“Let’s Go!” ani Kristian at binitiwan si Aurora saka hinawakan ang kamay para alalayan ito na lumayo sa lugar na iyon. Biglang nagtaka ang binata dahil parang naging bato ito at hindi kumikilos. Nababakas din ang takot sa mukha nito.
“Hey! Are you okay?” tanong niya dito. Pero hindi sumagot ang dalaga. Akmang titingin siya sa likod ng biglang may humataw sa kanya. Isang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Narinig niyang tumili si Aurora. Ang takot na takot na mukha nito ang naaninag niya bago siya lamunin ng dilim.
Nang magising si Kristian, nakatali na siya sa isang upuan habang si Aurora naman ay katayo sa tabi ng lalaki nakaakbay ito sa takot na takot na dalaga.
“Gising ka na pala.” Nakangising wika ng lalaki sa kanya.
“Anong ginawa mo kay Aurora?” asik ni Kristian sa lalaki. Natawa ito sa kanya.
“Wala pa naman. Hinihintay kitang magising. Gusto kung mapanood mo ang gagawin ko.” Anito kay Kristian. Hinawakan nito ang buhok ni Aurora at inamoy na parang isang asong ulol.
Napatiim bagang ang binata at napakuyom ng kamao.
“Hmm. Mukhang mag-eenjoy ako nito ng husto.” Anang lalaki. Hintakot na iniiwas ni Aurora ang mukha niya sa lalaki.
“Don’t you dare!” asik ni Kristian sa lalaki. Malakas lang na tawa ang itinugon nito sa binata.
“Wala kang magagawa. Nakatali ka. Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko siya sa iyo bago ko siya patayin.” Wika nito at hinimas ang mukha ng dalaga. Saka pilit na hinalikan nito ang dalaga. Panay naman ang iwas ni Aurora. Wala namang magawa si Aurora kundi ang umiyak kahit na anong gawin niyang pag-iwas o pagtanggi sa nais nitong gawin sa kanya. Sa sitwasyon nila ngayon. Wala nang makakaligtas sa kanila.
“Stop it you rascal!” sigaw ni Kristian sa binata at pilit na nagpumiglas sa kinauupuan.
Lalo namang tumawa ng malakas ang lalaki na para bang naaliw pa ito sa nakikitang reaksyon ng binata.
“FREEZE!” wika ni Julianne nang biglang masira ang pinto ng building. Kasunod noon ang pagpasok ng iba pang Guardian member kasama si Selene at Hunter. Lahat ng baril nakatutok sa binata. Naging mabilis naman ang kilos ng lalaki. Agad nitong kinuha ang baril na nakasuksok sa likod nito at itinutok sa ulo ni Aurora sabay hawak sa leeg ng dalaga.
“Ate Aurora.” Wika ni Aya at akmang hahakbang paabante. Pero bigla itong tumigil at agad na napahawak sa braso ni Hunter. Nakita niya ang kaluluwa nang isang babae na nasa tabi ni Miguel she looks so pity full at sa nakikita nila mukhang hindi ito masaya sa nangyayari. At sa ginagawa nang binata.
“Pakawalan mo si Aurora at isuko mo ang sarili mo nang maayos.” Wika ni Julianne sa lalaki.
“Isuko? Bakit pa? Malapit ko nang makuha ang paghihigante ko. Kung hindi dahil sa walang kaluluwang taong yan at ng mga kaibigan niya. Buhay sana ngayon si Mila.” Ani Miguel sa kanya na ang tinutukoy ay si Renz
“Alam ko, kung anong nararamdaman mo. Pero mali ang ginagawa mo. Hayaan mong batas ang magparusa sa kanya.” Ani Hunter. Alam niyang ang galit sapuso nang lalaki ang nagtulak ditto upang gumawa nang masama at ang pumatay. Hindi man niya alam kung gaano ka lalim ang galit sa puso nito isa lang ang alam niya nagagalit lalo na sa katotoohanang ginagawa ito nang lalaki dahil sa paghihigante.
“Batas? Hindi alam ng batas kung paano kumilala ng Biktima. Hindi ako makakahanap ng hustiya sa bulok niyong batas.” Wika nito. “Ako ang biktima dito. Pero bakit siya ang pinakinggan ng batas? Hindi niyo ba alam kung gaano ka hayop ang lalaking yan.” Asik nito.
“Hindi mo matatawag na biktima ang sarili mo. Dahil lahat ng rason na nagsasabing biktima ka ay matagal nang nawala. Nang sandaling pinili mong maging mamamatay tao. Lahat ng dahilan para ituring kang biktima ay nawala. Ano pang pinagkaiba mo sa kasalanang nagawa ni Renz.” Ani Hunter.
“Anong alam mo kung anong nangyari sa akin at kay Mila. Ang mga taong katulad niya ay hindi na binubuhay pa.” Wika ni Miguel. Habang kinakausap ni Hunter ang lalaki. Pilit namang kinakalagan ni Kristian ang sarili mula sa pagkakatali. Nang makalagan nito ang sarili agad nitong sinugod si Miguel dahilan para mabitiwan nito ang dalaga. Nagpanbuno naman sina Kristian at Miguel. Sa pag-aagaw nila ng baril nakalabit ni Kristian at gatilyo at tinamaan si Miguel. Humandusay ito sa sahig na may tama ang tiyan.
Agad namang nilapitan ni Kristian ang takot na takot na si Aurora.
“Aurora.” Wika ni Kristian nang makalapit sa dalaga. Agad namang niyakap ni Aurora si Kristian dahil sa labis na takot saka umiyak.
“It’s okay now.” Wika ni Kristian at hinimas ang likod nang dalaga.
Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang sumunod na nang yari. Isang itim na usok ang lumabas sa katawan nito at maya-maya ay naging isang anyo ng tao. Na ang nagpakita sa kanila ang isang nilalang na sumanib sa katawan ni Miguel. Nang lumabas ang nilalang nawalan naman nang ulirat ang lalaki.
Dahil sa kagustuhan ni Miguel na maipaghigante ang kasintahan niya kaya naman naging madali para sa nilalang na ito na sakupin ang katauhan nito.
“So you already decided to show your face.” Ani Hunter. Lumingon ang nilalang sa kanila. Nakatuon ang paningin nito sa dalagang Si Selene.
“Mukhang may kasama kang interesanteng bagay.” Nakangising wika ng Fallen Angel at tumingin kay Selene.
“Don’t you dare come near her.” Ani Julianne kinabig si Selene patungo sa likod niya at itinutok ang baril sa lalaki.
“Sa palagay mo ba tatablan ako ng baril mo?” wika nito kay Julianne na patuloy na naglakad palapit sa direksyon ni Selene.
Biglang nagpaputok ng baril si Kristian. Tinamaan ang nilalang ngunit tila walang epekto ang ginawa ng binata. Napahinto sa paglalakad ang Nilalang at bumaling kay Kristian. Ngumisi ito sa binata. Mula sa likod nagpaputok din nang baril si Hunter.
Nang hindi natablan ang lalaki inisip ni Hunter na salakayin ito at gumamamit nang mano manong lakas. Hindi pa man siya nakakalapit isang malakas na pwersa ang tumama kay Hunter at tumilapon ang binata patungo sa ikalawang palapag. Narinig pa nila ang tunog nang gumuhong pader dahil sa pagtama nang binata. Kung isang ordinaryong tao ang tumama sa mga pader na iyon tiyak na wala na itong buhay.
“HUNTER!” sabay sabay na wika nang mga miyembro nang Guardian.
Natuptop lang ni Selene ang bibig niya dahil sa nakitang nangyari sa binata. Sa isang iglap nanglaho ito mula sa kinatatayuan niya. At sa loob ng ilang isang sigundo nasa harap na ito nina Kristian. Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari.
“Nakakabilib ang tapang mo binata. Pero hindi lang tapang ang kailangan para matalo ako.” Anito at bigla na lamang sinaksak si Kristian.
“Kuya!” tili ni Selene ng Makita ang ginawa nito sa kuya niya. Agad namang pinaputukan ni Julianne ang nilalang. Bumaling ito sa binata at nagsimulang maglakad palapit sa kanila. Sunod-sunod na nagpaputok si Julianne. Ganoon din ang iba pang miyembro ng guardian. Tinatanggap lang nilalang lahat ng mga bala. At hindi man lang tinatablan ang katawan nito.
Kaasar! Inis na wika nang isip ni Julianne. Kung may magagawa lang sana sila laban sa nilalang na ito sana ginawa na niya. But the way he is seeing it. Mukhang wala silang laban sa nilalang na iyon. Nakalapit na sa kanila ang nilalang Isa isa nitong inatake ang mga miyembro nang Guardian. Hanggang sa si Julianne na lamang at Selene ang nakatayo.
Isang suntok ang binitiwan nang lalaki ngunit agad itong sinalo ni Julianne bagay na ikinagulat ni Selene. Nakikita niyang daig nang lakas ni Julianne ang lalaki. Isang malakas na suntok ang iginawad ni Julianne sa nilalang dahilan para mapaatras ito.
“Malakas ka.” Nakangising wika nito Kay Julianne.
“Julianne!” tili ni Selene ng atakehin ng lalaki ang binata. Tumilapon ang katawan ni Julianne at tumama sa pader. Napaubo pa ang binata habang pilit na tumatayo. Naiwang mag-isa si Selene. Nakangisi lang ang lalaki habang palapit sa kanya.
“Kuya!” tili ni Selene ng bigla na lamang nitong sinugod ang lalaki sa kabila ng mga sugat na tinamo nito. Ngunit dahil mahina na ang katawan ni Kristian dahil sa lalim na tinamong sugat para lang itong batang iwinasiwas ng lalaki.
“Kristian!” ani Aurora at mabilis na tumakbo patungo sa binatang tumama sa mga nakasalansang kahon. Napaubo ang binata at sargo ang dugo sa labi.
“Kristian.” Nag-aalalang wika ni Aurora sa binata.
“Ang mga taong kagaya ninyo ang kinaiinisan ko sa lahat. Kahit na wala ng pag-asa patuloy na lumalaban. Sumasakit ang ulo ko tuwing nakakakita ako ng mga tulad ninyo.” Wika ng nilalang at naglakad patungo sa bumagsak ni si Kristian. Agad na tumayo si Aurora at iniharang ang katawan sa binata.
“H’wag kang lalapit.” Nangingig na wika ng dalaga.
“Aurora!” ani Kristian na pinilit na tumayo. Ngunit hindi na niya makuhang mabalanse ang katawan dahil sa labis na sugat na tinamo.