“Sen. Manuel Villafuerte? Paano ka nakalabas.” gulat na wika ni Julianne nang nakilala ng boses nang nasa kabilang linya napatingin Naman si Kristian sa kaibigan niya.
“Talagang iba ang may kapangyarihan eh no, kaya mong baliktarin ang resulta. You should be rotting in jail.” Wika pa ni Julianne.
“Ito ang pinagkaiba natin. May kapangyarihan ako at kaya kong paikutin ang lahat sa kamay ko.” Wika pa nito. “Pasensya kana Atty. Edwards. Inanyayahan ko lang sandali ang kapatid mo. Kung gusto mo siyang muling Makita ng buo. Papayag ka sa palitan na ihahayag ko. Si Elmer kapalit ng kapatid mo.” Wika nito.
“Nahihibang ka ba? Criminal ang anak mo bakit namin siya ibibigay?” Asik ni Julianne. Hindi siya papayag na makalaya ang krimina hinuli nila. ilang buwan din nilang sinundan si Elmer Gomez noong nasa Surveillance team pa sila.
“Kung ganoon. Ihanda niyo na rin ang sarili niyo sa pagkawala nang kapatid mo Atty. Edwards. Nakakapanghinayang matalino ang batang ito. And I find your sister pretty interesting. I might enjoy her company as well, bago ko siya ipadalang malamig na bangkay sa inyo.” Anang Senador. Napatiim bagang naman si Kristian at napakuyom nang kamao.
****
Hindi ba tama ako isang magandang baraha ang hawak ng ama ko.” Wika ni Elmer. Pinuntahan nila ito sa presinto kung saan nila ito dinala. Naiinis si Kristian na makita ang mukkha nang lalaki lalo na at naalala niyang nasa panganib ang kapatid dahil ditto. Hindi napigilan ni Kristian ang gigil niya. Dahil sa inis nang sinuntok niya ng suspek kasunod ang pagtutuk ng baril sa ulo nito. Nagulat sina Meggan sa ginawa ng Leader ila.. Ngayon lang nila nakitang nagwawala ang dating cool headed at kalmadong binata. Ito ang pangalawang beses na nakidnap si Selene. Natawa lang si Elmer sa ikinilos ng binata. Sargo ang dugo sa labi nito pero nagagawa pa nitong tumawa.
“Kapag pinatay mo ako. Sinisiguro ko sa iyo na katapusan na rin ng pinakamamahal mong kapatid.” Ani Elmer.
“Aba talaga naman!” ani Julianne at binuhat ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak sa kuwilyo ng damit nito.
“Stand down both of you!” inis na wika ni Hunter. “Let him go. Atty Ramirez.” Anito kay Julianne. Napatiim bagang si Julianne saka marahas na bintiwan si Elmer. Pabagsak itong napaupo sa upuan pero kahit na sa ginawa ni Julianne hindi parin na wawala ang ngiti nito sa labi.
“Stand down.” Mahinang wika ni Hunter kay Kristian at kinuha ang baril na hawak nito. “Seriously, Adults.” Wika ni Hunter saka tumingin sa lalaking dumudugo ang bibig. “You are lucky. Kung hindi ko sila pinigilan you could have been killed.” Anang binata.
“Hindi ko akalain ginagamit niyo ang awtoridad para manakit nang sibilyan. Nakakatawa kayo.” Wika ni Elmer at ngumiti.
“Just shut it!” wika ni Hunter. Nakita mo naman siguro ang kaya nilang gawin.
“Masyado ka namang bata para maging miyembro nang sundalo.” Wika ni Elmer kay Hunter.
“Wala sa edad yan.” Anang binata.
“Ah!” Sigaw ni kristian at sinuntok ang mesa na gulat ang lahat sa naging reaksyon ni Kristian. Tiyak na ngayon ay magulo na ang isip nito. nag pupuyos ang kalooban niya dahil sa galit ngunit wala siyang magawa sa ngayon. Maghihintay na lang ba siya na may mangyari sa kapatid niya? Naiintidihan ni Hunter ang nararamdamn ni Kristian ngunit walang magagawa ang init nang ulo nito. Kailangan agad niyang makaisip nang paraan para mailigtas ang dalaga.
“Meggan, Julius! Ihatid niyo sa main headquarters ang isang ito. Siguraduhing bantay sarado. Kung kailangan 10 sundalo ang magbantay gawin niyo.” Utos ni Kristian na ikinagulat ng lahat.
“Dalhin sa main headquarters? Naririnig mo ba ang sarili mo? Buhay ni Selene ang nakasalalay dito! Tapos ihatid sa headquarters! Nag-iisip ka ba? Kapatid mo ang pinag-uusapan natin dito.” galit na bulalas ni Julianne.
“Chief sa palagay ko kailangan natin itong pag-isipang mabuti. Kawawa naman si Selene.” Ani Ben.
“Hindi niyo ba narining ang utos ko. Dalhin na sa headquarters ang criminal na ito para maikulong! Thats an order!” tumaas ang boses na wika ni Kristian.
“Mukhang hindi mo yata naiintindihan ang sitwasyon Atty. Edwards.” Ani Elmer.
“Malinaw sa akin kung ano ang sitwasyon ngayon. Mr. Gomez. Pero hindi ko ibibigay sa ama mo ang gusto niya. Pero huwag kang mag-alala. Baka bukas magkasama na kayo ng ama mo. You won’t miss him that much.” Sakristong wika ni Kristian.
“Masyado kang bilib sa sarili mo Atty.” Wika ni Elmer. “Baka yan ang maging dahilan nang kapahamakan nang kapatid mo. Huwag kang masyado arogante.”
“Matagal ko nang alam.” Ngumiting wika ni Kristian. “Julianne! Rick sumunod kayo sa kin.” Wika ni Kristian at nagpatiuna papasok sa opisina niya. “Julius! Ihatid niyo na ang isang ito. Kapag pumalpak kayo. Ako ang makakaharap niyo. Is that clear!” ani Kristian.
“Affirmative!” sabay na wika nina Meggan at Julius. Lahat ng mga naroon ay naguguluhan sa pinaplano ni Kristian. O kung may plano ba ito o nagyayabang lang.
“Alam mo ba ang ginagawa mo?” tanong ni Julianne kay Kristian.
“I hope so.” Anang binata.
“I have a plan.” Wika ni Hunter na lumapit sa dalawang binata. Napatingin lang sina Julianne at Kristian sa Binatang nasa harap nila.
“Let’s hear it.” Ani Kristian.
Kasama sina Julianne, Ben, Rick at Johnny. Dinala ni Kristian si Elmer sa isang peir kung saan naghihintay ang ama nito. Sa isang barko ang magiging lugar ng palitan. Alas 10 ng gabi ang usapan ng palitan.
Sa ibaba ng barko nag hihintay na ang senador kasama ang mga tauhan nito at ang bighag na si Selene.
“Madali ka naman palang kausap Attorney.” Anito. “Alam ba ng kapitan niyo ang ginawa mo?” Tanong nito. “Wala na akong pakialam kung alam niya o hindi. Bakit ganyan anng itsura nang anak ko? anong ginawa niyo?” tanong nang senador nang makita ang anak na nasa wheelchair at ballot ang mukha na parang isang mummy.
“Pasensya na, masyado kasing matigas ang ulo nang anak mo. wala naman sa usapan ang dalhin ko siyang maayos. Pasalamat ka, ibabalik ko pa ang anak mo. tumupad na ako sa bahagi nang kasunduan.” Wika ni Kristian. “Nasaan na ang kapatid ko?”
“Huwag kang mag-alala hindi naming sinaktan ang kapatid mo. Palakarin mo si Elmer papunta rito.” Wika nito.
“Pakawalan mo muna si Selene.” Ani Kristian. Natawa naman ang lalaki.
“Gaya ng dapat asahan magulang ka. Sige sabay na natin silang palakarin.” Wika nito. Agad namang itinulak ni Kristian si Elmer para lumapit sa ama nito, gamit ang mga kamay pinaandar nito ang wheelchair. Nang magsalubong sina Selene at Elmer biglang napansin ni Selene ang balahibo na biglang bumagsak pero agad ding naglaho. Bigla siyang napahinto dahil doon. Nilingon ni Selene ang nakasalubong na binata. Bakit bigla na lamang siyang kinabahan? Nagulat naman sina Kristian sa paghinto ni Selene.
“Selene!” ani Adrian.
“Selene!” tawag ni Julianne. Bigla namang nagising si Selene sa tila pagkatulala at muling naglakad palapit sa kapatid. Nakalapit na siya sa kuya niya ganoon din si Elmer sa ama.
“Sa susunod muli tayong magkaroon ng kasunduan Attorney. Matutulungan kitang umangat sa lipunan.” Wika ng Senador.
“Hindi ko kailangan ng tulong mo. I-tabi mo nalang para sa sarili mo.” Ani Kristian.
“OH well! Paano tapos na ang transaksyon na ito. It was a pleasure doing business with you.” Anito bago inakay ang anak pasakay sa barko na naroon na maghahatid sa anak palabas ng bansa.
Plano ng Senador na patagong ilabas ng bansa ang anak para mailayo ito mula sa mga kaso na ito. Nakaalis na ang barko.
“Okay ka lang ba Selene? You are not hurt anywhere. Are you?” nag-aalalang wika ni Kristian.
“Bakit mo siya ibinigay?” inis na wika ni Selene sa kapatid.
“Bakit hindi! Kaligtasan mo ang nakasalalay dito.” Ani Kristian.
“Importante ba ang kaligtasan ko kesa sa isang criminal na nagdudulot ng gulo sa lipunan?” tanong ni Selene. “Hindi ko akalaing magagawa mo ito kuya. Higit kanino man ikaw ang nakakaalam sa pakiramdam nang hindi mabigyan nang hustisya. Pero bakit----” Putol na wika ni Selene dahil sa pakiramdam niya gusto niyang maiyak sa disappointment. Bigla niyang naalala nag Daddy Chris nila. He was killed at hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung sino ang pumatay dito. Alam niyang naging abogado ang kuya niya at sumali ito sa task force para mabigyan nang linaw ang kasong iyon pero. Ito lang ang mangyayari. She is disappointed.
“Akala ko ba, gagawin mo ang lahat na para maging ligtas ang mamamayan. Hindi ko gustong maging ligats kung alam kung may ibang taong kailangang mag sakripisyo.”
“Hindi natin kailangang pagtalunan ang bagay na ito.” Ani Kristian at inakay ang kapatid palayo.
“Hindi mo ba sila huhulihin? Ganoon lang? Wala na lahat ng pinaghirapan mo dahil sa kin?” ani Selene. At itinaboy ang kamay nang kapatid. Hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa isip nang kuya niya.
“Mas gusto ko pang hinayaan mo na lang ako. Ayokong may masabing masama ang ibang tao tungkol sa kuya ko. Ayokong sumama ang tingin nila sa iyo.” Bulalas ni Selene kasabay ang mga luha sa mata.
“Mamaya na tayo mag-usap. I’ll Explain to you everything, But later. Sa ngayon umalis muna tayo ditto.” Ani Kristian matapos yakapin ang kapatid niya.
“Mamaya? Ayoko. Mas gugustuhin ko pa na hinayaan mo ako na manatiling bihag nila kesa dungisan mo ang pangalan mo. Hindi ito gagawin ng kuya Kristian na kilala ko.” Ani Selene.
“Anong gusto mong gawin ko Selene? Hayaan kang mamatay? Gaya ng mga magulang natin? At kaya nang pagkamatay ni Lolo at Daddy Chris. Gusto mong gaya nang nagyari sa kanila. Maging isang walang silbi din ako?” nagtaas ng boses na wika ni Kristian. “Tapos na ang usapang ito.” Wika ni Kristian.
Natigilan si Selene dahil sa biglang pagtaasn ng boses ng kuya niya. “I won’t hear anything from you, young lady.” Ani Kristian at nagpatiuna sa isang sasakyan. Napakagat labi si Selene. Alam niyang naging pangahas siya. Ngunit ayaw niyang maging masamang abogado ang kuya niya. Ginalit ba niya ang kuya niya dahil sa pagiging childish niya SIguro tama nga si Hunter. Isa siyang troublemaker.
“Let’s go.” Wika ni Julianne at inakay si Selene at sumunod kay Kristian. Sumakay sila sa isang van kung saan naroon sina Rick. Nagulat si Selene dahil nakikita niya sa isang monitor Ang senador.
“Ano ito?” taking tanong ni Selene.
“Talagang Bilib na ako Kay Hunter. Ang bilis mag-isip.” Ani Johnny. “Sinong magaakalang isa lang siyang university student.”
“Si Hunter?” Gulat na wika ni Selene.
“Alam mo kasi Selene. Hindi naman si Elmer ang kasama ng Senador. Kasi ngayon nakakulong ang suspect at binabantayan ng maraming sundalo. Ang lalaking kasama ng senador ngayon ay si Hunter.” Paliwanag ni Rick.
“Ano?! Pero bakit--” wika ni Selene na naputol.
“Iyan ay dahil sa talino at magaling na pagpaplano.” Saad ni Ben. “Nagpanggap na si Elmer si kapitan, Hindi ka ba nagtaka kung bakit ballot n ballot ang mukha ni Elmer?” Anito sa kanya.
“Gusto ko sanang sirain ang mukha niya, kaya lang baka mapaalis ako sa trabaho ko. Dahil sa talino ni Kapitan nakaisip siya nang paraan para maloko ang Senador. Kanina akala ko wala siyang pakialam kahit na hawak ka ng senador.” Dagdag pa nito.
“Baliw ba siya?!” biglang bulalas ni Selene. “Kapag nalaman ng mga taong iyon na hindi siya ang totoong Elmer. Tiyak na tapos siya.” Dagdag ng dalaga.
“Huwag kang mag-alala. Handa naman kami sa kung ano man ang magiging resulta. Hindi naman isusubo ni Hunter sa alanganin ang buhay niya.” Ani Johnny.
“Do you think this will work?” tanong ni Selene.
“It has to work. Dahil kung hindi kapahamakan ang naghihintay kay Hunter.” Wika pa ni Johnny. Nang Makita niyang tila nangangamba ang dalaga. Agad niyang binawi ang mga sinabi niya.
“Well, magaling naman si Hunter, Hindi siya magiging miyembro nang Task force kung hindi. SIya ang nakaisip nang magandang planong ito so I am sure, magiging maayos din ang lahat.” Wika ni Johnny sa Dalaga. Napailing na lang si Kristian habang nakatingin sa monitor. Kahit siya rin naman ay nag-aalala para sa kaptian nila. Umaasa na lamang sila na papalarin sila sa misyong ito.
Madaling araw na ng marating ng barkong sinasakyan ni Hunter at ng Senador ang south china sea. Patungo ang barko nila sa Singapore kung saan tatakas si Elmer patungo sa Europa. Ilang sandali pa napansin nila ang mga chopper ng Airforce ng nasa himpapawid at napapalibutan ang barko nila.