Isang malaking engkwentro ang naganap sa pakitan nang mga pulis at isang grupo nang mga drug dealer. Nakatakas ang leader nang grupo ngunit malubha itong nasugatan. Nang dumating ito sa hide out nila sinalubong ito nang isang binata.
“Aldo anong nangyari sa iyo? Ang mga tauhan mo?” tanong nang binata at inalalayan ang lalaki.
“Minalas kami, isang set up ang lahat. Hindi totoo ang sinabi nang informant mo. Mga pulis ang naroon. Mabuti nalang at nakatakas ako. Sino naman kayang walang hiyang nagsabit sa akin. Wala naming ibang may alam nang operasyon na iyon kundi lang at si---” biglang natahimik na wika nito at lumingon sa isang lalaki sa likod nito.
“Aldo Hindi ako yun. Tapat ako sa iyo alam mo yan.” Wika nang lalaki at umatras.
“Kung hindi ikaw. Baka naman ikaw!” asik nito at bumalik sa binate.
“Oo baguhan ako sa samahang ito pero hindi ako traydor.” Ngumising wika nang binate.
“Kapag nalaman ko kung sino ang nagtraydor sa akin. TIyak na babalatan ko siya nang buhay.” Wika nito at iniwan ang dalawang binata. Nang umalis ang lalaki, agad din naming tumalikod ang binatang sumalubong kay Aldo kanina at naglakad palabas ngunit bago pa siya makalabas sinalubong ito nang lalaki.
“Sino ka ba talaga? Bakit ka sumali sa grupo naming? Simula nang dumating ka wala nangoperasyon ang natutuloy.” Wika nang lalaki.
“Sinabi ko na dati. Gaya mo rin ako. Huwag mong isisi sa akin kung palpak ang mga operasyon niyo. Hindi ko kasalanan kong mahihina kayo.” Wika nang binata at hinawi ang braso nang lalaki sa tuluyang lumabas. Nagkuyom naman nang kamao ang lalaki habang inihahatid nang tingin ang lalaki.
“Bantayan niyo ang galaw niya. Masyado siyang masekreto.” Inis na wika nang lalaki sa iba pa niyang tauhan. Magaling naman ang bagong salta, kaya lang hindi niya maiwasang hindi magtaka masyado itong malihim at hindi nakikihalo-bilo sa kanila para bai tong may sariling mundo. Kaya naman nagdududa siya.
Ilang beses na niya itong sinubakan ngunit napapatunayn nito na mali ang mga hinala niya. Hindi niya alam kung talagang mapanghusga lang siya o magaling lang magtago ang lalaki.
***
Nagkakagulo sa isang mall dahil tinutugis ng mga pulis ang isang suspect ng sunod-sunod na nakawan sa mga kilalang bangko. Nakaabang sa labas ng mall ang mga SWAT members habang ang dalawang police officer ang siyang humahabol sa suspect. Umabot ang habulan sa pangatlong palapag. Ngunit hindi nagpahuli ang mga lalaki. Nagsitakbuhan pa ang mga ito palabas nang mall. Nang palabas ang mga ito nang mall, nakabangga nila ang binatang papasok.
“Tabi-Tabi.” Wika nang isang officer na nahumahabol sa mga lalaki. Umiwas ang binata sa daan upang bigyan nang maraanan ang officer. Nakita niyang tumalon ito patungo sa isang lalaki. Dahilan upang madaganan nito ang isang lalaki.
Nakita nang binata na walang humahabol sa isang lalaki kaya naman agad siyang kumilos upang harangin ito. Nakita nang officer na nagpambuno ang dalawa. Magaling makipaglaban ang binate at hindi manlang umobra ang lalaki sa binata. Bumulagta ang lalaki sa lupa nang walang malay. Lahat nang nakakita nag palakpakan dahil sa galing nang binata. Maging ang officer na nakadagan parin sa isa pang suspect ay labis din ang panghanga sa lalaki. Hindi na niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang binata. Doon lang niya iyon napansin nang kunin nito ang posas sa likod niya at muling nalakad palapit sa walang malay na lalaki. Ikinabit nito ang posas sa isang kamay nang lalaki at sa bente nito upang hindi ito makatakas.
Tumayo naman ang officer at itinayo ang nahuling lalaki.
“Salamat sa tulong mo Mr. I think I can take it from here.” Wika nang officer.
“Magaling ka kaya lang hindi ka dapat nag iisa sa mga ganitong operasyon.” Wika nang binata. “Masyadong maliit ang katawan mo. Sa tindig mo mapagkakamalan kang babae. Pero magaling ang ginawa mo. Tutoy.” Wika nito at tinapik ang braso nang officer saka naglakad palayo ditto. Hahabulin pa sana nang officer ang binata kaya lang bigla itong nawala mula sa kumpulan. Sakto naming dumating ang mga kasamahang pulis nang officer.
“Pasensya na ngayon lang kami. Ito kasing si Julius. Kukuha nalang nang Kotse karagkarag pa. Tuloy nasiraan kami.” Wika nang isang babae na dumating kasama ang isang lalaking naka uniporme din.
“Kaya pumapangit ang reputasyon nating mga pulis dahil sa parating huli nating pag responde sa mga ganitong pangyayari.” Inis na wika nang officer saka itinulak ang holdapper sa lalaki. Agad naming sinalo nang lalaki ang holdapper at nilagyan nang posas.
“Talagang ang galing niyo. Biruin mo nahuli mo ang dalawang yan nang ikaw lang mag isa.” Anang Babae.
“Hindi ako mag-isa may isang antipatikong tumulong.” Inis na wika nito saka naglakad patungo sa isa pang lalaki.
“Kasalanan mo to. Kung hindi ka sana palpak. E di sana hindi mainit ang ulo niya ngayon.” Wika nang babae sa lalaki.
“Kasalanan ko bang pinakialaman ni mamo ang kotse ko.” Wika ni Julius.
“Sige magdahilan ka pa. Makakatulong yan saiyo.” Wika ni Babae.
Bumalik sa presento ang tatlong pulis kasama ang 2 holdapper na nahuli nila.
“Aba, may huli ka na naman ngayon Ah.” Salubong nang isang pulis sa kanila. “Ano naman ang naitulong niyong dalawa?” tanong nito sa dalawang kasama nang officer.
“Kapag hindi ka tumahimik sasamain ka sa kin.”wika ni Julius.
“Bago uminit iyang pwet niyo. Pinatatawag kayo ni Col, Sanchez. Kanina pa niya kayo hinihintay.” Wika nito. Hindi naman sumagot ang tatlo at agad na pumaosk sa opisina nag hepi nila.
Nang makapasok sila, sinabi sa kanila nang colonel na kasali silang tatlo sa isang entrapment operation na pamumunuan nang Armed forces and SWAT team. Isa iyong joint operation upang hulihin ang isa sa malaking sindikato nang illegal drug and smuggled Firearms. Ito rin ang unang kasong makakasama sila maliban sa paghuli nang mga holdapper at bank robber.
Sa isang pier gaganapin ang entrampment operation. Isang contact mula sa loob nang sindikato ang nagsabi sa kanila sa lugar at oras. Kasama ang miyembro nang SWAT pumuwesto sila sa lugar kung saan hindi sila makikita nang mga huhulihin nila. Dumating ang mga sasakyan sa pier. Sakay nang mga ito ang leader nang mga sindikatong huhulihin nila. Habang nakamasid sila nakilala nang officer ang isa sa mga binatang kasama nang Leader nang isang sindikato. Ito yung binatang mayabang na tumulong sa kanya na mahuli ang suspect. Napa singhap pa siya nang makilala ito. Nang magsimulang mapalitan nang epektus ang mga sindikato saka naman sila umaksyon. Nagsilabasan mula sa pinagtataguan nila ang mga SWAT members dahilan upang mapalibutan ang mga lalaki. Hindi alam nang lalaki na ang ka negosasyon niya ay miyembro din nang Police. Nahuli ang lahat nang miyembro nang grupo maliban na lamang sa isang lalaki.
“Bakit?” tanong niJulius nang mapansin na tila may hinahanap ang kasama niya.
“May nakatakas.” Wika nito.
“Anong nakatakas? Paano siya makakatakas eh, napapalibutan natin sila. Baka naman namamalikta ka lang. Nahuli natin lahat nang miyembro nang grupo nila.” Ngunit hindi mapakali ang officer talagang Nakita niya ang lalaki kanina. Ngunit paanong bigla na lamang itong nawala.
Habang abala ang SWAT sa pagsakay nang mga nahuli nilang sindikato. Pasimple naming lumayo ang binata. Walang nakapansin sa kanya dahil sa dami nang mga SWAT nanaroon. Naglakas siya patungo sa isang Itim na kotseng nakaparada sa di kalayuan. Bumaba mula sa kotse ang isa pang Binata.
“May nakakilala ba Saiyo?” tanong nito sa kanya.
“Hindi nga ako nakilala ni Aldo, Ang mga pulis pa kaya. Mabuti pa umalis na tayo ditto bago nila mapansin na may nawawala.” Wika nang binata at sumakay sa kotse.
“Hindi ka kaya manganib kapag nalaman nilang ikaw ang assest nang gobyerno sa loob nang mga malalaking sindikato. Alam mong malaking sindikato ang binangga mo.” Wika nang binata at Sumakay sa kotse.
“Gusto mo bang dumiretso sa headquarters o sa bahay niyo?” Tanong nito saka tumingin sa binata.
Nakita niyang napasandal sa headboard nang upuan si Kristian bakas sa mukha nito ang labas na pagod marahil dahil na din sa misyon nito habang isinasabay ang paghahanap sa nawawalang kapatid.
“Gusto ko munang magpahinga sa bahay na tayo.” Wika ni Kristian sa kaibigan.
“All right. Tiyak nag-aalala na din si Selene saiyo ngayon. Ilang araw ka na ring hindi masyadong nagpapakita sa bahay dahil sa assignment na ito.” Wika ni Julianne saka nagsimulang paandarin ang sasakyan. HInayaan na lamang niyang matulog ang kaibigan.
“How is she?” Tanong ni Kristian at ipinikit ang mga mata.
“She's fine. But it seems like she is strange these days.” Wika ni Julianne habang nagmamaneho. Nang marinig ni Kristian ang sinabi nang kaibigan bigla niyang iminulat ang mga mata niya.
“Strange?” Tanong ni Kristian.
“See for yourself. Mas kilala mo ang kapatid mo.” Wika pa nang binata.