Hindi pa umuwi si Selene?” gulat na wika ni Kristian nang dumating sila sa bahay nila at sinabi ni Aurora na hindi pa dumarating ang dalaga. Tumawag na siya sa University at sinabing maaga naman daw umalis ang dalaga.
“Hindi naman ugali ni Selene na umalis nang hindi nagpapalam.” Wika pa ni Aurora. Ayaw niyang sabihin nab aka may nangyayaring masama sa dalaga dahila kutang-kuta na sila sa mga nangyayaring masama sa kanila. Baka magwala na talaga si Kristian kapag nakidnap na naman si Selene.
“Hindi ka ba niya tinawagan?” Tanong ni Julianne kay Kristian.
“Hindi.” Wika ni Kristian hindi niya gusto ang pakiramdam na ito. Bakit parati nalang nangyayari ito sa kapatid niya. Hindi na ba matitigil ang mga masamang nangyayari?
“Lalabas ako para hanapin siya.” Wika ni Kristian Hindi siya mag hihintay lang sa bahay nila sa kung anong balitang darating.
“Saan mo naman siya hahanapin ngayon?” Habol ni Aurora sa kaibigan. Alam niyang labis ang pag-aalala nito kahit siguro hindi nito alam kung saan mag sisimula talagang hahanapin nito ang kapatid. Kahit saang sulok siguro nang mundo pupuntahan nito para lang hanaping ang kapatid niya.
“Bahala na.” wika ni Kristian at lumabas nang bahay.
“I’ll Go with you.” Wika ni Aurora dahilan para tumigil si Kristian.
“Stay here. Baka dumating si Selene. Mas mabuting may tao dito.” Wika nang binata.
“Akon ang sasama.” Wika ni Julianne saka lumabas para Samahan si Kristian para hanapin si Selene. Para ulit silang bumalik sa gabing hinanap nila si Selene sa labas nang fast food chain kung saan ito iniwan ni Kristian nang habulin nito sina Julianne na umagaw nang bag niya.
“Close the door. Tawagan mo ako kapag dumating si Selene.” Wika ni Kristian sa dalaga. Tumango naman si Aurora saka inihatid nang tingin ang dalawang Binatang papaalis. The way he reacts talagang hindi maikakaila ang labis napagaalala ni Kristian at pagmamahal sa kapatid. Kahit lumaki silang walang magulang. Naiisip ni Aurora na, nakakaingit ang magkapatid. Silang dalawa lang pero makikita mong nasa likod nila ang isa’t-isa. Kristian would never allow anything bad to happen sa kapatid niya. Habang siya. Halos ipagtulakan nang pamilya niya sa ibang tao.
***
Napaungol si Hunter nang maramdaman ang init na tumatama sa mukha niya. nang magmulat siya nang mata napansin niya ang araw na pasikat. Nabaling naman ang atensyon niya sa dalagang nakaupo habang natutulog. Nakahilig ang ulo nito sa bato habang siya naman ay nakahiga sa mga hita nito. Mukhang nakatulog ito habang binabantayan siya. Napatingin siya sa kamay nito na mahigpit na nakahawak sa sleeve nang damit niya.
Silly girl. Ngumiting wika ni Hunter at inayos ang buhok ni Selene na nakatakip sa mukha nito. Napansin ni Hunter ang mga galos sa braso nang dalaga. dulot ito nang sapilitang pagtakas nang dalaga mula sa force field.
“Hunter.” Gulat na wika ni Selene nang magmulat nang mata. Nahuli niya ang binatang nakatitig sa mga mata niya. “Okay ka na?” tanong nang dalaga sa kanya.
“Seriously.” manghang wika ni Hunter. Saka bumangon.
“Huh?!” gulat na singhap ni Selene saka sinundan nang tingin ang Binatang tumayo. Hindi niya maintindihan ang sinsabi nito.
“Mabuti pang bumalik na tayo Tiyak nag-aalala na ang kuya mo.” wika ni Hunter. Saka inilahad ang kamay sa dalaga. Tumango lang si Selene at inabot ang kamay ni Hunter. Nang makatayo ang dalaga napatingin siya sa araw na sumusikat. Mula sa kinatatayuan nila nakikita nila ang araw. It was a very beautiful sunrise. Iyon ang nasa isip nang dalaga. Matapos ang nangyari nang nakaraang gabi. Mukhang sinakubong sila nang araw na ito. it' a new day.
Bago sila umalis. Pinanood muna nila ang pagsikat nang araw. Habang nakatingin sila sa araw. Para bang ang nangyari noong nakaraang gabi ay parang isang masamang panaginip. Alam ni Hunter na nagsisimula pa lang sa araw na iyon ang maraming mga laban nila. May iba pang mga fallen angel na nasa paligid. With than man, showing ibig sabihin lang Hindi magiging tahimik ang buhay niya. Alam na nang mga ito na nasa mundo siya nang mga mortal. Hindi niya alam kung anong kailangan nang mga ito sa kanya. Pero mukhang nadamay na si Selene sa gulong ito. Tiyak na hindi na siya titigilan nang mga ito. Ganoon din si Selene. Mauulit ang ganitong pangyayari.
“May Iniisip ka ba?” tanong ni Selene nang mapansin ang seryosong mukha ni Hunter. Kahit sa sumisikat na araw siya nakatingin nararamdaman niya na tila seryoso ang binata. Baka iniisip nito ang mga nangyari nang nakaraang gabi.
“I was just thinking. The next time that you save my life. Don’t.” wika ni Hunter At tumingin sa kanya.
“Anong---” takang wika ni Selene at napatingin sa binata. Bigla siyang natigilan. Ang nangyari ba noong nakaraang gabi ang tinutukoy nito? Ngunit nais lang naman niyang iligtas si Hunter. And before she realize it, kumilos na nang kusa ang katawan niya. Wala naman siguro siyang masamang ginagawa.
“I’m Sorry.” Mahinang wika ni Hunter ngunit sapat upang marinig ni Aya.
“Bakit ka humihingi nang tawad. Iniligtas mo---”
“I can’t control my powers. I don’t even know how to----. I am not confident. Baka isang araw. Ako mismo ang makasakit sa iyo. It can’t be help.” Wika ni Hunter na nakatitig sa kanya. Iniisip niya. He is the angel of death. Tagasundo. But he goes against his nature by saving her life. At kung totoo ang sinabi nang lalaki nang nakaraang gabi. Ang buhay na ibinigay niya kay Selene. Siya din ang babawi noon.
“Hindi mangyayari yun.” Wika ni Selene. Narinig niya ang sinabi nang lalaki nang narakaraang gabi. At sa totoo lang hindi pa nag si-sync in sa utak niya lahat nang sinabi nito lalo na ang sinabi nitong si Hunter ang nagbigay nang buhay niya. Hindi niya alam kung anong nangyari noon. Kung utang man niya kay Hunter ang buhay niya ngayon. Siguro, may Karapatan itong bawiin ang ibinigay nito. Kahit papaano sa loob-loob niya hindi ang tulad ni Hunter ang basta-basta nalang papatay para sa pansariling kapakanan. Para ano pa at tumutukong ito sa mga Gawain nang mga sundalo. He is good in what he is doing.
“Parati mo akong inililigtas. Hindi ako naniniwalang masama ka gaya nang iba. At kung darating man ang panahon na maisipan mong bawiin ang ibinigay mo. Sino naman ako para---” Wika ni Selene.
“Silly Kid.” Wika ni Hunter na pinutol ang ibang sasabihin nang dalaga at pinitik ang noo nito.
“Hey!” angal nang dalaga saka napasapo ang noo niya.
“You are blabbing nonsense.” Wika ni Hunter saka tumingin sa araw. “I never once, thought I regret saving you that day. I want to regain my powers, yes.” Wika nang binata saka tumingin sa dalaga. “But I will find a way that does not including killing you. I am the angel of death. For sure there is another way to to both save you ang get my powers.” Wika ni Hunter sa dalaga at bahagyang ngumiti.
Napatingin lang si Selene sa binata. Hindi niya alam pero parang ang Liwanag nang araw na tumatama kay Hunter ay nagbibigay nang kakaibang kinang sa binata sa paningin niya. And there goes her heart. It is racing dahil ba sa sinabi nang binata? Hindi niya alam. Was it also the sun’s rays na nagpapainit sa mukha niya? Hindi niya alam.
Napatingin lang si Selene sa binata. Hindi niya alam pero parang ang Liwanag nang araw na tumatama kay Hunter ay nagbibigay nang kakaibang kinang sa binata sa paningin niya. And there goes her heart. It is racing dahil ba sa sinabi nang binata? Hindi niya alam. Was it also the sun’s rays na nagpapainit sa mukha niya? Hindi niya alam.
“Selene!” nag-aalalang wika ni Kristian nang Makita ang kapatid niya sa labas nang building nang condo nila nakalawang balik na sila ni Julianne ngunit hindi pa rin bumabalik si Selene. Hindi siya matahimik sa condo nila kaya naisip niyang muling lumabas para hanapin ang kapatid. Saktong papalabas sila nang makasalubong sina Hunter at Selene.
Buong magdamag nilang hinanap ang dalaga ngunit nabigo sila. Nang Makita niya ang kapatid agad niya itong niyakap. Napansin din niya ang mga galos nito sa kamay at binte. Napatingin naman si Julianne sa binata. Wala itong sugat pero may mga punit ang sunod na damit.
“Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Kristian. “Saan ka nag punta? Magdamag ka naming hinanap.” Wika pa nito.
“BRAT! Ano na naman ang pinasok mong gulo at bakit pati si Selene dinamay mo.” Galit na wika ni Julianne at agad na hinawakan sa kuwilyo ang binata.
“Kuya Julianne!” wika ni Selene saka hinawakan ang braso nang binata saka inalis mula sa pagkakawak sa kuwilyo nang damit nang binata saka humarang kay Hunter.
“He saved me. If there is. Magpasalamat pa tayo sa kanya.” wika ni Selene. Hindi niya alam kung bakit pero mainit ang dugo nito sa binata.
“Paano mo ipapaliwanag ang mga galos mo habang siya walang ni----”
“That’s enough Julianne.” Wika ni Kristian saka tumingin sa binata. “Thank you.” Wika ni Kristian. Hindi naman makapaniwalang tumingin si Julianne sa kaibigan niya.
“Hindi ko maintindihan pero parang okay lang saiyo na parating nakadikit kay Selene ang brat na to. Bad luck happens if he is around.” Wika ni Julianne. “Hindi mo ba napansin tuwing may nangyayaring---”
“Kuya Julianne.” Biglang agaw ni Selene. “He is not a bad person. Alam mo yan. Bakit ba ang init nang dugo mo sa kanya.” wika ni Selene.
“I just don’t like him.” Bumuntong hininga na wika ni Julianne.
“The feeling is mutual.” Wika ni Hunter. Si Selene at Kristian naman ay nagkatinginan saka napailing.