hindi niya nakita si Aurora. Kaya naman naisip niyang balikan sa silid nito ang kapatid. Ganoon na lamang ang gulat ni Kristian ng pagbalik niya sa loob ng kwarto. Isang sulat ang nakita niya na mula kay Selene. Sabi nito na nasa panganib si Aurora at kailangan niyang hanapin. Agad namang umalis ang binata dahil sa labis na pag-aalala para sa dalaga at sa kapatid na pabigla-bigla ng desisyon
2 hours ago .....
Dalawang oras bago mawala si Aurora nakita niya si Renz sa labas ng kwarto ni Selene. Nagpapasama ito sa kanya sa pag-uwi nito sa bahay niya. Puno ng pasa ang mukha ni Renz at may arm cast ang kaliwang braso. Dahil sa awa sa kaibigan sinamahan niya itong umuwi. Hindi na siya nakapagpaalam sa dalagang si Selene dahil akala niya sandali lang siyang mawawala. And hindi niya akalain ay ang mangyayari sa kanila sa daan.
Habang nasa daan sila, bigla silang hinarang ng isang itim na sasakyan isang lalaking nakaitim ang lumabas mula sa kotse. Pinatay nito ang driver ni Renz. Takot na takot si Aurora sa pwedeng mangyari sa kanila. Nanlaban si Renz pero dahil sa benda sa kamay nito wala din itong nagawa laban sa lalaki maging siya ay wala ding nagawa. Pinukpok siya ng lalaki sa ulo gamit ang isang baril dahilan para mawalan siya ng malay.
Natangpuan ang bangkay ng driver ni Renz at ang abandonadong sasakyan nito. Agad na nabuo sa sa isip ni Adrian na pwedeng kasama ni Renz si Aurora at baka nasa panganib na ang buhay ng dalawa.
Nag hiwahiwalay ang grupo para maghanap ng clue sa kung nasaan si Aurora at Renz.
Nang magising si Aurora napansin niyang nasa loob na siya ng isang abandonadong building. Nasa loob siya ng sasakyan ng lalaking dumukot sa kanila. Bigla niyang naisip natawagan si Kristian para humingi ng tulong ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kaya naiisipan niyang tawagan si Selene. Ngunit bago pa niya masabi kay Aya ang nangyari sa kanila dumating ang lalaki at inagaw ang cellpone niya.
Kinaladkad siya nito palabas ng sasakyan. Dinala siya nito kung saan naroon si Renz. Grabeng takot ang naramdaman ni Aurora ng Makita ang lagay ng kaibigan. Sargo sa dugo ang mukha nito. Sa ibaba ni Renz ay mga matutulis na kawayan na nakatayo. Tiyak na pagnahulog ang binata mag mimistula itong barbecue. Gusto niyang sumigaw dahil sa takot. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong.
“Renz!” wika ni Aurora. Halos hindi na nito maibukas ang mga mata dahil sa labis na bugbug. “Anong binabalak mong gawin?” asik ni Aurora sa binatang dumukot sa kanila.
“Huwag kang mag-aalala. Papatayin ko rin kayo. Pero maglalaro muna tayo.” Ngumising wika ng lalaki. At hinapit ang bewang niya.
“Bitiwan mo ako.” Ani Aurora at pilit na itinutulak ang binata.
“Renz! Naalala mo ba ang ginawa mo sa girlfriend ko? Ipapakita ko saiyo na kaya ko ring gawin iyon sa girlfriend mo. Panoorin mong mabuti ang gagawin ko. Regalo ko ‘to saiyo bago kita ipadala sa impyero.” Wika ng lalaki.
“H-Hayop ka!” pilit na wika ni Renz. Natawa lang ang lalaki sa sinabi ni Renz.
“Hayop?” sakristong tanong nito kay Renz “Kumpara sa ginawa mo at nang barkada mo kay Mila. Wala pa itong gagawin ko.” Asik ng lalaki at itinulak si Aurora patungo sa isang mesa. Nawalan ng balance ang dalaga at napahiga sa misa. Tatayo sana siya pero bigla siyang nilapitan ng lalaki napsigaw ang dalaga ng bigla nitong pinunit ang suot niyang damit.
“Huwag!” tili ng dalaga. Pero tila walang naririnig ang lalaki. Pinilit siya nitong halikan pero panay ang iwas niya at panlalaban. Hanggang sa maalala niya ang spray na nasa bulsa niya. Dinala niya ito kanina. Agad niyang ginagap ang spray na dala niya saka inispray sa mukha ng binata. Nasapol ang mata nito dala ng hapdi nabitiwan nito si Aurora. Agad na tumayo anng dalaga at tumakbo.
Sa paghahanap nila Hunter sa dumukot kay Aurora. Napag-alaman nila ang koneksyon ni Renz sa mga kaibigan na pinatay. Isang ka klase nila ang nakakalam sa nangyari dalawang taon na ang nakakalipas.
ay nakatakda ng ikasal. Sa araw ng kasal dinukot nila ang magkasintahan at dinala sa isang abandonadong building. Doon ay pinahirapan nila si Miguel at ginahasa ang kasintahan nito. Bukod sa pangagahasa ng mga ito sa dalaga. Pinatay pa nila ang dalaga. At sa pag-aakalang pati si Miguel ay namatay iniwan ng barkada ang bangkay ng dalawa sa isang liblib na lugar.
Sa loob ng dalawang taon nanahimik ang tanging taong may-alam sa nangyari dahil sa takot kay Renz at sa banta nitong papatayin siya. Hindi alam nina Renz na buhay pala si Miguel at ngayon nga ay naghihigante.
Nauna na nitong patayin ang mga kaibigan ni Renz at ngayon naman ay ang binata.
“Bakit pati si Aurora idinamay niya sa paghihigante niya?” ani Kristian sa saksi.
“Marahil dahil malapit ang ito kay Renz.” Sagot nito.
Napakuyom ng kamao si Kristian habang iniisip ang pweding mangyari sa dalaga sa kamay ng lalaki. Nangako siya sa ama ni Aurora na hindi niya hahayaang mapahamak ang dalaga at tumutupad siya sa binitiwan niyang pangako.
Sa kabilang banda ang tumakas na si Aurora ay nagkubli sa mga malalaking drum. Nanginginig ang boung katawan niya dahil sa labis na takot.
“Kahit na anong gawin mo hindi mo ako matatakasan.” Narinig niyang wika ng lalaki ng dumaan ito kung saan siya nagtatago. Natuptup ni Aurora ang sariling bibig para hindi makagawa ng ano mang ingay. Nang mapansin na nakalayo na ang lalaki. Agad siyang lumabas mula sa pingakukublihan.
Habang hinahanap ang daan palabas sa lugar na iyon. Biglang napatili si Aurora nang may humawak sa braso niya. Pilit niya itong binawi at nagpumiglas dahil sa labis na takot.
“Hey! Hey. It's me.” Wika ng lalaki. Biglang huminto sa pagpupumiglas ang dalaga ng makilala ang boses ng lalaki. Agad siyang nagtaas ng tingin. Ng makilala ang lalaki agad na pumatak ang luha sa mga mata nito.
“Are you alright? Hindi ka ba nasaktan?” puno nang pag-aalala na wika ng binata sa Dalaga.
“Kristian!” wika ni Aurora at agad na niyakap ang binata. Pakiramdam ni Aurora ligtas na siya dahil sa pagdating ng binata. Napayakap din si Kristian sa dalaga. It was a relief na hindi pa siya nahuli. Bakas niya ang takot sa mukha ng kaibigan.