Unmatched

1546 Words
Nanginginig si Melfina habang nakaharang sa harapan ni Kristian. Isang malakas na sampal ang iginawad nang lalaki sa dalaga. agad naman itong nabuwal sa lupa. Dahan-dahan itong lumapit ang lalaki sa dalaga. halos hindi naman makakilos si Kristian. SI Julianne naman pinipilit na tumayo. “Hey!” sigaw ni Selene sa Nilalang at binato ito ng sapatos niya. napalingon naman ang lalaki sa kanya. Agad na nagkagat nang labi si Selene. Ano nang gagawin niya ngayon? Mukhang ginalit pa niya ang lalaki. “S-Selene.” Mahinang anas ni Kristian sa nakitang ginawa ng kapatid. “Oh, Ang dalagang may nakaka-akit na amoy.” Wika ng lalaki sa dahan-dahang naglakad palapit sa dalaga. Napalunok naman ang dalaga. Hindi na niya alam kung ano ba ang gagawin niya o kung tama ba ang ginawa niya. Parang nagalit sa kanya ang fallen angel. Kahit mapapatitig pa lamang siya sa mga mata nito talagang natatakot na siya. Ano na ngayon ang gagawin niya? Hunter Nasaan ka na ba? Are you dead? Tanong nang isip ni Selene. Dahan-dahang naglakad ang Fallen angel sa kanya. “Selene. Tumakbo ka na.” mahinang wika ni Kristian. Wala siyang magawa upang iligtas ang kapatid niya. “Nakakainis.” Inis na wika ni Julianne. “Selene! Tumakas ka na!” sigaw nang binata. Napatingin lang si Selene sa kaibigan. Iyon ang gustong gawin nang isip niya ngunit ayaw sumunod nang katawan niya. Tila na pako ito mula sa kinatatayuan. “Napapasaakin ka.” Nakangising wika nang lalaki. “Hunter!” malakas na sigaw ni Selene. Dahil sa kawalang pag-asa. Kasunod nang sigaw ni Hunter ang biglang pag labas nang pulang liwanag mula sa kwentas nang dalaga. Lumabas din ang pulang liwanag sa direksyon kung saan tumilapon si Hunter. “Anong nangyayari?” gulat na wika nang Nilalang nang bigla na lamang niyang naramdaman ang isang malakas na kapangyarihan. Nakita nilang may isang anino ang naglakad mula sa liwanag. Hanggang ang anino ay naging isang bulto. Bago pa makilala ni Kristian ang lalaki. BIgla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan nang fallen angel. Bigla silang napunta sa isang space na puro puti ang paligid. “Anong Ginagawa mo?” Asik nang lalaki kay Julianne. Nakaluhod ang binata habang hawak ang dumudugong sikmura. "Mga mortal. Masyado niyong pinahihirapan ang sarili niyo dahil sa panlalaban.” Wika nang nilalang at naglakad palapit sa binata. Bago pa makalapit ang nilalang kay Julianne isang bolang apoy ang tumama sa kanya. Agad naman siyang napalingon sa pinanggalingan nang apoy. Nakita niya doon ang binatang tumilapon kanina. Ito rin ang binata nababalot nang pulang liwanag. “Ang liwanag na yan. Ang angel of death.” Gimbal na wika nang nilalang. Nagulat naman si Julianne. Bakit nakikita niya sa mukha nito na takot ang lalaki. At anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong Angel of Death. Anong mga nangyayari at tila wala na silang control sa mga nangyayari ngayon. “Alam mo bang mali ang naging desisyon mo na atakehin anng dalagang iyon?” wika ni Hunter na ang tinutukoy ay si Selene. napaatras ang nilalang. He was not the same weak lad kanina. Nararamdaman niya ang malakas na kapangyarihan nito. Wala siyang laban sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya saklaw ang taglay nitong kapangyarihan. Ngayon lang niya nakita ang ganitong klaseng nilalang. Nararamdaman niya ang itim nitong aura gaya nang isang demonya ngunit may kakaiba. Malakas ang taglay nitong kapangyarihan. “Ang kabaluktunan nang mga tao na tini-take advantage niyo ay isang bagay na hindi ko mapapalampas. Anong pinagkaiba nang mga ganid na tao sa mga katulad mo.” Galit na wika ni Hunter. “Humanda ka sa katapusan mo.” wika ni Hunter at parang hangin sa bilis na kumilos. Sa isang kisap mata nasa harap na ito nang lalaki. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nang binata. Nanlaki pa ang mga mata ni Julianne nang makitang tumagos sa dibdib nang nilalang ang suntok ni Hunter. Unti-unti nasunog ang katawan nang nilalang hanggang sa maging apoy ay naging abo hanggang sa tuluyang mawala. Nakita ni Julianne ang kakaibang kislap sa mata ni Hunter. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi na niya kilala ang Binatang nasa harap niya, anong nangyari at bakit ito biglang nagbago. Bakit may kapangyarihan ito? Ano ba talaga ang Binatang ito. “Hunter.” Narinig ni Hunter ang mahinang boses nang dalagang tumatawag sa kanya. hindi na niya nagawang ma control ang galit niya. “Selene.” mahinang usal ni Hunter nang makilala ang boses na tumatawag sa kanya. Nagbago ang kulay nang mata nito at nawala ang mabagsik nitong Aura. Napasandal sa pader si Julianne nang makitang tila kumalma na ang binata. Napatingin siya sa Binatang nakatayo. Hindi niya alam kung anong nangyari. Pero ang alam niya hindi na ito ang kilala nilang Hunter tila hindi na nila kilala ang binata nang mga sandali. “Hunter!” Malakas na wika ni Kristian nang makitang nahulog si Hunter mula sa ikalawang palapag. Mabuti na lamang at may mga kahong karton na nakahilera sa ibaba. Hindi agad na tumama ang katawan ni Hunter sa semento. “HUNTER!” nag-aalalang wika ni Johnny at Rick na nakabawi na mula sa atake nang nilalang saka nagmamadaling nilapitan ang binata para saklolohan. “Hunter, Are you okay, Kid?” wika ni Johnny at lumapit sa binata. Tiningnan din niya kung buhay pa ito. May mga galos ito ngunit hindi Malala. Nawalan lang ito nang malay. “Buhay pa siya.” Wika ni Rick. Saka lumingon sa kasamahan. Nakatayo na rin sina Meggan Ben at Julius. Tinulungan ni Julius si Julianne na tumayo. Si Meggan naman ay nilapitan si Renz. Habang si Ben ay Nilapitan si Miguel. Napaungol si Hunter saka nagmulat nang mata. “Kid? Okay lang kayo?” tanong ni Rick sa binata. “Masakit ang katawan ko Pero sa palagay ko naman buo pa ang mga buto ko.” wika ni Hunter. Inalalayan siya nang dalawa na tumayo. Saka naglakad palapit kay Kristian. Malalim ang sugat na tinamo nito. Narinig nila ang serena mula sa ambulansyang parating. Nang huminto ang mga ito. Si Kristian at Miguel ang unang isinakay at agad na isinugod sa hospital. Si Renz naman ay isinakay sa police car upang dalhin sa presinto. “Selene?” Wika ni Julianne sa dalagang hindi natinag mula sa kinatatayuan niya. Nakatulala ito at nakatingin sa pinagbagsakan ni Hunter. “SELENE!” untag ni Julianne. Ngunit hindi parin ito natinag. Napansin naman ni Hunter ang dalaga. Kumalas siya mula sa pagaalalay nina Johnny at naglakad palapit sa dalaga. Nang tumilapon siya sa ikalawang palapag, alam niyang nawalan siya nang malay. Hindi niya magawang ilabas ang lakas niya kaya naman hindi niya nasangga angg atake nang nilalang. Habang nasa kawalan siya. Narinig niya ang boses ni Selene at ang pagtawag nito. Bigla niyang naramdaman ang kakaibang init na bumalot sa katawan niya. Pakiradam niya nagaapoy ang buong katawan niya. Sunod niyang nakita ang sarili niya sa isang dimension at ang pag-atake niya sa nilalang. Wala siyang control sa katawan niya. O sa kapangyarihang iyon. Alam niyang hindi niya iyon kapangyarihan. Hindi pa niya nagagamit ang ganoong lakas. “Hey Kiddo.” Wika ni Hunter at tumayo sa harap nang dalaga. Pilit siyang ngumiti alam niyang nag-alala ang dalaga. simplang napatingin sa kanya si Selene. Ilang sandali din itong tumitig sa kanya. “Are you okay? Are you hurt?” Tanong ni Hunter. “You’re okay.” Mahinang wika ni Selene habang nakatingin sa binata. Maliban sa galos. Hindi na ito nasugatan pa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa binata. Nang lumabas ang pulang liwanag bigla din itong naglaho. Tapos bigla na lang lumitaw ang binata. Nang mahulog ito sa ikalawang palapag akala niya katapusan na nang binata. “Ano bang sinasabi mo. Of course, I am okay.” Ngumiting wika ni Hunter at ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. Saka humakbang palapit sa dalaga. “I have to stay alive. Or I won’t be able to protect you.” Wika nang binata. Agad namang nag angat nang tingin si Selene dahil sa sinabi ni Hunter. “You know I am not the kind of person that you expect me to be. But know that whenever you need me. I am always there to protect you. Always.” Ngumiting wika ni Hunter. Para kay Selene ang mga salitang iyon ni Hunter ay tila musika sa pandinig niya. And they make her heart flutter. “You’re acting cool sa mga sitwasyong ganito. Tiyak kong okay ka na nga.” Ngumiting wika ni Selene. Napangiti naman si Hunter dahil sa sinabi nang dalaga. “Alright guys let’s wrap this up” Wika ni Julianne. Saka Bumaling sa mga Tauhan niya. “Yes Officer.” Wika ng Apat. At agad na kumilos ayon sa utos ng binata. Agad na dinala sa Hospital sina Kristian at ang dalawa pang sugatan. Sa kasalukuyan ligtas na ang tatlo mula sa panganib. Dahil sa sunod-sunod na pagpatay na haharap si Miguel sa kasong multiple murder. Habang si Renz naman ay sinampahan ng kaso na Rape at murder. Dahil sa pagpatay nito sa kasintahan ni Miguel na si Mila dalawang taon na ang nakakaraan. Sa oras na mailabas sa ospital ang dalawa idi-diretso na sila sa kulungan para pagbayaran ang kanilang mga kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD