Savior?

1602 Words
“Pulis?” maang na wika nang lalaki. “Tatawag daw siya nang pulis?” nakangising wika nito at humarap sa mga tauhan. Natawa naman ang mga binata. Inilabas nang lalaki ang chapa niya at ang ID nito. ganoon na lamang ang gulat ni Kristian nang makita ang ID nito. Sgt Aldo Navales. Iyon ang nakasulat sa ID nito. “Bakit ka pa tatawag nang pulis? Kung may pulis naman dito.” Nakangising wika nang lalaki. Napakuyom ang kamao ni Kristian dahil sa labis na pagkairita sa lalaki. Kaya pala ang lakas nang loob nito dahil isa pala itong pulis. Isang nakakahiyang miyembro nang pulis. “Aba. Anong meron diyan sa likod mo?” wika nito saka pasimpleng sumilip kay Selene na nasa likod nang binata dahil sa takot agad namang nagkubli si Selene sa likod nang kapatid niya. Mabilis namang iniharang ni Kristian ang sarili niya sa kapatid. Sabay titig nang mabalasik sa lalaki. “Sgt. Matapang ang isang yan. Magagamit natin siya.” Wika nang lalaki sa pinuno nila. “Mukhang mapakikinabangan din natin ang batang kasama niya. Makakadagdag ito sa mga pwedeng manlimos.” Wika pa nito na akmang hahawakan si Selene ngunit biglang tinapik ni Kristian ang kamay nito. “Aba matapang ka. May ipagmamalaki ka ba?” wika nito saka hinawakan ang kuwelyo nang damit ni Kristian pero muling tinapik nang binata ang kamay nito. “Keep your hands to yourself.” Nakatiim bagang na wika ni Kristian. “Aba, spokening Dollar pa ang isang ito. Kapag ibinenta kaya natin to. Malaki kaya ang kikitain natin?” nakangising wika nang lalaki. Napalingon siya kay Julianne na nakayuko sa may sahig sinenyasan siya nito na lumabas. Kahit na walang ano mang salita na lumabas as bibig nila, sa pamamagitan nang mga tingin alam na agad nila ang gagawin. Julianne is sending a telephatic message kay Kristian na gagawa ito nang paraan para makalabas ang magkapatid. And they have to take that opportunity to run. Bigla na lamang tumayo si Julianne at sinunggaban si Aldo. “Kristian takbo!” wika nito sa binata. Agad namang itinulak ni Krstian ang isang lalaki at nagmamadaling tumakbo palabas habang hawak ang kapatid niya. Nang makalabas ang magkapatid. Agad ding tumayo si Julianne at sumunod sa binata. “Anong ginagawa niyo habulin niyo sila!” galit na wika ni Aldo. Isang makipot na eskinita ang tinatakbuhan nang tatlo para hindi sila tuluyang mahabol nang mga lalaki, tinabig ni Julianne lahat nang mga kahon nang softdrinks na nadaanan nila. nakalabas na sila nang eksinita patawid na sana sila nang kalsada nang bilang bumusina nang malakas ang isang itim na sasakyan. Agad namang napahinto ang tatlo. Dahil sa labis na gulat. At bilang reflex agad na niyakap ni Kristian ang kapatid niya. “Hoy! Balak niyo bang magpakamatay!” asik nang driver sa kanila. “P-Pasensya na ho.” Wika ni Kristian. “Bakit?” tanong nang isang matadang lalaki na lulan nang kotse sa driver niya. “May mga tatanga-tanga kasi na gustong tumawid sa kalsada. Muntik ko nang masagasaan.” Sagot nito. Bumukas ang pinto sa likod at mula doon iniluwa ang isang matandang lalaki na puti ang buhok at may tungkod. Nakita nilang naglakad palapit sa kanila ang matanda. napalingon ito sa mga lalaking nasa di-kalayuan bago bumaling sa kanila. “I won’t ask why you are running. Allow me to offer some help.” Wika nito sa kanila. “You are running away from them, are you not?” baling nito kay Kristian. Simple namang nilingon ni Kristian ang grupo ni Aldo. Kapag naabutan sila tiyak na hindi sila bubuhayin nang mga ito. Simpleng bunaling si Kristian sa matanda. “Sumakay na kayo.” Anang lalaki at naglakad patungo sa kotse ngunit huminto din ito nang mapansin nan hindi sumunod ang tatlo. Hindi maintindihan ni Kristian kung bakit sila nito tinutulungan. Wala naman sa itsura nito ang tumulong sa mga tulad nilang batang kalye. Ano naman ang dahilan nito? Mapapasubo na naman ba sila sa bagong gulo? “Hindi ako masamang tao. Gusto ko lang tumulong.” Wika nito nang mapansin ang pagdadalawang isip nang binata. Saka tumingin sa batang hawak ni Kristian. “Gusto mo bang may mangyaring masama sa kapatid mo? Kapag nahuli nila kayo. Dalawa lang ang pwedeng mangyari. Ang mamalimos siya o e-benta.” Anito habang nakatingin kay Selene. Hintakot namang napahawak si Selene sa kapatid niya. “Hahayaan mo bang mangyari sa kanya yun?” tanong nito. “Tayo na!” wika ni Kristian kay Julianne. Hindi niya alam kung sino o anong motibo nang matanda. Pero kung mapapahamak si Selene sa kamay nang humahabol sa kanila hindi niya mapatatawad ang sarili nila. Kailangan niyang tanggapin ang tulong nito. Hindi naman tumutol si Julianne sa sinabi ni Kristian. Kasama si Selene sumakay sila sa kotse nang matanda. Kung hindi sila makikipagsapalaran hindi nila malalaman kung anong mangyayari. Dinala sila nang lalaki sa isang Mansion. Doon nakilala nila ang nag-iisang anak nang lalaki na si Aurora Ledesma, 15y/o. “Sino sila Papa?” tanong ni Aurora sa ama nang makita ang tatlo. “Mga bagong kaibigan.” Nakangiting wika nito. “Nakita ko silang nangangailangan nang tulong kaya isinama ko sila ditto. Diba sabi mo dati nais mong magkaroon nang mga kalaro?” wika nito sa anak. “Ikinagagalak ko kayong makilala ako nga pala si Aurora.” Wika nang dalagita at inilahad ang kamay. Saka napatingin sa batang kasama ni Kristian “Julianne Ramirez.” Wika ni Julianne at inabot ang kamay ni Melfina. “Siya naman ang mga kaibigan ko si Kristian at ang kapatid niya si Selene.” Pakilala ni Julianne. ***** Hindi niyo ba gusto ang pagkain?” tanong ni Gustavo sa tatlo habang naghahapunan sila. Napansin niyang hindi agad kumain ang dalawang binata waring nag aalangan ang mga ito. Dahil hindi ginagalaw nina Kristian at Julianne ang pagkain ang batang kasama nila ay tahimik lang din na nakaupo habang nakahawak sa braso ni Kristian. Simula nang dumating sila sa mansion halos hindi ito humihiwalay o bumibitaw manlang sa kapatid niya. “Ayaw niyo ba nang pagkain?” tanong ni Aurora saka bumaling kay Selene. “Gusto mo ba nang ibang putahi?” tanong nito sa batang babae. Simple namang napatingin si Selene sa dalagita. And there, gaya nang nangyari kay Julianne it was as if she was looking into a mirror. Hindi niya maalis ang tingin sa mata nang bata. “Kumain na kayong dalawa. Kakailanganin niyo nang lakas mamaya.” Wika ni Ramon sa dalawang binata. Nagkatinginan sina Julianne at Kristian hindi nila maintindihan ang sinasabi nang matanda. “Besides, this child won’t eat kung hindi kayo kakain. Gusto niyo bang magutom siya?” Wika nito saka tumingin kay Selene. “Here.” Nakangiting wika ni Aurora saka nilagyan nang pagkain ang pinggan ni Selene. “You should eat.” Wika nito saka bumaling sa dalawang binata. “Kayong dalawa. Para kayong tuod diyan. Hindi namin kayo lalasunin. Kumain na kayo.” Wika nito bago muling bumaling kay Selene at ngumiti. Iniabot ni Aurora ang kubyertos kay Selene. Ilang sandaling nakatitig si Selene sa dalaga bago unti-unting kumalas sa pagkakahawak sa braso ni Kristain dahilan para mabigla ang binata. Mukhang mabilis na napaamo ni Aurora si Selene. Hindi ang tipo ni Selene ang mabilis na nakikipag mabutihan sa hind niya kilala. Matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi ni Aurora nang tinanggap ni Selene ang kubyertos na inabot niya. “You should eat as well.” Wika ni Aurora sa dalawang binata. Simple namang siniko ni Kristian si Julianne saka nagsimulang kumain nang makitang tila komportable na si Selene lalo na at inaasikaso ito ni Aurora. Mukhang mabait naman ang dalaga at baka magkasundo din sila ni Selene. Kapwa nagulat sina Julianne at Kristian nang malaman kung anong klase anng trabaho nang lalaking nagligtas sa kanila. Isang pinuno nang gangster ang lalaki, may mga illegal itong Gawain at si Ramon ang kanang kamay. Isang bodega ang pinuntahan nila kung saan isang palitan nang mga illegal na droga ang magaganap. Sinabi sa kanila nang matanda na iyon ang uri nang trabaho nila. Hindi makapaniwala si Kristian sa napasukan niyang mundo. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang maghihintay sa kanila ni Julianne at Selene sa poder ni Gustavo. Hindi ito ang buhay na ginusto niya para sa kapatid niya. Ayaw niyang lumaki si Selene at mamulat sa ganoon klaseng mundo. Personal na kinausap ni Kristian si Gustavo at sinabi ang nasa loob niya, Malaki ang pasasalamat niya dahil sa tulong nito sa kanila at dahil binigyan sila nito nang matutulyan. Sinabi din niya sa matanda an hindi niya kayang sikmurain ang uri nang trabaho nito. humanga ang matanda kay Kristian at sa katapatan nito. Ito ang unang taong naging matapat sa kanya at sinabing ayaw nito sa ganoong klaseng trabaho. Usually, one will just bend kapag may malaking perang involve. But not this young man. Hanga siya sa prinsipyo nito. Inamin din ni Kristian sa matanda na balak niyang pumasok sa Military Academy. Akala nang matanda nagbibiro lamang si Kristian ngunit nang makita niya ang katapatan sa mga mata nito hindi na siya nag dalawang isip. Sa kabila nang pag amin ni Kristian sa mga nasa loob niya hindi siya pinakawalan nang matanda. Nais parin siya nitong gawing trabahador niya. Nais niyang mag trabaho si Kristian sa kanya dahil sa pagiging matapat nito. Dahil sa katapatan ni Kristian, biglang nagbago ang pananaw nang matanda. sa unang pagkakataon, nabuksan ang mga mata niya na may ibang bagay pa siyang pwedeng gawin at iyon ay bagay na makakabuti para sa anak niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD