Aw!” mahinang daing ni Aurora nang magising. Sumasakit ang ulo niya ngunit wala siyang masyadong matandaan sa nang-yari. Napatingin siya sa kisame habang sapo ang ulo. Napansin niyang hindi pamilyar ang kisame nang kwarto. Ibinaling niya ang tingin sa ibang bahagi nang silid. Matama siyang napatitig sa dalagang nasa side table at tila nag-aaral. Nakasuot pa ito nang spectacles habang nakatuon ang atensyon sa binabasa.
“Oh, gising ka na pala ate.” Wika nang dalaga na lumingon sa kanya at ngumiti. Napatingin lang si Aurora sa dalaga. Pilit niyang inalala ang nangyari. Anong ginagawa ko ditto? Paano ako nakauwi? Tanong ni Aurora sa sarili niya.
“Gustong-gusto kita manhid!” ito ang mga salitang pumasok sa isip niya. Dahil doon bigla siyang napabalikwas nang bangon. Napaigtad pa ang dalaga sa side table nang biglang bumangon si Aurora. Halatang-halata ang gulat sa mukha nito.
“Are you okay?” Tanong ni Selene sa dalaga at tumayo.
“Ano bang ginawa ko.” Wika ni Aurora nang maalala kung ano ang mga sinabi niya kay Kristian. Napatingin siya kay Selene na nagtataka pa din sa kinikilos niya.
“I Think—Ikukuha kita nang kape.” Wika nang dalaga at tumayo. Ngunit biglang natigilan si Selene nang bigla siyang hawakan sa braso ni Aurora.
“Ang kuya mo? Nandito pa ba siya?” Tanong ni Aurora sa dalaga. Bahagya namang napatingin sa wall clock ang dalaga.
“It’s already 8 AM. Kanina pa siya umalis.” Wika nang dalaga. Napahinga nang malalim si Aurora saka binitawan ang kamay nang dalaga napangiti naman si Selene. Alam niya kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Narinig niya ang sinabi nito sa kuya niya kagabi. At dahil lasing ito. Marahil ngayon lang bumalik sa isip nito ang mga ginawa at sinabi nito.
“May pasok ka pa diba? Bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ni Aurora kay Selene.
“Mamayang hapon pa ang pasok ko.” Nakangiting wika nang dalaga. “Mabuti pa, mag-almusal na tayo. Naghanda rin nang hangover soup si kuya. Sabi niya, pakainin kita kapag nagising ka.” Wika ni Selene na nakangiti pa rin.
“W-wala bang sinabi ang kuya mo?” nagaalangang tanong ni Aurora. “I mean. I think I did something----”
“Wala siyang sinabi. Sabi lang niya. You need to take hangover soup bago ka pumasok sa trabaho.” Wika nang dalaga.
“Let’s Go.” Wika ni Selene saka nagpatiunang lumabas. Tumayo naman si Aurora. It would be safe to go out since nasa trabaho na si Kristian. Pero, mahihirapan pa rin siyang makasalamuha ito sa trabaho kapag nagpunta ito ngayon sa headquarters nang task force. It would be better if nasa firm lang niya ang binata. Hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang binata. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo niya dahil sa labis na kalasingan. Ano bang pumasok sa isip niya at naglasing siya.
Lumabas siya nang silid nag lakad patungo sa kusina. Kung may inihandang hangover soup si Kristian tiyak alam nitong lasing na lasing siya nang karaang gabi. It was her first time getting that drunk. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya. Mabuti na ngalang at nakauwi pa siya sa state niya nang nakaraang gabi.
“Buti gising kana. Naghanda ako nang makakain. Kumain ka para magkalaman yang tiyan mo.” Ani Kristian at tumingin sa kanya. Napaigtad ang dalaga nang Makita ang binata. Hindi ba ang sabi ni Selene nasa trabaho na ito? Ano naman ang ginagawa nang binata doon? Why is he even wearing apron. Nakita niyang lumapit ito sa meas at nilapag ang baso nang gatas sa tapat ni Selene na nakaupo na at nakangiti sa kanya. Mukhang pinagplanuhan nang magkapatid ang lahat.
“Stop smilling. Just eat nosy girl.” Wika ni Kristian sa kapatid niya at kinusot ang buhok nito. He is really gentle pagdating kay Selene. A good Brother. Iyon ang nakikita niya kay Kristian. Is he also, treating her as his sister hanggang sa mga sandaling iyon? Sa kabila nang maraming taon. Was it only her that developed that feeling? Iyon ang nasa isip niya na lalong nagpapasit hindi lang nang ulo niya maging nang dibdib niya.
“Don’t just stand there. May ginawa akong hangover soup.” Wika nang binata saka inilapag ang isang bowl. Napakagat nang pang-ibabang labi ang dalaga. Hindi naman siya pwedeng tumakbo dahil lang sa mga ginawa niya kanina. Sasabihin niya sanang hindi siya kakain kaso biglang kumalam ang sikmura niya. Nakatango ang ulo na lumapit si Aurora sa kusina.
“Inumin mo ‘to para maalis ang kalasingan mo.” Wika ni Kristian at inilapag ang mainit na hangover soup na nasa bowl sa harap ni Aurora. Nakatango parin ang ulo nang dalaga dahil sa labis na hiya. Kung sinabi niya ang mga salitang iyon kay Kristian tiyak na alam na nito kung ano ang nararamdaman niya. Si Selene naman ay napatingin sa kuya niya at napangiti. Tila natutuwa pa ito sa kilos ni Aurora.
Tahimik silang kumain ni Aurora. Dahil walang sinasabi si Kristian hindi na rin siya nag salita.
“Siya nga pala, kelan ka pa natutung uminom?” Biglang wika ni Kristian dahil sa biglang pagsasalita nang binata biglang nasamid si Aurora at napubo. Agad namang kumuha nag tubig si Kristian. “Ano bang pumasok sa isip mo at naglasing ka.” Ani Kristian. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?” Ani Kristian.
“S-sinong lasing ang nakakaala sa ginawa niya.” Depensa ni Aurora. Napangiti lang si Selene habang nakikinig sa dalawa.
“Paano mo naalalang lasing ka?” Wika ni Kristian. “Bakit ba, gustong-gusto niyo na nag-aalala ako.”Natigilan si Aurora at napatingin sa binata dahil sa sinabi nito.
“Maraming nangyayaring hindi maganda kay Selene. Labis na akong nag-aalala sa kanya. Bakit gusto mong mag-alala din ako saiyo.” Wika ni Kristian. “Mababaliw na ako sa kakaisip. What do I need to do to make sure you are all safe?” Napatingin si Selene sa kapatid niya. Hindi naman mali sa sinabi nito. Talagang maraming nangyayari sa kanila nitong mga nakaraang araw. And the last thing her brother might probably wanted is to worry in every one of them. Kaya naiintidihan niya ang pag-aalala nito.
Hindi alam ni Aurora kung ano ang sasabihin. Alam niyang nagiging makasarili siya. Dahil sa nararamdaman sa binata at dahil din sa hirap na nararamdaman ng kalooban niya dahil sa pagbalewala ni Kristian sa kanya hindi na siya nakapag-isip nang maayos.
“I’m sorry.” Tanging nasabi ni Aurora. “Simula ngayon hindi kana ulit mag-aalala pa sa’kin. Kung ano man ang mga sinabi ko saiyo kagabi. Pwede bang kalimutan mo na lang lahat nang iyon. Dala lang iyon nang kalasingan ko.” Anang dalaga. Ngayon alam na niyang walang puwang sa puso nang binata ang mga nararamdaman niya.
“Magpahinga ka ulit matapos kang kumain. Huwag ka munang pumasok ngayon” Wika ni Kristian at tumayo. Gustong umiyak ni Aurora dahil sa naging response nang binata sa kanya. Sana nga lasing pa siya ngayon para may dahilan siyang pumalahaw nang iyak. Labis na nasasaktan ang puso niya dahill sa kawalang emosyong response ni Kristian.
Napagtingin naman si Selene sa kuya niya. Naiintindihan niya ang pag-aalala nito but he doesn’t have to act like that. Tiyak na nasaktan si Aurora sa naging reaksyon nang kapatid niya. Gusto niyang magsalita pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi niya lugar ang makialam sa dalawa. They have to sort things out on their own.
“Oo.”Garagal wika ni Aurora. Pinilit niya ayusin ang boses niya pero halata pa rin na may epekto ang reaksyon nang binata sa kanya. Agad namang napatingin Si Kristian sa dalaga.
“Si Johnny, nanliligaw ba siya saiyo?” Tanong na ikinagulat ni Aurora. Maging si Selene ay nagtaka din sa tanong nang kapatid niya.
“Iyon ang sabi niya.” Simpleng wika ni Aurora.
“Mabait si Johnny at nakikita kong malapit siya sa pamilya mo. gusto mo ba siya?” wika ni Kristian at muling tumalikod.
“Mabait naman siya. Siguro hindi naman siya mahirap magustuhan.” Ani Aurora.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Gusto mo na ba siya?” ulit na tanong ni Kristian at lumingon sa dalaga. Biglang napalunok si Aurora anong sasabihin niya? aamin ba siyang kahit na anong gawin niya isang tao lang ang tinitibok nang puso niya? habang nakatingin siya sa mata ni Kristian wala siyang mabasang emosyon mula ditto? Bakit naman ito natatanong nang ganoong bagay. Nalulungkot si Aurora dahil pakiramdam niya na wala man lang pakialam ang binata, wala man lang epekto dito ang ginawa niya.
“M-magugustuhan ko rin siya.” Sa halip wika ni Aurora.
“Thank you for telling me that you like me.” Biglang napatingin si Aurora at Selene sa binata dahil sa sinabi nito. lalo naman siyang nagulat nang tumingin din si Kritsian sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nag binata.
“It would be much better, kung hindi ka lasing. Sa susunod kung magtatapat ka siguruhin mong nasa tama kang pag-iisip.” Nahiya siya sa sinabi nito lalo pa nang ngumiti ito. Bigla namang gumulo ang damdamin ni Aurora nang biglang inilapit ni Kristian ang mukha sa kanya. At dahil na off guard ang dalaga bigla siyang napasinok. Agad naman niyang tinakpan nang kamay ang bibig niya. Sa lapit nang mukha ni Kristian wala ding humpay ang pag sinok nang dalaga. Nakita niyang ngumit si Kristian bago nito inilayo ang mukha sa kanya.
“And oh,” wika ni Kristian at muli siyang nilingon. “Don’t ever drink with other man or with anyone else. The next time na mag lasing ka. Parurusahan na kita.” Wika ni Kristian at umalis sa kusina. Hindi naman alam ni Aurora kung ano ang gagawin. Ano ang nais ipahiwatig ni Kristian? Ayaw ding tumigil nang sinok niya at ang kabog nang puso niya na tila malalaglag.
“Nosy Girl. Finish your breakfast baka ma late ka.” Wika ni Kristian saka bumalik sa kapatid na hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi dahil sa nakikita. Tila natutuwa ito sa nakitang ginawa nang kuya niya. Nasa isip ni Selene na kung nandoon si Julianne tiyak na malawak din ang ngiti nito. They are both shippers of Kristian and Aurora. Maaga lang umalis si Julianne ngayon dahil sa mga kasong inaasikaso nila. While nagpaiwan ang kuya niya dahil sa gusto nitong masigurong makakausap si Aurora kapag nagising ito.
“Hapon pa ang pasok ko.” Napalabing wika ni Selene.
“Fine.” Wika ni Kristian at lumapit sa kapatid niya. “Aalis na ako.” Anito at hinalikan ang ulo nang kapatid.
“Ingat ka.” Malambing na wika ni Selene sa kapatid saka tumingin dito. “Si Ate Aurora. Wala bang goodbye kiss?” Biro nito. BIgla namang nakatinginan sina Aurora at Kristian. Hindi pa nga nakakabawi si Aurora sa ginawa ni Kristian kanina. Ito naman at nagbibiro si Selene lalo tuloy lumakas ang t***k nang puso niya.
“Nice try nosy.” Wika ni Kristian saka nalakad papalabas sa condo nila matapos magpaalam kay Aurora simpleng tango lang ang tinugon nang dalaga dahil sa hindi naman niya alam kung papaano magre-react. Napatingin si Aurora sa dalaga at nakangiti lang iton a tila natutuwa sa reaksyon nil ani Kristian.
“Let’s just eat.” Wika ni Aurora na tumango para itago ang namumulang mukha. Pero hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata ni Selene na dahilan para lalo itong mapangiti.
You like each other but you are pretending you don’t recognize that feeling. Adults really. Wika nang isip ni Selene.