Price

1244 Words
Biglang natigilan si Hunter nang biglang nagbago ang paligid niya. Nawala ang lahat nang tao at ang tanging natira ay ang nilalang at ang kaluluwa nang ina ni Analie. May nagbukas nang ibang dimension. Napatingin si Hunter sa nilalang. Ito kaya? Anong gustong gawin nito? “Alam mo ba ang nangyayari sa mga kaluluwa nang mga nagpapakamatay?” tanong nang nilalang kay Hunter. “Alam kung alam mo, Azrael.” Wika nang nilalang sa kanya. “Kahit na mahina ang kapangyarihan mo. Hindi mo maitatago ang tunay mong pagkatao. Tagasundo.” Wika pa nito. “Kahit na ikaw walang magagawa sa nakatakdang lugar na pupuntahan niya.” wika nang nilalang. Alam iyon ni Hunter. Ilang libong taon din siyang naging isang tagasundo. Alam niya ang kakahantungan nang bawat kaluluwang sinusundo niya. Napatingin si Hunter sa kaluluwa nang in ani Analie. Kahit siya bilang anghel nang kamatayan walang control sa kahahantungan nang kaluluwa nito. Iyon ang batas. At sa isang iglap bigla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan nila. naroon na sila sa lugar na puno nang apoy may mga taong humihingi nang tulong. Isa sa mga kaluluwang naroon ay ang kaluluwa nang ina ni Analie. Parang bangungot kay Hunter ang mga nakikita niya. Ang kaluluwa ng ina ni Analie ay nasa isang walang hanggang apoy. Apoy na magpapahirap dito ng ilang libong taon. Alam niyang ito ang kinahahatungan nang mga kaluluwa nang mga lumalabag sa batas nang Diyos. Noong siya si Azrael ang anghel nang kamatayan wala naman sa kanya kung nakikita niya ang mga kaluluwa na inihahatid niya. Ngunit ngayon, bakit naawa siya sa ina ni Analie kahit na alam naman niyang talagang ganito ang kahahantungan nito. “Siguro naman alam mo ang lugar na ito Azrael?” Wika nang nilalang kay Hunter. “Tulungan niyo Ako” nagsusumamong wika nang ina ni Analie. Napatingin si Hunter sa kaluluwa nang Ina ni Analie. For eternity, she will suffer. Iyon ang kabayaran sa mga nagawa niyang kasalanan. Wala nang magagawa ang kahit sino tungkol sa bagay na iyon. Iyon ang kanyang kapalaran. “Anong balak mong gawin Azrael? Nakalimutan mo ba ang batas?” biglang wika nang nilalang dahilan para matigilan si Azrael. Wala din naman siyang magagawa. “Huwag mo nang subukang iligtas siya kung iyon ang balak mo. Alam mong wala kang magagawa.” Wika pa nang nilalang. Nakita ni Hunter na biglang may malalaking kadena na pumulupot sa katawan nang in ani Analie. Naglakad si Hunter papalapit sa kaluluwa nang ginang. She is in so much pain. And that she will have to suffer for eternity. “Paumanhin. Wala akong pwedeng magawa para sa iyo. Isang kasalanan ang ginagawa mo. Kailangan mong pag---” naputol ang sasabihn ni Hunter nang biglang humarang ang nilalang sa kanya. “Bakit ka naaawa sa kanila, Azrael? Dati-rati ikaw ang nagdadala nang mga makasalanang kaluluwa dito lumambot kana ba dahil sa mga mortal. Hindi ko alam kung anong nangyari saiyo. Pero ang ipinapakita mo ngayon ay hindi ang Azrael na kinatatakutan nang lahat.” Anito. “Hindi ako nakikialam.” Agaw ni Hunter. Saka bumaling sa ina ni Analie. “Gustong humingi nang tawad ni Analie dahil sa mga nagawa niya. Alam kong marami siyang nagawang kasalanan sa inyo. At alam kong pinili mong kitlin ang buhay mo upang ipakita ang pagmamahal mo sa kanya.” Anang binata habang nakatingin dito. “Alam kong alam mong isang malaking kasalanan ang ginawa mo. Maraming paraan para ipakita ang pagmamahal mo. Ngayon sinisisi ni Analie ang sarili dahil sa nangyari sa iyo. Kahit na magsisisi ka ngayon sa nagawa mo. Hindi mo mababago ang katotohanan isang kasalanan ang ginawa mo. And you have to pay for it.” Wika ni Hunter. Sa ngayon, wala siyang magagawa, Hindi lubos ang kapangyarihan meron siya. At kahit naman may kapangyarihan siya. Hindi siya pwedeng sumuway sa batas nang pangalawang beses. Dati na siyang sumuway nang iligtas niya ang buhay ni Selene. Dahil sa mga sinabi ni Hunter napahagulgol nang iyak ang ina ni Analie. Naawa siya sa in ani Analie kaya lang ito ang kapalaran niya. Isang lugar lang ang pwede nitong puntahan. Huli na para magsisisi siya. Iyon ang nasa isip ni Hunter. Wala na siyang magagawa ngayon kundi ang tanggapin ang kanyang kapalaran. Habang nakatingin si Hunter sa Ina ni Analie sa walang hanggang apoy at nagdurusa. Unti-unti namang nagbago ang paligid niya at tila nakabalik na siya sa realidad. “Anong nangyari sa kaluluwa nang ina ni Analie?” tanong ni Selene kay Hunter. “I’ll Explain to you Later.” Mahinang wika ni Hunter at ipinatong ang kamay sa ulo ni Selene bago naglakad patungo kay Analie. “Analie” Ani Hunter sa dalaga. nag-angat nang tingin si Alice. Bakas sa mukha nito ang labis na pagsisis dahil sa nangyari. “Please know that your mom loves you in her own way. Magiging payapa siya kung ipagpapatuloy mo ang buhay mo.” wika ni Hunter. Lalo namang napahagulgol si Analie. Siya ang dahilan kung bakit ganoon ang kinahantungan nang mama niya. Biglang napaigtad si Selene nang tumalikod siya mukha nang ina ni Analie ang nabungaran niya. puno nang hinagpis ang mukha nito. aatras sana siya para lumayo ditto ngunit bigla siya nitong hinawakan. Nang hawakan siya nito bigla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan niya. “Tulungan mo ako!” wika nang ina ni Analie habang nilalamon ang katawan nang apoy na mistulang isang dagat. Nang una nagdalawang isip niyang abutin ang kamay nito dahil sa labis na takot. Ngunit nang makita niyang nahihirapan na ito sa kinalalagyan sinubukan niyang abutin ang kamay nito. “Hey wake up!” isang malamyos na boses ang narinig niya kasabay ang pagpisil nang maiinit na kamay sa palad niya. Nang marinig niya ang boses na iyon bigla na lamang nawala ang dagat nang apoy at ang ina ni Analie. Biglang bumalik sa realidad si Selene. Napatingin siya sa nagsalita at sa taong nakahawak sa kamay niya. “Kuya Julianne.” Takang wika ni Selene. Napalinga-linga siya sa paligid. Hinanap nang mata niya ang ina ni Analie ngunit wala na siyang ibang nakita. Nahagip nang mata niya si Hunter na nakatingin sa kanila ni Julianne. Bakit hindi siya mapakali sa uri nang tingin ni Hunter? May ginawa ba siya? Hindi niya maintindihan. “Okay ka lang ba Selene? Bakit bigla kang namutla.” Tanong ni Julianne sa dalaga. Taka lang na nakatingin si Selene sa binata. Hindi niya maintindihan ang nangyari at hindi niya maipaliwanag ang mga naganap. Hindi niya pwedeng sabihin kay Julianne kung ano man ang Nakita niya, baka hindi naman siya paniwalaan nang binata. “Your eyes. Nagbago na naman ang kulay nito.” Wika ni Julianne habang nakatingin sa pale red eyes nang dalaga. Agad namang tinangpan ni Selene ang mata niya nang marinig ang sinabi ni Julianne. “Silly, It’s just me.” Wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “You know, I am here to protect you.” Wika pa nito dahilan para marahang tanggalin ni Selene ang kamay na nakatakip sa mata niya saka tumingin kay Julianne. “Hindi ka naman na saktan?” tanong ni Julianne. “I’m okay.” Simpleng wika ni Julianne at ngumiti. Simple siyang napatingin kay Hunter na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Julianne. Gusto niyang lapitan ang binata at magtanog kaya lang biglang lumapit sa kanila si Kristian kaya hindi niya nagawang makalapit sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD