“May punto rin naman si Meggan. Pina imbestigahan na naming ang black market at wala kaming makitang koneksyon nila sa mga nangyayari. Sa ngayon ito lang ang lead na meron tayo.” Wika Nang general at initusan ang dalaga sa harap nang computer na ibigay sa walo ang isa pang folder. Lamang noon ang mga profile nang 6 pang dalagang nawawala. Noong nakaraang 6 na buwan sabay sabay na nawala ang 10 dalaga. Noong isang buwan lang nila nakita ang bangkay nang apat.
Sa ngayon may anim na biktima pa ang hindi nakikita at ito ngayon ang unang misyon nang bagong task force Guardians. Kailangan nilang mahanap ang anim na dalaga bago pa may sumunod na mamatay sa kanila kung paano at kung saan nila hahanapin ang mga ito hindi pa nila alam.
“Hunter. I trust you can help with this case. Your skill is excellent that is of no doubt.” Wika nito sa binata.
“I will do my best.” Wika naman ni Hunter.
“Pwede ba kitang makausap?” Wika ni Aurora kay Kristian nang Makita niya ito na papaalis. Nagmamadali niyang nilapitan ang binata. Gusto niyang malaman kung ito ba ang Kristian na nakilala niya noon o ibang tao ito. Nilakasan niya ang loob niya at lumapit sa binata, nais niyang kompirmahan ang hinala niya.
“May kailangan ka ba?” Tanong ni Kristian sa kanya.
“G-gusto ko lang sana na humingi nang tawad sa ginawa ko kanina. Hindi kita nakilala. Akala ko kasi isa kang kalaban.” Wika ni Aurora.
“Huwag mo nang isipin iyon. Sa klase nang trabaho ko hindi na bago sa akin ang mapagkamalang kalaban.” Wika ni Kristian.
“At..” naputol ang sasabihin ni Aurora hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin iyon sa binata. Kung ang dating Kristian nga ito nakilala niya. Sa pangalan palang tiyak na maalala siya nito. Nagdalawang isip siya dahil baka mali ang hula niya.
“At?” taking wika ni Kristian. At tumingin sa dalaga. Habang nakatingin siya sa mukha nito. BIgla niyang naalala ang kaibigan niyang si Aurora, Na kapangalan din nito. Ngunit ang pagkakatanda niya ipinadala nila ito sa ibang bansa. Wala na silang narinig na balita tungkol ditto. Hindi rin ang tipo nang Aurora na kilala niya ang papasok sa armed forces. Wala sa personalidad nito ang ganitong trabaho. Baka nagkakamali lang siya. But the coincidence na pareho sila nang pangalan.
“Ah Wala naman.” Wika ni Aurora.
“Kung wala kang sasabihin. Maiwan na kita may lakad pa ako.” Wika ni Kristian at nilampasan si Aurora.
“She looks so familiar.” Wika ni Julianne kay Kristian habang naglalakad sila palabas nang Conference room.
“Isa ba siya sa mga babae mo?” pabirong wika ni Kristian.
“Loko hindi. Para bang Nakita ko na siya sa una. Hindi ko nga lang matandaan kung saan o kalian.” Wika ni Julianne na pilit na inaalala kung saan niya unang Nakita ang dalaga.
“Baka naman isa sa mga bumasted sa iyo kaya hindi mo na masyadong maalala.” Dagdag pa ni Kristian.
“Not a chance.” Alam niyang hindi siya nagkakamali kahit hindi niya maalala kung saan niya ito Nakita alam niyang Nakita na niya ito. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon.
“Let’s go!” ani Kristian sa kaibigan. Tumango lang si Julianne ditto.
***
Malakas ang tilian nang mga estudyante sa university nina Selene habang nanonood nang soccer practice nang kanilang varsity team. Lahat hindi magkamayaw nang maka goal ang striker nang team.
“Ewan ko lang ha. Hindi ko alam kung paano niya mina-manage ang oras niya. Hindi lang siya kasali sa soccer, miyembro din siya nang basketball at baseball team. Bukod doon, He is a medical student. Balita ko nga ay, kinukuha din siya sa soccer team nang bansa bukod doon, narinig niyo ba. Isa din siyang detective? Grabe, pinanood ko yung balita noong nakaraang gabi. Akala ko pinaglalaruan lang ako nang mga tsismosa sa university natin. Pero nang makita ko talaga sa TV yung balita hindi ako makapaniwala. Siya pala yung sikat na young detective na tinatawag din real life detective conan.” Wika nang isang estudyante na nasa ibabang bahagi nang kinauupuan ni Selene.
“Bukod doon, dinig ko ding minsan tumatanggap siya nang modelling projects. Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin. Magandang lalaki, Matangkad, Magaling sa sports, Matalino at mayaman.” Dagdag pa nito.
“Masyado mo yata siyang pinupuri.” Wika nang isang dalaga.
“Hindi naman sa pinupuri ko siya no. Talagang yun ang totoo. Kaya nga maraming may gusto diyan at balita ko may sariling fun club din siya.”
“Kulang nalang gawin siyang santo.” Dagdag nang isa.
Napatingin si Selene sa binata sakto namang tumingin din ito sa dako nila. Hindi niya alam kung tama ba ang Nakita niya pero sa palagay niya naghinang ang mga mata nila. Kahit malayo ang binata ramdam niyang tila nakatingin ito sa kanya. Nang mapansin niyang nakatingin ang binata sa kanya. Agad na tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan niya saka nagmamadaling umalis.
Si Hunter naman na nakitang umalis ang dalaga ay nagpaalam sa mga teammate niya para salubungin si Selene. Ang mata nang mga dalagang fans ni Hunter ay nasa binata habang naglalakad ito papalapit sa dalaga.
“Hey. Clumsy Girl.” Tawag ni Hunter sa dalaga. Biglang natigilan si Selene saka napatingin sa paligid niya saka tumingin kay Hunter. Walang ibang tao malapit sa kanilang dalawa. Taka siyang napatingin sa binata. Siya ba ang tinatawag nitong clumsy girl.
“Clumsy Girl.” Wika pa nang binata. Muling napatingin sa paligid niya si Selene. Tama ba ang nakikita niya at naririnig. Siya ang tinatawag nang binata. Dahil sa pagtataka. Pasimpleng itinuro ni Selene ang sarili niya.
“Yeah you. Wala naman tayong ibang kasama dito.” Wika ni Hunter sa dalaga.
“Clumsy Girl?” Takang wika nang dalaga habang nakatingin sa binata.
“Are you not?” tanong nito. “Kumusta ang tuhod mo?” tanong nang binata.
“It’s fine. Hindi naman nakakamatay ang galos.” Pilosopong wika nang dalaga.
“We meet again. First time kitang nakitang nanood nang laro.” Wika nang binata.
“You sure are you na unang beses kong nanood?” tanong nang dalaga.
“I know. And besides. Hindi ang tulad mo ang mahilig sa sports.” Wika nang binata. “Ah. This is our third meeting pero hindi pa tayo nag pakilala sa isa’t-isa. Hunter Archer.” Wika nang binata at inilahad ang kamay sa dalaga. Napatingin naman si Selene sa kamay nang binata at tila nag aatubiling tanggapin iyon.
“I am trying to be friendly.” Wika nang binata sa dalaga.
“Selene.” Wika nang dalaga saka tinanggap ang pakikipagkamay nang binata pero mabilis din niyang binawi ang kamay niya nang biglang magbumulusok sa balintataw niya ang mga eksena na tila isang flashback sa pelikula. Mga Eksena nang kaluluwang sinusundo at isang lalaking may hawak nang hourglass.
“Ah!” daing nang dalaga saka napahawak sa kaliwang mata niya.
Bigla naman iyong kumirot nang hindi niya maintidihan.
“Hey! What’s wrong.” Wika nang binata saka napahawak sa braso nang dalaga dahil sap ag-aalala. Pangatlong beses na ito. Tuwing nagkikita sila tila ba may nangyayaring kakaiba sa dalaga.
“What are you?” tanong nang dalaga saka tumingin sa binata. Biglang natigilan si Hunter nang makita ang pagbabago nang kulay nang mata nang dalaga at ang hourglass sa mata nito.
“You----” putol na wika nang binata. 19 years ago nang iligtas niya mula sa kamatayan ang isang sanggol. At dahilan kung bakit siya ngayon naging isang tao. He can remember kung ano siya dati. He was Azrael the Angel fo death at taga sundo. But because he took pity on that child he was punished. Alam niyang makikilala niya ang sanggol na iyon kapag nakaharap niya. Dahil iniwan niya ang isang black Pearl dito. “I wonder if that’s you.” Usal nang binata.
“A-anong sinsabi mo?” tanong nang dalaga.
“Hindi na mahalaga yun. Ikaw? Are you okay? Why----” naputol ang sasabihin ni Hunter nang bigla silang may narinig na tili at tinawag ang pangalan nang binata.
Napatingin si Hunter sa tumawag sa kanya. Nang makita niyang paparating ang mga ito sa kinatatayuan nila napatingin siya sa dalagang biglang nagyuko nang ulo. Naintindihan naman ni Hunter ang dahilan nito. Hinawakan niya ang kamay nang dalaga saka kinabig patungo sa likod niya. Biglang nag angat nang tingin ang dalaga nang mapansin ang ginawa ni Hunter.
“Tapos na ba ang practice niyo? Bakit bigla kang umalis? Sino yang kasama mo?” tanong nito na aktong tumingin sa likod nang binata pero iniharang ang katawan sa dalaga. Bigla namang napatingin si Selene sa binata dahil sa ginawa nito.
“Let’s talk later.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga saka inakay papalayo sa lugar na iyon. Naiwan namang natigalgal at nagtataka ang mga babae. Habang si Selene ay takang napatingin sa binata dahil din sa gulat.