Reaction

1160 Words
Miss? Okay ka lang ba?” Tanong nang isang nurse kay Selene nang mapansin nilang nahihirapang huminga ang dalaga. Dumating ito sa hospital kasama ang isang matandang babaeng duguan. Pagpasok palang nito sa hospital bigla napansin nila pinagpapawisan na ito. Agad na dinala sa emergency room ang matanda. Habang ang dalaga naman ay nilapitan nang nurse upang kausapin sana tungkol sa matanda nang mapansin nilang. Pinagpapawisan ito at tila hirap sa paghinga. Napahawak pa ang dalaga sa dibdib nito. Akmang hahawakan nang isang lalaking nurse si Selene nang biglang lumayo ang dalaga sa pag-iwas nito ay biglang nawalan nang balance ang dalaga at napaupo sa sahig habang patuloy na nag ha-hyperventilate. Ilang nurse ang nagtangkang lumapit sa dalaga ngunit bigla ito umiiwas. Kahit na hirap ito sa paghinga patuloy ito sa pag-iwas sa mga nagtatangkang tumulong. Ito ang eksenang inabutan ni Hunter. Nagpunta siya noon sa hospital para dalawin ang mama niya na isa ding doctor sa hospital na iyon. Natigilan pa siya nang makita ang dalaga. Nang una nagtataka siya kung sino ang dalagang iyon at kung bakit ganoon ang kilos niya. Hanggang sa makilala niya ang dalaga. Nang makilala niya ang dalaga agad siyang lumapit dito. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero parang kailangan niya nang tulong. Nang Makita nito ang dalaga agad itong lumapit at walang pasabing hinawakan sa balikat ang dalaga. Napaigtad ang dalaga at akmang iiwas ngunit napatingin siya sa mukha nang lalaking humawak sa kanya. Nang lumingon siya sa binata, bigla siyang natigilan nang makilala ito. He is staring at her at tila nag-aalala. Natigilan ang binata nang makita ang mata nang dalaga. It changed again to that pale red color at makikita ang hourglass dito. “Are you okay?” Tanong nang binata sa dalaga at yumuko. Saka inilagay ang kamay sa mata nang dalaga. Para takpan iyon bago makita nang mga tao ang kulay noon. “It’s okay. I’m here.” Masuyong wika nang binata. Naramdaman niyang nanginginig ang dalaga at hirap ding huminga. “You can relax now. No one will hurt you.” Wika nang binata nang mapansin na biglang humawak si Selene sa braso niya at mahigpit din ang pagkakahawak nito sa braso niya. Ang mga nurse naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Labis ang pagtataka nang mga ito lalo na sa naging reaksyon nang dalaga hindi nila alam kung bakit ganoon ang reaksyon ito at kung anong nangyari. Dahil sa paghawak ni Selene sa damit niya dahil sa paninikip nang dibdib niya. Lumabas mula sa pagkakatago sa ilalim nang damit niya ang kwentas niya. Ang kwentas na iyon ay ang itim na perlas na iniwan ni Azrael sa sanggol na iniligtas niya noon at dahilan kung bakit siya ngayon isang mortal. Nang makita ni Hunter ang kwentas na iyon. Agad niyang nakilala ang dalaga. Hindi na siya pwedeng magkamali si Selene ang sanggol na iniligtas niya noon. At maaaring nasa dalaga din ang susi kung paano siya makakabalik sa tunay niyang pagkatao. “You are that child?” Takang tanong nang binata. Dahil sa sinabi nang binata taka namang napatingin si Selene dito. Nahihirapan siyang huminga at wala siyang maintindihan. Ano bang pinagsasabi nang binata. Nagkita na ba sila noon? Nahihirapan na rin siyang huminga at kung magtatagal siya sa loob nang hospital baka naman siya pa ang mahospital. Nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Nadala na niya ang matanda sa Hospital at at tiyak na maasikaso na ito. Kailangan na niyang umuwi marahil ay nag-aaala na sina Kristian sa kanya. Hindi rin siya nakatawag sa kuya niya. “Please.” Mahinang wika ni Selene saka napahawak sa braso nang binata. Napansin naman nang binata ang mahigpit na hawak nito sa sleeve niya. Saka napatingin siya sa mukha nang dalaga. “G-get me out of here.” mahinang wika ni Selene na biglang nabuwal patungo sa binata. Maagap naman nasalo nang binata si Selene. “Hunter is she okay?” tanong nang isang nurse sa binata. Kilala na siya nang halos lahat nang staff sa hospital na iyon dahil sa parati siyang nandoon at dinadalaw ang mama niya. “Dalhin na kaya natin siya sa isang silid.” Wika pa nito. “I think we should.” Wika nang binata saka pinangko ang walang malay na dalaga. Nang tumayo si Hunter karga-karga ang dalaga saka niya napansin ang mga kaluluwang nakapalibot sa dalaga. Ito kaya ang dahilan nang pagpapanic nito? Ngayon lang niya napagtanto na ang abilidad nang dalaga na makakita nang mga kaluluwa at ang pagbabago nang kulay nang mata nito ay dahil sa kakayahan niyang naibahagi sa dalaga. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit Nakita nito ang kakaibang nilalang noong nakaraan. Hindi niya akalain na ilang beses na pala silang nagkita nang dalaga. Mabuti nalang at Nakita niya ang perlas na ibinigay niya noon sa sanggol. “Kilala mo ba siya Hunter?” Tanong nang nurse sa binata. “Schoolmate.” Simpleng wika nang binata. “Ah nga pala. May dinala siya ditong matanda.” “Matanda?” tanong ni Hunter. “Hindi ko alam kung kilala niya ba. Pero nasa Emergency room siya ngayon.” Napatingin naman si Hunter sa dalaga. “Hunter.” Wika nang isang babaeng doctor na lumapit kay Hunter. “Is that child, okay?” Tanong nito sa binata. “Ma.” Wika nang binata saka napatingin sa bagong dating. “She is okay. Nawalan lang siya nang malay.” Sagot naman nito. “I can prepare a hospital room for her.” Wika nito. “Yes. I think it would be best. Para macontact din natin ang pamilya niya.” Wika nang binata. Nagpatiunang maglakad ang babae sa binata agad naman sumunod si Hunter dito habang karga-karga si Selene. Nang mailagay nila sa isang silid sa hospital ang dalaga. Agad naman kinuha nang binata ang cellphone nang dalaga at tinawagan ang pamilya nito. Mabuti nalang na ang recent calls nito ay kay Kristian. Agad niyang tinawagan ang binata at sinabi kung nasaan ang dalaga. Tatlumpong minuto ang makalipas dumating sa hospital sina Kristian at Julianne. At gaya nang una nilang pagkikita tila mainit na naman ang dugo ni Julianne sa kanya. Habang si Kristian ay labis na nag-aalala para sa kapatid niya. Hindi nagpupunta sa hospital si Selene dahil sa takot ito sa mga nakikita sa hospital. Kapag nakakapasok ito nang hospital nahihirapan itong huminga. “What happen to her?” tanong ni Kristian kay Hunter. “Ano na naman ang ginawa mo sa kanya?” tanong ni Julianne. “I know you don’t like me. And the feeling is mutual. Pero hindi ako ang tipong mananakit nang babae. I don’t know what happen. Pero naabutan ko siyang nahihirapang huminga. May dinala daw siyang pasyente dito.” Wika nang binata at tumingin kay Kristian. “Thank you.” Wika ni Kristian sa binata. Nakikita naman niyang hindi ito masama. Nararamdaman din niyang may kakaiba sa binata. At pangalawang beses na nilang nagkita hindi ito coincident lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD