Halos na suyod na ni Hunter angkabuuan nang baryo na pinuntahan nila pero wala siyang makitang palatandaan or hint para mahanap si Selene. Napahinto siya sa gilid nang kalsada at hinubad ang suot niyang helmet saka bumaba sa motor. Ilang beses na niyang pinalikan ang lugar na ito na bahagi nang bayad pero iba ang nararamdaman niya ito. Sa mga nadaanan niyang lugar ang ilan sa mga residente ay nag uusap at nagkukumpulan. Pero sa lugar na ito. Busy ang lahat sa kanya kanyang ginagawa. At kahit magkasalubong ni hindi nagbabatian.
May isang bata pa siyang nilapitan para tanungin pero bigla itong hinila nang mama niya at inilayo. Nagtataka ang binata dahil sa kakaibang kinikilos nang mga residente doon. Sinundan niya nang tingin ang mga ito nang pumasok ang mga ito sa isang makitid na daan. May ilan ding mga residente ang Nakita niyang sumunod sa mga ito. Nang tangka niyang lapitan ang daanan na iyon. Bigla siyang natigilan. Biglang Nakita niya sa isip niya ang isang kakaibang nilalang at ang mapupulang mga mat anito. At bigla-bigla nalang wala na siyang maramdaman mula sa daanang pinasok nang mga residente. Kahit na nasa ibang katauhan na siya at mahina ang tagla niyang kapangyarihan bilang si Azrael. May mga kakayahan pa rin naman siya. At isa doon ang maramdaman ang aura nang mga tao. Ngunit nang pumasok ang mga residente sa daanang iyon. Hindi na niya ramandaman ang aura nila. Nilapitan niya ang daanan at sa di maipaliwanag na dahilan hindi siya makaderecho.
Dahil sa nangyayari, may kutob siyang may nangyayaring hindi Maganda sa lugar na iyon. At kailangan niya iyong malaman. Bukod doon kailangan din niyang makita si Selene. Dahil hindi lang ang mga rebelde ang kakatakot sa lugar na iyon may ipa pa silang kalaban. Isang kalabang hindi kayang harapin nang isang mortal.
Natapos ang araw na iyon nang wala silang nakukuhang lead tungkol sa pagkawala ni Selene. Dahil hindi pa sila makaalis sa lugar na iyon. Pumayag ang Kapitan nang baryo na doon na ulit sila magpalipas nang gabi.
Hindi paman natatapos ang suluranin nila sa pagkawala ni Selene isang balita ang bumungad sa kanila. Isang bangkay nang dalaga ang tangpuan sa isang sementeryo. Nang malaman nina Kristian ang tungkol doon nagmamadali silang nagtungo sa semnenteryo. Inabutan nila ang ilang pulis at sundalo na nandoon na at nagiimbestiga. Mag inilagay din silang yellow line sa paligid kung saan Nakita ang bangkay para walang ibang makalapit maliban sa mga alagad nang batas.
Nang sinabi ni Kristian na miyembro sila nag Task Force na ipinadala sa lugar pinayagan sila nang pulis at sundalo na lumapit. Halos maduwal si Aurora at Meggan nang makita ang bangkay nang dalaga. Gaya nang mga bangkay sa files na ibinigay sa kanila nang General. Ganoon din ang nangyari sa bagong biktima.
“Mas Mabuti pa doon na muna kayo.” Wika ni Julianne kay Meggan at Aurora nang makitang hindi kaya nang sikmura nang dalawang dalaga ang nakikita. “Julius.” Tawag ni Julianne sa binata. Agad namang lumapit ang binata saka sinamahan ang dalawang dalaga papayalayo sa lugar.
“Grabe. Anong klaseng tao ang gagawa nito.” Wika ni Johnny habang nakatingin sa bangkay.
“Sabi nang mga residente, may gumagala na aswang sa lugar na ito.” Wika nang isang pulis. Taka namang napatingin sa pulis ang miyembro nang task force at si Hunter.
“Anong aswang? And you want us to believe na yan ang dahilan nang patayang nagaganap?” Inis na wika ni Julianne. “Ilang taon ka naba? Naniniwala ka pa din sa kwentong yan.” Naiiling na wika ni Julianne.
“Wala namang ibang masabi ang mga residente. Hindi rin naman gagawin nang tao ang ganito.” Wika nang pulis. Nakita nilang naglakad si Hunter papalapit sa bangkay. Saka hinawakan ang kamay nito. Taka namang napatingin ang lahat sa binata.
Lahat nagtatanong kung anong ginawa nito? Pinagdadasal ba nito ang bangkay? Hindi nila maintindihan ang binata. Pero ang hindi alam nang lahat. Sinusubukang alamin ni Hunter ang dahilan nang pagkamatay nito. Ngunit bigo ang binata wala siyang masyadong makita mula sa narakaraan nang biktima. Lahat natatakpan nang itim na usok. Isang bagay lang ang malinaw ang mata nang nanlilisik na nilalang. Buo na ang hinala niya na may kinalaman ang nilalang na iton sa mga nangyayaring p*****n.
“Isa siya sa mga nawawalang dalaga. Kung Nakita natin ang bangkay niya dito. IBig sabihin nandito lang at malapit ang mga dumukot sa kanila.” Wika ni Kristian.
“Pero bakit sa lugar na ito? Anong dahilan.” Tanong ni Ben.
“Yan ang aalalamin natin.” Wika ni Kristian.
Pinaghiwahiwalay ni Kristian ang grupo niya para mabilis nilang makita ang mga dalaga o kahit anong kahinahinalang bagay na magbibigay sa kanila nang hint kung nandoon ba ang mga dalaga sa lugar na iyon.
Si Julius at Julianne ay naatasang magpunta sa pinakahuling baryo sa lugar na iyon. Tinatanong nila bawat residenteng Makita nila kung kilala nila ang lalaking nasa larawan ngunit walang sumasagot. Mailap ang mga tao sa kanila at halos hindi mo makausap para bang umiiwas ang mga ito. Naabutan na sila ng hapon wala paring silang mapagtanungan ng maayos.
Sumunod naman sa kanila ang iba pang miyembro nang task force nang sabihin ni Julius na kakaiba ang mga residente sa bahaging iyon. Muling nagkita kita ang grupo sa isang plaza. Isang maliit na plaza sa baryo na iyon.
“Wala naman akong makausap na matino sa lugar na ito. Parang napag-iwanan ng sebilisasyon. Takot sa mga tao.” Ani Ben.
“Napakatahimik nang lugar animo’y isang ghost town.” Wika ni Rick.
“Masyadong tahimik ang lugar na ito na kakapag duda.” Wika ni Ben.
“Magdidilim na. Ano na ang gagawin natin ngayon?” Tanong ni Meggan.
“Sina Julius at Julianne? Nasaan na sila?” Tanong ng Aurora nang mapansin na hindi pa dumarating ang mga binata. Sila ang nagpapunta sa kanila sa lugar na iyon kaya naman nakakapagtaka na sila ang wala doon. Napatingin si Aurora kay Hunter na nag-iisa at tila nagmamatyag sa paligid.
“Ang alam ko kanina magkasama ang Dalawa.” Sagot ni Ben.
Nang maghiwalay ang grupo naisipan nina Julius at Julianne na libutin ang lugar. Dahil wala silang makausap na mga tao dahil mailap ang mga ito. Pinasya nila na sila na lamang ang mga hahanap ng clue.
Magtatakip silim na ngunit wala naman silang makitang kakaiba sa lugar na iyon.
“This is just crazy!” Ani Julianne at sinipa ang isang bato sa kalsada. “Saan natin hahanapin si Selene sa lugar na ito. O ang mga dalaga. Para tayong naghahanap nang karayom sa talahim” Dagdag pa nito.
Mahigpit na napakuyom ng kamao si Julianne, ayaw niyang bumalik at sabihin kay Kristian na wala siyang napala sa paghahanap.
Habang nakatayo sila sa kalsada. May mga nakita silang mga residente na isa-isang nagsisilabas sa mga bahay nila. Iisa lang ang lugar na pinupuntahan ng mga ito. At ang nakakapagtaka pa lahat ng mga ito nakasuot ng itim na damit na animo’y sutana.
Biglang naalerto sina Julius at Julianne.
“Tayo na Julius.” Ani Julianne.
“OO” Ani Julius na agad namang nakuha anmg gustong gawin ng kaibigan. Palihim nilang sinundan ang mga residenteng nakita nila.
At sa gulat ng dalawa pumasok ang mga ito sa bakuran ng isang malaking bahay ang kaparehong bahay na pinagtanungan nila kanina. Sabi ng isang katiwala walang tao sa bahay na iyon.
“Anong ginagawa nila dito?” Tanong ni Julianne.
Ilang sandali din silang nagkubli sa mga halaman. Maya-maya isinara na ng katiwala ang gate. Saka naisipan ng magkaibigan na lumabas. Lumapit sila sa gate. Tahimik ang boung kabahayan.
“Bakit ganoon ang daming taong pumasok sa lugar na ito pero bakit sobrang tahimik?” Wika ni Julianne.
“Julianne! Julius! Can you hear me?” Maya-maya ay narining nila ang boses ni Kristian mula sa aparatung nasa tenga nila.
“Yes Chief.” Ani Julius.
“Where are you?” Ani Kristian.
“Nasa isang bahay kami ngayon. Mukhang kahina-hinala ang lugar na ito.” Sagot ni Julianne sa kaibigan
“May mga kahina-hinalang residente kaming nakitang pumasok. Nag-iimbestiga kami ngayon.” Dagdag pa ni Julianne.
“Give us your coordinate.” Narining nilang wika ni Kristian. Agad namang sumunod si Julianne sa kaibigan. Inutusan nito si Julius naibigay sa binata ang lokasyon nila.
“Papasok ako!” ani Julianne sa kaibigan.
“Tayo na!” nakangiting wika ni Julius.
Mabilis na umakyat sa Pader ang dalawa at maingat na tumalon patungo sa kabilang bahagi. Maingat para hindi makagawa ng ingay. May nakita silang liwanang na nag mumula sa likod ng bahay. Nang puntahan nila ito may nakita silang isang makipot na daan papasok. Na ang tanging ilaw ay ang mga torch na nakatayo sa daan. Sinundan naman ng dalawa ang mga ilaw ang torch hanggang sa dalhin sila nito sa isang lugar kung saan natipon ang mga residente na nakita nila kanina.
“Selene!” biglang wika ni Juliannenang makita ang dalaga kasama ang apat pang dalaga na na kidnap. Sapilitang inilabas ang apat na dalaga mula sa malaking bahay.
Nakita nilang lumapit ang lalaki kay Selene. Kasunod noon ang sapilitang pagdala kay Selene patungo sa altar ng mga ito.