Consequence

1555 Words
Anong ibig sabihin nito?” Gulat na wika ni Aurora nang dumating sa bahay nila. naroon si Johnny kasama si Ramon. Hindi niya inaasahan na makikita ang dalawa na magkasama. Naroon din ang ina niya at mga kapatid na para bang malayang pinapasok si Ramon. “Paano ka nakalabas nang kulungan?” takang tanong ni Aurora kay Ramon. “Ano sa palagay mo?”nakangising wika ni Ramon at napatingin kay Johnny. “Johnny? Bakit mo ginagawa ito?” ani Aurora at bumaling kay Johnny. “Bakit ko ginawa? Tinatanong ba niya? the nerve!” sakristong wika ni Johnny at lumapit kay Aurora. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito Aurora. Dahil sa iyo.” Ani Johnny at hinawakan ang kamay nang dalaga. “Bitiwan mo ako.” Asik ni Aurora kay Johnny. “You are coming with me.” Ani Johnny at kinaladkad ang dalaga palabas nang bahay nila. nagpumiglas ang dalaga ngunit hindi nakinig si Johnny. Kasama si Ramon, Umalis si Johnny at ang mga tauhan nito sa bahay nina Aurora at dinala ang dalaga. Panay ang tawag ni Kristian sa cellphone nang kasintahan ngunit walang sumasagot nagsisimula na siyang kabahan. “Hindi pa rin ba sumasagot?” tanong ni Julianne sa kaibigan habang sinusubukan nitong tawagan ang telepono nang kasintahan. Umiling lang si Kristian. Nakakapagtakang hindi sinasagot ni Aurora ang telepono nito. Nasa loob sila noon nang silid ni Selene sa hospital. Though hindi pa rin nagigising ang dalaga stable na ang lagay nito kaya inilabas na siya sa ICU at inilipat sa isang pribadong silid. “Puntahan mo na kaya sa bahay nila.” ani Julainne. “Pero walang maiiwan ditto.” Wika ni Kristian at tumingin sa kapatid niya. “I’ll stay here.” Wika ni Julianne. “May inaasikaso kang kaso hindi ba?” tanong ni Kristian sa kaibigan. “I can review the files here habang naghihintay sa inyo.” Wika ni Julianne. “Just Go, alam kung nag-aalala ka kay Aurora. Ako nang bahala kay Selene.” Wika pa nang binata. “Thanks Buddy.” Wika ni Kristian at tinapik ang balikat nang kaibigan bago bumaling sa kapatid niya. “Babalik agad ako.” Malambing na wika ni Kristian sa kapatid saka hinimas ang ulo nang natutulog na kapatid. Aktong aalis si Kristian nang biglang tumunog ang cellphone niya. ganoon na lamang ang gulat niya nang si Johnny ang tumawag sa kanya. Nais nitong makipagkita sa kanya. May importanteng bagay daw itong nais sabihin sa binata. “Bakit?” Tanong ni Julianne sa kaibiga niya matapos silang mag-usap nina Kristian at Johnny. “Babalik agada ko.” Wika ni Kristian saka agad na umalis na tila nagmamadali. Napatingin lang si Julianne sa kaibigan na labis na nagtataka sa ikinilos nito at ang biglang pagbabago nang ekspresyon nang mukha nito. “Do you think something is up with him?” Tanong ni Julianne saka tumingin kay Selene na para bang sasagot ang dalagang natutulog. Narinig niya na sinabi ni Johnny sa kabilang linya na gusto nitong makipagkita kay Kristian sa isang lugar na walang masyadong tao. Nagtataka si Julianne sa inaakto ni Johnny at nitong mga nakaraang araw malimit na rin nilang makita ang binata sa opisina nang task force at para bang inilalayo nito ang sarili sa kanila at hindi niya alam kung anong dahilan. ***** Dumating si Kristian sa lugar kung saan sila mag tatagpo ni Johnny. Nang dumating siya sa lugaar bigla siyang ngataka dahil wala manlang katao tao sa lugar na iyon kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. nang tumawag si Johnny bigla siyang kinutuban nang masama ngunit ayaw niyang bigyan ang sarili na mag alala kaya naman binalewala niya ang kutob na iyon. Ilang minuto din niyang hinintay si Johnny hanggang sa may humintong itim na van di kalayuan sa kinatatayuan niya. napansin niyang bumamaba si Johnny mula sasakyan. Napansin din niyang may ibang kalalakihan ang sumunod ditto. “Kanina ka pa ba naghihintay Chief?”tanong ni Johnny sa binata nang makalapit. “Hindi naman, Ano bang mahalagang bagay ang nais mong sabihin at ditto ka pa nakipagkita? Isa pa, bakit ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa opisina. Nag-aalala na ang lahat sa iyo.” Wika ni Kristian. Nakita niyang ngumisi lang si Kristian. “Hindi ako makapaniwala na hangal ka rin pala chief.” na bigla si Kristian sa sinabi ni Johnny. Hindi maganda ang pakiramdam ni Kristian parang may kakaiba sa binatang nasa harap niya. hindi na ito ang Johnny na kilala niya. Biglang naalarma si Kristian nang bigla siyang pinalibutan nang mga lalaking kasama ni Johnny. “Anong ibig sabihin nito Johnny?” Baling ni Kristian sa binata. “Akala ko ba matalino ka chief. Hindi mo pa rin ba nahuhulaan?” ani Johnny. “Dalhin siya!” wika ni Johnny na naging hudyat upang atakehin nang mga lalaki si Kristian. Nang una nagawa pang lumaban ni Kristian sa mga ito. Ngunit nang maglabas na ito nang baril hindi nagawang lumaban ni Kristian. Hindi niya maiintindihan kung ang nang nangyayari kay Johnny. He seemed to be so different. Hindi na niya kilala ang Johnny na nasa harap niya. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito Chief. kung hinayaan mo sana ako at si Aurora. hindi n asana aabot sa ganito. Si Aurora lang ang buhay ko. At dahil sa iyo! Iniwan niya ako.” Galit na wika ni Johnny kasunod ang isang lakas na sipa sa mukha ni Kristian. Sargo ang dugo sa bibig nang binata. Nabitiwan din siya nang dalawang lalaking may hawak sa kanya dahil sa lakas nang impact nang ginawa ni Johnny. Humandusay sa lupa ang binata. Naguguluhan si Kristian. Anong ginawa niya para maging ganito si Johnny. Masama bang sinunod niya ang puso niya? hindi niya akalain na labis niyang nasaktan Johnny sapat para talikuran nito ang pinagsamahan niya. biglang napaubo si Kristian kasama nang ubo na iyon ang dugo na lumabas sa bibig niya dala nang malakas na sipa ni Johnny. “Dalhin na ang isang yan.” Ani Johnny at tumalikod. Agad naman sumunod ang mga lalaki sa utos nang binata. Dahil wala nang lakas si Kristian. Nagawa siyang kaladkarin nang mga lalaki patungo sa sasakyan. Bago siya isakay sa van. Naramdamn ni Kristian ang malakas na paghataw nang isang matigas na bagay sa ulo niya dahilan para mawalan siya nang malay. ***** Biglang nagising si Kristian nang maramdaman ang malamig na tubig na tumama sa katawan niya. Nang magmulat siya nang mata napansin niyang nasa isang bodiga na siya at nakatali sa isang upuan. Nakita din niya ang lalaking nagsaboy nang tubig sa kanya. “Gising ka na Pala. Long time no see.” Wika ni Ramon na naglakad palapit kay Kristian kasama si Johnny. Hindi makapaniwala si Kristian sa nakikita. Ang alam niya dapat nasa kulungan ngayon si Ramon. Siya pa mismo ang gumawa nang paraan para hindi na ito makapagpyensa. Ngunit ano itong nakikita niya? at bakit magkasama si Johnny at Ramon? “Johnny anong ibig sabihin nito?” tanong ni Kristian sa binata. “Kristian!” Biglang narinig ni Kristian ang tawag nang isang pamilyar na tinig. Agad niyang tinunton ang may ari nang boses. Hanggang sa makita niya si Aurora na hawak nang isang lalaki na nasa ikalawang palapag. “Aurora.” Takang wika ni Kristian. Nang kausap niya ang ina nito kanina. Sabi nito nasa bahay si Aurora. He should have known na hindi niya pwedeng pagkatiwalaan ang ina nito. He knows better na wala itong ibang hangad kundi ang mapalayo si Aurora sa kanya. “Hindi ko pala nasabi sa iyo Chief. May iba pa kaming kasama.” Ani Johnny. “Bakit mo ginagawa ito?” baling ni Kristian kay Johnny. “Akala ko ba gusto mo si Aurora?” “OO! I love her more than you do. That’s why I am taking her for myself. Kaya lang habang nabubuhay ka. Patuloy niya akong tatanggihan. Kaya naman I invited her. To witness your demise.” Ani Johnny. “So, this is how you show your love? How pathetic. No wonder hindi ka niya magugustuhan.” Ani Kristian. Ngunit biglang napaagik ang binata nang hatawin ni Ramon nang baseball bat ang ulo niya. “KRISTIAN!” malakas na tili ni Aurora nang makita ang ginawa ni Ramon. Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nang lalaki ngunit wala siyang naging laban sa lakas nito. sa kabilang banda ang binata si Kristian naman au sargo ang dugo sa ulo dahil sa sugat na tinamo mula sa paghataw ni Ramon sa kanya. Bukod doon hirap na rin siyang ibuka ang mata niya dahil sa pag-agas nang dugo patungo sa mata niya. Subalit na aaninag pa rin niya si Aurora at ang pagpupumiglas nito.Muli sanang hahatawin ni Ramon nang baseball bat si Kristian nang biglang sumigaw nang malakas ang lalaking may hawak kay Aurora. Kinagat ni Aurora ang braso nit para makawala mula sa pagkakahawak nito. “You!” galit na wika nang lalaki at malakas na sinampal si Aurora. At dahil malapit sa barindilyas si Aurora bigla itong nawalan nang balanse at nahulog. “Aurora.” Mahinang wika ni Kristian. Dahil wala siyang lakas wala siyang magawa para iligtas ang kasintahan niya. “Aurora!” malakas na sigaw ni Johnny nang makita ang nangyari sa dalaga. Waring natauhan naman ang lalaki dahil sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD