“Nakatulog na ba siya?” tanong ni Julianne kay Kristian nang makitang mahinang tinatapik ni Kristian ang kamay ni Selene.
“Sapalagay ko din.” Wika ni Kristian sa kaibigan.
“Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa mga ikinikilos ni Selene. Her eyes ---”
“Maging ako man din.” Wika ni Kristian. “Wala din akong maisasagot sa mga tanong sa isip mo. She was born this way. I can’t completely say that this is a gift. Kung ako lang mas gusto kong wala siyang ganitong kakayahan.” Wika ni Kristian. “And can we keep this as a secret?” wika ni Kristian as kaibigan. “Ayokong maging iba ang tingin nang mga tao sa kanya dahil sa lang kakayahan niyang ito. As much as possible I want her to live a normal life.” Dagdag pa nang binata.
“Hindi mo na kailangang sabihin. Parang kapatid ko na rin si Selene.” Ani Julianne. "Kahit hindi sabihin at kahit hindi ka humingi nang pabor. Ang protektahan si Selene ay isang bagay na ginagawa nang isang kapatid."
"Thank you." wika ni Kristian sa kaibigan. Ngumiti lang si Julianne dito.
****
Really?” masayang wika ni Julianne nang sabihin ni Kristian sa kaibigan na si Aurora na miyembro nang Task Force ay ang Aurora na anak nang lalaking nagligtas sa kanila noon. Simpleng ngiti lang ang tinugon ni Aurora. Maging siya hindi rin makapaniwala. Tama talaga ang hinala niya. Hindi nagkataon na ang kapatid ni Kristian ay mag kaparehong mga mata sa batang kapatid nang binata noon. Hindi niya alam kung anong nangyari at kung bakit nag palit sila nang apelyido pero masaya siyang makitang naging Mabuti ang pamumuhay nang mga kaibigan niya.
Simula nang umalis siya nang bansa noon, wala na siyang naging balita sa mga kaibigan niya. Iba din ang naging pamumuhay niya sa poder nang mama niya kaya naman hindi siya ganoonong nakakapag communicate kay Kristian noon. Pero masaya siyang makitang muli ang mga kaibigan.
“By the way. Why is her eyes close?” tanong ni Aurora nang mapatingin kay Selene. Nang dumating siya para dalawin ang dalaga napansin niyang nakapikit ang mga mata nito.
“It’s complicated.” Wika ni Kristian. Taka lang na napatigin si Aurora sa dalaga.
“Saan Ka pupunta?” Biglang wika ni Selene nang sabihin ni Julianne at Kristian na aalis sila. Taka namang napatingin si Aurora sa dalaga. Para bang takot na takot itong umalis si Kristian.
“Babalik din naman ako.” Wika ni Kristian sa kapatid niya.
“Din samama ako.” Wika nang dalaga.
“I’ll take care of her for you. Besides sabi nang doctor hindi ka pa pwedeng lumabas.” Wika ni Aurora.
“Ayoko dito.” Wika ni Selene sa kapatid.
“Can you take care of her. Babalik din kami agad. Kailangan ko lang may e-follow up.” Wika ni Kristian kay Aurora saka tumingin dito.
“Sure.” Wika nang dalaga.
“Jus this once.” Wika ni Kristian sa kapatid. “Nandito naman si Aurora.” Wika pa nito saka hinimas ang ulo nang kapatid.
“Bumalik ka kaagad.” Wika pa ni Selene. Hindi naman niya pwedeng pigilan ang kuya niya. As long as hindi niya bubuksan ang mata niya. Hindi naman siguro niya makikita ang mga kaluluwang nasa paligid. Kahit na natatakot siya at ayaw niya sa hospital kailangan niyang maging matataag dahil maraming ginagawa ang kuya niya.
“Nagugutom ka ba? Bibili ako nang makakain sa labas.” Ani Aurora lumapit sa bag nito. Nakaalis na noon sina Kristian. Hindi parin binubuksan nang dalaga ang mga mata niya ngunit nakikita ni Aurora ang takot sa mukha nito at mahigpit ang hawak sa blanket.
“Babalik ako agad.” Ani Aurora at lumabas ng kwarto. Nang makalabas siya ng silid. Nakasalubong niya si Renz. May pasa ang mukha nito at may binda ang kanang kamay.
“Renz?!” gulat na wika ni Aurora nang Makita ang binata sa ganoong ayos. “Anong nangyari sa iyo?” Tanong ni Aurora. Kagabi lang okay pa naman ito nang umalis siya? May nangyari ba dito habang abala sila kay Selene?
“Some Idiot just played a prank on me.” Sagot nito kay Aurora.
“Nagreport ka na ba sa mga pulis?” Tanong ni Aurora.
“There is no need. Pwede mo ba akong samahan pauwi?” Anito kay Aurora.
“Huh?! Ngayon na?” tanong ni Aurora at napalingon sa kwarto ni Selene. Iniisip niya na nakapangako siya kay Selene na babalik siya. At sa nakikita niya parang takot na takot itong mag-isa sa silid niya. She is just trying to look confident para hindi siya mag-alala pero alam ni Aurora na hindi ganoon ka tapang ang dalang iyon. Ngunit hindi rin naman niya pwedeng pabayaan ang isang kaibigan lalo na sa ayos nito ngayon.
“Mukhang abala ka.” Anito na biglang naging malungkot ang mukha. Sa loob ng kwarto naririnig ni Selene na tila may kausap si Aurora sa labas ng kwarto. Ilang sandali din niyang pinakinggan ang usapan nila. Ngunit wala siyang masyadong maintindihan. Malabo ang boses ng kausap nito pero sa sigurado siyang lalaki ang kausap nito.
Dumating na kaya ang kuya Kristian niya? Tanong ng isip niya. Dala ng labis na kyuryosidad at dahil bigla ding tumigil ang usapan nina Aurora naisip niyang tumayo sa kama at lapitan ang pinto. Kahit na wala siyang makita dahil sa takot sa mga nasa loob nang silid. Hindi niya binuksan ang mga mata niya at kinapa ang daan patungo sa pinto.
Akmang hahawakan ni Selene ang siradura ng pinto ng bigla itong bumukas. Bigla siyang napaatras dahil sa pagkabigla.
“Are you going somewhere?” tanong nang isang pamilyar na boses. Nang makilala ni Selene ang boses agad siyang nagmulat nang mata.
“Kuya.” Masiglang wika nang dalaga.
“May pupuntahan ka ba?” Tanong nang binata. Umiling ang dalaga.
“Akala ko narinig ko si Ate Aurora kanina.”
“Umalis ba siya?” tanong ni Kristian.
“Pupunta siya sa cafeteria para bumili nang makakain. I thought I heard her talking to someone.” Wika nang dalaga.
“Galing ako sa cafeteria, pero hindi ko siya nakasalubong.” Sagot ni Kristian.
“Pwede mo ba siyang hanapin. Parang lalaki ang narinig kong kausap niya. He sounded pissed.” Wika nang dalaga.
“Bumalik ka na sa loob. Hahanapin ko siya.” Ani Kristian at iniabot kay Selene ang dalang prutas. Ngunit nang mapansin ni Kristian nag dadalawang isip ang kapatid na bumalik kinuha niya ulit ang prutas saka hinawakan ang kamay nang kapatid niya at inakay pabalik sa kama. Simple namang ngumiti si Selene at ipinikit ang mga mata niya. Muling naupo sa kama ang dalaga. Sinabi ni Kristian na hintayin siya nito at hahanapin lang nito si Aurora. Ilang sandali pa narinig mahinang katong sa pinto. Natigilan ang dalaga. Bakit naman kakatok ang kapatid niya. At dahil sa hindi tumitigil ang pagkatok naisipan nang dalaga na tumayo at kapain ulit ang daan patungo sa pinto.
“What are you doing?” Takang wika ni Hunter nang makita ang dalagang nakapikit ang mata. Nang marinig ni Selene ang boses nang binata agad niyang iminulat ang mga mata niya. Maging si Hunter ay nagulat din nang makita ang Pale red na mata nang dalaga.
“What are you doing really.” Tanong nang binata.
“Why are you here?” Tanong nang dalaga.
“Dumadalaw sa may sakit.” Wika nang binata at iniabot sa dalaga ang bulaklak. Napatinggin naman dalaga sa dala nito.
“You’re red, are you okay?” tanong ng binata sa kanya. Biglang napakagat ng labi si Selene. Namumula ba siya? Bakit? Hindi niya napansin.
“Kumusta na pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa rin bang huminga?” nasa tono nito ang pag-aalala.
“Okay na ako.” Ani Selene at tumalikod sa binata. Ngunit biglang natigilan si Selene nang makita sa loob nang silid ang mga kaluluwa. Bigla siyang napaatras at sa pagatras niya bigla siyang tumama kay Hunter.
“Is this the reason why you don’t like hospitals?” tanong ni Hunter. Habang nakatingin sa kaluluwa sa paligid.
“Anyone would not like to see what I am seeing.” Anang dalaga.