Ilang oras matapos makaalis ang binata. Galit na galit na sumugod Si General Mendoza. Sa Headquarters. Dahil ito sa pagtanggi ni Kristian sa paghingi ng proteksyon ni Renz. Lumapit ito sa ama niya na matalik na kaibigan ng General. At dahil malakas ang hawak na kapangyarihan ng General walang nagawa sina Kristian. Si Kristian ang itinalaga ng General na maging BodyGuard nito. Tahasang tumutol si Kristian at sinabing hindi naman nila trabaho ang maging bodyguard at kung gusto nito pwede itong lumapit sa mga security agency. Ngunit, Nagalit ang heneral at sinabing mag-susumbong ito sa Commission Officer na noon ay si Antonio Guillermo ang tito ni Kristian. Hindi na siya nakatanggi. Ayaw din niyang malaman nang mga kasamahan niya ang ugnayan nila nang Commisioner at mauungkat din na ilan sa matataas na opisyal nang sandatahang lakas ay kamag-anak niya. Malalagay sa alanganin si Selene.
Sa bandang huli wala ding nagawa si Kristian. Kahit ayaw niya. Wala siyang nagawa. He has to make sure na hindi mapapasok sa usapan ang mga tito niya. Tahimik na ang buhay nang kapatid niya ayaw niyang magulo na naman. Kung kaya niyang magtiis sa pinagagawa sa kanya gagawin niya para kay Selene.
“Bakit ka naman pumayag na maging bodyguard niya.” Wika ni Julianne nang makaalis si General Mendoza. Napatitig ang lahat sa kanila maging Si Aurora.
“Oo Nga naman Chief. Masyado----”
“Let’s not talk about it.” Wika ni Kristian at tumalikod.
“Kristian.” Biglang wika ni Aurora. Biglang natahimik ang lahat. Takang napatingin ang lahat sa dalaga dahil sa biglang pagtawag nito sa pangalan nang chief nila. Maging si Kristian ay napatingin sa dalaga.
“Nevermind.” Wika ni Aurora. Nagkibit balikat lang si Kristian saka muling pumasok sa opisina niya. Sumunod naman sa kanya si Julianne. Narinig nilang nagtatalo ang dalawang magkaibigan dahil sa ginawang pagtanggap ni Kristian sa trabaho na maging bodyguard ni Renz. Talagang Malaki ang pagtutol ni Julianne. Narinig nilang sinabi nitong malaking kahihiyahan sa binata na maging isang bodyguard lang nito. Isa siyang Abogado and miyembro nang special task force at isang chief bakit gugustuhin nitong maging isang alalay lang nang isang spoiled brat na na Binatang tila naman natatakot lang sa mga nangyayari. Hindi lang kumibo si Kristian. Mas magiging matindi ang galit ni Julianne kapag sinabi niya ang dahilan nang pagpayag niya.
****
Dahil si Kristian ang bagong bodyguard nito kailangan nitong samahan ang binata kahit na saan man ito magpunta. Na bigla si Kristian ng sabihin nito may dadalawin itong kaibigan sa isang hospital kung saan ito nagtatrabaho. Mas nagulat naman siya nang malaman na si Aurora ang dadalawin nito.
“Chief!” nagulat na wika ni Melfina nang Makita ang binata kasama si Renz. Dumalaw ito sa hospital. Kasalukuyan niyang nililinis ang isang stock room. Napagalitan kasi siya nang kanilang head surgeon kaya pinarusahan siya at pinaglinis nang stock room kahit isa siyang doctor hindi parin siya nakaligtas sa mala terror nilang head surgeon at dahil baguhan siya hindi siya pwedeng humindi sa mga utos nito.
“Chief? Magkakilala kayo?” tanong ni Renz.
“OO.” Wika ni Aurora. Habang nakatingin sa binata. Hindi pa niya nasasabi kay Kristian na nag tatrabaho siya sa Hospital. Ilang beses na niyang tinangkang sabihin iyon sa binata. And Many times, na gusto niyang e-submit ang resignation niya. Dahil nahihirapan na siyang e-balanse ang oras niya sa hospital at ang oras niya sa task force. Pero hindi siya makakuha nang timing. Lalo nan ang isang araw, hindi niya nasabi dahil sa mga nangyari.
“I didn’t know you work here.” Ani Kristian na halatang nagulat.
“I’m sorry Chief. I tried----”
“Wait. I remember. You are a member of the special task force. Bakit nagtatrabaho ka pa din doon? Hindi mo naman kailangang magtrabaho doon. Nandito kana sa hospital. I am sure, Mas gusto nang mama mo na nandito ka sa hospital kesa nagtatrabaho bilang isang enforcer.” Wika ni Renz.
“I’ll talk to you about this next time.” Wika ni Aurora kay Kristian.
“Yes. We have to talk.”
“OH, Officer Edwards. Aurora is my Fiancee. So, I think you wouldn’t mind kung pati siya babantayan mo rin.” Wika ni Renz sa binata.
“Ha?” gulat na wika ni Aurora saka napatingin sa binata. Hindi naman niya gustong madagdagan ang problem ani Kristian Napilitan na ngalang itong tanggapin ang trabaho dahil sa pressure mula sa itaas pati ba naman siya paproblemahin pa nito.
“Yes. Ano namang masama doon?” anang binata.
“Hindi na kailangan iyon. Kaya ko ang sarili ko. Nakalimutan mo bang miyembro ako nang special task force.” Wika ni Aurora.
“Member or not. Baka nakakalimutan mong nasa paligid pa rin si Ramon. Hindi siya Titigil hanggat hindi ka niya nakukuha. Remember, He killed Uncle Fausto nang hindi nagdadalawang isip.” Wika ni Renz.
Fausto? Wika nang isip ni Kristian saka napatingin kay Aurora. Ngayon lang niya tuluyang napagtanto ang lastname nang dalaga. Mayado ba siyang nabusy at hindi niya napansin. Kung tama ang hinala niya. Ang Aurora na nasa harap niya ay ang Aurora na anak nang taong nagligtas sa kanila noon. Hindi siya makapaniwala. Matagal na pala silang magkasama hindi lang niya nagawang makilala ang dalaga. Nahihiya siya sa sarili niya. Dahil sa hindi niya nakilala ang dalaga. Ano kaya ang nararamdaman ni Aurora?
“I can take care of myself.” Wika ni Aurora.
“He is right.” Biglang wika ni Kristian dahilan para mapatingin si Aurora sa binata. “I don’t mind taking care of you. Besides, I already made a promise.” Wika nang binata. Lalo namang naguluhan si Aurora sa sinabi nang binata. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong he already made a promise.
“Ano namang ibig mong sabihin?” tanong ni Renz.
“It’s my Promise to take care of all that needs my protection.” Wika ni Kristian sa binata.
“Dapat lang sayang ang binabayad sa inyo.” Mayabang na wika ni Renz saka bumaling kay Aurora. “So, May Maitutulong ba ako saiyo?” tanong ni Renz sa dalaga.
Ngunit kahit na kilala na nila ang isat isa hindi lumampas sa pagkakaibigan ang turing niya kay Renz. Hindi niya maturuan ang puso niya na ibaling ang atensyon ditto. Niligawan siya ni Renz at sinubukan niya itong mahalin subalit hindi naman iyon nagtagumpay. May isang tao ang hinahanap nang puso niya. She seeks that feeling of security and safety, bagay na hindi niya naramdaman kay Renz. Simula pa noon, Iisang tao lang ang may hawak sa puso niya. Hindi nga lang niya alam kung naalala pa siya nang taong iyon.
Simula noong bata pa sila. May gusto na siya sa Binata. Pero kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Kaya naman sinubukan niyang itago ang nararamdaman niya sa binata. Hindi niya maikaila na naroon parin ang pagkagusto niya sa binata. Hindi ito nabawasan o mas magandang sabihin na lalo pa yatang lumala. Nasasaktan siya tuwing naiisip na may fianceé na ito. Lalo na noong nakilala niya ang fianncee nito. Sino ba naman siya laban sa isang international model? Isa lang siyang doctor at anak pa nang isang dating gang leader.
“Kung wala ka namang gagawin. Yayayain sana kitang lumabas.” Wika ni Renz sa dalaga.
“May mga aayusin lang ako dito sa sa stock room. Ginalit ko kasi ang head surgeon naming kaya heto ako ngayon.” sagot niya.
“Gusto sana kitang yayaing mag dinner. Hindi na tayo nakakalabas dahil sa dami ng ginagawa ko. Baka isipin mo na nakalimutan na kita.” Anito at lumapit kay Aurora.
“Wala kang dapat ipag-aalala. Gaya mo Busy din akong tao. Kaya hindi ko na iniisip ang oras. Okay lang naman sa akin kung busy ka.” Ani Aurora at lumayo sa binata saka naglakad patungo sa loob nang stock room.
“Nandito ka na rin lang pwede mo ba akong tulungang maglinis?” nakangiting wika ni Aurora. Natawa si Renz sa dalaga.
“I really can,t resist your charms.” Anito. “Where do we start?” anito at hinubad ang suot na coat.
“Una kailagan nating ayusin ang mga kahon na iyon.” Ani Aurora at itinuro ang mga box na nasa loob ng storage room.
“Not a problem. Tutulugan naman tayo ni Officer Edwards.” Anito kay Adrian.
“Huh?!” gulat na wika ni Kristian. Paano ako nasali sa usapan? Bodyguard ako hindi boy. Wika ng isip niya saka napatingin kay Aurora. Pero habang nakatingin siya sa dalaga. Ang naiisip niya ang ang Aurora na kaibigan niya noon. And He just can’t say no.
“Pwede mo ba kaming tulungan? Kung hindi naman abala sa iyo.” baling ni Aurora kay Kristian at ngumiti.
Kung ngingiti ka ng ganyan. Paano ako makakatanggi. Wika ng isip ng binata na agad din niyang inalis. Ano bang sinasabi niya. Saway ni Kristian sa isip niya. Hindi niya akalaing Aurora would be this gorgeous at matagal na niyang nakakasama. He was so blinded by his duties na hindi na niya nakilala ang kaibigan.
“If I say No. Lalabas ba akong kontrabida?” wika ni Kristian na nakatitig sa dalaga. Tumango si Aurora habang nakangiti. Napangiti naman si Kristian sa itinugon ng dalaga. Saka hinubad ang jacket na sout. Ang tanging naiwan ay ang itim na t-shirt nito na fit na fit sa katawan nito. Klarong klaro ang malalapad nitong dibdib at malalaking braso. Ilang Segundo napatingin sa binata si Aurora na agad naman niyang binawi ang tingin niya nang tila mapansin ni Kristian ang tingin niya.