Nasa basketball court na lahat nang mga mamamayan nang isang baryo naghihintay ang lahat para sa pagsisimula nang seminar na pinangunahan nang task Force guardian. Ang lugar na ito ay ang lugar kung saan napapabalitang may mga nawawalang dalaga at may mga rebeldeng gumagala. May mga Sundalo ding naka deploy sa lugar na iyon para sa seguridad nang mga residente. Katulong ang mayor at ang mayamang Don sa lugar humingi ang mga residente nang information drive mula sa mga sundalo para iparating sa mga residente na seryoso ang hinaharap nilang sitwasyon ngayon. Hindi naman sila binigo at ipinadala ang task force kasama si Hunter.
Dahil hindi pa nagsisimula ang seminar, naisipan ni Selene nakasama din doon na maglibot-libot. Dahil walang pasok sa university nila. Naisip ni Kristian na isama si Selene. Nagaalala itong baka may mangyari sa kapatid niya habang wala sila. Gaya nalang nang isang linggo siyang wala dahil sa kanyang Misyon noon. At noong nakaraan, kinailangan nilang sunduin ang kapatid na takot sa hospital sa isang hospital. Ayaw niyang may nangyari dito habang wala siya. Maging si Julianne ay kasama din niya kaya mas mabuting nasa tabi niya si Selene. Pumayag naman ang General nil ana isama niya ang kapatid niya. Maging ang task force ay hindi rin tumutol. Nagiliw pa nga ang mga ito sa dalaga.
Habang naglalakad si Selene sa kalsada sa gitna nang mainit at tirik na araw. Biglang natigilan si Selene nang bigla niyang nakasalubong ang isang nilalang katulad ito nang nakasalubong niya noon sa kalsada. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Gusto niyang tumakbo ngunit tila napako ang mga paa niya mula sa kinatatayuan.
Mas lalo siyang nahintakutan ng mapansin na nakalutang ito. Napahigpit ang hawak siya sa bag niya. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya nang kakaibang nilalang. Kahit noong bata pa siya ay nakakakita na siya nang mga kakaibang nilalang at mga multo, pangalawang beses na ito at hindi niya maintindihan kung bakit tila sinusundan siya nito. Ano bang kailangan nito sa kanya.
He looks directly into her eyes. It was too late para mag-iwas siya nang tingin. She knows nahuli nang nilalang na ito ang mata niyang nakatingin sa kanya. Ang lakas nang kabog nang dibdib ni Selene at parang napako siya sa kinatatayuan niya. She can’t move even if she wanted to.Ayaw sumunod nang katawan niya. Panay ang tahol ni Snow na nakikita din ang nilalang. Sabi nga nila, ang mga aso ay higit na sensitive ang paningin kumpara sa normal na mortal. At nakikita nila ang hindi nakikita nang ating mga mata.
Dahil sa labis niyang takot. Bigla siyang napahawak sa black pearl na pendant niyang kwentas. For some reason, ang kwentas na ito ang nagbibigay sa kanya nang kakaibang security. It was like someone or something si protecting her.
Papunta na si Hunter sa Basketball court nang mapansin ang dalaga nasa kalsada. Dahil matagal bago mag simula ang seminar naisip niyang maglakad-lakad. Napansin din niyang hindi kasama ni Kristian ang kapatid niya. Naisip niyang baka kung ano na naman ang pinasok nitong gulo. Nakatingin ito sa isang nilalang sa unahan niya at tila batong hindi kumikilos mula sa kinatatayuan. Agad niyang naalala ang eksena noon sa kalsada kung saan muntik nang mabangga nang truck si Selene kung hindi siya dumating. Napansin ni Hunter ang kakaibang nilalang na nasa unahan ni Selene.
Nang una, ayaw pansinin ni Hunter ang nakita niya. Ngunit, Pakiramdam ni Hunter may Boses na tumatawag sa kanya.
“Geez!” Napalabing wika ni Hunter na makitang may isang truck na patungo sa direksyon nang dalaga. Panay na ang busena ng truck pero tila wala itong maririnig.
“Is she crazy?” ani Hunter habang nakatingin sa dalagang tela na bato mula sa kinatatayuan. Walang ibang nagawa si Hunter kundi ang lapitan ang dalaga at ilayo sa gitna ng kalsada.
“AH!” Impit na tili ni Selene. Nang biglang may kumabig sa kanya palayo sa gitna nang kalsada. Nabigla si Selene ng may lakas na nilalang na humatak sa kanyang palayo sa gitna ng kalsada. Isang malakas na bisig ang nagligtas kay Selene mula sa isang aksidente. Split seconds nga mga sandaling iyon pakiramdam ni Selene huminto ang oras niya. Napatitig si Selene sa mukha ni Hunter. Sa isa pang pagkakataon, muli si Hunter ang nasa harap niya sa mga sandaling kailangan niya nang tulong.
Habang nakatitig siya sa mukha nang binata may mga kakaibang damdamin ang naramdaman ni Selene. Ilang sandali bago niya inilayo ang sarili sa lalaki. Nakita niya ang pagbagsak nang isang balahibo sa pagitan nila alam niyang maging ang binatang ito ay nagulat din.
“Are you trying to get yourself killed?” Asik ni Hunter sa dalaga at binitiwan nito. hindi agad naka react si Selene. She was caught off guard. Masyado siyang nadala sa pagkakatitig sa mukha nang binata. “Tell me do you have a kick out of a near death experience? This is the second time. Do you realize?” Tanong ni Hunter.
“What?! Are you still sleeping? Naglalakad ka ba habang natutulog?” narinig niyang wika ng lalaki saka niya naramdaman na bigla siya nitong uyog-uyog.
“Hey” biglang wika ni Selene at iniiwas ang kamay ng lalaki dahil sa kakauyog nito sa kanya sumasakit na ang ulo niya.
“Hey?! Did you just talk informally? To me? I saved you twice. No gratitude I see.” gulat na mukhang wika nito ng makabawi sa ginawa niya mukhang hindi nito nagustuhan ang naging reaksyon niya. “A simple thank you will be enough.” Anito sa kanya.
Napaawang ang labi ni Selene dahil sa pagtataka.
“Ano bang problema mo?” asik ni Selene sa binata.
“Anong problema ko?! I think I should be the one asking that Question. Anong problema mo? Tirik ang araw. Naglalakad ka nang tulog. ” Sakristong wika ni Hunter sa dalaga.
“Anong---! Wala kang pakialam!” sigaw ni Selene sa binata at tumalikod..
Ngunit bigla siyang napahinto ng pagtalikod niya naroon na ulit ang nilalang na nakita niya kanina. Biglang napaatras si Selene dahil sa takot. Dahil sa pag atras niya bigla siyang tumama sa binata. Naging mabilis ang reflexes ni Hunter at sinalo ang nagulat na dalaga.
“Hey? Are you Okay?” wika ni Hunter at hindi pinansin ang Nilalang sa harap niya. Alam niyang natatakot ang dalaga. Ang mga ganitong nilalang ay hindi dapat nakikita nang isang mortal ngunit dahil sa kapangyarihang naibahagi niya sa dalaga nang iniligtas niya ito. Nakikita nito ang mga bagay na hindi dapat nito makita. Napatingin si Hunter sa nilalang papalapit ito sa kanila habang nanglilisik ang mga mata.
Anong gagawin mo ngayon Azrael? Tanong ni Hunter sa sarili niya. Pwede siyang magpatuloy sa pagpapanggap na para bang wala siyang nakikita. At hayaang ang Nililang na gawin ang gusto niya sa dalagang ito. Ngunit may bahagi sa pagtao niyang nagsasabing hindi ito ang panahon para magbulagbulagan siya. Ngunit dahil wala siyang kakayahan.
“Hey watch your step.” Biglang wika ni Hunter kay Selene at pinihit paharap sa kanya ang dalaga. “Look at me.” Wika ni Hunter sa dalaga. Nararamdaman niya ang labis na takot sa dalaga at ang panginginig nang katawan nito. “It’ll be okay. Just look at me.” Wika ni Hunter at hinawakan ang mukha ni Selene. Nang tumingin si Selene sa mata nang binata, bigla siyang nakaramdaman nang security.
Pasimpleng tumingin si Hunter sa kakaibang nilalang. Hindi ito dumirecho sa paglapit sa kanila. Tila ba may Nakita itong dahilan sa biglaan nitong pagtigil. Napansin rin niya ang aso nang dalaga nang naglakad palapit sa Nilalang. Lihim na ngumiti si Hunter.
“Let’s go!” wika ni Hunter kay Selene saka hinawakan ang kamay nang dalaga at hinatak ito palayo sa lugar na iyon. Agad din namang sumunod sa kanila ang aso.
“Bitiwan mo Ako!” asik ni Selene at inagaw ang kamay mula sa binata. Bigla namang napatigil sa paglalakad ang binata at napalingon sa dalaga. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Ano? Is this how you say thank you. I just saved your life. Twice, Don’t you realize? I think the score stands at chivalry Two gratitude Zero.” wika naman ni Hunter. “Such a troublemaker.” Mahinang wika ni Hunter. Bigla namang natigilan si Selene. dahil sa labis na takot niya kanina hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.
“Ang mga batang katulad mo hindi dapat naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Umuwi kana sa inyo baka kung ano pang mangyari sa iyo.” Wika ni Hunter.
“Ano? Bata? Hindi na ako bata!” inis na wika ni Selene. It is always like that. Lahat nang tao ang turing sa kanya isang bata. Isang taong dapat pinoprotektahan. Siguro dahil sa kapansanan niya.
“Ihahatid na kita sa kuya mo. Pareho naman tayo nang pupuntahan. You don’t even know how to show gratitude to the person who saved you.” Nailing na wika ni Hunter at tumalikod.
“Yah!” Tawag ni Selene sa Binata. In informal way. Nang lumayo ang binata sa kanya biglang Malabo na naman ang mga bagay sa paligid niya. Ni hindi niya Makita ang dinadaan niya. Hindi rin niya marinig si Snow.
“Yah What?!” padaskul na lumingon si Hunter sa dalaga. Biglang nasapo ni Hunter ang noo ng makitang nadapa ang dalaga. Siguro dahil sa pagsunod nito sa kanya.
“Such a troublesome person. Hindi mo ba tinitingnan ang dinadaanan mo? Wala namang bato para matisod ka.” Ani Hunter at lumapit dito sa tinulugang tumayo ang dalaga. Nang makalapit siya sa dalaga, napansin ni hunter and galos sa tuhod ng dalaga. Marahil nakuha niya ito ng bumagsak.
“What are you thinking?” Tanong ni Hunter. Saka inalalayan niya ang dalaga na tumayo. Ngunit tinaboy lang ni Selene ang kamay niya.
Umiling naman si Hunter dahil sa naging reaksyon nang dalaga. Nakita niya ang isang tali sa bag nang dalaga. Agad niya iyong kinuha at isinuot sa aso.
“Aw ang hapdi!” Ani Selene at napaluhod at hinipan ang tuhod na may galos.
“Such a crybaby.” Ani Hunter. Saka kinuha ang panyo sa bulsa nang uniforme niya. Nagulat pa si Selene nang biglang lumuhod si Hunter.
“Huwag kang malikot.” Wika ni Alexander sa dalaga habang nililinis ang sugat niya sa tuhod. Nang matapos nitong punasan ang sugat itinali naman nito ang panyo sa tuhod niya. Habang nakatingin si Aya sa binata. BIgla niyang naalala ang binatang iniligtas niya noong isang buwan Gaya nang binatang ito nakikita din niya ang binatang iyon. Hindi niya maalala ang mukha nang binata.
“Pwede magtanong?” lakas loob na wika ni Selene.
“Ano naman?” Tanong ni Hunter at tumayo.
“Tao ka ba?” Napaawang ang labi ni Hunter dahil sa derechahang tanong nang dalaga.
“Ano namang akala mo sakin? Multo?”
“Hindi ba?”
“Are you being serious right now?” Tanong ni Hunter. Napatingin lang si Selene sa binata. Gusto niyang tanungin dito kung anong ibig sabihin nang mga nakikita niyang scenes tuwing kasama niya ang binata. It was different. Is that even this guy? Or ibang nilalang. He is mysterious but not scary.