Masakit ang ulo ni Selene ng magising siya dahil iyon sa gamot na naamoy niya kanina bago siya mawalan ng malay. Nang magising siya nasa loob na siya ng isang Silid kahit wala siyang masyadong Makita alam niyang may kasama siya sa loob nang silid na iyon lima pang bulto nang babae ang naaninag niya. Hindi niya kilala ang mga kasama niya. Ang huling natatandaan niya, nasa loob siya nang kotse habang hinihintay ang kuya niya nang may mga lalaking pumasok sa sasakyan nila. Hindi na siya nakasigaw dahil sa bigla siyang pinigilan nang mga ito. Wala na siyang natatandaan matapos noon dahil nawalan siya nang malay.
“Okay lang ba kayo?” Tanong ni Selene nang maramdamang walang may gustong magsalita sa mga babaeng naroon. Kinikilabutan siya sa paligid. Pero hindi gaya nang mga nakakatakot na lugar wala siyang nakikitang mga multo or Espiritu sa paligid. Pero ang pakiramdam na talagang nakakatakot ang lugar nasisitayuan ang mga balihibo niya maging sa batok niya. Nararamdaman din niya ang takot sa loob nang silid. Bukod doon, may kakaibang amoy din sa loob hindi niya alam kung amoy nang dugong matagal nang hindi natataggal sa paligid o dumi. Pero isa lang ang alam niya gusto niyang masuka.
“Paano kami magiging okay? Kagaya ni Pinky mamatay din tayo.” Wika ng babae. Ang tinutukoy nang babae ay ang bagong dalagang nakitang walang buhay at wala na ang puso. Naalala ni Selene na ilang araw bago sila mag punta sa lugar na iyon binabasa nang kuya niya ang report tungkol sa dalagang natagpuan patay na walang puso. Naging mainit sa balita ang tungkol sa dalagang iyon at walang nakakaalam kung paano ito pinatay. Napag-alaman din na ito rin ang isa mga mga dalagang ilang buwan nang nawawala.
“Mamamatay? Bakit?” tanong ni Selene.
“Kumakain sila ng tao. Hindi sila tao. Ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi” Wika ng isang babae na nasa gilid na kulungan. Biglang napalunok si Selene. Sa boses pa lang nito mahahalatang hindi lang basta-bastang kidnapping ang nangyari sa kanila. Kahit siya nagsisimula ng matakot.
Hindi niya alam kung saang lugar siya dinala nang mga dumukot sa kanya. Itinapon din nang mga ito ang bag niya. Hindi nga niya Makita kung saang lugar siya dinala. Sa kanila anim siya helpless ang katayuan. Napakadilim nang paligid. Para bang ginawa ang lugar na iyon para ang kahit sinong dinala doon ay mawala sa katinuan ang feel helpless. She is infact starting to feel helpless and Scared.
“Mamatay na tayo ditto.” Bigalang humikbing wika nang isang babae. Ayaw sanang matakot ni Selene ngunit wala na silang nakikitang pag-asa. Anim na buwan na nawala ang mga babaeng ito ilan sa kanila ay pinatay na Ganoon din ang kahahantungan nila. Ang kwento pa nang isang babae. Kinakain nang mga dumukot sa kanila ang laman loob nang mga pinapatay nila.
Somebody. Please Save us! Sigaw nang isip ni Selene. Biglang inihinto ni Hunter ang motor niya nang tila marinig ang boses ni Selene na humihingi nang tulong. Bukod doon, napahinto din siya malapit sa sasakyan nina Kristian. Iniwan ito nang mga nagdala kay Selene sa gilid nang kalsada.
Nang maihinto ni Hunter ang motor niya, hinubad niya ang helmet niya saka bumaba at naglakad papalapit sa kotse. Tiningnan niya ang loob nang sasakyan mula sa bintana para tingnan kung may tao sa loob. Nang hawakan niya ang pinto nang sasakyan at akmang bubuksan iyon. Biglang Nakita niya sa balintataw ang nangyari kay Selene. Hanggang sa paghinto nang sasakyan sa gilid nang kalsadang iyon. How they carry the unconscious Selene out of the car. Ngunit, matapos doon wala na siyang makita, everything went black. Para bang may humarang sa mga pwede niyang makita. Napatingin si Hunter sa paligid. Saan naman kaya pwedeng dalhin nang mga lalaking iyon si Selene? Bakit wala na siyang makita bukod doon, anong klaseng kalaban ba ang hinaharap nila ngayon?
Biglang napatingin si Hunter sa humintong Van kung saan lumabas sina Kristian at Julianne kasama ang iba pa. Nag mamadali itong lumapit sa kanya.
“Anong nangyari? Nasaan si Selene?” tanong ni Kristian.
“She’s not here.” Wika ni Hunter. “As you can see, iniwan nila ang sasakyan at dinala lang si Selene. Kahit ang mga gamit niya nasa loob din nang sasakyan.” Wika ni Hunter. Agad naman lumapit si Julianne sa sasakyan at binuksan ang pinto nito para lang makita ang bag ni Selene. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nang dalaga. Lahat napatingin nang marinig ang tunog nang cellphone mula sa loob nang sasakyan.
“Sino namang Kikidnap kay Selene? Hindi kaya----” wika ni Meggan na natigilan nang tumingin ang lahat sa kanya. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Kristian kaya hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya.
“Let’s look for her. Tiyak nandito lang siya sa lugar na ito.” Wika ni Julianne.
“She is. But for some reason it would be difffult for us to find her.” Wika ni Hunter.
Napatingin naman ang lahat sa binata. Anong ibig sabihin nito? Bakit nasabi nitong mahihirapan silang makita ang dalaga sa lugar na iyon.
“Ano namang pinagsasabi mo? Napakaliit nang lugar na ito. We can search the whole place. At kung mga rebelde ang dumukot---”
“Hindi sila.” Wika ni Hunter na lalo namang ikinagulat nang lahat. Bakit parang napaka sigurado nito na hindi sila ang dumukot sa dalaga.
“Just Trust me. It’s not them. There is more to these missing girls than what we know.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa motor niya.
“Hey Saan ka na naman pupunta?” wika ni Julianne sa binata.
“Hahanapin siya.” Wika ni Hunter saka tumingin kay Kristian.
“Saan mo naman siya hahanapin?” Tanong ni Julianne.
“Kakasabi mo lang we can search na whole place though it is not easy, I think I am with you on that Idea.” Wika nito saka tumingin kay Julianne.
“Stop being so stubborn punk. Paano mo siya hahanapin kung wala tayong ideya kung nasaan siya.” Ani Julianne saka naglakad patungo kay Hunter ngunit bigla siyang pinigilan ni Kristian.
“Magagawa mo bang mahanap si Selene?” Tanong Kristian na tumingin sa binata. Hindi niya alam pero may pakiramdam siyang sa kanilang lahat ito lang ang magkakayahang mahanap si Selene. Gaya nang sabi ni Selene, this guy is mysterious. Naniniwala siya doon. Tila nakukutuba niyang hindi ordinary ang kinakalaban nila ngayon.
“Kristian. Pinaniniwalaan mo ang sinasabi nang batang yan? Anong alam niyan.” Wika ni Julianne saka tumingin kay Kristian na hindi makapaniwala sa narining.
“Can I really trust you?” tanong ni Kristian na nakatingin nang deretso sa binata.
“I can’t go into details. But trust me, she is important to me as she is to you.” Wika ni Hunter saka isinuot ang helmet at walang pasabing umalis. Naiwan naman tigalgal si Julianne hindi siya makapaniwala sa sinabi nang kaibigan.
“That cheeky brat.” Wika ni Julianne saka tumingin kay “Kristian. Sigurado kaba sa ginagawa mo?”
“For some reason. Pakiramdam ko siya lang ang makatulong sa ating. There is something more about him.” Wika ni Kristian hindi niya maipaliwanag. Pero, alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito.