Crazy Day Out

1510 Words
Miss Edwards.” Masayang wika nang isang dalagang guro na lumabas sa gate nang isang preschool kasama si William. Nag-aabang sa labas nang gate si Selene habang karga-karga ang ang Isang taong gulang na si Laylah. Kapwa nasa trabaho si Kristian at Aurora kaya siya muna ang nag volunteer na magbantay sa mga anak nito. Siya din ang sumundo kay William. Hindi pa naman nag-uumpisa ang pasok niya at hindi na niya alam kung kelan siya magsisimula sa part time niya sa firm nang kuya niya. Kaya habang wala pa siyang masyadong ginagawa naisip niyang makipag bonding sa mga anak nang kuya niya. “Tita!” masayang wika ni William nang Makita nito ang dalaga at agad na bumitaw sa kamay nang guro niya saka nagmamadaling lumapit sa dalaga. Nang makalapit ito agad na yumakap si William sa bewang nang kanyang tita. Napangiti naman si Selene dahil sa naging reaksyon nang pamangki niya saka napatingin sa gurong sumunod kay William. “Sorry were late.” Wika ni Selene sa guro ni William na nakasunod sa batang lalaki nang Makalapit ito sa kanila. “Not a problem. Mr. Edwards also called and told me you would be the one to pick up William.” Ngumiting wika nito. Matapos makapag-paalam sa guro, inakay ni Selene ang kanyang pamangkin patungo sa kotse. Agad namang binuksan nang kanyang driver ang likod na bahagi nang kotse at inalalayan si William na maupo. Si Laylah naman ay inilapag ni Selene sa car seat nito at agad na nilagyan nang set belt. Ganoon din ang ginawa nang Driver niya. Agad din itong lumipat sa drivers seat at pumasok. Agad din naman siyang nagtungo sa passenger’s seat. Nang makapasok siya agad na binuhay nang driver ang makina nang sasakyan at umalis doon. “Tita, are we going home now?” Tanong ni William kay Selene. Bahagyang nilingon ni Selene ang batang lalaki “Yes, why did you ask?” Tanong ni Selene ngunit alam na niya na hindi pa gustong umuwi ni William noong nakaraang gabi nangako siya sa pamangkin niya na ipapasyal niya ito. “You promised last night. We will visit Mr. Giraffe and eat ice cream.” Wika ni William. Napangiti naman si Selene. Sinabi niya sa pamangkin niyang dadalhin niya ito sa Zoo para mamasyal. Si William ang tipo nang batang hindi nakakalimot. “Tita.” Mahinang wika ni William. Bahagyang lumingon si Selene sa batang lalaki. Anong gagawin niya. Hindi niya pwedeng ipahamak ang mga pamangkin niya. Ano nalang ang gagawin nang kuya niya kapag may mangyaring masama sa mga ito. “It’s okay. Everything is going to be okay. I’ll be back.” Wika ni Selene saka bumaba nang sasakyan. Nang makababa siya agad niyang isinara ang pinto. Nabigla siya nang hawakan nang lalaki ang kuwilyo nang damit niya. “What are you doing?” Asik ni Selee sa lalaki saka marahas na itinaboy ang kamay nito sa kanya. Nakita niya may kinuhang larawan ang lalaki sa bulsa nang damit nito saka sumilip sa binata sa likod nang sasakyan saka ngumiti. Dahil sa naging reaksyon nito, agad nang nabuo ang hinala niya sa kanyang isip. Ang mga pamangkin niya ang pakay nang mga lalaking ito. Dati nakwento nang kuya niya ang kidnap attempt sa mga pamangkin niya. Sa dami nang mga kalaban nito dahil sa mga binabangga nitong mga malalaking tao tiyak na isa sa kanila ang dahilan nang pananambang na ito. Naisip tuloy niya bakit hindi kumuha nang bodyguards ang kuya niya para sa mga pamangkin niya. Alam niyang gusto lang nang kuya niya na mabuhay nang normal ang mga ito pero ganitong may nagbabadyang panganib pala sa buhay nang mga bata mas mabuting may mga nagbabantay sa mga ito. Maraming mga naging kalaban ang kuya niya noong nasa serbisyo pa ito, ngayon namang bumalik ito bilang isang abogado mas dumami pa ang kalaban nito. Parang nangongolekta nang mga kalaban ang kuya niya at si Julianne dahil sa mga kinakalaban nilang malalaking tao. “Oh not that fast, wierdo.” Wika ni Selene. Na hinawakan ang kamay nang lalaki nang bubuksan nito ang pinto sa likod nang sasakyan. Hindi niya hahayaan ang lalaking ito na gumawa nang masama sa kanyang mga pamangkin. Nangako siya sa kanyang kuya na poprotektahan niya ang mga anak nito. Agad na bumunot nang baril ang lalaki at itinutok kay Selene. Naging mabilis naman ang reflex ni Selene at hinawakan ang kamay nang lalaki saka ito sinipa dahilan upang mapaatras ito. Nang umtras ang lalaki. Agad na ginamit ni Selene ang pagkakataong iyon upang umikot. Isang spinning kick ang ginawad ni Selene sa lalaki. Sapol ang kamay nitong may hawak nang baril. She learned a thing or two sa martial arts, nang nasa Germany siya. Nangako siya sa sarili niya na hindi na magiging isang biktima at mahina dapat alam niyang protektahan ang sarili niya at mg ataong mahal niya. Tumilapon ang baril nito mataos sipain ni Selene. Nang Makita nang mga lalaki ang ginawa nang dalaga agad nilang sinugod ang dalaga. Naging handa naman si Selene upang sagupain ang mga ito. Kahit na nag-iisa lang siya nagawa niyang makipagsabayan sa apat na lalaki. She had somehow gained skills sa martial arts. Sinabi niya sa sarili niya na kung ano man ang nagyari sa kanya five years ago dapat hindi na maulit. Poprotektahan niya ang sarili niya at mga taong mahal niya. Hindi niya gustong maging pabigat sa kuya niya dahil sa madalas niyang pagkakasangkot sa mga gulo. Hindi naman niya gustong maging dahilan nang gulo nagkataon lang na sinusundan siya nang gulo. At dahil ditto ilang beses na nalagay sa panganib ang buhay niya at maging buhay nang mga taong malalapit sa kanya. Kaya naman sinabi niya sa sarili niya na hindi siya magiging mahinga kaya siya nag-aral nang martial arts. “Tumigil ka!” Isang malakas na sigaw nang isang lalaki. “Tumigil ka, kung ayaw mong sumabog ang ulo nang batang ito.” “Tita!” malakas na sigaw ni William. Tumigil sa pag-atake si Selene at napalingon sa pamangkin niya. Biglang nahintakutan si Selene nang Makita ang lalaking karga si William at nakatutok ang baril sa ulo nito. Habang si Laylah naman ay walang tigil sa pag-iyak. Pakiramdam ni Selene sa kakaiyak nito parang namamaos na ang pamangkin. “So, it’s true. The sister of Atty Kristian Edwards is a real pain in the butt.” Wika nang isang lalaking naglakad papalapit sa kanya. Biglang napaatras si Selene nang Makita ang lalaki. May malaking piklat ang mukha nito dala nang malaking hiwa ngunit naalala pa rin ni Selene kung sino ang lalaking ito. “Elmer Villafuerte.” Mahinang banggit ni Selene sa pangalan nang lalaking nasa harap. “But how?” Tanong niya, Ang alam niya nakakulong ito. Alam niyang matagal nang naipakulong nang kuya niya ang lalaking ito. Anong ginagawa nito sa labas? “Makakapaghintay ang kwentuhan. Sa ngayon, you have to come with us.” Wika nang lalaki. Agad siyang nilapitan nang isang lalaki at hinawakan ang braso. Isang lalaki naman ang nagbukas nang pinto sa sasakyan at kinuha ang umiiyak na si Laylah. “Patahimikin mo ang batang yan.”inis na wika ni Elmer sa tauhan nito. “Let me carry her.” Wika ni Selene kay Elmer. Ilang sandaling nakatitig si Elmer sa dalaga bago sininyasan ang tauhan na ibigay sa dalaga ang bata. Dahil wala naman itong balak na huminto sa pag-iyak. “Okay. But don’t do anything stupid missy. Remember hawak ko ang buhay mo at nang mga batang ito.” Wika ni Elmer. Agad namang lumapit ang lalaki kay Selene at iniabot ang bata. Agad namang kinuha ni Selene ang pamangkin niya. “Hey sweetie, look at me. It’s okay.” Wika ni Selene kay Laylah at ngumiti sa Pamangkin. Hindi man niya magawang makatakas ngayon kailangan parin niyang gumawa nang paraan upang makaligtas sila. Tinutukan nang lalaki nang baril ang ulo ni Selene at inutusan itong maglakad patungo sa isang Van. Nakita naman niyang dinala nang isang lalaki si Julianne patungo sa van. Hindi naman pumalag si Selene at naglakad patungo doon. Pasimple niyang nilingon ang driver na nakahandusay sa sahig at walang buhay. Saka napatingin sa kaluluwa nitong nakatayo sa tapat nang bangkay nito. “I’m sorry.” Wika ni Selene sa kaluluwa nang lalaki. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Elmer. “None of your business.” Wika ni Selene saka naglakad patungo sas sasakyan ni Elmer “You will be a good present for my dad.” Wika ni Elmer kay Selene bago nito isara ang pinto nang van. Ang ama nito? Tanong ni Selene sa isip niya. Ang alam niya matagal nang patay ang Ama nito. Isang dating senador ang ama nito ngunit nakulong dahil sa mga tiwaling ginawa nito. Ilang buwan matapos itong makulong nabalitaan nilang nagpakamatay ito dahil sa matinding kahihiyan na dulot nang pagkasira sa pangalan nito. Marahil ay ito ang dahilan ni Elmer kung bakit nito dinukot ang mga anak nang kuya niya. Ang kuya niya ang naging dahilan nang pagkakakulong nang ama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD