Sir. May mga sundalo. Nasundan tayo.” Wika ng isang tauhan ni ng Senador na pumasok sa Cabin kung saan nagpapahinga ang senador at si Hunter na nagpapanggap bilang si Elmer. Agad na napatayo mula sa kinahihigaan ang Senador ng marinig ang sinabi ng tauhan.
“Walang hiyang Atty Edward na iyon. Naisahan ako.” Galit na wika nito.
“Ano pang hinihintay niyo! Pabagsakin ang mga sundalong iyan!” galit na wika nito.
“Yes Sir!” agad na wika nito. Pero ikinagulat ng senador ng bilang salakayin ni Hunter na nagpapanggap na Elmer ang tauhan nito. Binato nito ng kutsilyo ang lalaki tinamaan ang kamay nito na nakahawak sa pinto.
“Elmer anong ginagawa mo?” Gulat na wika ng senador. Habang takang nakatingin sa anak niya hindi niya maintindihan kung bakit siya nito inaatake.
“Pasensya na pero hindi ako ang anak mo.” Wika ni Hunter at tumayo mula sa kinauupuan. lumapit sa lalaki saka kinuha ang nakatarak na kutsilyo sa kamay nito bago suntukin ang lalaki na dahilan para mawalan ito ng malay.
“Anong ibig mong sabihin na hindi ikaw si Elmer?” Takang Wika nito.
Dahan-dahang inalis ni Hunter ang bendahe sa mukha nito. ganoon na lamang ang gulat nang makitan hindi si Elmer ang binatang nasa harap niya.
“Ikaw?!” gulat na wika ng senador ng makilala ang binata. Kilala niya ang Binatang ito dahil madala ipangmalaki nang mga heneral nang sundalo at air force ang isang miyembro nang special task force siya ang pinakabatang detective sa bansa at talagang hinahangaan nang lahat.
“Pasensya kana, nangako kasi ako sa anak mo na dadalhin kita sa kanya ngayong araw. Kaya kung ako sa iyo isusuko ko ang sarili ko ng maayos.” Wika ni Hunter. Ngunit mukhang walang balak na sumuko ang senador ngumisi ito sa binata. Akma sana nitong kukunin ang baril na nasa side table ng biglang barilin ni Hnunter ang baril dahilan para tumilapon ito. Nagulat ang Senador sa ginawa nang binata at napatingin sa dito.
“Pasensya kana Senator. Hindi kita papayagan na ituloy ang binabalak mo.” Wika ni Hunter at lumapit sa lalaki. Isinama ni Hunter ang Senador palabas ng cabin. Nang makalabas sila nakatutuk lahat ng baril ng mga tauhan sa binata.
“Paano ba yanmukhang ako parin ang nakakalamang.” Wika ng Senador kay Hunter ng Makita na handa siyang ipagtanggol ng mga tauhan nito. “Masyado kang mapusok binata dahila lang sa naging miyembro ka nang task force at Malaki ang tiwala saiyo nang mga Heneral dahil sa mga nagawa mo. Baka nakakalimutan mong mas nauna akong isilang sa mundong ito.” dagdag pa nang senador.
Sinimulang sugurin si Hunter ng mga lalaki dahilan para mabitiwan nito ang senador habang nakikipag-laban ang binata sa mga tauhan nito gumawa naman ang senador ng dahilan para makalabas ng Barko.
Ibinaba nito ang isang Bangka saka sumakay para magamit palayo.
“Ano pang ginagawa natin bakit hindi natin tulungan si Hunter!” Ani Selene na sakay ng isa sa mga Chopper kasama ang Kuya niya at si Julius.
“Tumatakas na ang Senador. Execute plan B.” Wika ni Kristian sa piloto ng hindi man lang pinapansin Si Selene.
****
Hunter!” maya-maya sigaw na Selene na ikinagulat ng lahat kasabay ang isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat. Agad na napalakad si Kristian sa may pinto para Makita ang Barko na sumabog. Nakita nila ang senador na napapalibutan na nang mga Bangka ng coast guard na siyang plan B. Natinutukoy ni Kristian. Na-anticipate na nila na pwedeng tumakas ang senador kaya naman may mga taga Marine na nakabantay. Ngunit hindi nila naanticipate na pasasabugin nito ang barko kasama si Hunter at ang mga tauhan nito. Sa lakas ng pagsabog halos nagkapira-piraso na ang barko. Tiyak na walang makakaligtas sa ganoon kalakas na pagsabog. Ilang beses na nagpaikot-ikot ang chopper nila sa boung paligid nagbabakasakali na makikita si Hunter o kahit na ang labi man lang nito.
“Hunter!” Nagulat ang lahat ng bigla na lamang sumigaw si Selene habang nakatayo sa may pinto ng chopper. Ito ang pangalawang beses na inilagay nang binata ang sarili sa panganib para iligtas siya. Bakit kailangang humantong ang lahat sa pagkasawi nito.
“Sa baba!” Wika ni Rick ng mapanasin si Hunter na lumalangoy patungo sa direksyon nila. Agad na inutusan ni Kristian ang piloto na si Ben na lumapit ng konti kay Hunter. Kakaibang relief and naramdaman ni Selene ng makitang buhay ang binata. Tila nabunutan siya nang tinik sa dibdib nang makita ang binata.
“That Brat. Hindi ko alam kung magaling ba talaga siya o sadyang Swerte.” Natatawang wika ni Julianne. Noong una nakaligtas din ito sa nasusunog na bahay at lumabas ng walang ano mang galos. Ngayon naman matapos ang malakas na pagsabog nakaligtas pa rin ito. Agad na inihulog ni Kristian ang ladder para makaakyat si Hunter. Masaya naman ang lahat ng Makita ang binata na ligtas. Bukod sa sugat nito sa bilikat mukhang wala namang ibang iniinda ang kanilang pinakabatang miyembro.
“You have a devil's luck.” Wika ni Kristian sa binata at tinapik ang balikat nito. “Good Job for staying alive.”
Napaupo si Hunter sa may pinto ng chopper na tuluyan na siyang makaakyat. Akala niya talagang matatapos na siya ng mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at agad niyang napansin ang bomba na nakasabit sa barindilyas ng barko. Mula sa malayo nakita niya ang Senador na may hawak na remote control. Bukod doon narinig din niya ang tunog ng mga timer ng bomba. Bago pa mapindot ng Senador ang control nakatalon na siya sa barko kaso tinamaan siya ng bala sa balikat. Maswerte pa din siya. Dahil sa isa siyang mortal nang mga sandali iyon pwede siyang masawi sa pagsabog na iyon kung hindi siya nakaligtas.
“Hey Kiddo! What are you doing here?” Nakangiting wika ni Hunter ng Makita ang dalaga. Hindi niya inaasahang makikita ito doon.
“Ako dapat ang magtanong saiyo niyan.” Wika ni Selene sa binata. Taka namang napatingin si Hunter sa dalaga. Bakit parang nararamdaman niya na tila naiinis ito. May ginawa ba siya para ikainis nang dalaga?
“How do you feel?” walang emosyon na wika ni Selene. Natakot siya nang makitang sumabog ang yate akala niya hindi na makakaligtas ang binata. Ito ang ikalawang beses na isinugal nito ang buhay para iligtas siya.
“Freezing!” nakangiting wika ni Hunter. Ngunit biglang napalis ang ngiti nang binata nang makita ang luha sa gilid nang mata Selene. “Hey.” Wika ni Hunter na akmang hahawakan ang pisngi nang dalaga ngunit agad na inilayo nang dalaga ang mukha niya sa binata.
“Nakakainis ka. Akala mo ba bayani ka nang maituturing?” bilang bulalas ni Selene na ikinagulat ng lahat. “Akala niyo ba natutuwa ang ginagawa mo? Anong akala mo sa sarili mo si Superman? Hindi tinatablan nang kung ano?.” Ani Selene na hindi maitago ang inis.
“Hey.” Masuyong wika ni Hunter at muli inabot ang mukha nang dalaga pero bigla niyang inilayo ang kamay nang marinig si Kristian.
“Selene!” biglang wika ni Kristian nang marinig ang sinabi nang kapatid at ang pagtaas nang boses nito na ikinagulat nang lahat.
Napailing lang si Hunter at tumayo para maupo ng maayos. Pero bago siya dumiretso sa isa sa mga upuan huminto siya sa tapat ni Selene at hinawakan ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga.
“You’re welcome.” Wika nang binata. Dahil sa sinabi nito biglang natigilan ang dalaga at napatingala sa binata.
“I know you are thinking of thanking me. You were worried about me. I get that.” Wika nang binata. taka namang nag-angat nang tingin si Selene dahil sa gulat sa sanabi nang binata. “I know one way on how you can repay me.” Ngumiting wika ni Hunter at inilapit ang mukha sa dalaga. napaigtad pa si Selene dahil sa pagkabigla. Ngunit bago pa siya makabawi. Isang mabilis na halik sa noo ang iginawad ni Hunter sa kanya. For a split second. Pakiramdam ni Selene tumigil ang buong paligid at ang oras. Lahat nang naroon biglang naging bato. As if they are the only ones existing at that moment.
“Everytime you cause trounbe and everytime I save your life. This how you should repay me.” Wika nang binata at itinuro ang noo ni Selene. hindi maitago nang dalaga ang pamumula nang pisngi. Dahil sa ginawa at sinabi ni Hunter.
“You can count on me. Everytime you need help. I will be there to save you. Always.” Wika ni Hunter at nilampasan ang dalaga. BIgla nalang pakiramdam ni Selene bumalik ang takbo nang oras. Taka siyang napatingin sa binata. Anong pinagsasabi nito? At anong nangyari? Talaga bang tumigil ang oras? Who is he anyway?
Dumiretso sa pag-upo si Hunter matapos balutin ang sarili ng tuwalya na ibinigay ni Rick. Ipinikit nito ang mga mata dahil rin siguro sa pagod. Napatingin si Selene sa kuya niya. Hindi ba nila nakita ang ginawa nang binata? Talaga bang huminto ang oras nang ilang Segundo? Naramdaman ni Selene ang biglang naginit ang kwentas niya ngunit bigla din itong nawala. Hindi niya ito binigyan ng ano mang importansya napatingin siya sa binata na nakaupo.
Dahil sa sugat nito sa balikat nagkakaroon ng pulang mantas ang tuwlya na gamit nito. Mukhang malamim ang sugat sa balikat nito dahil patuloy parin ang pagdurugo ng sugat nito. Napatingin lang sina Kristian at Julianne sa Binatang tila natutulog. Hanggang sa mga sandaling ito naglalaro sa utak nila ang pagiging misteryoso nang binata. Hindi magagawa nang isang normal ang ginagawa nito At hindi lang ito ang unang pagkakataon. Ang nangyari sa Mansion, ang pagkakahulog nil ani Selene sa Building at ngayon naman ang pagkakaligtas nito sa sumabog na barko. Sino ba ang Binatang ito?