Selene? Kristian?” Gulat na wika ni Julius nang Makita sina Selene at Kristian na dumating kasama sina Rick at Ben. Kasunod naman nila si Julianne at Auora kasama ang dalawang anak nina Kristian. Nang makalapit sina Selene kay Julius agad namang niyakap ni Selene ang lalaki.
“How are you. Ang tagal din nating hindi nagkita. Hindi sinabi sa amin ni Kristian na nagising kana pala.” Wika ni Julius.
“Probably because it’s only just been a year simula nang magising ako.” Wika ni Selene kay Julius dahilan naman para matigilan hindi lang si Julius kundi maging si Rick at Ben dahil sa gulat.
“One year?” Gulat na wika ni Rick. “You’ve been sleeping this whole time?”
“Yeah. But I am really happy to finally see you.” Nakangiting wika ni Selene sa mga kaibigan. “Ah. Hindi pa ba dumarating ang asawa ni Ate Meggan?” tanong ni Selene. Lihim namang napangiti ang lahat dahil sa inosenteng wika nang dalaga.
“Nandito na siya.” Wika ni Ben.
“Nandito?” Takang tanong nang dalaga saka napatingin sa paligid. Ang pamilya niya at ang mga kaibigan lang naman ang nakikita niya.
“Si Julius ang Asawa ni Meggan.” Wika ni Kristian saka lumapit sa kapatid at inakbayan ito. Nakalimutan niyang sabihin sa kapatid Dahil sa dami nang mga inaasikaso niya Nawala sa isip niya.
“What? Really?” Gulat na wika ni Selene dahil sa sinabi ni Kristian. Natawa naman ang lahat dahil sa naging reaksyon nang dalaga.
“Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Nagtatakang tanong nang dalaga.
“Wala.” Nakangiting wika ni Rick. “Ang reaksyon mo ay reaksyon din namin.” Dagdag nang binata.
“Sino ba naman kasing magaakalang magkakatuluyan yang dalawang yan. Eh daig pa ang aso’t puso kung magbangayan.” Ani Ben. Sang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Ben. Wala naman talagang ni isa sa kanila ang nagakalang magkakatuluyan ang dalawa. At simula nang binuwag ni General Antonio ang Task Force hindi na rin sila nag karoon nang pagkakataon na magkita-kita.
“Kumusta na si Meggan?” Tanong ni Aurora.
“Nasa loob pa siya nang delivery room.” Wika ni Julius.
“Bakit wala ka sa tabi niya?” Tanong ni Selene.
“Masyadong na ngangatog ang tuhod ko. Baka himatayin ako sa loob. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Excited ako na natatakot. Parang may mga kung anong lumilipad sa sikmura ko.” Wika ni Julius. Dahil sa sinabi ni Julius napangiti lang ang mga kaibigan niya. Alam naman nilang excited lang ito sa magiging anak nila ni Meggan.
“Mabuti pa at pumasok na tayo kesa dito tayo naguusap sa labas nang hospital.” Wika ni Rick. Bigla namang napatingin nang sabay sina Kristian at Aurora kay Selene. Kahit noon, hindi ito pumapasok sa hospital dahil sa kung ano-anong nakikita nito. And she is having a hard time breathing. She was in a coma for five years. Nang magising ang dalaga. Una niyang ginawa ay mag request na lumabas. She was having a hard time breathing dahil sa takot when she woke up ang knowing nasa loob siya nang hospital.
“Bakit?” tanong ni Julius kay Kristian at Aurora nang mapansing tumingin sila kay Selene nang may pag-aalala.
“It’s nothing. Mabuti pa pumasok na tayo sa loob.” Wika ni Selene at ngumiti.
“Let’s go.” Wika ni Julius saka nagpatiuna na halatang excited. Sumunod naman sa kanya si Rick at Ben.
“Are you sure?” Tanong ni Kristian sa kapatid niya.
“I’ll be fine.” Ngumiting wika ni Selene.
“Naku. Umaaktong matapang ka na naman.” Wika ni Julianne at inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “Hindi kailangang umaktong kaya mong pumasok sa loob nang hospital. You can say No if kung hindi mo kaya. Hindi ka naman pipilitin.” Wika pa ni Julianne.
“Tama si Julianne. Hindi----”
“I’m Okay.” Agaw nang dalaga.
“Sabi mo ha.” Wika ni Kristian na nagdadalawang isip. He knows na umaaktong matapang lang si Selene. He also knows na nakikita parin nito ang mga kaluluwa sa paligid. Akala niya it stopped after what happened five years ago dahil hindi na naman nagpapalit nangkulay ang mga mat anito. But it was not the case.
Nagpatiunang naglakad patungo sa pinto nang hospital sina Kristian at Julianne kasama si Aurora at ang dalawang anak nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Selene bago sumunod sa tatlo. Nasa tapat na siya nang pinto nang hospital nang bigla siyang huminto napakuyom siya ang kamao. Pakiramdam niya pinapapawisan siya. Napatingin siya sa loob nang hospital and she can see clearly ang mga kaluluwang nasa loob nang hospital. Some of them ae starring at her. Hindi parin siya nasanay. Naninikip ang dibdib niya dahil sa labis nak aba. Ayaw ding kumilos nang mga paa niya.
“What are you doing?” isang baritonong boses ang narinig ni Selene na dahilan para bumasag sa nararamdaman niyang takot nang marinig niya ang boses na iyon bigla siyang napatingin sa likod niya. Taka siyang napatitig sa mukha nang binata. It was the same man na nahumabol sa suspect kanina.
“You---” mahinang anas ni Selene.
“Nakaharang ka sa daan.” Wika nang binata saka hinawakan ang braso nang dalaga at kinabig ito papunta sa gilid doon lang napansin ni Selene na may mga tao sa likod niya. Bigla siyang nahiya. Hindi niya napansin na may mga tao pala sa likod niya at naghihintay na pumasok siya sa hospital.
“I’m sorry.” Wika nang dalaga.
“You should not force yourself to do something you can’t” wika nang binata na binitiwan ang braso niya saka naglakad papasok. Ngunit biglang natigilan ang binata nang biglang hawakan ni Selene ang braso niya. Napatingin naman ang binaa sa kamay nang dalaga saka tumingin sa mukha nang ni Selene.
“Why? You still have something to say?” tanong nito.
“H-Have we met before?” tanong nang dalaga. Hindi niya maalala ang mukha nang binata pero may nagsasabi sa loob niya na hindi estranghero sa kanya ang binata. That feeling of security. It’s familiar hindi nga lang niya masabi kung ano.
“Do I look like someone you know?” tanong nito.
“I --- I honestly don’t know. I feel like----”
“Don’t worry. It’s not just you.” Wika nang binata. Biglang napakunot ang noo nang dalaga. Anong ibig sabihin nito? Simpleng tumingin ang binata sa isang standee sa gilid nang pinto. Taka namang sinundan nang tingin ni Selene ang tinitingnan nito. Bigla niyang nabitiwan ang kamay nang binata nang mapansin ang mukha nito na nasa standee.
“I know.” Anang binata. “My face is technically everywhere. Kaya hindi ako magtataka kung sa palagay mo pamilyar ako s aiyo. Ganyan din ang sinasabi nang ibang pasyente.” Nang binata. Lalo namang napakunot ang noo ni Selene. Alam niyang hindi dahil doon ang nararamdaman niya.
“There you are.” Wika nang isang nurse na tumigil sa may pinto at tumingin sa Binata. Napatingin naman ang binata sa nurse maging si Selene ay napatingin din sa nagsalita.
“Kanina ka pa hinahanap ni Director. Bakit ngayon kalang.” Wika nito sa binata. Saka tumingin sa dalagang nasa tabi nang binata.
“Pasyente ba? Or kamag-anak nang pasyente?” tanong nito habang nakatingin kay Selene. Napatingin naman ang binata sa dalaga.
“Just ask her. Pupuntahan ko na ang director baka umuusok na ang ilong noon sa galit.” Wika nang binata na inalis ang tingin kay Selene saka nagmamadaling umalis nang hindi manlang nililingon si Selene. Nakatingin lang ang dalaga sa Binatang papaalis.
“Gusto mo bang Samahan kita sa loob? May kamag-anak ka bang hinahanap?” Tanong nang nurse sa dalaga.
“It’s okay. I’m fine.” Wika nang dalaga. Hindi mawala sa isip niya ang binata. Alam niyang hindi familiar sa kanya ang binata dahil sa standee. There is more into it. Hindi ngalang niya masabi kung ano.