Guardians

1537 Words
Bulag ka ba?!” Asik nang isang babae kay Selene nang tumama siya sa lalaking nasa harap niya. Napahawak si Selene sa noo niya na tumama sa matigas na bahay. Nang mapatingala siya Nakita niya ang baseball bat na hawak nang lalaking na bangga niya. Doon tumama ang ulo niya. Nang mapatingin si Selene sa nabangga niya. Nagtama ang mata nila. Bigla siyang natigilan the moment their eyes meet. At the same time. Tila parang mga eksena sa pelikulang nagflash sa isip niya ang mga kakaibang eksena. Dahil sa takot niya bigla niyang tinakpan ang maa niya. Bukod doon pakiramdam niya nasusunod sa init ang mata niya. Ngayon lang nangyari ito at hindi niya maintindihan ang dahilan. “Hey. Are you okay?” Nag-aalalang tanong nang Binatang nasa harap niya saka hinawakan ang kamay niya. Ngunit nang hawakan nang lalaki ang kamay niya tila naman nakuryente si Selene at alam niyang hindi lang siya ang nakaramdam noon dahil mabilis na inagaw nang binata ang kamay nito sa kamay. Simpleng tumingin si Selene sa binata saka mabilis na tumakbo papasok sa University. “Abat---” habol nang isang babae nang walang pasabing umalis ang dalaga. Ang binata naman na nabangga si Selene ay napatingin sa dalagang nagmamadaling tumakbo saka napatingin sa kamay niya. Saka muling tumingin sa dalaga. “Who was that?” tanong nang isang dalaga. “Who knows. Baka isa na namang tatanga-tangang freshman.” Wika nang babae saka bumaling sa binata. “Are you okay Hunter?” tanong nang dalaga sa binata. “I wasn’t hurt.” Wika nang binata. “Pasensya kana sa mga ganoong freshman. Marami talagang ganyan dito. Hindi siguro nila kilala kung sino ka.” Wika pa nito. “It doesn’t matter.” Wika nang binata saka naglakad papalayo. “Wait for us. Saan ka pupunta ngayon?” tanong nang dalaga saka hinabol ang binata. “Jobs.” Simpleng wika nang binata. “Jobs? Kailangan mo pa ba noon?” “It’s different.” Wika nang binata saka lumapit sa isang big bike. Lahat napamangha nang pinaandar nang binata ang motor at umalis. Lahat nakatingin lang sa Binatang papaalis habang hindi maiwasng hindi humanga sa binata. **** I ’m here!” wika ni Kristian na pumasok sa isang truck. Sa loob noon naghihintay si Julianne at isa pang lalaki. Sa loob nang truck ay mga monitor at computer system. Abala naman ay isang lalaki sa pagmomonitor nang mga CCTV footage na nasa monitor sa loob nang truck. “Natagalan ka ata.” Wika ni Julianne sa kaibigan. Nakita niyang tinanggal ni Kristian ang neck tie nito at tinanggal ang coat. Saka lumapit sa monitor. “Kumusta si Selene. Wala bang nangyaring kakaiba sa school niya ngayon?” Tanong nito. “Wala naman.” Wika nito. “Kumusta ang target?” Tanong ni Kristian saka tumingin sa monitor. Sa loob nang Empire building ang footage nang CCTV sa montor. Kung saan ginaganap ang isang convention. Sa paligid nang convention hall may mga lalaking naka item na suit na nagbabantay. At may mga pulis din. “So far, everything is peaceful.” Sagot naman ni Julianne. “But the police force is a bit furious dahil sa additional assistance from the Guardians.” Nakangiting wika ni Julianne. “Mukhang umuusok na naman ang ulo ni General Guillermo sa galit. Even, Inspector Lance Guillermo is furious. As the head of the police security team assigned hindi maganda sa pride niya ang assistance nang Guardians.” Nakangiting wika ni Julianne. “Hayaan mo siya.” Wika ni Kristian. Ang Guardians na tinutukoy ni Julianne ay ang special task forces na binuo nang special action force at armed forces. Kabilang sila ni Kristian sa task force na iyon. Hindi lang kilalang mga abogado ang dalawang binata, They are also part of the armed forces. And special force. Twelve years was enough for them to accomplished both. “And guardian continues to become the archenemy of the police force when it comes to public security. Iniisip nilang inaagawan natin sila nang papel.” Wika naman ni Julianne. Hindi naman umimik si Kristian. “Sir! Meron tayong problema sa likod nang convention hall.” Wika nang lalaki na nasa monitor. “Zoom in!” wika ni Kristian at lumapit sa lalaki. Agad namang inaccess nang lalaki ang camera na nasa likod nang convention at pina zoom in ang image doon. Nakita nila ni Julianne na isa sa kanilang mga miyembro ang nagkakaroon nang palitan nang salita sa isang SWAT member. Nakita din nilang hinawakan nang lalaki sa kuwelyo ang SWAT team. “What is that punk doing?” pigil na inis na wika ni Kristian. “Give me his name and send Zamora to get him out of there.” Wika ni Kristian “I don’t want any undiscipline soldier in my team.” Wika ni Kristian. “Aye Sir.” Wika nang lalaki at may pinindot sa computer ilang Segundo pa nasa linya na nito ang lalaking tinawag ni Kristian na Zamora na isa rin sa mga miyembro nang guardian. Nakita nila itong lumapit sa SWAT at sa lalaking miyembro nang guardian saka inawat ito at inilabas sa hotel. Ngunit bago pa man makalabas ang dalawa Nakita nilang sinalubong ni Lance ang mga lalaki. Nakita nilang galit na galit si Lance at itinutok ang baril sa mga tauhan nina Kristian. “Sir.” Wika nang binata saka humarap kay Kristian at Julianne. Habang pinapanoon ni Kristian ang footage bigla siyang napakuyom nang kamao. Hindi niya alam kung anong nangyari. Ito ang unang beses na nagkaroon nang confrontation ang Pulis at ang grupo niya. “Bago siyang recruite sir, kaya naman hindi pa siya sanay sa mga confrontation nang pulis force.” “Wait. Sino naman ang isang yan?” Biglang tanong ni Julianne nang Makita ang isang lalaking naka suit na lumapit kay Lance at sa dalawang miyembro nila. Nakita nilang kinausap nito sa Lance. Ilang sandali pa ibinaba nito ang baril saka hinayaang makalabas ang dalawang miyembro nang guardian. “Send that guy sa headquarters. I will personally talk to him when this job is done.” Wika ni Kristian. “Yes Sir.” Wika nang lalaki saka inutusan si Zamora na dalhin sa Guardian headquarters ang lalaki. Natapos ang kanilang trabaho bilang escort and security nang emissary political representative mula sa England. Naging tahimik naman ang pagbisita nang mga ito sa bansa. Matapos ang kanilang convention sa Empire hotel kasama ang Presidente nang bansa ay dumiretso na ang mga ito sa airport para makabalik na sa kanilang bansa. “Good work everyone. The mission today ended successfully. Nakabalik sa bansa nila nang ligtas ang envoy nang England.” Wika ni Kristian sa mga tauhan nila nang maka balik sila sa Headquartes. Nakahilira sa harap nila ang mga guardian na nag participate sa misyon. “However.” Wika ni Kristian saka bumaling sa lalaki na dumating kasama si Zamora. “I don’t understand why we have to entertain a fight with the police force. We have the same mission as them. Do you have a reason? I am all ears.” Tahimik lang ang mga miyembro nang Guardian habang nakatingin sa kanilang pinuno. “Wala akong ibang dahilan sir. Hindi lang gustong minamaliit nila ang trabaho natin. Isang marangal na trabaho ang maging miyembro nang Guardian. The police force did not accept me and I can only do my job as a peace enforcer by -----” “May rason naman pala siya. Hindi mo na kailangang maging istrikto.” Wika ni Julianne saka umakbay sa kaibigan. Inis namang napatingin si Kristian sa kaibigan saka nagtaas nang kamay at umatras. “I appreciate you by taking pride in doing that. At alam mo naman siguro ang batas natin?” tanong ni Kristian. “Hindi ka isang sundalo para kalabanin ang mga pulis. Hindi sila ang kalaban natin.” “Yes Sir.” Sagot nito. “Good. You will be off duty for 3 days. Use that time to reflect on your actions. May be next time you can extend your patience.” Wika ni Kristian saka bumaling sa iba pa niyang miyembro. “Let’s call it a day.” “Aye Sir.” Sabay-sabay na wika nang mga ito saka isa isang umalis sa bulwagan. Nang makaalis ang mga tauhan nil ani Julianne napabuntong hininga nang Malaki si Kristian. Ngayon lang nagkaroon nang ganitong encounter ang grupo nila at ang grupo nang mga pulis. “Well, you can’t hide this from your family for life, you know. Darating ang panahon malalaman nila na ikaw ang pinuno nang Guardian na pinakakinaiinisan nila.” Wika ni Julianne sa Kaibigan. “I know that.” Mahinang wika ni Kristian. Ginawa niya ang lahat upang hindi ma involve sa pamilya nila. He tried his best na maging tahimik ang buhay nila lalo na nang kapatid niya. Hindi niya gustong magulo ang buhay nang ito. “I guess, wala naman sigurong dahilan upang matakot ka sa pwede nilang gawin. You have established your name on your own. You can face them head on.” WIka ni Julianne sa kaibigan. “This is the very reason kung bakit siniguro mong makikilala ka at ang task force guardian, right?” wika ni Julianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD