Kinausap ni Aurora si Johnny para magbigay nang paliwanag tungkol sa nangyari noong isang araw. Alam niyang kahit papaano kailangan nitong marinig ang paliwanag niya. Sa isang banda alam niyang nasaktan niya si Johnny. At hindi niya iyon sinasadya. Alam niyang kahit na anong gawin niya kailangan niyang sundin kung ano man ang sinsabi nang puso niya. Iyon ang tama. Pumayag si Johnny na makipagkita sa kanya sa isanng restaurant malapit sa National defense office.
Nang makita niya ang binata, matamlay ang mukha nito at haggard din ang mukha. Bigla siyang naguilty dahil sa nangyari.
“Johnny.” Mahinang wika ni Aurora.
“Bago ka magpaliwanag. Would you hear me out first?” ani Johnny sa kanya. Simpleng tumango naman si Aurora.
“Hindi naman siguro lingid sa iyo kung ano ang nararamdaman ko hindi ba? I tried so hard para mapasa akin ang atensyon mo. I even tried to be like him. How special is he na hindi mo siya magawang kalimutan.” Ani Johnny.
“Alam mo bang masaya ako dahil tinanggap ako nang ina mo? Inisip kong maswerte ako kumpra kay chief dahil ako nakuha ko agad ang loob nang ina mo. Siya? Patuloy na kinamumuhian. Pero kahit ganoon, I am still envious. Dahil kahit nakuha ko ang loob nila. hindi ko naman nakuha ang loob nang babaeng gusto ko.” dagdag nito. Ramdam ni Aurora ang matinding sakit sa bawat salita ni Johnny.
“Alam mo bang ikaw ang unang babaeng minahal ko? Ikaw ang unang babaeng ipinakilala ko sa pamilya ko.” wika ni Johnny. Nakita ni Aurora na nagkuyom nang kamao si Johnny. Alam niyang labis ang sakit na idinulot niya sa binata. At hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob nito. Pinilit naman niyang mahalin si Johnny, mabait ito at mabuting tao kaya lang hindi naman niya pwedeng turuan ang puso niya. She tried but failed.
“Bakit? Bakit hindi mo siya magawang kalimutan? Bakit siya pa? Ano bang nagawa niya para sa iyo. Wala siyang ibinigay kundi sama nang loob.” Ani Johnny sa kanya.
“I’m sorry.”mahinang wika ni Aurora.
“Damn it! Hindi ko kailangan nang Sorry mo.” galit na wika ni Johnny at pinukpok ang misa. Napatingin ang lahat sa kanila dahil sa ginawa ni Johnny.
“Sa halip na humingi ka nang sorry. Pwede bang sabihin mong ako ang pinipili mo?”ani Johnny at tumingin sa kanya.
“I’m sorry. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko pwedeng turuan ang puso ko.” Ani Aurora. “Si Kristian ang buhay ko.” simpleng wika ni Aurora.
“That Bullshit!”ani Johnny at muling pinukpok ang misa. Napaiktad naman si Aurora dahil sa pagkabigla. “Siya ang buhay mo? Is he feeling the same way?” sakrtistong wika ni Johnny.
“Ayokong saktan ka kaya sinasabi ko saiyo to. Kahit na hindi niya ako magustuhan. Kahit na mahalin ko siya mula sa malayo. Kahit sabihin mong isa akong baliw. Holding into a one sided love. Still I cant let him go. I can’t love you. Hindi kita gustong saktan.” Wika ni Aurora. Hindi alam nang dalawa na dumating si Kristian at narinig ang mga sinabi ni Aurora. Nag-alala siya nang sabihin ni Aurora na makikipagkita ito kay Johnny. He knows. Kailangan din niyang magpaliwanag kay Johnny. At least he deserve it.
Sakristong napangiti si Johnny saka tumayo. Hindi ito tumuloy sa pag-alis dahil nakita niya si Kristian. Napatingin naman si Aurora sa direksyon nang tinitingnan ni Johnny saka niya nakita si Kristian agad siyang tumayo nang makita si Kristian. Sinundan ba siya nang binata?
“Huh, talagang nagpunta ka pa ditto.” Wika ni Johnny.
“Johnny, pakinggan mo muna ang sasabihin ko.” ani Kristian at naglakad papalapit sa binata.
“Huwag na. sapat na ang mga narinig ko ngayon.” Ani Johnny at naglakad palabas. Bigla itong huminto at nilingon si Aurora.
“The next time we meet. Please don’t say I’m sorry. My pride din ako.”anang binata at saka lumabas nang tuluyan sa restaurant. Nang makalabas si Johnny saka muling napaupo si Aurora saka nagbuntong hininga. It took all her courage para sabihin ang mga nasabi niya kay Johnny.
Napangiti naman si Kristian saka naupo sa harap nito. ang mga salitang sinabi ni Aurora. Pakiramdam niya tila musika sa pandinig niya. walang may nagsalita sa kanila. Nakatitig lang si Kristian sa mukha nang dalaga. Ilang sandali pa, napatingin si Aurora sa binata. Ang nakangiting mukha ni Kristian ang nasalubong niya.
“You did well.” Wika ni Kristian. Napangiti naman si Aurora.
“Sabihin na natin kay Selene at Julianne na balak na nating magpakasal.” Biglang wika ni Kristian. Nanlaki naman ang mata ni Aurora dahil sa biglang sinabi ni Kristian. Hindi niya alam kung paano iiinterpret ang mga salitang iyon. seryoso ba siya?
“Bakit ka ganyan kung makatingin. Seryoso ako.” Napangiting wika ni Kristian. “Tiyak namang hindi tutotol si Selene at Julianne. Saka baka maagaw ka pa nang iba mahirap na.” Anito.
“Ano bang sinasabi mo? Magpakasal? Ni hindi mo nga ako niligawan.” Wika ni Aurora at inilayo ang mukha sa binata.
“Kailangan pa ba noon? Its pretty obvious that you like me. Kasasabi mo lang na ako ang buhay mo.” biglang napatingin si Aurora sa binata. Hindi naman kaya narinig nito ang mga sinabi niya kay Johnny. Bigla siyang pinamulahan nang isiping narinig lahat ni Kristian ang mga sinabi niya.
“Yah! Bakit ka nakikinig sa usapan nang may usapan.”nahihiyang wika ni Aurora.
“So hindi totoo ang mga sinabi mo? Well, I think I am just expecting to much.”ani Kristian at tumayo.
“Saan ka pupunta?”pigil ni Aurora sa binata. Saka hinawakan ang braso nito at tumayo
“UUwi. Hindi naman pala ako dapat naniwala sa mga narinig ko.” napakagat labi si Aurora. Sinusubukan ba siya ni Kristian? Nalilito na siya. Nakita niyang napatingin si Kristian sa kamay niya. hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Tatanggalin pa ba niya ang kamay niya at hahayaang umalis si Kristian?
Halos napanga-nga ang lahat dahil sa sunod na ginawa ni Aurora. Maging si Kristian ay nabigla din dahil sa ginawa niya. hindi Iniasahan ni Kristian na bigla siyang hahalikan ni Aurora. Nais lang naman niyang biruin si Aurora para malaman kung ano ang tunay nitong nararamdaman. And he thinks he succeed.
Nagyuko nang ulo si Aurora nang lumayo kay Kristian. Habang ang binata naman ay malawak ang ngiti sa labi. Hindi niya inaasahang makukuha agad niya ang sagot na hinahanap niya.
“Nakangiti ka pa.” napalabing wika ni Aurora
“I’m happy that is.”ani Kristian at inakbayan ang dalaga.
“Umuwi na tayo. Sinong gustong mong unahin nating puntahan? Si Selene o ang mama mo?”ani Kristian. Bigla namang lumayo si Aurora sa binata. Paano niya sasabihin sa mama niya. baka bigla nalang itong mag wala.
“Ang mama mo nalang ang una nating puntahan. Hindi naman magiging problema si Selene. Saka ikaw nang bahala sa akin sa mama mo. Medyo nakakatakot kasi siya.” ani Kristian at kinabig palapit sa kanya si Aurora.
“Sersiouly Attorney Edwards? Sa laki monh yan takot ka sa mama ko.” Natatawang wika ni Aurora sa binata.
“Nakakaakot kasi siya baka niya ako batuhin nang kung ano.”natawang wika ni Kristian. Napangiti naman si Aurora dahil sa sinabi ni Kristian. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Puno nang kaba ang puso niya pero masaya siya. Ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon at kalungkutan para sa mga taong nasaktan niya isa na doon si Johnny.
“Ikaw lang ang kilala kung special forces member na nakaligtas sa malakas na apoy nang gubat ngunit takot sa mama nang kasintahan niya. Napapaisip tuloy ako kung papayag akong pakasal sa iyo.” Wika ni Aurora at ngumiti.
“Iba naman kasi ang mama mo. Kung pwede lang kitang iuwi sa bahay nang hindi na nagpapaalam sa kanya gagawin ko. But what would it make me? Mas Mabuti pa rin ang may basbas nang magulang para tahimik ang pagsasama natin. Isa pa tiyak ko naman matagal nang ibinigay nang papa mo ang basbas niya sa akin.” Wika ni Kristian.
“Wala ka ding problema sa pamilya ko. You have Selene’s approval.” Dagdag pa ni Kristian.
“Si Selene Okay. Pero paano ang mga tito mo? Would they be okay----” biglang naputol ang sasabihin ni Aurora nang maramdaman ang pagpisil ni Kristian sa kamay niya. Maging siya hanggang ngayon hindi makapaniwala sa nalaman tungkol sa pamilya ni Kristian. Walang sinabi sa kanila si Kristian. At mukhang may malalim na dahilan.
“They won’t be a problem. Si Selene at Julianne ang pamilya ko at Ikaw. I don’t need them to approve or disapprove. Matagal na silang burado sa pagkatao ko.” Wika ni Kristian. Ramdam nangdalaga ang tila hinanakit sa bawat salita nang binata. Mukhang malalim ang pinag-uugatan nang galit na iyon. Kung hindi sasabihin sa kanya ni Kristian hindi na muna siya magtatanong. Hihintayin lang niya kung kailan ito handa.