Secrets

2146 Words
Ilang araw nang napapansin ni Julianne at Selene na gabi na kung umuwi si Kristian at hindi man lang sinasabi sa kanila kung saan ito nag pupunta. Ang alam ni Julianne marami silang kasong iniaasikaso both sa Task force at sa firm nila. Pero hindi naman ugali ni Kristian na abutin nang umaga kahit na marami silang mga kasong inaasikaso sinisigurado nitong makakauwi ito nang maaga. Tiyak niyang hindi sinasabi sa kanila si Kristian. Hindi rin ito ang klase nang taong maraming lihim. “Kulit, alam mo ba kung ano ang ginagawa ng kuya mo?” tanong ni Julianne sa dalaga habang nasa kusina ito nagtitimpla nang kape. Dalawa lang sila ni Julianne na naghapunan dahil hindi parin umuuwi si Kristian nakakapagtaka ang mga ikikinilos nito ngayon. “Kayo ang magkasama sa Trabaho hindi mo Alam?” sakristong wika ni Selene. “Haizt! Talagang magkapatid nga kayo. Parehong pilosopo kung sumagot. Sige! Ako na ang walang kwentang kaibigan.” Wika ni Julianne. Naningkit ang mata ni Selene at napatingin sa binata. “Nagdadrama ka ba?” aniya dito saka lumapit dala ang tinimplang kape at inilagay sa tapat ni Julianne “Kumain ka na lang.” Wika ni Julianne at pinisil ang ilong ng dalaga. Mabilis namang tinabig ni Selene ang kamay nang binata. “Ano ba!” asik ni Selene at tinapik ang kamay ng binata. Natatawa naman si Julianne sa dalaga at sa reaksyon nito. Natawa lang si Julianne sa reaksyon nang dalaga saka muling ibinaling ang atensyon sa pagkain. Nasa isip parin niya si Kristian at kung anong ginagawa nito. Maging si Selene hindi rin alam kung nasaan siya. Nitong mga nakaraan araw, gumawa si Kristian nang sariling imbestigasyon tungkol sa nangyari kay Aurora, hindi siya mapalagay at hindi niya basta na lamang balewalain ang kaibigan. Nangako siya sa ama nito nababantayan ang kaibigan. Kung dati wala silang nagawa para dito at hayaan nalang si Ramon na patayin ang ama nito. Ngayon, Iniisip niyang hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalaga. At kung buhay pa si Ramon tiyak na hindi ito titigil hanggat hindi nito nababalikan si Aurora. Sa kanyang pag-iimbestiga nalaman niya ana ang dahilan kung bakit bumalik sa bansa ang pamilya ni Aurora kasama ang tunay na ina ito ay dahil nalugi sa negosyo ang asawa nito. Isang director ang pangalawang asawa nito na stepfather ni Aurora. Isang Dating sikat na director na ngayon ay isa na lamang baldadong lalaki at nababaon sa isang malaking utang. Walang sinabi si Aurora sa kanila sa mga sulat nito parati nitong sinasabi na mabuti ang kalagayan nito at mabait sa kanya ang stepfather niya ganoon din ang dalawa nitong stepsister. Hindi niya akalain na ganito kalaking problema ang tinatago ni Aurora. Ang lalong ikininagulat niya ay nang malaman kung sino ang lalaking pinagkakautangan nang pamilya ni Aurora. Nang una hindi mapaniwalaan ni Adrian ang nalaman, hindi niya matanggap na sa isang taong tulad niya mapupunta si Aurora. Hanggang ngayon alam niyang nasa isip parin ni Aurora ang nangyari sa ama niya. at alam niyang may trauma pa din si Aurora lalo na sa lalaking iyon. Sa lalaking pumatay sa ama niya at ngayon magiging asawa pa niya ito. Akala niya nang mabuwag niya ang sindikato ni Ramon ay magiging isang hamak na pugante na lamang ito hindi niya akalain na maging si Aurora ay hindi nito tinitigilan. Sinundan ni Kristian si Aurora nang araw na makita niya ito sa Supermarket, nais sana niya itong lapitan ngunit hindi na niya tinuloy. Sa palagay niya malalim ang iniisip ng dalaga. Pumasok ito sa supermarket ngunit wala naman itong binili. Sa pagsunod niya sa dalaga, napansin ni Kristian na pumunta ito sa isang subdivision. Nakita niya huminto si Aurora sa tapat ng isang asul na gate isang babae na may katabaan ang nagbukas ng pinto. Sa hula niya mas matanda ito kay Aurora. Sa ekspresyon ng mukha nito parang hindi ito Masaya na makita si Aurora na dumating. Nakita niya pumasok si Aurora sa loob, sa isang maliit na espasyo ng harden, nakita niya ang dating director na nasa wheelchair. Nag mano si Aurora sa lalaki. “Buti naman dumalaw ka. Anong akala mo sa amin, may tiyan na yari sa bato?” narining niyang wika ng isang ginang na nasa likod ng lalaking naka wheelchair. Kung titingnan masasabi mo agad na ito ang may bahay ng director. “Pasensya na kayo. Dahil hindi na ako pumasok sa hospital. Nahirapan akong kunin ang pera ko.” Paliwanag ni Aurora. “Pinoproblema mo ang pera?” sakristong wika nito. “Para ano pa at nasa bahay ka ni Ramon.” Wika ng babae. Biglang napakuyom ng kamao si Aurora sa naranig na sinabi ng ina niya. Bakit pa nga ba siya bumalik sa bahay na ito? Nang una pa lang siyang dumating alam na niyang hindi naman siya tanggap ng mga ito. Mas gugustuhin pa niya manatili na lamang sa kombento o bumalik sa Ibang Bansa bahala na kung wala siyang kilala. Bahala na kung magumpisa siya sa wala. Ngunit dahil siya sa stepfather niya. Hindi rin niya mapigilan ang sarili kundi ang bumalik at magtiis. Bukod doon kahit naman baliktarin niya ang mundo narito ang ina niya. Bakit kailangan niyang pakisamahan ang taong kinamumuhian niya sa lahat? Ang taong pumatay sa tatay niya. Bakit siya nagtitiis sa ganitong buhay? “Hanggang ngayon pa rin ba nag-iinarte ka pa din?” wika ng matabang babae na nagbukas ng gate. “Mapapangasawa mo na ang lalaking iyon, kaya ang pera niya ay pera mo din. Madali lang humingi ng pera doon.” Wika nito. “Nakalimutan mo rin ba na, kanang kamay siya nang ama mo. Sa ama mo galing ang yaman niya, kaya kung ano ang meron siya iyo din iyon.” “Madali naman pala bakit hindi ikaw ang magpakasal kesa sa ako ang ipinagpipilitan niyo.” Bulalas ni Aurora na napahawak ng mahigpit sa bag niya. Gulantang ang lahat sa narinig mula sa dalaga. Ito ang unang beses na narinig nila sumagot pa balik ang dalaga. “Anong sabi mo? May pinagmamalaki ka naba? Aba! Baka na kakalimutan mo kung ano ka sa pamilyang ito.” Anang Ina niya. “Baka nakakalimutan mo. ibinigay ka sa akin nang ama mo ni walang isang kusing na iniwan. Hindi libre ang pagtira mo sa poder ko baka nakakalimutan mo. Well, let me refresh your memory.” Asik ni Marga. “SInong pinagmamalaki? Ang ama mo? Nasaan na siya ngayon? DIba matagal nang kinain nang uuod ang katawan niya!” galit na asik nang babae kay Aurora. “Hinding-hindi ko nakakalimutan kung gaano kaliit ang tingin niyo sa pagkatao ko. Araw-araw ipinamukha niyo sa akin na isa lang akong anak sa labas. Paano ko naman iyon makakalimutan.” Ani Aurora. “Tanggap ko naman iyon. kaya lang Ma, paano ko naman matatanggap na balak niyo akong ipamigay sa taong pumatay sa ama ko.” Wika ni Aurora na tumulo ang luha. Noong nasa Ibang Bansa pa siya hindi niya alam na pinadadalhan pala ni Ramon ang pera ang mama niya kaya namna pala nagawa siya nitong pagaralin sa isang marangyang eskwelahan. Akala niya tanggap siya nang ina niya. Iyon pala dahil lang sa perang ipinapadala ni Ramon kaya siya nito tinanggap. Buong buhay niyang kinamuhian si Ramon dahil sa pagtataksil nito sa ama niya. Hindi niya alam na ito rin pala ang nagbigay nang pera para makatapos siya. Ang pera din nang lalaki ang ginastos sa pagpapagamot sa stepfather niya. Nang malugi ito at malubog sa utang pera din nito ang pinambayad. Kaya naman, wala siyang magawa kahit na ipambayad siya nang ina niya sa lalaki. Gusto niyang sumigaw at mag amok dahil sa labis na galit ngunit kahit na anong gawin niya wala namang makakarinig sa kanya. “Ano? Aba! Marunong ka nang sumagot. Nag mamalaki ka na ba? Bakit anong pinagmamalaki mo?” asik nito. “Ano naman ang mapagmamalaki ko kung lahat ng gawin ko sobrang liit pa din para sa inyo?” anang dalaga. Dahil sa mga sagot ni Aurora. Napuno ng inis ang kanyang ina. Naglakad ito palapit sa kanya at ibinigwas ang kamay para sampalin ang dalaga. Na bigla ang lahat ng biglang may mga kamay na sumangga sa kamay ng ina ni Aurora. Maging si Aurora ay nagulat din sa nangyari agad siyang napalingon sa may-ari ng mga kamay na nangahas na saluhin ang kamay ng kanyang ina. “Sino ka naman?” wika ng matabang babae. “Kristian!” biglang wika ni Aurora nag makilala ang binata. Bigla na lang huminto sa pagtulo ang luha niya nang Makita ang binata. “I told you. Kung kailangan mon ang taong masasandalan nandito lang ako.” Wika ni Kristian sa dalaga. “Kilala mo ang walang modong lalaking ito?” takang tanong ng kanyang ina at binawi ang kamay mula sa binata. “Pasensya na kung bigla akong pumasok ng walang paalam. Matagal ko nang sinasabi kay Aurora na ipakilala niya ako sa inyo para pormal ang relasyon namin ngunit masyado siyang mahiyain.” Wika ng binata at agad na inakbayan ang dalaga bagay na ikinagulat ni Aurora at nang pamilya nito. “Anong ginagawa mo? Anong sinasabi mo?” pabulong na tanong ng dalaga sa binata. “Improvising!” nakangiting bulong ng binata. Wala naman talaga siyang planong magpakita. Ngunit nang Makita niyang umiiyak si Aurora at sinasaktan nang sarili nitong ina hindi na niya nagawang magnood nalang. Kusa na lamang kumilos ang katawan niya. “Ano?!” gulat na bulalas ng dalaga. “Anong ibig sabihin nito Aurora?” tanong ng matandang director. “Ibig sabihin nito, ako ang kasintahan ni Aurora. At mahal na mahal naming ang isat-isa kaya naman hindi siya pwedeng magpakasal kahit na kanino.” Ani Kristian. Saka inakbayan si Aurora. Mangha namang napatingin si Aurora sa binata. Ito ba ang sinasabi nitong improvising? Pareho silang mapapahamak sa sinasabi nito. “Ano?!” sabay-sabay na wika ng tatlo. Napaawang lang ang labi ni Aurora dahil sa labis na gulat. “Anong kalokohan ito Aurora?” asik ng kanayang ina. “Pinaglalaruan mo ba kami?” “Hindi ito lokohan ma’am. Gusto kong ipaalam sa inyo na malinis ang hangarin ko kay Aurora, at kung iniisip niyo kung anong buhay ang ibibigay ko kay Aurora. May trabaho ako at kumikita ng sapat para buhayin siya.” Wika ni Kristian. Ang gulat na si Aurora ay nakatitig pa rin sa mukha ng binata. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang naririnig mula sa binata. Parang isang panaginip. “Binata, alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Kahit mahal mo si Aurora. Hindi siya pwedeng magpakasal kahit kanino. Nakatali na ang mga kamay niya sa isang lalaki.” Wika ng Direktor. “Wala pa naman akong nakikitang singsing ibig sabihin hindi pa ako huli.” Wika ni Kristian. “Kakaiba ka mag-isip, bahala ka kung anong gusto mong gawin, pero sinasabi ko saiyo. Mabibigo ka.” Wika pa nito sa binata. “I will challenge everyone for her hand.” Wika ng binata na tumingin ng diretso sa matanda. Hindi makapapagsalita si Aurora dahil sa mga sinasabi ni Kristian. Isa lang ang tiyak niya pinalalala lang nito ang sitwasyon nila. “Aurora saan ka pupunta!” tawag nang ginang nang akayin ni Kristian si Aurora palabas nang bakuran nila. BIglang huminto sa paglalakad ang dalaga saka nilingon ang ina. “Oras na lumabas ka sa gate nay an, kalimutan mon ang ako ang nanay mo.” Galit na wika nang babae. Marahan namang binitiwan ni Aurora ang kamay ni Kristian. Kahit naman galit sya sa ina niya baliktarin man niya ang mundo nanay parin niya ito. “Aurora.” Napalingon si Aurora sa binatang nagsalita. Gusto niyang takasan ang lahat nang problema niya at naroon si Kristian para iligtas siya, pero bakit nagdadalawang isip siya. Sa bandang huli wala ring nagawa ang matanda mula sa mapilit na binata. Isinama ni Kristian ang dalaga paalis sa lugar na iyon. “Ano ang gingawa mo?” tanong ni Aurora nang nasa loob na sila ng kotse. “Sabi ko naman sa iyo, pwede mo akong maging takbuhan. Kailangan pa kitang palihim na sundan para malaman ko ang totoong nangyayari sa iyo. Hindi mo kailangan dalhin mag-isa ang problema mo. Narito kaming mga kaibigan mo. Isa pa, ano na lamang ang sasabihin ko kay Sir Gustavo kapag nagkita kami? Paano ko ipapaliwanag na hinayaan kitang maikasal sa taong pumatay sa kanya. Paano pa ako haharap sa kanya. Hayaan mong tulungan kita. Hindi ka nag-iisa.” Wika ni Kristian. “Salamat sa pag-aalala, pero--” “Salamat na nga may pero pa!” agaw ni Kristian sa sasabihin ng dalaga saka binuhay nag makina ng sasakyan. Napa ngiti na lamang si Aurora dahil sa sinabi ni Kristian. “Ganyan! Mas maganda kang tingnan kapag nakangiti.” Wika ni Kristian at pinaandar ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD