Natahimik ang mga kababaihan nang may mga taong naka hood na dumating sa pinakukulungan sa kanila. Nakasout na itim na damit ang mga taong ito na may hood. Animo’y mga miyembro nang isang kulto na napapanood niya sa mga pelikula. Hindi masyadong Makita ni Selene ang anyo nang mga dumating na siyang nagdala nang takot nang mga babae. Bukod sa naka hood ay mga ito na parang miyembro nang kulto masyado ding madilim ang paligid. Ngunit, may nararamdaman siyang nakakatakot sa paligid. Ang malamig na hangin at ang tila amoy nang dugo sa paligid. Ano kaya ang gagawin ng mga ito sa kanila? Bakit parang kakaiba ang amoy nang mga ito? Baka naman lolong sa ipinagbabawal na gamot? Tanong ng isip niya.
“Dalhin sila sa labas.” Wika ng isang lalaki na parang ito yata ang leader ng mga ito. Agad namang sumunod ang mga nasa likod nito. Nilapitan nito ang limang dalaga at sapilitang isinima sa kanila. Tahimik lang si Selene gusto niyang malaman kung ano ba ang balak gawin sa kanila ng mga lalaking ito.
Dinala sila ng mga taong naka hood sa isang harden kung saan naroon ang marami pang kasamahan ng mga ito. Nararamdaman ni Selene ang preskong hangin at amoy nang damo kaya naman alam niyang nasal abas nila. Bukod doon, nakakaamoy din siya nang kakaiba, masakit sa ilong niya ang amoy na iyon. Sa unahan nila may naaninag siyang isang maliit na pulang liwanag.
“Pakawalan mo na kami. Maawa ka sa amin.” Narinig ni Selene na wika nang isa sa mga dalagang kasama nila. Nakapiring ang mga mata nila kaya wala silang makita. Kung ano man ang manyayari sa kanila nang mga sandaling iyon hindi niya alam. Pero talagang kinikilabutan siya. Gusto rin niyang sumigaw gaya nang ibang babae. Pero anong magagawa noon? May magbabago ba kung magsisisigaw din siya?
Nahintakutan ang mga dalaga nang tanggalin nang mga lalaki ang blindfold nila. Nakita nila sa paligid ang mga taong naka hood. Sa unahan nila ay ang isang malaking mesa na tila altar at sa likod nito ay ang rebulto nang tila sinasamba nang mga ito. Nang mapatingin doon si Selene. Biglang sumakit ang mga mata nita. Parang sinusunog, iyon ang pakiramdam niya. Kaya mabilis niyang ipinikit ang mga mata niya. Nang ipikit niya ang mata niya. Bilang Nakita niya ang nakakatakot na nilalang na may nanlilisik na mga mata. At dahil sa takot niya bigla siyang napasinghap at napaatras.
Pakiramdam niya nasa harap niya ang nakakatakot na nilalang. Ayaw niyang ibukas ang mga mata niya dahil sa labis na takot. Ayaw niyang buksan ang mga mata niya dahil sa labis na takot. She can feel her hands shaking habang hawak nang isang lalaki.
Naglakakad patungo sa mesa ang pinuno ng grupo. Iniunat nito ang kamay sa rebulto na nasa harap.
“Dakilang poon. Ngayon ang pangalawang gabi ng pag-aalay. Pitong dalagang alay sa loob ng pitong araw sa pagsapit ng pulang Buwan.” Wika nito. Hindi maintindihan ni Selene ang sinasabi nito. Anong nangyayari? Kulto ba ang dumukot sa kanila? Gagawin ba silang sakripisyo nang mga ito?
Ano bang sinasabi ng mga ito. Tanong ng isip ni Selene. Narinig niya ang mga yapak na palapit sa kanila. Narinig niyang huminto sa harap nila ang may ari nang mga yapag.
Kuya. Wika nang isip ni Selene. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang pakay nang mga ito at kung anong sunod na mangyayari.
Ilang sandaling nakatayo sa harap nila ang lalaki, na tila ba sinisiyasat sila hanggang sa isa sa kanila ang piliin nito. Narinig ni aya ang pagtangis nang babaeng napili nang lalaki. Nanlaban ang babae at nagpumiglas pero mas malakas ang mga lalaki na may hawak dito. Sapilitan nilang inihiga sa mesa ang dalaga at itinali ang mga paa at kamay.
“Ayoko! Bitiwan niyo ako.” Panay ang tutol nang babae habang kinakaladkad ito patungo sa isang altar inihiga sa altar ang babae at itinali ang kamay at paa. Nakahinga nang maluwag si Selene nang hindi siya ang napili nang mga ito ngunit alam niyang hindi iyon rason para magdiwang siya. Walang nakakaalam sa kanila kung anong gagawin nang mga ito sa babaeng kinuha nila.
“Maawa kayo!” umiiyak na wika ng babae. Kahit na gusto niyang manlaban hindi niya magawa. Wala din siyang maitutulong sa babae. Maya-maya pa nagsimula na ang seremunya ng kanilang pag-aalalay may mga dasal na isinagawa ang leader ng mga ito. Marahang iminulat ni Selene ang mga mata niya para makita ang nangyayari at kung anong gagawin nang mga ito sa kanila. Nakita niyang nakahiga sa altar ang babae habnag nakatali an kamay at paa habang umiiyak at nagmamakaawa. Napatingin sa kanila ang babae. Her eyes are begging to be saved. Pero anong gagawin nila? Kahiy sila hindi alam kung anong mangyayari. They are just as helpless as her. Ilang sandali ang pulang ilaw na nakikita ni Selene sa harap niya ay unti-unting lumaki hanggang sa tuluyang naging isang anyong tao.
Napatras si Selene nang Makita ang mukha nang nilalang. Ito ang nilalang na Nakita niya kanina. Dumaloy ang kilabot sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung paano tatakbo dahil sa labis na takot. Nakita niyang naglakad ang nilalang sa dalagang nakahiga sa altar.
“Teka anong gagawin mo.” Biglang wika ni Selene. Nang makitang inilapit nang nakakatakot nanilalang na ito ang kamay niya sa dibdib nang dalaga.
“Manahimik ka. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aalay sa aming poon.” Pigil ng lalaki na may hawak sa kanya.
“Pag-aalay. Nasisiraan naba kayo? Papatayin niya ang babaeng iyon. Hindi tama ang ginagawa niyo.” Nagpupumiglas na wika ni Selene. Kahit natatakot siya. Hindi siya pwedeng manahimik habang nakikita niya ang gagawin nito.
“Patahimikan niyo yan!” asik ng leader nila at lumingon kay Selene. Agad naman binusalan ng lalaki ang bibig niya. Patuloy siyang nagpumiglas ngunit walang nakikinig sa kanya.
HUWAG!!!. Sigaw ng isip ni Selene ng biglang dukutin ng nilalang na lumabas mula sa rebuto ang puso ng babae at kainin ito. Matapos nitong kainin ang puso ng dalaga tumingin ito sa kanya at ngumisi. Nakakatakot ang ngisi nito. Walang tigil naman ang tili nang mga babaeng kasama ni Selene dahil sa labis na takot. Habang ang dalaga ay natigilan sa pagpupumiglas at napatingin sa bangkay nang dalagang nakahilig ang ulo patungo sa kanila. Nakadilat pa ang mata nito at nakatingin sa kanila. Ilang sandali pa Nakita niya ang kaluluwa nito. Maglalakad sana ito papalapit sa kanya nang biglang hawakan nang nilalang sa leeg ang kaluluwa nang dalaga. Lalo namang natiglan si Selene at hindi makakilos. Nakatitig sa kanya ang nilalang at nakangisi. Habang nag kaluluwa nang babae ay tila nagmamakaawang iligtas. Ngunit wala siyang magawa. Anong pwede niyang gawin? Just like her she is helpless.
Ang imaheng iyong ang tumatak sa isip ni Selene hanggang sa makabalik sila sa Loob nang silid kung saan sila ikinukulong nang mga lalaki. Panay ang iyak nang mga kakababaihang kasama niya. Sinasabing isususnod na sila nang mga ito. SI Selene naman ay piniproseso sa isip niya ang mga nangyayari. Kahit takot siya hindi iyon ang tamang panahon para mangibabaw ang takot niya. Kung tama ang rinig niya kanina sa loob every other 7 days, isa sa kanila ang papatayin at ipapakain sa nilalang na iyon.
Nilalang na hanggang sa mga sandaling iyon hindi mawala sa isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya nangyayari ang bagay na ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa taglay niyang kakayahan. Ang makita ang mga hindi makita nang mortal. Pero, ang mga bagay na iyon ang nagbibigay din sa kanya nang malaking torture. Sinong maniniwala sa kanya?
Naririnig niya ang iiyakan na ang apat na babae habang nagyayakap siya naman ay nasa sulok at mahigpit na hinahawakan ang kwentas niyang bead, gusto rin niyang umiyak pero anong magagawa nang iyak niya? May darating ba upang iligtas siya kapag umiyak siya? Nang mga sandaling iyon habang hawak niya ang kwentas pakiramdam niya nakakakuha siya nang lakas. Ang kwentas na hindi niya alam kung saan nanggaling. Ang alam niya simula nang bata pa siya nasa kanya na iyon. Naglakad si Selene patungo sa isang sulok at naupo saka niyakap ang sarili niya. Anong magagawa niya para makaligtas sila? May magagawa ba sila? Iyon ang nasa isip niya.