Out of the Blue

1639 Words
Nasa labas nang Hospital si Aurora at hinihintay si Kristian. Tuwing end of shift niya parati siyang sinusundo nang binata bagay na nakasanayan na niya. habang hinihintay niya si Kristian sa labas nang hospital biglang mag tumigil na sasakyan sa harap niya. ganoon na lamang ang gulat ni Aurora nang makita niya nang lumabas sa kotse si Ramon. Biglang napaatras sa takot si Aurora ngunit bigla siyang hinawakan nang tauhan nito. “Talagang napakatigas nang ulo mo Aurora. Ilang beses mo ba talaga ako dapat suwayin?” asik ni Ramon sa kanya. “Anong ginagawa mo ditto?” takot na wika ni Aurora. “Itinatanong pa ba sinudundo na kita. Alam mo ba kung gaano ako ka lungkot mula nang iwan mo akong nang iisa?” ani Ramon at hinawakan ang kamay ni Aurora. “Lubayan mo na ako! Kung magpupumilit ka sisigaw ako ditto. Nasa wanted list ka kaya---” naputol ang sasabibihin ni Aurora nang bigla siyang kabigin ni Ramos palapit sa kanya. “Wala akong pakialam sa sinasabi mo.” ani Ramon. “Akin ka at hindi kita ibibigay kahit kanino. Lalo na sa Atty. Edwards na iyon.” “Pwede ba bitiwan mo ako.” Ani Aurora at pilit na itinulak ang binata. May mga tao namang nakatingin sa kanila ngunit walang magtangkang tulungan ang dalaga dahil sa takot sa mga lalaki. Lahat nang lalaki ay armado. “Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw saiyo? Ganoon ka na b aka desperado.” Wika nang lalaki at hinila si Aurora palayo sa lalaki. Takang namang napatingin si Aurora at Ramon sa lalaking dumating. “Johnny!” Gulat na wika ni Aurora nang makilala ang binata. Hindi niya inaasahan ang binata na darating at ililigtas siya. Taka lang siyang napatingin sa binata dahil sa gulat. “At sino ka namang kotong lupa ka.” Asik ni Ramon sa binata. “Mas mabuti pang umalis na kayo ditto. Dahil kung hindi mapipilitan akong Hulihin kayo.” Wika ni Johnny. “Ako ba ang tinatakot mo? Hindi mo yata nakikilala kund sino ako?” ani Ramon at senenyasan ang mga tauhan na sugurin ang binata. Agad namang kinabig ni Johnny si Aurora palayo saka sinangga ang atake nang mga lalaki. Maging si Ramon ay nag simula na ring salakayin ang binata. Habang nakikipag laban si Johnny sa mga lalaki saka naman ang pagdating ni Kristian nang makita niya ang nangyayari agad siyang lumapit para ito saklolohan. Hindi kinaya nang grupo nina Ramon ang pinagsamang lakas nina Johnny at Kristian. Sa tulong din nang mga security guard nang Hospital bagaman huli na nang dumating nahuli nila ang most wanted na si Ramon. “Kristian!” galit na wika ni Ramon sa binata nang masukol ito nang mga security guard at ma lagyan nang posas. “Ramon! Why I’m not surprise na makikita kita ditto. Isang bagay ang hinahangaan ko saiyo. Masyado kang persistent.” Wika ni Kristian sa lalaki. “Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito. Kung akala mo tapos na ako sa iyo nagkakamali ka. Hanggang nabubuhay ako hindi kita patatahimikin.” Wika nito bago bumaling kay Aurora. “Maswerte ka pa rin Aurora. Pero Huwag kang mag-aalala babalikan kita.” Wika nito. agad namang ikinubli ni Johnny ang dalaga sa likod niya. “Tumigil ka na Ramon. Nahuli ka na nga ang dami mo pang satsat. Huwag mong isiping makakalabas ka pa nang kulungan.” Wika ni Johnny. Dumating ang mga police na siyang nagdala sa grupo ni Ramon sa presinto. “Johnny. Pwede mo bang ihatid si Aurora. Sisiguraduhin ko lang na hindi na makakalabas nang kulungan ang mga to.” Wika ni Kristian sa binata. Saka tinapunan nang tingin si Aurora. Ramdam niya ang labis na takot sa mata nang dalaga. Kung hindi lang siya na huli nang dating hindi na sana ito nagulo pa ni Ramon. “Yes Chief.” ani Johnny. “Thanks.” Wika ni Kristian bago bumaling kay Aurora. “Go with him. Uuwi din ako after I made sure hind na makakalabas nang kulungan si Ramon”. Wika nang binata sa dalaga. Alam niyang natatakot at nangangamba ang dalaga para sa seguridad nito. Sino naman kasing mag-aakalang makakalabas si Ramon. Mukhang hindi ito titigil kahit siguro ipadala ito sa impyerno babalik at babalik ito para guluhin si Aurora. “Ako nang bahala sa kanya Chief.” Wika ni Johnny. Bahagya namang tumingin si Kristian sa binata. Mabuti nalamang at dumating ito. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit ito nandoon sa Hospital Mabuti na rin at nandoon ito. At least they were able to save aurora from Ramon. “Thank.” Ulit ni Kristian. Simpleng ngiti lang ang tinugon ni Johnny. **** Johnny!?” Gulat na wika ni Aurora nang Makita si Johnny na nasa bahay nang mga magulang niya. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa ama niya at para bang nakuha na nito ang loob kahit na ang ina niya. Hindi niya sinabi kay Kristian ngunit tuwing day off niya dinadalaw niya ang ina niya. Malubha ang sakit nang stepfather niya. walang pera ang mga ito at wala ding trabaho ang mga anak nito. “Miss Aurora!” Wika ng binata at lumapit sa dalaga at kinuha ang mga dala nito. Miss Aurora? Takang wika nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata. “Anong ginagawa mo dito?” Pabulong na wika nang dalaga. “Ganyan ka ba makipag-usap sa bisita mo? Huh! Wala ka talagang galang.” Galit na wika nang ina niya. Napatingin naman si Aurora sa mama niya. “Naku, hindi po. Mabait si Miss Aurora sa ‘kin.” Depensa ni Johnny sa dalaga. “Kumpara sa mayabang na Atty. Edwards na yun, mas' gusto ko si Johnny. Dahil inayawan mo si Ramon. Mas mabuti pang pumili ka nang taong naiintindihan ang kalagayan natin.” Gustong mainis ni Aurora sa itinuturan nang mama niya. Ngunit gaya nang dati hindi na naman niya nagagawang isatinig ang mga hinanakit niya. Alam niyang binibigyan niya nang sama nang loob ang ama niya. Nitong mga nakaraang araw panay ang pag-atake nang sakit nito. Ayaw na niyang makadagdag pa sa problema nito. “I think you misunderstood him. Mabait si Chief at magkaibigan sila ni Miss Aurora.” Ani Johnny. “Whatever, I don’t like him. He is good looking and everything. But that’s just it!” Wika nang stepsister ni Aurora. “Maghahanda lang ako nang hapunan.” Wika ni Aurora at naglakad papasok sa loob nang bahay. “Don’t mind her. Alam mo kasi, bata pa sila gusto na ni Aurora ang kababata niya. Kaso hindi naman iyon ang nararamdaman nang isa.” Natatawang Wika nito. Gusto niya si Chief Kristian? Ulit nang isip ni Johnny. Hindi naman lingid sa kanya ang espesyal na turingan nina Kristian at Aurora lalo pa at sabay silang lumaki at dating nakatira sa kanila si Kristian. Ngunit akala niya kapatid ang turingan nang mga ito sa isa’t-isa. Hindi niya alam kung anong tunay na kwento sa pagitan nila. Pero narinig niya noon kay Julianne na dati silang tauhan nanga ma ni Aurora na isang kilalang gangster leader noon. Ngunit dahil sa pagtatraydor ni Ramon. He was killed. “Aurora?” Gulat na wika ni Kristian nang bumaba sa drivers seat at mahagip nang mata si Aurora na bumaba sa kotse ni Johnny. Sabi sa kanya nang dalaga pupunta ito sa simbahan saka dadaan sa hospital bago umuwi. Kanina pa siya nag aantay sa labas nang hospital hindi naman niya nakitang lumabas ang dalaga hanggang sa dumating ito kasama si Johnny. “Kristian.” Gulat na wika ni Aurora nang makita ang binata na nakatayo sa labas nang kotse. Agad silang lumapit ni Johnny sa binata. “Magandang gabi Chief.” Bati ni Johnny sa binata. “Magandang gabi” simpleng wika ni Kristian na nakatingin kay Aurora. “Magkasama ba kayo boung araw?” tanong ni Kristian na nakatingin pa rin sa dalaga. “OO sinamahan ko siya sa bahay nang mga magulang niya.” matapat na wika ni Johnny. “Sa bahay nila? Bakit doon?” ani Kristian na nasa mukha parin ni Aurora nakatingin. Sa uri nang titig nito sa kanya pakiramdam ni Aurora gusto niyang matunaw. Ano to? Nakakabasa ba siya nang galit sa mata nang binata? Ngunit bakit? “Malubha ang sakit nang stepfather niya. kailangan nang tulong nang ----” putol na wika nito. “Wala ka bang bibing para ibang tao ang sumagot sa mga tanong ko?” asik ni Kristian kay Aurora. Kapwa natigilan sina Johnny at Aurora dahil sa sinabi nang binata. “Hind naman ganoon iyon Chief. Alam kong nasa poder mo si Miss Aurora, masyadong delekado ang mag-isa sa panahon ngayon lalo na sa mga sunod-sunod na krimen. Kaya naman naiisip kong i-hire ang sarili ko bilang bodyguard niya.” Mahabang paliwanag ni Johnny. “Bodyguard? Kasama ba sa trabahong iyon ang maging bibig niya?” wika ni Kristian at bumaling kay Johnny. “Chief?!” gimbal na wika ni Johnny. “Kristian. Ano ba.” Ani Aurora sa kaibigan. “Uuwi na ako hindi ka ba sasabay?” tanong ni Kristian sa kaibigan. “Ihahatid ako ni Johnny.” Wika nang dalaga. “Okay. Mauna na ako.” Wika ni Kristian at tinalikuran ang dalaga. Hindi manlang ito lumingon hanggang sa pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon. “Nakakainis siya anong problema niya. Minsan hindi ko maintindihan ang twisted niyang ugali.” Inis na wika ni Aurora habang inihahatid nang tingin ang papalayong kotse nang binata. Hindi siya makapaniwala sa ikinilos nito. Maging si Johnny ay nabigla din sa ikinilos nang binata. Bakit parang nagseselos ito? HIndi naman ito aakto nang ganoon kung hindi ito nag seselos. Wala siyang masamang hangarin when he decided to become Aurora's bodyguard pero mukhang hindi ito nagustuhan ni Kristian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD