Alice!” nang mamadaling Wika nang isang dalaga habang tumatakbo patungo sa kaibigang nakaupo sa isang bench sa ilalim nag puno sa isang pavilion sa university nina Selene. Kasama nang dalaga ang dalawa pang kaibigan nito. Nang marinig nila ang boses nang tumawag napatingin sila sa dalaga. Mula sa di kalayuan naman ay nakaupos si Selene at naghihintay kay Hunter na matapos ang soccer practice nila. Gaya nang dati talagang pinangtawanan na niya ang pagiging assistant ni Hunter. At dahil doon mas lalong dumami ang mga kaaway niya sa school niya. Lalo na nag grupo ni Alice na number one supported ni Hunter at miyembro nang fan club.
Nang marinig ni Selene ang boses nang dumarating bigla siyang napatingin dito.
“Oh! Bakit? Anong nangyari?” Tanong ni Alice saka tumingin sa kaibigang bagong dating saka bumaling dito.
“Nabasa mo na ba ang balita sa Dyaryo?” Wika nito sa kaibigan at lumapit ditto. Kitang kita ang paghabol nang dalaga sa paghinga.
“Balita? Tungkol saan?” Gulat na tanong ni Alice. Kinuha ni Roch ang dalang dyaryo nang dalaga upang basahin. Curious namang napatingin si Selene sa grupo. Bakit gusto niyang malaman kung anong pinag-uusapan nila at hindi rin Maganda ang kutob niya.
“Bakit? Ano bang balita meron ngayon? Bukod sa mga nakawan at mga politiko?” Wika pa nito.
“Isang estudyante ang nakitang walang buhay sa gilid nang kalsada ka gabi.” Wika ni pa bagong dating. Gulantang na napatigin ang mga dalaga sa bagong dating. Si Alice naman ay agad na kinuha ang dyaryo sa kamay nang dalaga. .
Isang 19 na toang gulang na dalaga at mag-aaral ng isang sikat na Universidad ang natangpuang walang buhay sa gilid nang isang kalsada. Nag tamo ito nang matinding sugat sa ulo. Puno din nang pasa ang katawan. Pinaghihinalaang ginahasa muna ang babae bago pinaslang. Ito ang nabasa ni Alice sa Artile tungkol sa babaeng pinatay.
“Grabe, sobrang delekado na talaga ang lugar ngayon. Naglipana na ang mga halang ang bituka.” Wika wika nang dalaga.
“Ano namang bago sa ganitong balita. Halos araw araw may mga ganitong biktima.” Walang anomang wika ni Alice.
“Don’t say that. Ang biktima ay estudyante sa university natin.” Wika nang dalaga saka napahawak sa braso. “Nakakatakot.” Wika pa nito.
Walang kibo na nakinig lang si Selene sa pinag-uuspan nang grupo. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya. Ganoon din ang takot na namumuo sa puso niya. Habang nakikinig sa binabasa ni Alice Unti-unting biglang biglang pumasok sa gunita niya ang buhay na babae habang humihingi nang tulong. Nang una, maayos pa ang mukha nito unti-unti biglang nabalot nang dugo ang mukha nito. Dahil sa labis na takot napatayo si Selene sa kinauupuan niya. Animo’y nasa lugar talaga siya nang pangyayari. Totoo ang takot na naramdaman niya. Ang takot nang babae ay ramdam na ramdam din niya.
“Hey!” untag ni Hunter sa dalaga. Hindi na napansin nang dalaga na nakalapit na ang binata sa kanya. Ilang beses na tinawag ni Hunter ang dalaga nguniy hindi nito sumasagot. Nang lapitan niya nito. Nakita niya ang pagbabago nang kulay nang mata niyo. Biglang naging Pale Red at makikita ang hourglass na simbolo niya sa mata nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero mukhang may nakikita ang dalaga at dahilan para tila mawala ito sa sarili niya. Nanginginig din ang kamay nito at pinagpapawisan.
“What’s wrong with you? Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Hunter sabay hawak sa balikat nang dalaga. Simple namang napatingala si Selene sa binata.
“Ihahatid na kita sa inyo. Kailangan kong pumunta sa opisina nang Guardian. May kasong-----”
“I’ll go with you.” Biglang wika ni Selene saka napahawak sa kamay nang binata.
“Hey Kid.” Wika ni Hunter saka itinuro ang noo ni Selene. “Hindi isang field Trip ang pupuntahan ko.”
“I heard it from them----” wika ni Selene saka lumingon sa mga dalagang nasa di kalayuan ngunit bigla siyang nitigilan nang biglang hawakan ni Hunter ang mukha niya at pinihit paharap sa binata. Iyon ang eksenang Nakita nang mga dalaga. Napakagat naman nang labi si Alice dahil s ainis sa Nakita niya.
“Careless Kid.” Wika ni Hunter. Taka lang na napatingin si Selene sa mukha nang binata. Nabigla siya sa ginawa nito. “Gusto mo bang makita nila ang kulay nang mga mata mo ngayon?” tanong nang binata habang nakatingin sa mukha nang dalaga.
Right. People will find it weird kung makikita nila ang kulay nang mga mata ko. It’s not normal. Wika nang isip nang dalaga. She is a little disappointed pero bakit ang bilis nang t***k nang puso niya. At bakit pakiramdam niya lalagnatin siya. Nararamdaman kaya ni Hunter na mainit ang mukha niya?
“May lagnat ka ba? Bakit ang init nang mukha mo?” tanong ni Hunter sa dalaga.
“I’m---” biglang na putol ang sasabihin ni Selene.
“Hunter!” wika ni Alice na naglakad papalapit sa kanila. Napalingon si Selene sa dalaga dahilan para maputol ang sasabihin niya. Simple naman siyang napatayo saka tinanggal ang kamay ni Hunter na nakahawak sa pisngi niya.
“How’s your practice?” tanong ni Alice sa binata.
“Ah!” biglang tili ni Selene saka napahawak sa braso ni Hunter. Naging maagap naman ang binata kahit hindi alam kung bakit ito tumili agad nitong ikinubli ang dalaga sa likod niya. Nagulat naman sina Alice dahil sa reaction nang dalaga saka napasilip sa dalagang nasa likod ni Hunter at nakahawak nang mahigpit sa braso nang dalaga. Napatiim bagang si Alice dahil sa inis. Nahahalata niyang masyadong nang nagiging malapit si Selene sa binata.
“What’s wrong?” Mahinang tanong ni Hunter sa dalaga. Kitang-kita niya ang takot sa mukha nang dalaga. Ang dahilan nang pagtili ni Selene ay ang Nakita niya nang lumapit sina Alice sa kanila. Nakita niya si Alice na duguan. Labis siyang natakot kaya siya napatili.
“Selene. Talagang kina-career mo ang pagiging personal Assistant ni Hunter. Alam mo bang inaagawan mo na kami nang papel.” Wika ni Alice. “Masyado kang nagiging clingy sa kanya. And being self-centered for wanting him for yourself.” Wika ni Alice.
“Alice.” Wika ni Hunter saka lumingon sa dalaga.
“Sorry Hunter if I sounded rude. Pero hindi na ako natutuwa sa kanya. She is so childish---” biglang naputol ang sasabihin ni Alice nang biglang tumakbo si Selene papalayo sa kanila.
“That Kid--” wika ni Hunter na akmang hahabulin ang dalaga ngunit bigla hinawakan ni Alice ang kamay niya para pigilan siya.
“What?” tanong ni Hunter sa dalaga.
“What? Hunter. Nakikita mo ba ang sarili mo? Masyado kang----”
“I know what I am doing. I don’t need you to tell me.” Agaw nang binata.
“Hunter!”
“Alice. I think you are crossing the line.”
“What?”
“I have to go.” Wika nang binata ngunit hindi binitiwan ni Alice ang kamay niya.
“Hahabulin mo ang -----” putol na wika ni Alice nang marahas na tinggal ni Hunter ang kamay nang dalaga sa kamay niya saka walang paalam na sinundan ang dalagang si Selene. “Hunter!” hindi makapaniwalang wika ni Selene dahil sa ginawa nang binata.
“Hey Kid Wait up!” wika ni Hunter nang mahabol ang dalaga at hinawakan ang braso nito. Napaharap naman si Selene sa binata dahil sa ginawa nito. “Bakit ka tumakbo?” tanong ni Hunter na natigilan nang makita ang mukha nang dalaga tila takot na takot ito at parang nakakita nang multo dahil sa ekspresyon nang mukha.
“It’s Okay. I’m here.” Wika ni Hunter saka hinawakan ang kamay nang dalaga at kinabig papalapit sa kanya. “I told you that I am here to protect you. You don’t have to be scared.” Wika nang binata sa dalaga. Pakiramdama ni Selene inaalis nang haplos ni Hunter sa kamay niya ang lahat nang takot niya. It was reassuring. She can feel security around him. Unti-unting Nawawala ang takot niya. Bakit naman siya matatakot kung nasa tabi niya si Hunter. He is an angel and who cares of he is the angel of death. Ngayon pakiramdam ni Selene she is beside her protector. Her guardian angel.
“Let’s go.” Wika nang binata saka inakay ang dalaga.
“Ha? Saan?” Takang wika nang dalaga at sumunod sa binata.
“Sa headquarters nang guardian. After what happen today. I don’t think I can allow myself to let you be alone. Ni ang alisin ka sa pangingin ko mukhang hindi pwede. Who knows what kind of trouble ang pwede mong pasukan.” Wika nang binata.
“Hindi naman ako troublemaker.” Palabing wika nang dalaga.
“Yeah right, Just a clumsy careless kid.” Wika nang binata lalo namang napasimangot ang dalaga dahil sa sinabi nang binata pero bakit masaya siya? If it is him teasing her. He would love it na ganoon sila parati and it make her feel comfortable too.