“Tama ang hula ko. Ikaw ang magiging susi upang muling magbalik ang dating Achellion na Kilala ko.” wika nito at hinawakan ang kamay ni Aya saka sapilitang itinayo.
“Gusto mo bang makita kung anong klaseng nilalang siya?” Wika nito sa kanya.
“Bakit Na tatakot ka?” tanong nito sa kanya. Nang maramdamang nanginginig siya.
“Natatakot ka dahil alam mong katulad ko rin si Azrael isang masamang nilalang. Isipin mo, siya si Kamatayan ang kinatatakutan nang mga mortal. Isang masamang balita.” Iyon ang tawag niyo sa kanya hindi ba?” wika nito sa dalaga.
Hindi mo siya katulad!” asik ni Selene. Hindi siya masama. Bilang isang mortal, may mga naririnig siyang mga kwento tungkol sa kamatayan, Sa mga kwento the angel of death is portrayed as a scary being. Kinatatakutan. But looking at Hunter knowing him. Alam niyang hindi ganoon si Hunter. Hindi ganoon ang Hunter na nakilala niya. Isang matapat at mabait na binata. Maybe he is a little arrogant, but he is not a bad person. At isang kaibigang handa siyang ipagtanggol tuwing nasa panganib siya. Naniniwala siyang kahit isa siyang anghel nang kamatayan gaya nang sabi nang nilalang sa harap niya. He is different. Hindi ito masama gaya nang iba.
Nang tumitig ang lalaki sa kanya napansin nito ang pearl niyang kwentas lihim na ngumisi ang lalaki. “He will kill you. The same way that he gave you, his life.” Sakristong ngumiti ang lalaki. Dahil sa sinabi nito napuno nang takot ang loob ni Selene narinig na niya ang sinabi nito kanina. Kung totoo ang sinabi nito talagang dapat siyang matakot. Would Hunter really kill her?
“Hunter! Tumakas ka na!” sigaw ni Selene.
“Narinig mo yun Azrael? She is asking you to leave. Nais ka niyang iligtas. Sa kabila nang katotohanang isang araw ikaw ang tatapos sa buhay niya. Hwag kang mag-alala. Isusunod ko siya kapag natapos na ako sa iyo.” Wika nito kay Azrael. Nakikita nang dalaga na nakikipaglaban si Hunter sa lalaki. Ngunit makikita rin na wala itong laban sa lakas ng lalaki.
“Hunter!!” wika ni Selene ng makitang tumilapon ang binata at tumama sa isang puno. Itinukod pa niya ang mga kamay sa lupa upang hindi tuluyang mawalan nang balance. Ni hindi pa nakakabawi ang binata ng bigla ulit siyang sinugod ng lalaki sunod-sunod na mga tama ang tinanggap ng binata. All of them was fatal blows. Kung ang katawan niya ay katawan ng isang mortal tiyak ni Hunter na kanina pa siya gutay-gutay.
Napahawak ng mahigpit si Selene sa kwentas niya habang pinapanood ang binata na nakikipaglaban sa lalaki. Muling bumagsak ang binata sa lupa. Kahit na anong gawin niya para i-balanse ang sarili at tumayo hindi na makaya ng katawan nito ang labis na bugbug.
“Hindi mo kayang kontrolin ang kapangyarihan mo. kaya paano mo ililigtas ang buhay niya?” wika nang lalaki kay Hunter. “Subalit mas Mabuti siguro na huwag mo nalang iligtas ang buhay niya. Dahil, ikaw rin naman ang papatay sa kanya.” Napatingin si Hunter sa lalaki. Wala bang ibang paraan? Bakit ganito na siya kahina ngayon? Kung iisipin lang niya na wala siyang magagawa para mailigtas si Selene talagang wala siyang magagawa. Kailangan niyang subukan kahit maliit lang ang porsyento na pwede siyang Manalo o makaligtas sa mga sandaling iyon.
“Wala akong panahong makinig sa mga kalokohan mo!” usal ni Hunter.
Nakita ni Selene na susugurin ng lalaki si Hunter. Wala namang ibang magawa ang binata. Hindi na niya kayang itayo ang sarili para lumababnpa. Hanggang doon na lamang ang abot ng lakas niya?
Nakikita ni Hunter na papalapit sa kanya ang espada nang lalaki. Kaya naman niyang sanggain iyon kaya lang wala na siyang lakas. His own strength has failed him.
“Hunter!” narinig ni Hunter ang Tawag ni Selene sa kanya. Bigla siyang nagmulat ng mata ng marinig ang boses ng dalaga na malapit sa kanya. Nang makita niya ang dalaga nasa harap na niya ito. Agad niyang napansin ang mga galos sa braso nito. Sanhi ng magpumilit nito na umalis mula sa harang kung saan ito nakakulong.
Nang iniwan ito nang lalaki para harapin si Hunter Ikinulong nito ang dalaga sa isang force field. Hindi isang ordinaryong force field ang pinagkulungan nang dalaga dahil. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad sa saklolohan ni Selene ang binata. Naisip ni Hunter kanina na Mabuti nalang at nilagyan nang harang nang lalaki si Selene, it should prevent her from falling off the cliff.
“Selene.” Mahinang wika ni Hunter. Nakangiti pa ito sa kanya kahit na may mga sugat ito. Sa palagay niya she is assuring him that it’s okay to be okay.
“You are no longer calling me Kiddo.” Nakangiting wika nang dalaga. Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Selene. Sa ganitong sitwasyon nakuha pa nitong mapansin ang tinawag niya dito. Or she is doing that para din ma relax siya. Puno nang tension ang paligid at parang pinanghihinaan na din siya.
“Matutulog ka nalang ba Diyan?” nakangiting wika ni Selene. Agad na napansin ni Hunter ang lalaki na nasa Ere at pasugod sa kanila. Agad niyang kinabig ang dalaga at ginawang pananggalang ang sarili. Nabigla pa si Selene dahil sa ginawa nang binata ngunit mas lalong nagulat si Selene sa sunod na nangyari. Hindi silang nagawang matamaan nang atake nang lalaki dahil sa Liwanag na biglang bumalot sa kanila. Nag mistula itong isang shield para protektahan sila. Bigla namang napaatras ang lalaki nang makita ang liwang tila nagulat din ito sa nangyari. Nang makabawi mula sa pagkakabigla isang malakas na tawa ang pinawalan nang lalaki. Saka tumingin kay Hunter at sa dalaga.
“Azrael. Talagang ginugulat mo ako.” Wika nito. Taka namang napatingin si Hunter sa lalaki. “Ma swerte ka ngayon. Kung kaya mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo. Saka tayo magharap. Nagiging interesante ang mga pangyayari. Magkikita pa tayo ulit Kaibigan.” Wika nito at biglang nalaho.
“Hunter!” gimbal na wika ni Selene nang bilang nabuwal sa lupa si Hunter. Masyado itong nabugbug at naubos ang lakas. Napatingin siya sa binata. Nakapikit ito habang nakahilata sa lupa.
“Hey!.” Wika ni Selene at tinapik ang mukha nang binata. ngunit malalim ang tulog nito. makikitang labis itong napagod at bukod doon marami din itong sugat. Hindi na nagawang gisingin ni Selene ang binata. “Ngayon mo pa nagawang matulog. Hindi ba tayo uuwi muna?” wika ang dalaga na napatingin sa likod niya. Sila nalang ang tawo sa lugar na iyon.
“Oy, Hunter.” Wika nang dalaga saka inalog ang braso nang binata. Ngunit hindi naman ito nagising. Bigla siyang napahawak sa braso nang binata nang biglang umiihip ang malamig na hangin. Bukod sa lalaking nakakatakot kanina ang mga ispiritu din sa paligid ang kinatatakutan niya. Kaya siya agad na napahawak sa braso nang natutulog na binata.
“Bakit naman ditto mo naisip matulog.” Wika ni Selene sa binata saka napatingin dito. “Oh well. Mukhang pagod ka. I’ll give you one hour to rest.” Wika nang dalaga na napahigpit nang hawak sa braso nito. Natatakot siya sa paligid pero anong magagawa niya. Hindi naman niya pwedeng iwan si Hunter sa lugar na iyon matapos nitong ibuwis ang buhay para sa kanya.