“Heto!” ani Aurora at inabot sa mga binata ang paris ng gloves at face mask. “Masyadong maalikabok sa loob.” Wika pa nito.
Nagsimulang i-file ng mga binata ng mga box sa loob ng storage room kasama si Aurora. Napatingin ang mga binata sa dalaga ng bigla itong bumahing dahil sa labis na alikabok kahit na may face mask na ito panay-panay pa rin ang bahing nito.
“Doon ka na sa labas.” Wika ni Kristian at lumapit kay Aurora habang hawak-hawak ang tatlong kahon.
“Hindi na. Kaya ko naman.”
“Anong kaya. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Panay-panay na ang bahing mo.” Ani Kristian.
“Dahil lang ito sa alikabok.” Wika ni Aurora.
“Alam ko. Kaya doon ka na sa labas.” Ani Kristian.
“Ang dami pang gagawin oh.” Ani Aurora.
“Ang tigas naman ng ulo.” Wika ni Kristian at binitiwan ang box na dala. “Lalabas ka ba o kailangan pa kitang buhatin palabas?” anang binata.
“Ano?!” gulat na wika ni Aurora. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nang binata. Bakit bigla naman yata itong naging malapit sa kanya.
Napasinghap si Kristian nang muling bumahing si Aurora. Napatayo si Renz mula sa kinauupuan niya ng bigla na lamang pangkuin ni Kristian si Aurora. Napatitig si Aurora sa binatang bumuhat sa kanya. Pakiramdam niya gusting tumalon ng puso niya. Sobrang bilis ng t***k nito at ang lakas ng kabog. Nakatitig din ang binata sa mukha ng dalaga. With those spit seconds. Naisip ni Kristian na maganda pala itong si Aurora.
Ang kinis ng mukha at may natural na mapupulang labi at matangos ang ilong. Bakit hindi niya napansin ang mga physical features na ito nang dalaga.
“A-Anong Ginagawa mo?” gulat na wika ni Aurora.
Pero hindi sumagot si Kristian. Agad nitong dinala ang dalaga sa labas nang stock room nagkataon na may mga nurse na dumaan dahil sa hiya biglang tumalikod si Aurora, Nakita niyang ngumiti ang mga nurse narinig paniyang nagbulungan ang mga ito at hangang hanga sa kakisingan nang binata. Ibinaba nito si Aurora nang nasa opisina na sila at malayo sa storage room.
“Anong ginawa mo? Ang dami pang lilinisan sa loob oh.” asik ni Aurora.
“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?” balik na tanong ni Kristian.
“Wala tayong mararating kung ang tanong ko ay sasagutin mo rin ng isa pang tanong.” Ani Aurora at akmang babalik sa storage room pero biglang humarang si Kristian.
“Talaga bang hindi ka makikinig sa kin? Gusto mo bang sumpungin ka ng hika mo dahil sa alikabok? Pinag-aalala mo ba talaga ako?” ani Kristian at tumingin ng diretso sa dalaga. Natigalgal naman si Aurora sa narinig mula sa binata. Paano nito nalaman ang tungkol sa sakit niyang iyon? Mga malalapit na kamag-anak lang naman niya ang my alam tungkol doon. Kung tama ang hinala niya, ang Kristian na nasa harap niya ngayon ay ang Kristian na dating tumira sa kanila. That is the only explanation kung bakita alam nito ang tungkol sa sakit niyang iyon. Kung ganoon hanggang ngayon alam pa nito na hindi parin niya gumagaling mula sa Hika niya. Ang tono ng boses nito na nag-aalala ay nagpapataba sa puso niya.
“Huwag ka nang bumalik sa loob. Kami na ang tatapos sa Gawain doon.” Ani Kristian at tumalikod sa dalaga. Ano bang ang sinabi niya? Nag-aalala siya na baka bigyan iyon ng ibang kahulugan ni Aurora. Pero totoo naman na nag-aalala siya sa dalaga.
Sina Kristian at Renz na ang tumapos sa paglilinis sa storage room. Nang makalabas ang dalawa. Napangiti si Aurora dahil sa dungis ng dalawan binata. Lalo na kay Renz na nangingitim ang sout na puting long sleeved na polo.
“Siguro naman ngayon hindi mo na tatanggihan ang dinner natin.” Ani Renz kay Aurora nang bigyan siya nito ng tuwalya.
“Sunduin mo ako mamaya around six.” Ani Aurora at ngumiti dito bago maglakad palapit kay Kristian para iaabot dito ang tuwalya.
“Yes.” Masiglang wika ni Renz.
“Salamat.” Mahinang sabi niya. Hindi naman tumugon ang binata at tinanggap lang ang tuwalya. Agad na tumalikod si Aurora kay Kristian at bumaling kay Renz. Hindi na nagawang magsalita ni Kristian nang Makita niyang lumapit si Aurora pabalik kay Renz Lopez. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa binata. Ewan ba niya ngunit naiinis siyang Makitang masaya pa ang dalaga habang nakikipagusap sa binata. Dapat masaya siyang makitang masaya si Aurora lalo na at alam niya kung anong pinagdaanan nito pero bakit siya naiiritang kasama nito si Renz.
****
Hey!” Wika nang isang dalaga na nag-aabang ky Selene sa labas nang classroom nila. Taka pang napatingin sa paligid ang dalaga. Siya ba ang binabati nito. “It’s you weirdo.” Wika nang dalaga na lumapit sa kanya. Kasama nito ang dalawa pang dalagang kaibigan nito. Ang mga dalaga ding ito ang madalas kasama ni Hunter. Pero nakakapagtaka. Bakit naman siya lalapitan nang mga ito? Unless, gusto siyang balikan nang mga ito dahil sa madalas siyang lapitan ni Hunter.
“May kailangan kayo sa’kin?” Tanong ni Selene sa mga dalaga nang lumapit ito sa kanya.
“Yes. Napapansin namin masyado kang nagiging malapit kay Hunter nitong mga nakaraang araw.” Wika pa nang dalaga.
“Hindi--”
“Oh My God! Huwag ka nang mag kaila. But anyway. Hindi kami nandito para ayawin ka. Alam mo kasi. Mahirap mahagilap so Hunter nitong mga nakaraang araw. And my big match sila sa baseball sa makalawa. And as as support for him naisip naming ipagluto siya. Total, ikaw naman ang madalas niyang kasama. Ikaw nalang ang yayayain naming tumikim nang niluto namin.” Wika nito.
“Ako? Bakit? Ano namang alam ko sa panlasa niya. And Besides------”
“Huwag ka nang ma reklamo. Let’s go.” Wika nang dalaga na hindi pinatapos ang sasabihin ni Selene at hinatak ang dalaga. Hindi naman nakatutol ang dalaga hanggang dalhin siya nang mga ito sa cooking lab. Nang University. Nakita niya ang mga ingredients na nakahanda na. Hindi nakatutol ang dalaga nang bigla siyang pinaupo nang mga ito at sinabing maghintay sa kanila habang naghahanda sila. Hindi niya maintindhan kung bakit bigla siyang nilapitan nang mga ito. Dapat ba siyang matakot?
Dahil sa tagal nang paghihintay ni Selene hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya kung hindi pa siya tila mahuhulog sa kinauupuan niya hindi siya magigising. Nabigla pa ang dalaga nang makita ang kalat sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa kalat na nakikita. Akala mo dinaanan nang bagyo ang paligid.
“Tapos na ba kayong mag luto?” Tanong ni Selene.
“Yes. And we want you to try it.” Wika nang dalaga saka lumapit sa dalaga na dala-dala ang bowl na may lamang niluto nang mga ito. Kasunod nito ang dalawa pang dalaga.
“Is it really okay that----”
“It’s fine.” Agaw nang isa. Itatanong sana ni Selene kung okay lang na nagluto sila doon. Pero sa palagay niya okay lang naman. Mga Hotel and Restaurant Major naman ang mga dalagang ito. At number 1 Fan ni Hunter.
“Try at sabihin mo kung magugustuhan yan ni Hunter.” Wika nang isa.
“I don’t know about that. Hindi naman kami----”
“Huwag ka nang masyadong mareklamo. Just try it!” wika nang dalaga.
Paano ko naman malalaman ang panlasa nang mayabang na iyon. Wika nang isip nang dalaga. Mukhang kahit anong sabihin niya hindi rin pakikinggan nang mga ito. Talagang determinado silang ipatikim kay Hunter ang niluto nila. Kahit naman nag rereklamo siya wala ding nagawa ang dalaga kundi ang tikman ang nilutong iyon nang mga dalaga. Masama namang hindi niya titikman e nandoon na siya at pinaghirapan naman nang mga ito ang niluto nila. At mukhang disente naman ang pagkakaluto. Wala siyang alam sa pagluluto dahil si Kristian at Julianne naman ang nagluluto para sa kanya. INiisip niyang hindi naman siguro masama kung titikman niya iyon. Wala namang mawawala sa kanya.
“Kumusta? Sa palagay mo magugustuhan ba ni Hunter?” Tanong Nang dalaga sa kanya habang curious na nakatingin sa dalaga. Ngumiti si Selene. Hindi na masama ang niluto nito kahit na sa palagay niya medyo maalat sa isip niya hindi naman siguro mapili sa pagkain si Hunter, Kahit ang simpleng pagkain noon sa bahay nang Kapitan wala itong reklamo ito pa kayang niluto nang mga dalaga sa fans club niya. Napangiti naman ang mga dalaga dahil sa tugon ni Selene. Para silang nabunutan nang tinik sa dibdib. Kahit paano hindi na ito mahihiya na ipakain kay Hunter ang niluto nito.
Maya-maya biglang nabitawan ni Selene ang hawak na kutsara. Bigla itong napahawak sa dibdib nito, napansin nang mga dalaga na tila nahihirapang huminga ang dalaga habang nakahawak sa dibdib niya.