Intertwined Fate

1540 Words
May gulo ba?” wika ni Hunter nang mapadaan sa isang mall. Napadaan siya doon habang papunta siya sa opisina nang Armed forces. Hindi naman niya inaasahan ang makikita sa mall na iyon. Nang maibalik sa kanya ang kapangyarihan niya. He was able to perform his duties as the angel of death. Ngunit dahil nabubuhay siya sa mortal na katawan ni Hunter. He still haaaaas to live as his mortal self. Though umalis siya sa task force. Hindi naman siya tumigil sa paglutas nang mga kaso though is not active as he was before. Limang taon din siyang nag lay low and was more active as the angel of death, Ilang sandali din niyang inobserbahan ang mga lalaki. Nag demand ito nang sasakyan para makaalis nang lugar na iyon kapalit ang kaligtasan nang babae. Napangiti si Hunter. Iniisip niyang isang small time na criminal ang nasa harap nang mga pulis ngunit walang magawa ang mga ito. Tumalikod si Hunter at umalis sa kumpulan. Hahabulin sana ni Selene ang lalaki ngunit hindi niya magawang makaalis sa kinatatayuan dahil sapag-aalala niya kay Meggan. Biglang nagsialisan ang mga tao nang marinig ang malakas na bosena nang sasakyan. Maging ang mga pulis ay nagulat din nang marinig ang malakas na tunog. Agad silang umalis at binigyan nang espasyo ang sasakyan para makadaan. Lumapit ang sasakyan at huminto sa harap nang mga lalaki. “Sino naman ang sira ulong yan?” wika ni Julius. Nang makitang bumaba mula sa saskayan ang isang binata. “Hunter?” Wika nang isip ni Julius nang makilala ang binata maging si Rick at Ben ay natigilan din dahil sa labis na gulat. Limang taong wala silang balita sa binata ni anino nito hindi nila mahagilap at sa isang iglap lang bigla itong lilitaw. Hindi sila makapaniwala sa nakikita. Parang ang hostage taking na iyon ay isang daan para makita nila ang binatan tila nagtatago sa kanila. Tatlong bank robber ang doon tumakbo sa mall at nag amok nang gulo. Magagawa sana nilang mahuli ang mga ito kung hindi lang nila ginawang hostage ang buntis na si Meggan. “Ito na ang kotseng hinihingi niyo. Pwede niyo nang pakawalan ang babaeng yan.” Wika nang binata. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Meggan. Habang nakatingin si Selene sa kanyang ate Meggan nakikita niya ang malalaking pawis sa noo nito at napansin din niya ang basing pangibabang bahagi nang damit nito. Her water broke. Simpleng wika ni Selene. “Later you will thank me for this.” Simpleng wika nito. “Paano kami nakakasigurong hindi ito kasama sa mga plano nang pulis?” Anang isang lalaki. “Eh Sira ulo ka pala. Mag dedemand ka nang sasakyan ngayong nasa harap mo na. May gana kapang mamili? Fine. Ayaw mo! bahala ka! Hindi naman ako ang mamatay.” Wika nang binata at akmang muling papasok sa loob nang kotse. “Sandali.” Pigil nang lalaking may hawak kay Meggan. “Ikaw ang magiging driver namin. Siguro naman hindi kami hahabulin nang mga pulis kong may hawak kaming sibilyan.” “Hindi pwede!” ani Meggan. At bumaling sa lalaki. Dahil sa sakit mula sa tiyan niya, nahihirapan na ring huminga si Meggan at malalaki ang butil nang pawis. “It’s okay with me.” Anang binata. “You should think about yourself and your baby.” Wika ni Hunter kay Meggan. Nakikita ni Hunter ang malalaking butil nang pawis sa noo nang babae at alam din niyang pumutok na ang panubigan nito. Those two are not destined to die at that time. Kailangan niyang gumawa nang paraan para mailayo ang mga lalaking ito sa mag-ina. “Look Hu—” Pigil ni Meggan sa sarili niya. Kapag binanggit niya ang pangalan nang binata baka mas lalo silang mapahamak. And she can’t stay there any longer dahil parang lalabas na ang baby niya. “Hindi ko alam kung anong drama mo sa buhay, pero hindi mo ba alam na hindi ka pwedeng nakikigulo sa trabaho ng mga pulis. Ipinapahamak mo lang ang buhay mo. Nababaliw ka na ba?” bulalas ni Meggan sa binata. Nakikita ni Hunter ang malalim na paghinga nang babae, tiyak na iniinda lang nito ang sakit na nararamdaman. “Look, just be grateful that you are safe.” Anito kay Meggan. Naiwang tigalgal si Meggan nang bitiwan siya nang lalaki saka nagmamadaling pumasok sa kotse ang mga lalaki. Agad namang binuhay nang binata ang makina nang sasakyan at pinaandar iyon. Humarang pa sina Julius at Ben ngunit diretso lang sa pagmamaneho ang binata. Walang ibang nagawa ang dalawa kundi ang umiwas dahil kung sinalubong nila ang kotse tiyak na sasagasaan sila nang driver. “Julius!” malakas na sigaw ni Meggan. Agad namang napatingin si Julius sa babae. Nahintakot pa ito nang makitang hawak-hawak nang babae ang tiyan. Doon niya napansin ang basing suot nitong pangibaba. Agad na nilapitan nina Julius, Rick at Ben ang babae. “Manganganak na ako.” Wika ni Meggan at hinawakan ang braso ni Julius. “Ano?!” Sabay-sabay na gulat na sigaw nang tatlong lalaki. “Dito? Huwag ditto.” Nagpapanic na wika ni Julius. “Ano ba! Ang sakit na nang tiyan ko.” Asik ni Meggan kay Julius. “Anong gagawin natin?” Tanong ni Julius sa dalawang binata. “Ano pa eh di dalhin natin sa Hospital ang asawa mo. Kesa naman dito yan sa Kalsada manganak.” Wika ni Rick “Tingnan niyo ang kotse nang mga magnanakaw.” Wika ni Ben na napatingin sa kotseng sinakyan nang mga ito na patuloy na umiikot sa harap nang mall. “Anong ginagawa mo? Pinaglalaruan mo ba kami?” Asik nang lalaki saka itinutok sa ulo nang binata ang baril. “Akala ko gusto niyo lang nang kotse. Well, you have it ano pang gusto niyo?” Sakristong wika ni Hunter sabay ngisi. “Kailangan naming umalis sa lugar na ito. Bakit hindi mo simulang paandarin ang sasakyan palayo sa lugar na ito. At sisiguraduhin kong mabubuhay ka pa.” Dahil sa sinabi nang lalaki biglang inapakan nang binata ang preno dahilan para huminto ang kotse. Dahil sa ginawa ni Hunter napasubsub ang mukha nang lalaki sa unahan nang sasakyan. “Sira ulo ka!” inis na wika nito at itinutok ang baril sa ulo nang binata. Tumingin naman si Hunter sa lalaki. Tila napaigtad ang lalaki dahil sa klase nang tingin ni Hunter ditto ngunit ilang sandali pa ngumiti ang binata. “Tinatamad na ako. Kung gusto niyong umalis. Bakit hindi kayo ang gumawa nang paraan.” Wika ni Hunter at biglang pinahinto ang sasakyan. “Ano? Alam mo bang hawak naming ang buhay mo?” anang lalaki na nakatutok pa rin ang baril sa ulo nang binata. “Kung ayaw mong maagang makipag reunion kay satanas paandarin mo na ang sasakyan.” Wika nang lalaki. Napangisi lang ang binata. “Halos araw-araw na kaming nagkikita. Hindi ako nagmamadali ngayon para harapin siya.” Anang binata. “He wouldn’t be happy seeing my face that often.” Anang binata. “Baka kayo hinihitay na niya.” Ilang sandali pa isang lalaki ang kumatok sa pinto nang sasakyan. Sabay-sabay na napatingin ang mga lalaki sa kumatok sa pinto nang sasakyan. “Ayan na ang sundo niyo.” Wika nang binata saka sinipa nang malakas ang lalaking nasa passengers' seat dahilan para tumilapon ito palabas. Dahil sa lakas nang pag sipa ni Hunter sa lalaki, nasira pa ang pinto nang sasakyan. Aligaga namang lumabas ang iba pang lalaki sa likod nang sasakyan ngunit ang binatang nasa labas ang siyang isa-isang nagpatumba sa kanila. Napangiti lang binatang nasa Driver’s seat at saka lumabas nang makitang bulagta na sa kalsada ang mga suspect. Lahat nang nakasaksi na mangha sa galing nang mga binata halos nakanganga pa ang mga bibig nito dahil sa labis na pagkamangha. Isa sa mga bank robber ay nagawang paring tumayo at agad na tumakas. Nang Makita ni Hunter ang lalaki agad siyang tumakbo upang habulin iyo. “No, you don’t.” wika ni Selene at sinundan ang lalaki. Humanap si Selene nang isang short cut upang madali niyang mahabol ang lalaki. Tumakbo ang ang lalaki patungo sa isang bahagi kung saan maraming mga halaman. At upang hindi siya Makita nang lalaki naisipan ni Selene na magkubli sa mga halaman nag aabang nang tamang pagkakataon upang sugurin ito. Nang Makita niya ang lalaking tumatakbo agad na tumalon si Selene mula sa pinagkukublihan ngunit huli na nng Makita niyang maling tao ang nasa harap niya. “Watch out!” Isang malakas na tili ang narinig ni Hunter bago may isang mabigat na bagay na tumalon patungo sa kanya. Dahil sa labis na gulat hindi na nakaiwas ang binata. “I’m sorry.” Wika ni Selene nang mapansin kung ano ang nadaganan niya. “Oh.” Anas niya nang Makita ang mukha nang binatang nadaganan niya dahil sa biglaang pag labas niya sa mga halaman. Nakatitig siya sa mukha nang binata biglang natigilan ang dalaga nang makitang nakatitig din ito sa kanya. Habang nakatingin sila sa mata nang isa’-isa bigla may mga imaheng pumasok sa isip nang dalaga ngunit masyadong Malabo ang mga imaheng iyon para makilala niya at bukod doon mabibilis din ang pagflash nang mga imahe sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD