Staged

1244 Words
Takot na takot ang isang babae habang walang tigil sa pagtakbo sa isang kasukalan. Madilim ang paligid halos wala siyang makita sa dinadaanan niya, ngunit hindi ito alintana ng babae. Walang ibang nakabalot sa katawan nito kundi ang isang kumot. Tumatakas siya mula sa lalaking nais pumatay sa kanya. “Ah!” impit ng tili ng babae ng bumagsak sa lupa matapos mapatid sa isang nakausling sanga ng puno. Dahil sa kadiliman ng paligid hindi niya makita ang dinadaanan. “AW.” Daing ng babae at napahawak sa kanang paa. Dahil sa lakas ng pagbagsak at pagkakapatid sa sanga, nakakaramdam siya ng sakit sa kanang paa na para bang may naiipit na ugat kahit sa pagtayo ay nahihirapan siya. Ngunit ang nasa isip ng babae, hindi siya pwedeng mahiga sa lugar na iyon at hintayin ang kamatayan niya. Kahit na may kirot na nararamdaman sa mga paa, pinilit niyang tumayo at muling tumakbo, nasa likod lang niya ang lalaki na gusto siyang patayin. “Ahh!” Malakas na tili ng babae ng mahulog sa isang matarik na bangin. Nagpagugulong ito pababa bago mabagok ang ulo sa isang bato. Sargo ang dugo sa ulo nito nawalan ito nang malay dahil sa lakas ng impact ng mahulog. Sa di kalayuan, may isang lalaki na nakasuot ng itim na damit ang patuloy nang hahanap sa kasukalan. Hinahanap nito ang babae. Para tapusin ang nasimulan. **** Nagluluksa ang boung pamilya ng businessman na Si Herrick Merin dahil sa pagpananaw ng asawa nitong si Sheila Merin. Isang sikat na Theather Actress at pianist. Natagpuan ang bangkay ng babae sa isang bangin di kalayuan sa rest house na pinagbakasyunan ng mag-asawa. isang sugat sa ulo ang ikinamatay ng butihing Asawa matapos mabagok sa isang batong mahulog sa bangin.” Ito ang breaking news sa lahat ng dyaryo at News station. Isang araw matapos ang 4th year wedding anniversary ng mag-asawa nakita ang bangkay ni Sheila sa ibaba ng bangin. Ayon sa kwento ni Herrick sa mga Pulis. Matapos silang mag dinner na mag-asawa sa gabi ng anniversary nila. Agad na silang nagpahinga. Ilang oras makalipas. Isang kaluskus ang narinig niya sa sala nila nang puntahan niya para tingnan ang dahilan ng ingay isang lalaki ang nakita niya na waring may hinahanap sa bahay nila. Sinubukan niyang manlaban sa salarin pero may dala itong baril. Ipinakita pa ng lalaki ang malaking sugat sa balikat na sanhi ng tama ng baril. Ayon pa dito matapos siyang mabaril ng lalaki at pukpukin ng base sa ulo nawalan na siya ng malay tao, hindi na niya alam ang sunod na nangyari. Kinabukasan hinanap niya ang asawa niya sa boung bahay pero hindi niya ito nakita. Nagkalat din ang mag gamit sa kwarto nila. Habang nakikinig sina Kristian at Meggan sa kwento ni Herrick si Rick at Julianne naman ay patuloy na nililibot ang bahay nina Herrick para maghanap ng mga clue sa naganap na krimen. Grupo ng Guardian ang ipinadala ni General Guillermo para tingnan alamin ang nangyari sa rest house ng mga Merrin. “Masyado malinis ang pagkakagawa ng krimen.” Wika ni Rick habang sinusundan ang Binatang si Julianne. Biglang napahinto si Julianne sa paglalakad at lumingon sa ksamahan. Bigla itong natigalan at Takang napatigin sa lalaki. “There is no such thing as perfect crime.” Wika ni Hunter saka humarap sa dalawang binata. Taka namang napatingin sina Julianne sa binata. Hindi na ito muling nagsalita at tinalikuran sila saka naglakad patungo sa sofa kung saan nagkalat ang mga basag na vase. Napailing na napasunod si Julianne sa binata. Hanggang sa mga sandaling iyon hindi parin siya palagay sa binata. He may be good, but he is not convinced Lalo na at masayado itong malapit kay Selene nitong mga nakaraang araw. Simula nang umuwi ang dalawa nang maaga at may mga galos si Selene. Ihinahatid na ito ang dalaga papauwi at minsan ay sinusundo. Nakakapagtaka pero wala namang sinsabi sina Selene at Hunter sa kanila ni Kristian. Alam niyang maging si Kristian ay nagtataka din. Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang masyadong protective si Hunter sa dalaga hindi niya alam kung bakit. Kanina, bigla siyang kinabahan sa titig nito para bang may nais itong ipahiwatig sa sinabi. Akala niya talaga kanina, magagalit ito. Sa ilalim ng sofa nakita ni Hunter ang isang piraso ng basag na vase na may nanigas na dugo. Agad niya itong inilagay sa isang plastic para madala sa forensic. “Ano yang dala mo?” Tanong ni Herrick kay Hunter nang makita ang basag na piraso ng vase sa loob ng plastic na hawak nito. “Isang piraso ng basag na vase, may mantsa ng dugo. Dadalhin ko muna sa forensic para ma examin pwede tayo nitong matulungan sa paghahanap sa assailant ng asawa niyo.” Wika naman ni Julianne. “Wait. Who are you?” tanong nito kay Hunter. “I don’t remember you being introduce by General Guillermo.” Wika ni Herrick. Hindi niya nakitang ipinakilala nang General ang binata sa kanya. “He is one fo us.” Wika ni Kristian sa lalaki. “One of you?” wika nito saka tumingin kay Hunter. “Are you not too young for this job?” Hindi makapaniwalang wika nito habang nakatingin sa binata. “Wala naman sa Edad yan.” Wika ni Hunter. Trust me I am much older than you think wika nang isip niya ngunit hindi na niya isinatinig. “Anong sabi mo?” Wika nito na nanarinig ang sinabi nang binata. “He is a little stubborn, but he is one of us. He is young but he is good at his work you can trust him.” Wika ni Kristian at lumapit. “Ganoon ba. Maraming salamat sa effort na ibinibigay ninyo.” Balewalang wika nito. “Ngunit sa palagay ko, pagnanakaw ang dahilan ng criminal sa pagpasok sa bahay namin.” Wika pa nito. “Sa ngayon, pwede nating sabihin na ganoon nga ang nangyari.” Wika ni Julianne. “Ibig mo bang sabihin ay sinadyang patayin ang asawa ko?” gulat na wika nito. Si Hunter naman ay nakatingin lang sa lalaki. Hindi Maganda ang kutob niya sa kasong ito. Hindi niya matumbok pero malakas ang kutob niya may mali sa kasong ito. Hindi lang niya magawang isatinig. “Hindi pa natin masasabi yan. Hangga’t hindi natatapos ang imbistigasyon. Tatawagan ka na lamang naming kung may resulta na ang imbestigasyon.” Sabat ni Kristian. “Maraming salamat.” Wika nito at nakipagkamay sa binata Tiyente. “Aasahan ko ang agad na pagkalutas ng kasong ito.” Wika pa ng lalaki. “Huwag kayong mag alala. Gagawin naming lahat para mabilis na malutas ang kasong ito.” Wika ni Julianne. Ngunit bakit hindi siya mapakali habang nakatingin sa mata nang lalaki bakit parang nababasa niya sa mga mata nito na sinasabing hindi na nito gustong malutas ang kaso o hindi na nito gustong pakiaalaman pa nila ang kaso tungkol sa pagkamatay nang asawa nito namamalikmata lamang ba siya? “Asahan ko yan.” Wika ni Herrick. Nagpaalam ang mga pulis sa lalaki para dalhin ang bangkay sa morgue at dalhin ang mga nakuhang ebidensya sa forensics. Habang si Hunter ay hidni konbensido sa mga nakita niya sa loob nang bahay, pakiramdam niya may foul play na nangyari. Kung pagnanakaw ang nais nang suspect bakit wala man lamang nawawala sa bahay nang mga Ito. Isa pa bakit nito iiwang buhay ang lalaki habang hindi nito nilubayan ang babaeng hanggang hindi namamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD