Consequence II

1702 Words
Ang nagpupuyos sa galit na si Johnny ay biglang humugot nang baril at sunod-sunod na pinaputukan ang lalaki. Tinamaan sa dibdib at tiyan ang lalaki at agad na nabuwal. “Ano ang ginagawa mo!” asik ni Ramon kay Johnny at itinulak ang binata. “Walang utak ang tauhan mo.” galit na wika ni Johnny kay Ramon. “Kung may mangyaring masama kay Aurora? Kaya niya bang ipalit ang buhay niya?” “Akala ko ba narito ka para tapusin ang buhay nang mga taong nanakit sa iyo! Lalo na ang tenyenteng iyan. Baliw ka na ba? Bakit ka naghahabol sa isang babaeng hindi ka gusto.” Ani Ramon. “Anong Pakialam mo!” ani Johnny at itinutok ang baril kay Ramon. Ngunit ngumisi lang si Ramon. Napansin ni Johnny na biglang sa kanya na nakatutok ang baril nang lahat nang tauhan ni Ramon. “Hindi ako makapaniwalang naging sunod sunoran ako sa isang walang alam na pulis na tulad mo.”ani Ramon. “Dahil, Pinalaya mo naman ako sa kulungan. Bibigyan kita nang parteda. Kunin mo na ang babaeng yan at umalis ka na ditto.” Ani Ramon sa kanya. “Wala na siyang kwenta sa akin ngayon. Pwede ko nang durugin sa kamay ko ang Chief niyo.” Anito saka ngumisi. Ilang sandali ding tumiting si Johnny kay Ramon bago nagmamadaling lumapit kay Aurora. Nang makalapit siya sa dalaga. Wala na itong malay at duguan dahil sa sugat sa ulo nito. nang mahulog ang dalaga tumama ang ulo nito sa isang malaking bakal. “Aurora! Aurora?” nag aalalang wika ni Johnny at pinulsohan ang dalaga. Ngunit mahina na ang t***k nang puso nito. kung magtatagal pa sila sa lugar na iyon maaring hindi na magtagal ang dalaga. Agad niyang pinangko ang dalaga para ilayo sa lugar na iyon. hindi pa man sila nakakalabas nang building bigla na silang hinarang nang mga tauhan ni Ramon. “Anong ibig sabihin nito?” asik ni Johnny sa lalaki a bumaling ditto. “Naisip kong, kapag hinayaan kitang lumabas sa lugar na ito. Pwede mo akong isumbong sa mga pulis. Kaya naman naisip kong sabay-sabay na kayong ilibing sa lugar na ito.” Ani Ramog at itinutok ang baril sa kanila. “HAYOP ka talaga!” asik ni Johnny. Isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Ramon. “I’m Sorry Aurora.” Wika ni Johnny at inilapag ang dalaga. “I’ll promise to save you.” Ani to at tumingin sa nanghihinang si Kristian. Bigla siyang natauhan sa ginawa niya. ipinagpalit niya ang pagkakaibigan nila ni Kristian at nagawa niyang saktan ang babaeng pinakamamahal niya dahil sa labis na panibugho. “Ah!” sigaw ni Johnny at sinugod si Ramon. Ngunit bago pa siya makalapit sa lalaki bigla siyang pinaulanan nang baril nang mga tauhan ni Ramon. Walang buhay na bumagsak sa lupa si Johnny. Bago siya tuluyang bawian nang ulirat. Nakita niya sa isip niya ang masasayang mukha nang mga kaibigan niya sa Task force ang how happy they used to be. Bumagsak sa mata ni Johnny ang luha nang pagsisisi. Nabulag siya sa labis na pagnibugho at wala na siyang nagawa para itama ang pagkakamali niya. “Fool. Do you really think na kaya mo ako.” Ani Ramon at lumapit sa walang buhay na katawan ni Johnny at inapakan ang ulo nito. “Ramon!” buong lakas na sigaw ni Kristian. Bumaling naman si Ramon sa binata. “May Lakas ka pa pala.” Anito sa kaya at lumapit sa kanya. Hinataw nito ang baril ang ulo ni Kristian dahilan para muling sumuka nang dugo ang binata. Ngunit hindi na maramdaman ni Kristian ang sakit. Pakiramdam niya manhid na ang buong katawan niya. Walang malay ang kasintahan niya at Patay na ang kaibigan niya. Sa isang kisapmata lang he was able to witness na mawalan nang taong pinahahalagahan sa harap mismo niya. Ni hindi niya nagawang humingi nang tawad kay Johnny. He is weak. Ilan pa bang mga taong mahalaga sa kanya ang mapapahamak at wala siyang magawa kundi ang pagmasdan lang na may mangyaring masama sa kanila. “Huwag kang mag-aalala ikaw na ang isusunod ko.” ani Ramon at itinutok sa ulo ni Kristian ang hawak nabaril. “AH!” malakas na sigaw mula sa mga tauhan ni Ramon. Takang napatingin si Ramon sa mga tauhan niya. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang isa-isang tumitilapon ang mga ito. Nakita niyang bumagsak ang mga tauhan niya matapos tumama sa pader mula sa pagkakatilapon saka napatingin sa isang nilalang na dumating. Bigla siyang kinilabutan nang makita ang nilalang na iyon. Pamilyar sa kanya ang mukha nang lalaki ngunit bakit parang kakaiba ito. “S-sino ka?”hintakot na wika ni Ramon at bumaling sa lalaki saka iton pinaulanan nang putok nang baril. Biglang napabuga nang hangin si Ramon nang mapansin na wala na sa pinto ang lalaki at sa isang iglap nasa harap na niya ito. Nanlilisik ang asul na mata nito at talaga namang nakakatakot. Isa bang halimaw ang nakikita niya. Sa unang pagbabakaton sa buong buhay niya mula ulo hanggang paa ang kilabot na nararamdaman niya. “Bakit ka natatakot? Hindi bat isa ring halimaw?” sakristong wika nang lalaki at hinawakan ang kamay ni Ramon. “Your time hasn’t come so I can’t send you soul to the deepest part of Hell. But keep my word. When that time comes, I will personally escort you there. But for now, you have to experience the hell while living in this world.” Wika nang binata bago biglang nag apot nag bahagi nang braso ni Ramon na hinawakan niya. Dahil sa nangyari tarantang lumayo si Ramon sa binata habang tarantang pinapagpag ang apoy sa braso niya. Nang mawala ang apoy sa braso niya Nakita niya ang sugat na iniwan nito. Saka muling napatingin sa nilalang. “Hindi mo ako kayang takutin sa ginawa mo.” Wika ni Ramon saka inatake ang Binata ngunit para lang itong isang insektong tinapik nang binata at sa isang iglap tumilapon si Ramon at tumama sa pader at walang malay na bumagsak sa sahig. Kahit na mahina ang katawan nakiti ni Kristian ang nangyari. Hindi nga lang niya Nakita ang mukha nang lalaking nagligtas sa kanila. Naglakad ito papalapit sa kanila saka huminto sa tapat nila at nakatayo lang habang nakatingin sa kanila. Wala siyang lakas at ano mang oras mawawalan na siya nang ulirat. “You should do your best to take care of those that you love.” Narinig niyang wika nang lalaki. “Become stronger and protect those that you hold dear.” Ito ang huling katagang narinig niyang sinambit nang lalaki bago siya mawalan nang malay at nilamon nang kadiliman ang ulirat niya. Hindi niya alam kung bakit nandoon ang lalaking iyon at kung bakit sila nito iniligtas ngunit kung hindi siguro ito dumating baka patay na silang dalawa ni Aurora. How can he die nang hindi manlang nakikitang muling magising ang kapatid niya. ***** Anong sabi mo?” Gulat na wika ni Julianne nang dumating sa hospital sina Julius at Meggan at sinabing. Natagpuan sa isang abandonadong bodega sina Kristian at Aurora. Kapwa mga sugatan. Habang si Johnny naman ay walang buhay. Natagpuan din sa lugar ang walang malay na si Ramon at ang mga tauhan nito. Isang Binatang hindi nagpakilala ang nag bigay sa kanila nang impormasyon tungkol sa kinalalagyan nina Kristian. “Isang misteryosong binata ang tumawag sa task force at nagsabi kung nasaan sina Chief.” Ani Julius. “Nasa site na sina Rick at Ben, kasama ang ilang pulis at medic. Siguro sa mga sandaling ito bumibiyahe na sila papunat dito sa hospital. Malubhang nasugatan sina Chief at Aurora. At si Johnny----” Natigilang wika ni Julius. “Nakita din sa lugar ang bangkay ni Ramon.” Wika ni Meggan. “Mukhang siya ang dahilan kung bakit naroon sina Chief at Aurora.” Ani Meggan. Nang dumating sa Hospital ang ambulansyang kinalululanan nina Kristian at Aurora agad na dinala sa emergency room sina Kristian at Aurora dahil sa lubha nang sugat sa ulo nang mga ito. Ligtas na sa panganib sina Kristian at Aurora.Nang magising si Kristian ang unang hinanap nito ay ang kasintahan. Napayapa din naman ito kaagad nang makitang nasa katabing higaan niya ang kasintahan. Nagpapahinga ito. Sabi nang doctor mababaw lang ang sugat na tinamo ni Aurora sa ulo nito. She is still unconscious that sa shock na natamo. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Julianne na pumasok sa silid nil ani Aurora. Napatingin naman si Kristian sa Binatang nagsalita. “Bakit hindi mo sinabi sa akin. I could have been there.” Wika ni Julianne. “I didn’t know na aabot sag anito ang mangyayari.” Wika ni Kristian. “SI Johnny?” tanong nang binata. “Dinala na sa Funeral Homes ang katawan niya. Nandoon na rin ang pamilya niya para asikasuhin ang lahat para sa kanya. Kung gusto mo namang malaman kung anong nangyari kay Ramon. Nakakulong na siya at tiyak na hindi na siya makakalabas pa.” ani Julianne saka tumingin kay Kristian. “Tell e exactly what happen. Ramon seems to be very terrified. Alam kung isa siyang taong walang kaluluwa kaya ang makita siyang tila takot na takot. Nakakapagtaka.” Wika ni Julianne. “Kahit ako hindi ko rin alam kung anong nangyari. But what is certain. May taong dumating para iligtas kami. I don’t know exactly kung ano siya.” Wika nang binata. “Nakita mo ba ang mukha nang taga pagligtas niyo?” Tanong ni Julianne. “No.” wika ni Kristian. “And it doesn’t matter as long as we are safe.” Anang binata at napatingin sa dalagang natutulog. “I have to become stronger to protect them.” Wika ni Kristian. “Hindi na ako papayag na may mangyaring masama sa mga tao importante sa akin at wala manlang akong magawa.” “Anong plano mo ngayon?” Tanong ni Julianne. “It’s not something to ask.” Wika ni Kristian na nakatingin pa rin kay Aurora. Narinig niya ang sinabi nang nilalang na nagligtas sa kanila. And he has his resolve. Hindi na siya papayag na may mangayri kay Selene at Aurora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD