Bargain

1594 Words
Nawiwili si Selene sa paglilibot sa mall. Maraming mga nangyari nang mga nakaraang araw. Mabuti nalang at hinayaan siya nang kuya niyang makapamasyal. Ayaw sana nitong pumayag dahil sa nangyari sa baryong pinuntahan nila. Kaya lang dahil sa pagkukumbinsi ni Julianne pumayag din ito. Matapos mag libot sa mall na isipan ni Selene na puntahan ang kuya niya. Gusto niya itong makasamang mananghalian. Alam niyang subsob sa ginagawa ang kuya niya hindi lang sa task force kundi sa mga kasong hawak nito bilang isang abogado. Minsan iniisip niya kung papaanong nagagawang i-balanse nang kuya niya ang oras nito. At nandoon din siya para alagaan nito. Naisipan niyang mag Taxi para mabilis na makapunta sa opisina at maabutan ang kuya niya. Hindi niya kabisado ang lugar Ngunit nagtaka na siya nang mapansing malayo na sila. Halos palabas na sila nang syudad. “Teka sandali manong mukhang mali yata tayo na dinadaanan.” Wika ni Selene. Pero hindi siya pinakinggan ng ng driver patuloy parin siyang nag drive. Hindi na maganda ang pakiramdam niya sa taxi driver. Inilabas niya ang cellphone para tawagan ang kuya niya ngunit laking gulat niya na biglang inagaw ng driver ang cellphone niya. “Anong ginagawa mo?” Asik ni Selene. Hindi pa rin siya sinagot ng Driver. Maya-maya inihinto nito ang kotse. Saka may dalawang lalaki ang sumakay sa backseat. “Teka ano ‘to? Anong ginagawa niyo? Pababain niyo ako!” nag hihestirikal na wika ni Selene. “Huwag kang maingay kung ayaw mong dito na matapos ang buhay mo.” Wika ng isang lalaki sa kanan niya at tinutukan siya ng baril. Inutusan ng lalaki ang driver na paandarin na ang sasakyan. Walang nagawa ang dalaga dahil sa armado ang mga lalaki at ano naman ang laban niya sa mga ito. Dinala si Selene ng mga lalaki sa isang Yate kung saan hinihintay sila ng isang matandang lalaki. At kilala niya ang lalaking ito dahil parati niyang nakikita sa TV ang lalaki. Siya sa Sen. Manuel Gomez. Isa itong senador at anak nang kilalang businessman na si Elmer. Ang drug lord na kamakailan lang ay hinuli nang grupo nang kuya niya. Si Senador Gomez din ang napabalitang Senador na ipinakulong nang kuya niya dahil sa mga kaso nito. Hindi maintindihan ni Selene kung bakit nasa harap siya nang Senador gayong dapat ay nasa kulungan na ito. May nangyari kaya ito nakalabas? Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Lalong natatakot siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nakatingin si Selene sa matanda habang naglalakad ito papalapit sa kanya. “Pasesnya ka na Hija kung naging marahas kami sa iyo.” Anang senador kay Selene at inutusan ang mga lalaki na bitiwan ang dalaga. “Siguro naman hindi ko na kailangan pang ipakilala ang sarili ko.” Wika nito sa kanya. “I bet; everyone knows me dahil sa ginawa nang kuya mo.” “Ano po bang kailangan niyo sa akin?” Tanong ni Selene dito. “Iilan lang ang kaya akong tingnan nang derecho sa mata.” Wika nito at napatingin sa kanya. “May nagsabi na ba saiyo napakaganda nang kulay nang mga mata mo.” Wika nang matanda na naglakad papalapit sakanya. Akma nitong hahawakan ang pisngi niya ngunit inilayo ni Selene ang mukha niya nang tangka siya nitong hawakan. Alam niya kung anong kaso ang nagpakulong sa senador at kung hindi siya magiging maingat baka maging biktima din siya. Napangiti naman ang senador dahil sa naging reaction nang dalaga. “Sa palagay mo ba nakakaawa ako? Nasa akin na ang lahat pera at kayamanan. Kapangyarihan. Ano ang nakakaawa sa isang taong nasa kanya na ang lahat.” Wika nito. “Masaya po ba kayo?” tanog ni Selene. Bigla namang bumakas sa mukha ng senador ang inis sa dalaga. “Hindi ko kailagan ng opinion ng isang batang katulad mo. Matalino ka. Pero sasabihin ko sa iyo sa mundong ito hindi ka maaring iligtas ng mga tuwid mong pananaw. Gamitin mo ang talino para umangat.” Anito sa dalaga. “Itali na ang isang ito. Kakailanganin pa natin ito laban kay Atty Edwards.” Wika nito sa mga tauhan nito. “Anong gagawin niyo sa kuya ko?” Tanong ni Selene. “Makikipagkasundo lang ako sa kuya mo. Tiyak naman siguro na matalino ang kuya mo. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa nag-iisa niyang kapatid.” Anito bago umalis. Nag-aalala si Selene. Baka ibigay nang kuya niya ang gusto nang Senador para sa kaligtasan niya. “Alam mo. Hindi ko sana gagawin ito kaso. Parating iniipit ng kuya mo ang pamilya ko. Lalo na ang anak ko. At kamakailan lang ipinakulong din niya ako dahil sa mga kasong wala namang basihan. At ngayon hinuli pa nila si Elmer ng walang kahit na anong ebidisya. Bilang isang ama tungkulin ko na iligtas ang anak ko.” Paliwanag nito. “Gaya ng sabi niyo walang matibay na ebidensya para hulihin ang anak ninyo. Bakit kailangan niyo akong ipakidnap sa mga tauhan niyo. Hindi ba ang ginawa niyo ay isa ding kaso? Paano niyo nasabing ipinakulong kayo nang walang basihan. Alagad ng batas ang kuya ko at maging kayo mandin. Pwedeng mapag-usapan ang lahat.” Ani Selene. Bigla namang natawa ang senador sa sinabi niya. “Hindi ko akalain na magaling mag-isip ang kapatid ni Atty Edwards. Tama ka, kapwa kami alagad ng batas. Ngunit ang usaping ito ay kailangan ng batas. Kailangan mo lang ng kapangyarihan at pwede mo nang dektahan ang batas ayon sa gusto mo. Sa mundong ito kung sino man ang may hawak ng mas malaking kapangyarihan siya ang nagwawagi. Aanhin mo ang pagiging isang matuwid kung wala kang napakinabangan? Wala kang pagkain na mahahain sa hapag para sa pamilya mo.” Paliwanag nito. “Ananhin niyo naman ang kapangyarihan kung lahat ng tao galit sa inyo. Tutugisin nila kayo. Hindi lahat pwedeng mabili at ma dektahan ng pera. Hindi lahat ng tao may kaparehong pananaw gaya niyo. Reality hurts. Pero hindi po mas masakit na malaman na kaya lang maraming lumalapit sa inyo dahil sa kapangyarihan?” Ani Selene. Lalo namang natawa ang senador dahil sa pagkamangha sa dalaga. “Sa tingin ko po ang tao na ang alam lang ay ang bilhin ang lahat dahil sa pera ay isang nakakaawang tao.” Dagdag pa ni Selene. “Pinamahanga mo ako.” Wika nang Senador sa kanya. **** Habang abala sa pagbabasa sa bagong kasong hawak nila. bigla na lamang narinig tila ni Hunter ang boses ni Selene. Nasa headquarters siya noon nang task force at pinag-aaralan ang bagong kasong hawak nang grupo nila. “Bakit?” tanong ni Kristian sa binata nang bigla nitong ilapag ang hawak sa mga files at napatingin sa kanya. “Atty. How’s your sister?” biglang tanong ni Hunter na ikinagulat nang lahat. Bakit naman nito itatanong kung ano ang kalagayan nang dalaga. “Punk. Bit mo naman tinanog si Selene. Hwag mong sabihing-----” putol na wika ni Julianne nang biglang magsalita si Hunter “Wala akong ibang ibig sabihin sa tanong ko. You don’t have to answer.” Maagap na wika Hunter. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang dalaga. “She is doing okay.” Wika ni Kristian. Ngunit hindi iyon ang sagot na gustong marinig ni Hunter. Alam niyang may masamang nangyari he can feel it. “That’s good to know then.” Wika ni Hunter. Napatingin naman si Julianne sa binata. Hindi niya gustong parang nagiging malapit ito kay Selene. Lahat nag miyembro nang task force ay nasa harap nang isang mesa habang nakatingin sa maliit na box. Isang maliit na package ang dumating sa kanila at naka address kay Kristian. Maging ang binata ay nagtataka kung bakit may dumating na package para sa kanya. “Galing ba sa girlfriend mo yan Officer?” tanong ni Meggan. Pabiro niya itong sinabi dahil nararamdaman niyang may tension sa paligid nila. SI aurora naman na nasa di kalayuan ay napatingin sa binata. Ang alam niya wala pang kasintahan ang Binatang abogado dahil sa pagiging abala nito sa mga kason hawak. “Grabe, kakaiba talaga ang charm mo.” napapailing na wika ni Julius. Lumapit si Kristian sa box at binuksan ito. Lahat sila nabigla nang makita ang laman nang kahon. Isang Flashdrive ang laman noon. “Flash drive? Bakit ka bibigyan nang Flash Drive nang girlfriend mo?” ani Ben. Hindi naman nagsalita si Kristian lumapit ito sa mesa niya at inilagay sa compter and disc. Ganoon na lamang ang gulat nang lahat nang makita ang video. Lalo na si Kristian. Ang mas nakakagulat dahil si Selene ang nasa video. Naka upo ito sa isang silya habang nakatali. May busal din ang mata at bibig nito. agad na ipinakita sa white screen ni Rick ang Video. Natiglan si Hunter sa binabasa niya nang makita ang dalaga sa malaking screen. Kaya ba hindi Maganda ang kutob niya kanina? Napatingin naman si Julianne sa binata. “Ito ba ang dahilan kung bakit mo tinatanong kong kumusta si Selene?” tanong ni Julianne sa binata. “Anong nangyayari? Bakit nandiyan si Selene?” tanong ni Meggan. Sabay-sabay silang napalingon sa telepono na nasa mesa ni Aurora nang bigla itong tumunog. Agad na inilagay ni Aurora ang telepono sa loud speaker bago sagutin. “Atty Edwards. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?” wika nang lalaki si Linya. “Sino ka? Anong kailangan mo sa kapatid ko.” Bulalas ni Kristian. “Ang bilis mo namang makalimot. Nakalimutan mo na ba ang isang senador na ipinakulong mo.” Wika nang lalaki sa linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD