Endings & Beginnings II

1607 Words
“Selene.” Isang lalaki ang nakatayo sa harap ni Selene habang nasa isang lugar sila na punong-puno mga bulaklak. Dahil sa labis na liwanang sa kilalagyan nang lalaki hindi niya lubusang maaninag ang mukha nang lalaki. Maya-maya biglang nagbago ang scenery. Biglang nasa loob siya nang isang hospital. Nakikita niya ang sarili niya na nakahiga sa hospital Bed. Was it the time na malubha pa siya? Iyon ang tanong niya sa isip niya. Nakikita niya ang sarili niyang may sugat sa balikat at may mga maiitim na ugat sa leeg. Just what happen to her? Muling tanong nang isip niya. Nakita niyang biglang lumitaw ang isang lalaki sa harap nang hospital Bed. Naglakad ito papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya naramdaman niya ang hawak nito. He is saying something to her pero hindi niya maintindihan. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo then he whispered something. Hindi niya lubusang marinig ang sinabi nito dahil sa biglang may static siyang narinig. Static na nakakabingi. “Selene. Selene”Untag ni Kristian sa kapatid niya habang niyuyogyog ang balikat nito. Ilang sandali matapos mag take off ang eroplano agad na nakatulog ang kapatid niya. Nang mapatingin siya ditto Nakita niya ang kapatid na lumuhuha. Kaya naman naisip niyang gisingin ito. “K-kuya.” Mahinang wika ni Selene nang magmulat nang mata at Makita ang kuya niya. Agad naman niyang pinahid ang mga luha sa mata. “It’s strange. I-I don’t know why I am crying.” Wika ni Selene. Wala namang dahilan para umiyak siya pero bakit? “Did you have a nightmare?” Tanong ni Kristian sa kapatid. “I wonder if it was a nightmare.” Simpleng wika ni Selene habang iniisip ang panaginip. Bakit naman siya naluha? Napatingin siya sa hawak na box na may lamang bracelete. Sino ang lalaking iyon? Tanong nang isip ni Selene. Sapalagay niya Nakita niya ang lalaking inilagay sa kanya ang bracelete na iyon. Is he someone na kilala niya? Bakit hindi niya makilala ang lalaki dahil ba sa nagloloko ang memorya niya? “I think you are just tired.” Wika ni Kristian at inayos ang kumot nang kapatid. “Mahaba pa ang biyahe. Matalog ka lang muna. I’ll hold your hands para hindi ka managinip nang masama.” Wika ni Kristian saka hinawakan ang kamay nang kapatid niya. “Thank you.” Ani Selene at ngumiti saka napahawak sa braso nang kuya niya. She still needed him as her support. **** Tita! Papa!” masayang wika nang isang batang lalaki habang hawak ni Julianne at naghihintay sa paglabas nina Kristian at Selene Nang Makita Siya nang batang lalaki agad itong sumigawa at kumaway sa kanya. Agad namang napansin ni Selene ang batang lalaki. Napangiti siya nang Makita ang masayang mukha nito. Nagmamadali siyang lumapit sa mga ito at agad na niyakap ang batang lalaki na tatlong na taong gulang. Agad ding kumawala sa pagkakahawak ni Julianne ang batang lalaki at tumakbo papalapit sa dalaga. “William, I missed you buddy.” Wika ni Selene at mahigpit na niyakap ang pamangkin. Hanggang sa magreklamo na itong hindi na makahinga. Saka lang binitiwan ni Selene ang pamangkin at bumaling kay Julianne niya at sa asawa ni Kristian na si Aurora na karga-karga ang Isang taong gulang nitong anak na babae na si Laylah. Isinunod nina Kristian at Aurora ang pangalan nang anak nila sa mga magulang nina Kristian. “Kuya Julianne, Ate Aurora.” Masiglang wika ni Selene saka bumaling sa asawa nang kuya niya at kay Julianne. “Masaya akong makitang punong-puno kaparin nang energy kahit na matagal ang naging biyahe niyo.” Wika ni Julianne sa dalaga at ngumiti.a “Nawala ang pagod ko nang Makita ko kayo.” Wika ni Selene at bumaling sa batang babaeng karga-karga ni Aurora. “You came.” Wika ni Kristian kay Julianne nang makalapit. Akala niya hindi ito makakasama sa pagsundo kay Selene dahil sa marami silang nakatambak na kaso sa firm nila. “Papa.” Wika ni William at iniunat ang kamay sa ama niyang nasa likod ni Selene. Nang mapansin ni Selene na tila gusto nitong lumapit sa ama niya. Inilapad niya ang batang lalaki mabilis naman itong tumakbo papalapit sa ama niya saka nagpa karga. “Hindi ko pwedeng palampasin ang pagbabalik ni Selene.” Wika ni Julianne. “Bukod diyan. Nagkakakalyo na ang likod ko sa kakaupo. Kailangan ko ding maglakad-lakad pa minsan minsan.” Pabirong wika ni Julianne. “The usual you. Mahilig ka pa ding mag slack off sa trabaho mo.” Wika ni Selene saka bumaling sa sanggol na kara-karga ni Aurora. “Hello.” Wika ni Selene sa batang babae at pinisil ang pisngi nito. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon nang batang babae sa kanya. Iniunat nito ang kamay sa kanya na ang ibig sabihin ay gusto nitong magpakarga sa kanyang tita. Agad naman naintindihan ni Selene ang gusto nitong mangyari kaya agad niyang kinuha ang pamangkin mula kay Aurora. “Are you sure? Hindi ka ba napagod sa biyahe niyo?” Tanong ni Aurora sa dalaga. “Nah, I’m okay. Nakatulog ako nang mahimbing sa eroplano.” Wika ni Selene. Dahil isang taong gulang palang ang bunso nina Kristian at Aurora. Ngayon lang Nakita ni Selene ang anak nila. Si William on the other hand. Isinasama nina Kristian at Aurora ang batang lalaki tuwing dinadalaw siya nito. Kaya naman nagkaroon na siya nang pagkakataon na makabonding ang batang lalaki. “You still talk recklessly.” Wika ni Julianne at kinusot ang buhok nang dalaha niya. Agad namang iniiwas ni Selene ang ulo sa kuya niya. “Ginugulo mo naman ang buhok ko.” Reklamo ni Selene sa binata. Natawa lang si Julianne at napailing. “Kuya. Bakit hindi mo ihanap nang blind date tong si Kuya Julianne nang hindi buhok ko ang pinag didiskitahan.” Wika ni Selene saka bumaling sa kapatid niya. “Thanks for your concern, Nosy girl. I think I am okay with what I have right now.” Sagot naman ni Julianne sa dalaga napalabi lang si Selene sa sinabi nang binata. “I think we should be going. Baka maipit pa tayo sa traffic.” Wika pa ni Kristian sa kapatid niya. Tumango naman si Selene. “Ganito na pala kalala ang traffic ditto.” Wika ni Selene habang nasa loob sila nang kotse at naipit sa isang matinding traffic. Nasa tapat sila nang isang mall at halos hindi gumagalaw ang sasakyan. “I think today is special, there was a hostage drama going on.” Wika ni Julianne. “Hostage Drama?” Gulat na wika ni Aya. Biglang narinig niya ang tunog nang sirena nang sasakyan nang pulis. Nilakasan nman ni Julianne ang volume nang radio sa loob nang sasakyan. Nasa balita ang kasalukuyang hostage drama na nangyayari sa bahaging iyon malapit sa isang malaking mall. “Where are you going?” tanong ni Julianne nang biglang bumama nang sasakyan ang Dalaga. “I’ll be right back.” Wika ni Selene at nagmamadaling umalis. “There she goes again.” Napalatak na wika ni Kristian. “Well, that is Selene for you.” Natatawang wika ni Aurora. “I wish she can be a normal girl just like anyone else.” Wika ni Kristian binuksan ang pinto nang passengers seat. “I am going after her. Stay here.” Wika ni Kristian saka nagmamadaling lumabas nang sasakyan at sinundan ang kapatid niya. “I can’t join you dahil walang magmamaneho nang sasakyan.” Dismayadong wika ni Julianne. “I think dapat isinama natin ang driver.” Wika ni Aurora na tila naramdaman ang dismayadong tinig ni Julianne. Ngumiti lang si Julianne. Though gustong-gusto talagang niyang sumunod. “Mama where is papa ang Tita Selene going?” tanong ni William. “Ah, there are just going to look for something.” Wika ni Aurora sa anak “What is it? Can I join them?” curious na wika nito. “I don’t think this is the right time. We should just stay here for now. They will be back soon.” Wika ni Jenny sa anak niya. Dahil sa dami nang taong nagkukumpulan nahirapan pa si Selene na makalusot sa mga ito hanggang sa makapunta siya sa harapan, doon Nakita niya ang isang lalaking may hawak na patalim at may hostage na isang babae. Nakatutok ang patalim nito sa leeg nang babae. Ang dalawa pang lalaking kasama nito na may dalang bag na tila pera ang laman ay nakatutuk ang baril sa mga pulis na nasa harapan nila. “Ate Meggan?” Gulat na wika ni Selene nang Makita ang hostage nang lalaki. Napansin din niya ang umbog sa tiyan nito. She is pregnant. Sa harapan naman nang mga lalaki ang isang lalaking pinipilit kausapin ang mga hostage taker. “Kuya Julius.” Gulat niyang wika nang makilala ang lalaki. “Nasaan na ang Kotseng hinihingi namin!” galit na asik nang lalaki. “Isang oras na mula nang sinabi niyong paparating na ang kotse naming, baka naman gusto niyong gilitan ko na nang leeg ang babaeng ito.” Wika nang lalaki at idiniin ang kutsilyo sa leeg ni Meggan. “Sandali lang.” wika ni Julius at itinaas ang kamay na may hawak na baril. “Masyado ka namang mainit. Pwede naman nating pag-usapan ito hindi ba?” napakuyom nang kamao si Selene habang nakatingin kay Meggan, hindi nito magawang makakilos o makalaban siguro dahil na rin sa kalagayan nito. Aktong lalapit siya nang biglang may lalaking dumaan sa harap niya ni hindi siya nito nilingon upang humingi nang sorry. Iritadong napatingin ang dalaga sa lalaking dumaan sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD