Sa kabilang banda naman, ligtas na sa tiyak na kapahamakan si Kristian. Buti na lamang at walang internal organ ang tinamaan kahit na malalim ang sugat na tinamo nito. isa pa sa mga ipinapagtaka nang lahat ay ang mabilis na paghilom nang mga sugat nito.
Araw at gabi si Aurora ang nagbabantay sa kanya sa ospital.
Biglang nagmulat ng mata si Kristian dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Pakiramdam niya sobrang tagal na niyang natutulog. Bukod doon naging maganda rin ang panaginip niya, para bang iyon na ang realidad. Isang panaginip na alam niyang mananatiling panaginip.
Nang magmulat siya ng mata, isang pamilyar na bulto ng katawan ang nakita niya sa loob ng hospital. Inaayos nito ang bulaklak sa isang vase. Parang isang panaginip.
“Aurora.” Mahinang wika ni Kristian ng makilala ang dalagang nag-aayos ng bulaklak sa vase. Agad naman itong napahinto at napalingon sa binata.
“Kristian!” wika nito at agad na lumapit sa binata. “May masakit ba saiyo? Tatawagin ko ang doctor mo.” Wika Aurora at akmang aalis pero biglang hinawakan ni Kristian ang kamay niya. Dahilan para magulat ang dalaga. At bukod doon, dahil sa ginawa ng binata pakiramdam ni Aurora gustong lumabas ng puso niya dahil sa bilis ng t***k noon. For a moment there, they were staring at each other.
“Ate Aurora!” biglang wika ni Selene na biglang pumasok sa loob ng kwarto. Agad namang binatiwan ni Kristian ang kamay ni Aurora ng biglang pumasok ang kapatid. Agad din namang bumalik si Aurora sa pag-aayos ng bulaklak sa Vase.
“Bakit ba ang ingay mo.” Wika ni Kristian sa kapatid.
“Kuya!” gulat na wika ni Selene ng Makita ang kapatid na gising na. Agad na lumapit si Selene sa kuya niya at niyakap ito ng mahigpit. Napangiti naman ni Aurora sa ginawa ng dalaga.
“Hey! Hindi na ako makahinga.” Natatawang wika ni Kristian sa kapatid.
“Oops sorry. Masaya lang ako dahil gising kana. Alam mo ba. Na isang lingo kang tulog. Talagang pinag-alala mo kami. Lalo na si Ate Aurora.” Wika ni Selene.
“Ay!” wika ni Aurora na biglang nabitiwan ang gunting. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Aya. Paano na lamang kung bigyan iyon ng kahulugan ni Kristian.
“Ate Aurora.” Wika ni Selene at bumaling sa dalaga.
“Aurora? Okay ka lang ba?” Tanong ni Kristian sa dalaga.
“Pasensya na. May pagka clumsy talaga ako pagminsan.” Ani Aurora at dinampot ang gunting. “Mamaya ko na lang to aayusin. Selene, nagugutom ka na ba?” tanong ni Aurora. “Bibili lang ako ng makakain.” Dagdag pa nito at nagmamadaling lumabas. Taka namang napatingin ang magkapatid sa dalaga. Parang kakaiba ang kinikilos nito.
“Kulit, sabihin mo, talaga bang nag-alala si Aurora?” ani Kristian sa kapatid.
“Aba kuya interesado ka ah!” biro nito sa kapatid.
“Anong interesado gusto ko lang malaman.” Wika nito.
“Hindi lang nag-alala, sobrang nag-alala. Alam mo bang iyak siya ng iyak. Kawawa nga siya. Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa iyo. Ang drama talaga ni Ate Aurora.” Wika niya sa kapatid at lumapit sa vase saka tinapos ang iniwan ni Aurora.
“Bakit parang ang daldal mo ngayon.” Natatawang wika ni Kristian sa kapatid. Napalabi naman si Selene dahil sa sinabi nang kuya niya. Minsan lang siyang maging madaldal pinupuna pa nito.
****
Makalipas ang isang linggo, sabay na dinala sa kulungan sina Renz at Miguel at kapwa naparusahan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa kanilang mga kasalanan. At tulad ng inaasahan ni Kristian. Galit na galit ang ama ni Renz Lopez lalo na sa binatang si Kristian dahil hindi daw nito nagawang protectahan ang anak laban sa mga kaso na isinampa dito. Giit pa ng ama nito isang kasinungalingan ang mga kaso laban sa anak. Pinagbantaan nito ang binata na babalikan dahil sa sinapit ng anak.
Ngunit hindi lang natinag ang Binatang abogado. Ilang beses na siyang nakarinig ng pagbabanta mula sa mga kalaban niya lalo na sa mga politiko, hindi na ito bago sa kanya. Hindi niya iuurong ang kaso laban sa binata dahil lang sa pagbabanta nang ama nito. alam nang lahat na Malaki ang naging kasalanan ni Renz lalo na kay Miguel.
Habang kausap ni Julianne ang ama ni Renz, hind iniya mapigilang hindi magalit dahil sa kakitidan nang pag-iisip nito. Kahit kasalanan pa nang anak nito ang nangyari sa kanya sa ibang tao pa rin nito sinisi ang mga kakulangan nang anak. Mahigpit siyang napakuyom nang kamao. Gustong gusto na niyang sagutin ang matanda kaya lang pinipigilan niya ang sarili niya at habang patuloy niyang pinipigilan ang sarili niya lalo naman niyang nararamdaman ang galit. Habang nakatingin siya sa mukha nang galit na matanda. Lalong nag-iinit ang ulo niya. Dahil sa labis niyang galit marahas niyang ipinukpok ang kamao niya sa mesa.
BIgla pa itong napatayo ang matanda dahil sa gulat ang mga tauhan naman ni Julianne na nasa labas nang opisina niya ay biglang napasugod sa loob nang marinig ang malakas na tunog mula sa nabiak na mesa. Lahat sila napaawang ang bibig dahil sa Nakita. Napansin din nila ang nakakuyom na kamao nang binata.
“What the hell office!” anas nang matanda.
“Officer Ramirez.” Mahinang wika ni Meggan at lumapit sa binata. Nang marinig ni Julianne ang boses nang tauhan pinayapa niya ang sarili niya kahit naman galit siya sa matandang ito at sa anak niya. Hindi parin Magandang makitang bigla siyang magagalit. Alagad diya nang batas dapat alam niya kung papaano kokontrolin ang sarili niya.
Si Miguel naman tanggap ang lahat nang kasong isinampa sa kanya aminado siyang dapat niyang pagbayaran lahat nang mga nagawa niya. humingi din siya nang tawad sa dalagang si Aurora dahil sa nagawa nito. Alam ni Aurora na nabulag lang si Miguel dahil sa labis na galit. Matagal na panahon itong nagdusa dahil sa pagkawala nang kasintahan naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman nito. Alam niyang pang-unawa ang kailangan ni Miguel at iyon ang ibibigay niya. hiling lang niya na sana maging payapa na rin ang puso nito
****
Nang makalabas si Kristian sa ospital nalaman niyang, ilang araw nang hindi pumapasok si Aurora sa Hospital na pinapasukan nito. Biglang nag-alala ng binata. Kaya agad niya itong pinuntahan sa apartment na tinitirahan nito. Ngunit napag-alaman niya mula sa kahera na ilang araw nang hindi umuuwi si Aurora sa apartment. Bagay na lalo niyang ipinag-alala. Mabuti na lamang at mabait ang kahera, ibinigay nito sa kanya ang address ni Aurora. Agad naman niyang pinuntahan ang lugar ng dalaga.
Sa isang private subdivision ang address na ibininigay ng kahera sa binata. Napatitig si Kristian sa malaking bahay sa harap niya. Hindi siya makapaniwala na dito nakatira si Aurora. Mula sa terrace Nakita ni Aurora ang binatang dumating. Agad siyang nagkubli bago pa siya Makita nang binata. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagpunta ni Kristian sa bahay nila.
Ilang sandali din siyang nakatayo sa labas ng gate. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa gate. Sa hula ni Kristian nasa mid 40’s na ito. At sa sout nitong damit maaaring isa ito sa mga katiwala ng malaking bahay.
“Binata, may maipaglilingkod ba ako sa iyo?” tanong ng lalaki sa kanya at binuksan ang gate sa lumapit sa kanya.
“A- may hinahanap kasi akong kaibigan. May nakapagsabi sa akin na dito siya nakatira.” Wika ng binata. Nakita niyang parang nagtatanong ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya.
“Maaari ko bang malaman kung sino ang hinahanap mo? Marami akong kilala sa lugar na ito. Pwede kitang tulungan.” Biglang wika nito. Habang nagsasalita ang lalaki, biglang napatingin ang binata sa terrace ng bahay, isang pamilyar na mukha ang nakita niyang nagkukubli sa likod nang salaming pinto. Alam niyang alam ni Aurora na nandoon siya ngunit bakit naman ito magtatago sa kanya?
Biglang napansin ng lalaki na nakatingin si Kristian sa itaas ng balkonahe. Kaya naman puno nang pagtataka na sinundan niya ang tingin ng binata.
“Maganda siya hindi ba? Sayang nga lamang at ginawa siyang pambayad utang.” Wika ng lalaki na nakatingin din sa dalaga.
Pambayad utang? Biglang wika ng isip ni Kristian. Ano pa ba ang hindi niya alam kay Aurora. Ano ba ang nangyari sa dalaga noong nakahiwalay sila? Bakit pakiramdam niya may mga lihim ang dalaga na hindi niya alam at nag-aalala siya para ditto.
“Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang, na kung ituring ang mga anak nila parang isang bagay na pwedeng pagka perahan.” Dagdag pa nito. Nakita nilang umalis si Aurora sa terrace. Sunod nila itong nakita ng lumabas ito sa malaking bahay at lumapit sa kanila.
“Kristian!” Wika ni Aurora nang lumabas mula sa pinto nang malaking bahay. Taka namang nagpapalit-palit nang tingin ang matanda sa kanilang dalawa. Hindi nga ba’t si Aurora ang hinahanap ng binata?
“Kilala ko siya mang Berto.” Nakangiting wika ni Melfina sa matanda. Bigla naman itong tumango ng sinabi ni Melfina na kilala niya ang binata.
“Kung ganoon, mauuna na ako at marami pa akong gagawin.” Wika nito sa kanilang dalawa. Tumango lang si Kristian sa matanda.
“Gusto mong maglakad-lakad?” tanong ni Melfina at ngumiti sa binata. Hindi naman tumanggi si Kristian gusto rin niyang makausap ang dalaga at tanungin kong ano ang nangyari dito? At kong bakit hindi na ito pumapasok sa Hospital.
Sabay silang naglakad patungo sa club house ng Subdivision. Bukod sa club house may palaruan din sa loob ng subdivision para sa mga batang nakatira doon.
“Kailan ka pa nakalabas? Pasensya na hindi na ako nakabalik sa Ospital may ng nangyari lang kasi na hindi inaasahan.” Wika ni Aurora habang nakaupo sila sa isang Swing.
“Kahapon lang ako lumabas. Nalaman ko kay Selene, na hindi kana pumapasok sa Hospital, kaya naman hinanap kita. Baka kasi iniisip mo parin ang nangyari sa iyo.” Wika ni Kristian.
“Pumunta ako sa apartment mo. Sabi ng kahera na ilang araw ka nang hindi umuuwi doon. Kaya ibinigay niya sa akin ang address na ito hindi ko naman akalain na sa isang malaking bahay ka na nakatira.” Dagdag ng binata.
“Talagang hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Baka hindi na ako bumalik sa pagdodoctor. At baka--” wika nito na biglang naputol. Nakita ni Kristian na nahawak ng mahigpit si Aurora sa hawakan ng Swing nakita rin niyang biglang pumatak ang luha nito. Naagad din nitong pinahid. Noon lang ulit nakita ni Kristian na umiyak sa harap niya ang dalaga. Kilala ni Kristian si Aurora hindi ito ang klase nang taong madaling maiyak. Matatag ito, ngunit alam din niyang kahit na ipinapakita nito na matatag siya alam ni Kristian sa loob nito nahihirapan na ito. Biglang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa puso niya ng makita si Aurora na umiiyak.
“Pasensya na. Hindi maintindihan sa mata kung ‘to, bigla nalang pumapatak ang mga luha. SIguro bagay sa ‘king mag-artista.” Ngumiting wika ni Aurora at pinahid ang mga luha.
“Hindi mo kailangan magtapang-tapangan sa harap ko. Sabihin mo? May nangyari ba?” tanong ni Kristian. “Kung kailangan mo ng taong masasabihan ng mga problema mo, nandito lang ako. Pwede mo akong gawing takbuhan o kahit na hiding place kung sa tingin mo nasasakal ka na. Pwede mo rin akong utusang mang bugbog sa mga umaaway sa iyo.” Wika ni Kristian sa dalaga na nakatingin sa mga batang naglalaro sa slide.
“Nangako ako kay sa ama mo na aalagaan kita at poprotektahan. Hindi pa ako sumisira sa pangako ko.” Biglang napatingin si Aurora sa kaibigan. Bigla niyang naalala ang Kristian na nakilala niya noon. Ang dating Kristian, natagapaglitas ng mga naaapi at ang kanyang knight.
“Sabihin mo lang kong anong pwede kong gawin para tulungan ka.” Wika ni Kristian at tumingin sa dalaga saka ngumiti. Simpleng ngiti lang ang itinugon ni Aurora sa kaibigan.
Kanina pa niyang gustong sabihin kay Kristian ang problemang hinaharap niya kaso nga lang nagdadalawang isip siya hindi niya alam kung papaano sisimulan. At kung paano siya tatanggapin ng binata. Gusto niyang sabihin sa binata na gusto niyang lumayo dahil natatakot siya sa mga pwedeng mangyari sa kanya. Ang mga bangungot sa buhay niya ay unti-unting bumabalik.
Nais sanang itanong ng binata kay Aurora kung ano ba ang nangyari dito at kung ano ang ibig sabihin ng matandang lalaki ng tawagin siya nitong pambayad utang. Ngunit pinili niyang manahimik.
Ayaw niyang ma-ffend ang dalaga sa mga tanong niya. Hihintayin na lamang niya kung kailan ito magiging handa para sabihin sa kanya ang mga nangyayari dito.