Bakit Aurora? May dinaramdam ka ba?” Tanong ni Johnny habang nasa harden sila at naghahanda nang inihaw napansin niyang wala sa sarili niya ang dalaga. Kaarawan nang kanyang ina. Inanyayahan nito si Johnny na saluhan sila sa isang barbeque party. Nagpaalam siya kay Kristian na uuwi da bahay nila para sa kaarawan nang ina niya. hindi naman ito tumanggi. Ni hindi rin nagtanong si Kristian sa kanya at kung sino ang mga kasama niya. Simula nang naging usapan nila nang nakaraang araw Napansin niyang tila dumidistansya si Kristian sa kanya
Habang abala ang lahat wala naman sa okasyon ang utak ni Aurora. Napapansin niyang parang lumalayo si Kristian sa kanya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya biglang nagkaroon nang harang sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya nagugustuhan iyon dahil nasasaktan siya. Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing ni Kristian sa kanya ngunit ang hindi niya matatanggap ay ang layuan siya nito na para bang may ginagawa siyang masama. Gusto niyang kausapin ang binata pero halatang lumalayo ito sa kanya.
Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing ni Kristian sa kanya ngunit ang hindi niya matatanggap ay ang layuan siya nito na para bang may ginagawa siyang masama. Halos araw-araw nga niyang nakikita ang binata sa bahay nito ngunit hindi manlang siya nito kinakauusap abala ito sa pag-aasikaso sa kapatid o sa mga kaso nito. Naaiintindihan niya iyon ngunit, may kakaiba talaga sa pakikitungo nang binata sa kanya.
Nabigla ang lahat dahil parang tubig kung inomin ni Aurora ang alak na nasa baso nito. hindi lang ito nagkasya sa isa o dalawang tagay. Ilang beses siyang pinigilan ni Johnny ngunit hindi naman nakinig ang dalaga. Sa sama nang loob niya kahit ang lasa nang alak ay hindi na niya malasahan. Parang maging ang dila niya ay manhid na dahil sa galit niya. Ito mismo ang umubos sa isang bote. Habang nagkakasayahan sila, biglang nawala si Aurora.
“Oh? Aalis ka?” tanong ni Julianne sa kaibigan niya nang bigla itong tumayo. “Hindi pa tayo tapos dito.” Wika ni Julianne. Nasa law firm sila noon at inaasikaso ang kaso ni Herrick Merin.
“Uuwi muna ako sa bahay, umalis si Aurora at nag-iisa lang si Selene ngayon doon.” Wika ni Julianne.
“Bakit hindi mo nalang siya tawagan.” Wika ni Julianne. Hindi na man nito ugaling biglang umalis. Minsan tinatawagan nito si Selene kung gagabihin sila.
“Hindi maganda ang kutob ko.” Wika ni Kristian. Maraming mga nangyayari sa kanila ngayon. Aside from his worries kay Selene. He is also worrying about Aurora. At ewan ba niya, nitong mga nakaraang araw. Naiinis siya tuwing nakikita ang binata lalo nan ang makita niya si Johnny na tila nagiging malapit sa dalaga. Hindi naman dapat siya ganoon pero hindi niya maintindihan ang sarili niya.
“Siya sige na nga. Tawagan mo ako kung may problema.” Wika ni Julianne. Ngumiti si Kristian at nagmamadaling lumabas. Nang dumating si Kristian sa mansion nila. Nabigla siya nang Makita si Aurora na nakaupo sa may pinto habang yakap ang sarili. Hindi naman ito bisita sa bahay na iyon kaya nagtataka siya kung bakit hindi ito pamasok sa loob nang bahay. Nang lumapit siya dito bigla niyang naamoy ang alak na ininom nito.
“Aurora?!” Untag ni Kristian sa dalaga.
“K-Kristian. Dumating ka na pala.” Wika nito at tiningala sa binata. Amoy na amoy ni Kristian ang alak sa dalaga.
“Bakit ka uminom? Bakit ka nagpakalasing? Kailan ka pa na tutong uminom?” Sunod-sunod na Tanong ni Kristian sa dalaga at tinulungan itong tumayo. “Nasa loob si Selene. Bakit hindi ka nalang pumasok. May susi ka din nang unit. Bakit ka nandito sa labas.” Wika nang binata.
“Ano bang pakialam mo. Conceited na refrigerator.” Galit na wika ni Aurora at itinaboy ang kamay nang binata. Ngunit dahil hilo at dahil sa labis na kalasingan nawalan ito nang balance. Mabuti at naging maagap ang binata.
“Conceited refrigerator?” Ulit na wika nang binata.
“Yeah, that's you.” Wika ni Aurora saka muling itinulak ang binata.
“Kuya? Ate Aurora?” gulat na wika ni Selene nang buksan ang pinto at makita ang kuya niya na pinipigilan ang dalagang nagpupumiglas. Taka siyang napatingin sa dalaga. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi naman ang tipo ni Aurora ang mahilig mag lasing. Alam niyang may problema ito sa pamilya lalo at nang gugulo si Ramon dito pero hindi niya akalaing makikita niya itong lasing.
“Huwag ka nang malikot. Kahit ang tumayo nang maayos hindi mo magawa. Gaano naman karaming alak ang inubos mo.” Inis na wika ni Kristian at pinasandal sa pader ang dalaga habang binubuksan ang pinto. “Pati ang pagpasok sa loob nang bahay hindi mo na alam dahil sa labis na kalasingan.” Wika nang binata.
Binuksan ni Selene ang pinto para makapasok sina Kristian at Aurora. “Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Selene saka sumunod sa kapatid matapos isara ang pinto.
“I don’t know either.” Wika ni Kristian saka pinaupo ang dalaga sa sofa. “Pwede mo ba siyang ipagtimpla nang kape o kahit anong----” putol na wika ni Kristian nang biglang itaboy ni Aurora ang kamay nito.
Naiinis ako saiyo Kristian.” Wika ni Aurora at hinampas ang balikat ng binata. Taka namang napatingin si Selene sa kapatid niya. Ano naman ang ginawa nito para mainis ang dalaga sa kanya.
“Don’t look at me like that. I didn’t know anything.” Wika ni Kristian sa kapatid. “Just go and get her a cup of coffee.” Wika nang binata. Simple ngumiti si Selene at naglakad patungo sa Kusina para ipagtimpla nang kape ang dalaga.
“Would you sit still. Huwag ka sabing malikot.” Ani Kristian at inayos ang pagkakaupo nang dalaga nang bigla itong tumayo.
“Bakit nag-aalala ka ba sakin? Huh! Himala yata. Ilang araw mo akong hindi pinapansin. Nakakainis ka. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ginagawa mo.” Wika ni Aurora ito ang naabutan ni Selene nang bumalik siyang dala ang isang tasa nang kape para sa dalaga. Napatingin siya sa kuya niya. Nitong mga nakaraang araw napansin niya na tila hindi masyadong naguusap ang dalawa at hindi lang siya ang nakakapansin maging si Julianne din.
“Kukuha lang ako nang towel at tubig.” Wika nang dalaga at inilapag sa mesa ang dalang tasa nang kape.
“I hate you Kristian.” Wika ni Aurora saka muling tinaboy ang kamay binata.
“Marami kang naiinom. Kung ano – anong sinasabi mo.” Wika ni Kristian habang iniaalalayan sa pagtayo ang dalaga. Dahil sa labis na kalasingan nito maging ang tumayo nang maayos ay di magawa.
“Nakainom ako kaya pwede kung sabihin kong ano man ang nasa isip ko. galit ako saiyo! galit na galit ako saiyo. Manhid ka!” Lalong nagwalang wika ni Aurora. Narinig ni Selene ang sinabi nang dalaga mukhang galit na galit nga ito sa kuya niya.
“You would calm down. Mag-usap tayo bukas kapag hindi kana lasing.” Wika nang binata sa dalaga. “Nagpunta ka lang sa bahay nang ina mo naging ganito ka na.” wika ni Kristian at inalalayan si Aurora para hindi mabuwal.
“Bakit hinayaan ka nilang uminom, Bakit ka naman naglasing kung hindi mo kayang dalhin ang sarili mo. Maswerte ka at nakauwi ka ditto nang ligtas. Hindi mo ba alam na delekado ang panahon ngayon. Araw-araw may pinapatay, gabi-gabi may na re-rape. Dati kang alagad nang batas. Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon.” Mahabang litanya ni Kristian.
“Gusto kong maglasing. Bakit anong pakialam mo. wala ka namang pakiaalam kung anong gawin ko hindi ba?” wika ni Aurora at muling itinaboy ang kamay nang binata, panay naman ang pag-alalay nito sa dalaga.
“Aurora, ano bang sinasabi mo? Syempre may pakialam ako saiyo, kaibigan kita. Bakit kasi iinom kung hindi naman kayang dalhin.” Naiinis na wika ni Kristian.
“Sit still! seriously.” Wika nang binata saka muling pinaupo ang dalaga nang bigla na naman itong tumayo. She is so restless. Ngayon lang niya nakita ang side na ito nang dalaga.
“Wala ka ba talagang ideya? Gusto kita. Gustong –gusto kita. Manhid. Gusto kita. Narinig mo? You poor excuse of a man.” Wika ni Aurora bago tuluyang mawalan nang malay. Agad naman siyang sinalo ni Kristian.
“Pambihira!” Wika ni Kristian. Napatingin siya kay Selene na dumating na may dalang bowl na may kamang tubig at towel nakatingin ito sa kanila habang bahagyang nakangiti na tila natutuwa pa sa nakikita.
“Quit smiling. Buksan mo ang pinto nang silid niyo para makatulog na ang lasengo na ‘to.” Wika ni Kristian sa kapatid. Nakangiti lang si Selene na lumapit sa pinto nang silid nil ani Aurora at binuksan iyon para Makapasok ang kuya niya na karga-karga ang dalagang walang malay dahil sa kalasingan.
“Haist. Ngayong lang ako nakakilala nang doctor na naglalasing sa tanghaling tapat. Hindi naman kayang dalhin ang sarili.” Wika ni Kristian at kinarga ang dalaga papunta sa silid nito. Habang karga ang dalaga sa loob-loob ni Kritian, hindi niya alam kung bakit masaya siya ang mga sinabi ni Aurora ay tila musika sa pandinig niya.
“Maalala mo pa kaya ang ang mga sinabi mo ngayon kapag nagising ka.” Natatawang wika ni Kristian. It was refreshing to see Aurora on that state ang dating compose na doctor ay tila isang lasenggo sa kanto na nangwawala.
“You upset her.” Wika ni Selene sa kapatid.