Hindi na ba talaga kayo magpapapigil?” Tanong ni Meggan kay Kristian at Julianne habang isa-isang inilalagay nang mga binta ang mga gamit nila sa loob nang box. Kasalukuyan nilang inaayos ang mga gamit nila sa Opisina nang task force. Matapos ang nangyari. Nag desisyon ni Kristian na magbitiw sa task force nang sa ganoon makapag focus siya sa pag-aalaga sa kapatid niya. Hindi niya alam kung ano pang panganib ang nakaabang sa kanila. Hindi pa rin nila nahuhuli ang mga taong pumatay kay Chris at tiyak na nag hahanda lang ang mga ito nang tamang panahon para muling atakehin ang magkapatid. At naiisip ni Kristian na hindi niya mapapangalagaan ang kapatid niya kung marami siyang ginagawa. Mabigat na desisyon man naisip ni Kristian na ito lang ang paraan na alam niya.
“Magiging tahimik na at boring ang task force kung wala kayo.” Wika ni Julius.
“Talaga bang aalis din kayo nang bansa?” tanong ni Meggan.
“Well, kailangan nang mas mabuting facility para sa pagpapagaling ni Selene.” Wika ni Julianne.
“Hindi ba siya kayang alagaan nang mga doctor dito?” tanong ni Julius.
“Hindi sa hindi nila kayang alagaan si Selene, Mas Maganda ang facilities sa ibang bansa. At mukhang matatagalan pa bago magising si Selene.” Wika pa ni Kristian.
“Wala naman siyang komplikasyon di ba? Bakit hindi pa rin siya nagigising?” Tanong ni Rick.
“Iyan din ang tanong namin. Kaya naman mas mabuting nasa hospital na mas Maganda anng facilities si Selene para mas ma examines siya nang maayos.” Ani Julianne.
“Talagang nakakalungkot mukhang matatagalan bago tayo muling magkita.” Wika ni Julius. “Hindi na pareho ang task force kung wala kayo.”
“Baka nga ipasara din ni General Antonio ang task force.” Wika ni Ben. Napatingin naman ang lahat sa binata.
“That’s possible. Without Chief and Julianne and even Hunter na hindi natin alam kung saang lupalop nang mundo nandoon. Isang ordinaryong police force nalang ang task force. We might as well go back to where we started.” Ani Rick.
“And task force is not the same without everyone. Hindi na natin mabubuo ulit dahil---” wika ni Rick na biglang natigilan ang nasa isip niya ay si Johnny. Hindi naman nagsalita ang iba pa dahil alam nila kung ano at sino ang tinutukoy ni Rick.
Inihatid nang miyembro nang Task force ang pamilya ni Kristian sa Airport matapos nilang asikasuhin ang lahat nang mga naiwang bagay at papeles para sa paglipat nang hospital ni Selene sa ibang bansa. Hindi na rin nagpapigil ang dalawang binata na umalis. Malungkot man na mabilis natapos ang pagkakaibigang nabuo nila alam nilang hindi pa naman iyon ang huling beses na magkikita-kita sila. Tiyak na darating ang panahon na muling masasama-sama ang miyembro nang task force. Dahil para sa kanila, Hindi lang isang special forces ang task force guardian. Isa itong pamilya.
Gaya nang naunang hinala nina Meggan. Ngayong wala na sina Julianne at Kristian sa task force ginawa itong dahilan ni General Antonio na buwagin ang grupo nila. Nang mga naunang buwan. Ginawa nitong leader nang task force ang anak nitong si Inspector Lance Guillermo. Ngunit dahil sa hindi maaayos ang pamamalakad nito at ilan sa mga tauhan nito ay hindi nakakasundo nina Julius. Hindi sila nagkakasundo sa mga plano at tuwing may Meeting sila panay pagtatalo ang nangyayari. Wala na din silang ma resolbang kaso hindi gaya nang nandoon pa sina Kristian at Hunter. Dahil dito, naging isang walang silbing special forces ang Guardians ilang beses silang pinatawag nang national defense secretary dahil sa bagal nang usad nang mga kaso. They were formed to makes na mabilis malutas ang mga kaso. Ngunit, bigla nalang bumaliktad ang sitwasyon. Kaya naman, napagdesisyunan ni Antonio na buwagin nang tuluyan ang task force at ibalik sa kanya-kanyang departamento ang mga miyembro. Malungkot man sila pero naisip nina Meggan, Rick, Julius at Ben na mabuting ganoon na nga lang ang ginawa ni Antonio dahil wala na silang makitang silbi sa pananatili nang Task force.
Lumipas ang Lingo, buwan at taon. Hindi parin nagkaroon nang linaw kung bakit hindi parin nagigising si Selene. Kahit mga magagaling na doctor sa pinakakilalang hospital sa Germanry with the latest facilities ay hindi rin mabigyan nang kasagutan kung bakit hindi parin nagigising ang dalaga. Malaking palaisipan para sa kanila ang kaso ni Selene. She clearly has stable vitals at para lang itong natutulog. No injuries and what not that can cause her situation. She is more like sleeping sa halip na isang pasyente. Walang makapagsabi kung kailan magigising ang dalaga. Wala na ding mga aparatung nakakabit sa dalaga dahil niya iyon kailangan to stay alive. She is clearly alive but just unconscious. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan magigising ang dalaga. Hindi rin nila alam kung gaano sila katagal mag hihintay bago magising ang dalaga.
*****
Tinitingnan mo na naman yan? Akala ko tinapon mo na yan?” Takang tanong ni Kristian sa dalagang nakaupo sa upuan sa tabi nang bintana nang eroplano. Nakatingin ito sa sa isang maliit na kahon na may lamang isang singsing na may design na pakpak at isang kwentas na bead na kung tititigang Mabuti makikita ang hugis phoenix sa loob noon. Simpleng tumingin ang dalaga sa binatang nagsalita saka tipid na ngumiti.bracelete. Bracelete na may mga charms nang sports at hourglass. Matamang nakatingin ang dalaga sa bracelete saka tumingin kay Kristian at simpleng ngumiiti.
Sa di malamang dahilan pakiramdam nang dalaga napakahalaga sa kanya nang mga ito. Tuwing nakatingin siya sa bracelete, pakiramdam niya may mga bagay siyang dapat matandaan Pero hindi niya alam kung ano. When she woke up mula sa limang taong pagkakatulog Nakita niya sa ibaba nang kama niya bracelete. Looks like it falls off.
Right, she was sleeping for 5 years. Nasa Malaki at sikat nahospital siya nang Germany sa nakaraang limang taon. Nang magising siya ang tanging natatandaan niya ay lalaking dumukot sa kanya at nagdala sa isang kubo kung saan nito dinadala ang mga biktima niya at pinapatay. She remembered that she is in grave danger. An after that everything went blank. Sabi nang kuya niya. Nahuli ang suspect na nagtamo nang matinding mga injuries sa di malamang dahilan.
“May mga bagay ka pa rin bang hindi naalala?” Tanong ni Kristian sa dalaga.
“I am not sure.” Wika nang dalaga. Hindi naman sa wala siyang maalala pero may mga bagay sa alaala niya ang sa palagay niya ay kulang hindi nga lang niya ma wari kung ano. Simple siyang napatingin sa bracelete at napahawak sa hourglass. Hindi rin niya alam kung kanino galing ang mga bagay na iyon. Ang tanging alam lang niya o nararamdaman niya mahalagang bagay iyon para sa kanya. Kaya lang bukod wala na siyang ibang alam. Hindi rin niya magawang itapon ito sa hindi niya malamang dahilan. At it makes her calm kapag nakatingin siya sa mga ito.
Napatingin ang dalaga sa lalaking nakatayo sa may sa tabi nang upuan.
“Kuya. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang itapon ang mga ito. Para bang may mga nakakalimutan ako na konektado sa mga bagay na ito.” Wika ni Selene na muling napatingin sa bracelete. Hindi naman nagsalita si Kristian. Nang magising si Selene. Hindi nito binanggit ang pangalan ni Hunter at para bang tila nakalimutan nito ang binata at hindi ito naging bahagi nang memorya niya.
“I think you should dismiss those thoughts.” Wika ni Kristian sa kapatid niya. “I think mas maigi siguro kung hindi nalang tayo babalik nang bansa. We are doing just fine sa Germany hindi ba. And you can also finish your---”
“I’ll be fine.” Wika ni Selene sa kapatid. “If I stay there. Wala din naman mangyayari sa akin. I would continue to feel empty. And besides, Alam kung miss mo na ang asawa at mga anak mo.” Nakangiting wika ni Selene.
Two years after they moved sa Germany. Naisipan nina Melfina at Kristian na magpakasal. Hindi na nila nila nahintay ang dalaga na magising but they know na kahit na hindi ito nakadalo sa kasal nila alam nilang masaya si Selene dahil gusto rin naman nitong makitang ikasal ang kuya niya at si Aurora. On their 3rd year sa Germany. Bumalik sa bansa si Aurora dahil sa trabaho nito sa hospital. At mas gusto nito ang trabaho sa Bansa kesa sa Germany.
Maging si Julianne ay bumalik din sa bansa nang malamang nabuwag ang Task force. Pero dalawang beses sa isang taon kung dumalaw si Julianne sa kanya. Habang si Kristian naman ay bumabalik din sa bansa para sa asawa niya. Nang magising nga si Selene wala sa Hospital ang kuya niya dahil kapwa nasa bansa kasama si Julianne at kasalukuyang may kasong hawak. Muli nilang binuksan ang law firm nila at pinagpatuloy ang paghahawak nang mga kasong tila halos ayaw nang hawakan nang mga abogado. Ilan sa mga biktima ay walang pera. Kahit mga public attorney nahihirapang hawakan ang kaso dahil sa malalaking taong babanggain nila. Kaya naman Malaki ang pasasalamat nang mga biktima nang muling buksan nina Julianne at Kristian ang Firm nila. Para silang nakakita nang Liwanag sa isang mahaba at madilim na tunnel.
One year after magising si Selene. Nang masiguro niyang kaya na niya. It really took her time para maka adapt sa malaking pagbabago nang buhay niya. Parang kailan lang nagsisimula palang siya as a freshman university student. And in just a blink of an eye. Limang taon na ang lumipas. With her being stuck sa mga alaala niya five years ago. Marami nang nagbago sa mundo. In one year, she learned all the things na hindi niya alam dahil sa matagal na panahon niyang pagkakatulog. Gusto sana ni Kristian na sa Germany siya muling mag-aral. Pero nagpumilit siyang bumalik nang bansa. Para bang nasa bansa ang kasagutan sa mga tanong niya. Nasa bansa ang huling puzzle na nawawala sa kanya. Her memories ay somehow altered. It is complete but somehow it is not.