“Teka anong ginagawa mo?” nang pimiglas na wika ni Selene nang maramdam niya na may humawak sa kamay niya. Gaya nang dati nilagyan sila nang piring para wala silang makita sa paligid. Nang gabing iyon siya ang napili nang mga lalaki na gawing alay sa kanilang sinasambang Diyos-dyosan. Kahit panay ang pagpupumiglas ni Selene wala siyang nagawa laban sa sakas nang lalaki. Inihiga ng mga lalaki si Selene sa mesa at itinali ang mga paa at kamay.
Dahil sa nakita ni Julianne agad na siyang kumilos hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalaga. Alam niyang kung nandoon din si Kristian tiyak na hindi ito magdadalawang isip na lumapit sa mga ito mailigtas lang si Selene.
Nabigla naman si Julius dahil sa ginawa ni Julianne. Hindi na niya nagawang pigilan ang binata dahil s amabilis napagkilos nito. Matapos makabawi sa pagkakabigla Nakita niya ang binata na nasa baba na.
“Freeze! You are all under arrest!” Wika ni Julianne at lumabas mula sa pinagkukublihan kasama si Julianne. Nakatutuk ang mga baril nila sa mga naroon. Nagulat naman ang mga residente ganoon din ang pinuno ng grupo ng Makita ang dalawang binata.
Sinundan ni Selene nang tingin ang pinanggagalingan nang boses nang mga binatang dumating. Dahan-dahan na lumapit sina Julianne sa altar habang nakatutok ang baril sa mga tao. Napaatras ang pinuno ang kulto dahil sa baril na nakatutok sa kanila.
“Okay ka lang ba Selene?” Tanong ni Julianne sa dalaga sabay kalas sa tali nang kamay at paa nito.
“O-kay lang ako.” Wika ni Selene saka mabilis na tumayo nang makalas ang tali sa kamay at sa Paa saka mabalis na lumapit kay Julianne. Agad namang kinabig ni Julianne ang dalaga papalapit sa kanya.
“Anong plano natin ngayon?” tanong ni Julius kay Julianne habang nakatutok ang baril sa mga tao sa harap nila. Dalawa lang sila hindi niya alam kung magagawa nilang iligtas si Selene at ang mga dalaga.
“SI Kuya?” Tanong ni Selene sa binata.
“Later. Tiyak na papunta na sila dito.. Kailangan nating makisip nang paraang kung paano makakaalis sa lugar na ito.” Wika ni Julianne at bumaling sa dalaga. “Hindi ko alam kung magagawa nating malatakas sa kanila bago dumating sina Kristian.” Wika ni Julianne.
“Anong plano?” Tanong ni Julius.
“To get out from her alive.” Wika ni Julianne.
“Nice. Paano?” Tanong ni Julius. “Sorry if we crash into your party uninvited.” Ani Julius at bumaling sa mga residente.
“Hindi niyo alam ang ginagawa niyo. Nalalapit na ang muling pagkabuhay ng Poon. Kailangan naming silang ialay para sa kailigtasan nating lahat.” Anang isang miyembro.
“Kalokohan. Anong kabaliwan ang sinasabi niyo?” inis na wika ni Julius. “Taas ang kamay! sa presinto kayo magpaliwanag” Asik pa nang binata.
Akmang lalapit si Julius sa mga ito nang biglang umuhip ang malakas at malamig na hangin dala nito ang amoy nang kamatayang naamoy ni Selene noong nakaraang gabing may pinatay na isa sa kanila. Dahil sa takot mahigpit na napahawak si Selene sa braso ni Julianne. Napatingin naman si Julianne sa dalaga. Ramdam niya ang panginginig sa kamay nito. Bigla silang pinalibutan ng mga lalaking miyembro ng kulto.
“Huwag na kayong lumaban pa!” Anang pinuno ng kulto. Dahan-dahan na lumapit ang mga lalaki sa kanila. Nagpaputok pataas si Julianne para bigyan ng babala ang mga ito. saka muling itinutok ang baril sa mga miyembro nang kulto.
“Ang susunod na putok ng baril tiyak na sa ulo niyo na kaya huminto kayo at sumuko na!” Ani Julianne. Ngunit tila balewala ang babala ng binata sa mga ito. Patuloy na lumapit ang mga ito sa kanila. Maya-maya ay sinalakay na sila ng mga ito walang nagawa ang dalawang binata kundi ang labanan ang mga ito. Dahil naging abala si Julianne sa pakikipaglaban hindi niya napansin na nakuha ng mga lalaki si Selene.
“Selene!” sigaw ni Julianne habang iniiwasan ang mga wasiwas ng itak ng mga residente. Sinangga ni Julianne ang kamay ng lalaking may hawak na itak sabay balibag niya nito sa lupa. Ilang sandali ding nilabanan nina Julianne at Julius ang mga residente habang iniwasan na masaktan ang mga ito. Hindi nagtagal dumating din si Kristian kasama ang iba pang miyembro ng task Force at ilang sundalo.
Dahil sa dumami na ang mga kalaban nila. Kaya naman itinakas ng ibang mga miyembro ang tatlong dalaga kasama ang pinuno nito. Nakita ni Hunter na umalis ang mga ito kasama sina Selene. Tinawag niya sina Kristian at Julianne para sundan nila ang mga ito. Dinala ng mga tumakas sina Selene at ang iba pa sa loob ng malaking bahay doon muling nakipag away ang tatlong binata sa mga lalaki.
Hindi nagtagal dumating sa lugar na iyon ang mga sundalo. Ang pinagsamang pwersa nina Kristian at mga sundalong rumesponde matapos magradyo ni Julianne at Julius sa mga ito. Matapos madakip ang mga miyembro ng kulto agad namang romesponde sina Meggan sa kasamahang sina Julius. Sina Rick, Johnny at Ben ang siyang nagligtas sa tatlong Dalaga na itatakas sana ng mga lalaki.
Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat mula sa loob ng bahay.
“Julianne, Kristian! Ilabas ninyo ang iba pa ako na ang bahala sa iba dito.” Wika ni Hunter. Biglang namang tigilan sina Julianne at Kristian sa sinabi nang binata kung magsalita ito parang ito ang commanding officer sa kanila.
“Hindi pwede nandito pa sa loob ang kapatid ko.” Ani Kristianb.
“Thats an order Officer.” Biglang bulalas ni Hunter habang nakatingin nang derecho sa dalawang binata.
“Hey brat. Masyado mo yatang pinaninidigan ang pagiging walang galang mo. Baka nakakalimutan mong mas matanda kamai saiyo at mas mataas ang ranggo.” Wika ni Julianne na akmang lalapit kay Hunter ngunit bigla siyang pinigilan ni Kristian.
“Ako na ang bahala kay Selene. Ililigtas ko siya.” Wika ni Hunter.
“Can you really save her?” tanong ni Kristian. Hindi nagsalita si Hunter at tumingin lang nang derecho sa binata. Hindi naman nakipagtalo pa si Kristian. Nararamdaman niyang hindi naman siya binibiro nang binata. Kahit hindi niya alam kung anong pagkatao nang binata isa lang ang alam niya. May nagsasabi sa loob niya na maniwala siya dito.
Hindi na nagsalita sina Kristian at Julianne at sinunod ang sinabi ni Hunter. Kahit labag iyon sa loob ni Julianne wala siyang nagawa dahil hindi naman tumutol si Kristian sa sinabi nito. Agad na sinunod ang dalawa ang utos nito. Inilabas nito sina Meggan at ang iba pa sa loob ng bahay. Saktong nasa labas na sila ng gate ng biglang may narinig silang malakas na pagsabog.
“Selene!” sigaw ni Adrian. Gustuhin man niyang bumalik ngunit hindi na siya makakapasok nasusunog na ang unahang bahagi ng bahay. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapakuyom nang kamao at iasa kay Hunter ang kapatid niya.
Natagpuan ni Hunter si Selene sa isang underground kasama ang leader ng kulto. Hanggang sa mga sandaling ito nais parin nitong ialalay si Selene sa itinuturing nitong diyos.
Sa pagkakataong ito nakita ni Hunter ang isang nilalang. Ito ang nilalang na Nakita niyang may nanlilisik na mga mata. Ito rin ang nilalang na sinasamba nang mga residente sa lugar na ito. At agad niyang nakilala ang nilalang na iyon.
“Huwag kang lumapit!” Sigaw ni Selene nang pumasok si Hunter. Agad na napansin ni Selene ang Binatang dumating. Nang mapatingin si Selene sa binata. Nakita niyang bumaling din ito sa Binatang bagong dating.
“Hindi ka isang mortal.” Wika nang nilalang sa binata. Na na animoy isang anino sa likod nang matandang lalaki. Makikita sa mata nang matandang lalaki na hindi nito hawak ang diwa niya dahil ang kumukontrol nang diwa nito ay ang nilalang na sumanib sa katawan nito. Maraming beses nang nakakita si hunter nang nang ganitong klaseng nilalang. Ngunit ngayon lang siya nakakita nang katulad nila na sumasanib sa mga mortal. Nararamdaman niya ang malakas na enerhiya nito. Dahil siguro sa mga pusong nakain nito o dahil sa maiitim na pusong naging dahilan para tumalikod ang mga tao sa Totoong diyos. Mas tamang sabihin na ang nilalang na nasa harap niya ngayon ay hindi isang nilalang na lumalakas sap ag ko-consume nang mga puso nang mortal. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ang ganitong nilalang. Mahina ang kapangyarihan niya at baka wala siyang laban dito. Ngunit hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Selene.