A New Beginning

1144 Words
Hindi nagustuhan ni Ramon ang biglang pagbabago nang matandang lalaki. Bigla na lamang inihinto na nito ang mga illegal na transaction at binigyan nang babala ang mga tauhan na oras na malaman niyang nilabag nang mga ito ang utos niya paalisin niya ang mga ito. Maging si Aurora ay nabigla sa pagbabago nang ama. Dati naman wala itong masyadong oras sa kanya ngunit bigla na lamang nagkaroon na ito nang oras sa kanya. Madalas kapag nagkakausap nila parati nitong binabanggit ang pagkagalak nito na nakilala sina Kristian. Masaya siya para sa ama niya. Sina Julianne at Kristian ay itinuturing siyang nakakabatang kapatid. Minsan ang dalawa ang naghahatid sa kanya sa school nila. dahil sa dalwang binata wala nang mga nang bubully sa kanya. Dati parati siyang tinawag na putok sa buho at anak nang criminal. Ngunit dahil kay Kristian at Julainne tumigil ang mga nang lalait sa kanya. Wala naman talaga siyang pakailam kung ano ang tawag sa kanya nang mga tao. Dahil din sa pagdating ni Kristian at Julianne sa bahay nila napansin ni Aurora na madalas na siyang makipag-usap sa mga tao. Naaaliw din siya sa kapatid ni Kristian. Dati pa niya gustong magkaroon nang kapatid. She is a sweet child at agad na nahulog ang loob niya sa batang si Selene. Dahil sa pagiging kalog ni Julianne mas madalas na siyang naka ngiti. Ngunit kung naging mabuti para sa kanila ang nangyari iba naman ang palagay ni Ramon hindi niya nagustuhan na tumigil ang matanda sap ag nenegosyo. Noon pa nais na niyang siya ang mamahala sa samahan kapalit nang matanda ngunit ngayong huminto na ito hindi na matutupad ang balak niya. At hindi niya matatanggap ang bagay na iyon. Napapansin ni Ramon na mas nagiging malapit si Gustavo sa dalawang binata. Mas madalas na ang dalawang binata ang kasma nito kisa sa kanya. At hindi niya gusto ang nakikita niya. Nalaman ni Gustavo na nakakipag kalakalan si Ramon sa black market, ibinenta nito ang natitira nilang pekeng pera. Hindi nagustuhan nang matanda ang ginawa ni Ramon at dahil sa labis na galit, pinalayas nang matanda si Ramon sa bahay nila at kailanman hindi na pinababalik. Pinagbatantaan din nang matanda si Ramon na ipakukulong kung magpapakita pa siya sa kanila. Dahil sa ginawang pagpapalayas sa kanya nang matanda lalo lamang naging matindi ang galit ni Ramon para kay Gustavo. At dahil sa galit na iyon, iyon ang nagtulak para maghigante siya. Sa isang gabing puno nang lagim, sinalakay ni Ramon at nang grupo niya ang bahay ni Gustavo. Pinatay nito lahat nang mga taong kampi kay Gustavo. Inuutusan ni Gustavo si Kristian at Julianne na lisanin ang bahay nila at dalhin si Aurora. Ibinilin din niya sa binata na huwag hahayaang matunton ni Ramon si Aurora. Alam ni Gustavo na dati pa Malaki na ang gusto ni Gustavo sa nag-iisang anak. Lalo pa nitong hahangarin na mapasa kanya ang dalaga ngayong nasakop na nito ang grupo ni Gustavo. Labis na nalungkot si Aurora dahil kailangan niyang umalis at iiwanan ang kanyang ama. Alam niyang may posibilidad na hindi na sila magkita. Iyon ang labis na nakakapagpa lungkot sa dalaga. Matapos nilang makatakas sa bahay at sapag rerebelde ni Ramon, Inihatid nila sa airport si Aurora. Noon pa man, inasikaso na nila ang mga document ni Aurora para sumunod sa ina nitong nasa England. Hindi alam ni Aurora ngunit, lihim na kinontact ni Gustavo ang dati nitong asawa at sinabing gusto niyang ipadala si Aurora sa England para mag-aral. Hindi naman ito tumutol, magadang pagkakataon din ito para tuluyang maiwasan ni Aurora ang panganib na dala ni Ramon. “Saan na kayo pupunta ngayon?” tanong ni Aurora kay Kristian at Julianne saka napatingin sa batang kasama ni Kristian. Gusto niyang humingi nang tawad dito dahil kailangan nitong masaksihan ang pangit na nangyari sa bahay nila. Siya man matatagalan bago makalimutan ang nangyari sa gabing iyon. “Hindi pa namin alam. Huwag mo kaming alalahanin. Makakagawa kami nang paraan ni Julianne.” Nakangiting wika ni Kristian. Alam niyang nararamdaman ni Aurora na pinalalakas lang niya ang loob niya. Kailangan ulit nilang magsimula ni Selene. Hindi niya alam kung saan na naman sila dadalhin nang mga paa nila ngayon pero kailangan nilang magpatuloy. “Kami nang bahala sa mga sarili namin. Hwag mo kaming intindihin.” Wika ni Julianne. “Sulatan niyo ako. Sabihin niyo sa akin kong may maitutulong ako sa inyo.” Ani Aurora. Wala siyang magawa para sa dalawang binata. “Para namang hindi mo kami kilala ni Kristian. Makakalusot kami sa gulong ito. Mag iingat ka doon. At huwag mo kaming kakalimutan.” Ani Julianne. “Paano si Selene?” tanong ni Aurora. “I’ll care good care of her. Kapatid ko siya kaya kung nasaan ako nandoon din siya.” Wika ni Kristian. “Parati kung ipagdarasal na maging ligtas kayo. Hayaan niyo babalik din ako ditto. By that time, tiyak may maitutulong na ako.” Ani Aurora. “Mag-iingat ka.” Ani Kristian sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Ngumiti siya at tumango bilang tugon sa dalaga. Inihatid nila nang tingin si Aurora habang papasok ito sa departure area. Kinailangan nilang ipadala si Aurora sa ina nito ayon na rin sa utos ni Don Gustavo. Iyon lang ang paraan upang hindi ito masundan ni Ramon. “Saan na tayo pupunta ngayon?” Tanong ni Julianne sa kaibigan. “Babalik na ba tayo kay Lolo?” tanong ni Selene saka tumingin sa kapatid. Napatingin naman si Julianne sa binata. Sino ba ang lolo nang dalawang ito at bakit parang gustong-gusto ni Selene na bumalik sila doon. “Not today. Let’s be patient, okay?” Wika ni Kristian saka kinusot ang buhok ni Selene bago bumaling kay Julianne. “Hindi ko alam.” Simpleng wika nang binata. Hindi naman sila tatanggapin sa mansion. At on the loose parin ang killer ni Chris. Kapag nalaman nitong buhay sila he might go after them. Siguro, dahil mga bata sila at walang kakayahan kaya naisip nitong buhayin sila knowing they would eventually die without support. Pero kapag nalaman nitong buhay sila. He might not waste a single minute para balikan sila at tapusin silang dalawa. “Balik kalye na naman tayo.” Wika ni Julianne. “SInabi ko na dati hindi ako mabubuhay sa kalye.” Wika ni Kristian saka inakay ang kapatid papalabas nang airport. Habang papalabas sila biglang natigilan si Kristian nang bigla silang salubungin nang tatlong lalaking naka uniporme nang pulis. Bigla namang napalunok nang laway si Julianne nang makita ang mga maawtoridad na lalaking nakatayo sa harap nila. Bigla siyang natakot. Huhulihin ba sila? Nalaman ba nang mga ito ang nangyari kay Don Gustavo? Nang mga sandaling iyon gusto niyang tumakbo dahil sa takot pero nang mapatingin siya kay Kristian napalitan ang takot na iyon nang pagtataka paano siyang nakakatitig nang derecho sa tatlo nang hindi kumukurap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD