Nang dumating si Aurora at Kristian sa hospital, nakita nila sa Johnny na naghihintay sa labas ng pinto. Na bigla pa ito nang makitang magkasama ang dalawa. Hindi na lingid sa kaalaman ni Johnny ang nararamdaman ni Aurora para sa binata ngunit ang hindi niya siguro ay kung ano ang nararamdaman ni Kristian sa dalaga naiinis siya sa ideyang wala siyang puwang sa puso ni Aurora. hindi rin lingid sa kaalaman ni Johnny na sa bahay ni Kristian nakatira si Aurora.
“Johnny? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Aurora sa binata.
“Bigla ka kasing nawala nang nakaraang gabi sa party nang mama Marga.” Wika nito na ang tinutokoy ay ang ina ni Aurora. “I was worried kung anon ang nangyari saito.” Dagdag pa nang dalaga. “Labis kasi akong nag-alala sa iyo. Ngunit sa nakikita ko wala naman akong dapat ipag-alala kasama mo naman si Chief.” Wika nito at bumaling kay Kristian.
Mama kailan ka pa inampon nang pamilya ni Aurora? Inis na wika nang isip ni Kristian nang marinig ang sinabi nang binata. Naiisip niyang masyado yatang nagiging pamilyar si Johnny sa dalaga at mukhang pati ang mama nito ay nakuha na nito ang loob.
“Talagang hindi ka dapat mag alala. Kasama niya naman ako.” Wika ni Kristian. Hindi niya maintindihan pero bakit siya naiinis kay Johnny wala naman siyang dahilan para mainis. Pero iyon ang nararamdaman niya ngayon.
“Salamat, sa pag-aalala kay Aurora Chief. Ako na ang bahala mula dito.” Wika nito sa binata. Napakunot naman ang noo ni Kristian sa sinabi nito. Simple namang napatingin si Aurora sa Binatang si Kristian. Nag-aalala siya sa iniisip nito. Nitong mga nakaraang araw hindi sila masyadong nag-uusap plus pa ang nangyari noong lasing siya. Ngayon naman ito si Johnny. Hindi na niya alam kung anong iisipin.
“Nakalimutan mo bang ngayong araw ang punta natin sa bahay ko? Hinihintay kana nang mga magulang ko. Handa na rin ang pamilya mo.” Wika ni Johnny. Sa narinig biglang natuliling si Kristian. Ganito na ba kalalim ang relasyon nang dalawa para dalhin ni Johnny ang dalaga sa bahay nito.Bigla namang Natigilan si Aurora at napatingin sa binata sa binata, nawala sa isip niya ang bagay na iyon. Nawala din sa isip niya na nililigawan din pala siya ni Johnny, kaaraawan ngayon ng daddy nito kaya naman inanyayahan nito ang boung pamilya nila na pumunta sa party.
“May lakad pala kayo. Mauna na ako. Tawagan mo ako kapag uuwi kana susunduin kita” Ani Kristian sa dalaga. Pero sa totoo lang naiinis siya.
“Hindi na kailangan Chief ako na ang bahala kay Aurora mula ngayon. Si Selene na lang ang alagaan mo mas kailangan ka niya.” wika ni Johnny. Biglang napatiim bagang ang binata sa sinabi ni Johnny. Bakit pakiramdam niya hindi niya gusto ang tabas nang dila nito. Napatiim bagang si Kristian sa sinabi ni Johnny bakit ba pakiramdam niya nagiging sakit sa leeg niya ang binatang ito.
“Sapalagay ko wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin. Office.” Hindi maitagong inis na wika ni Kristian bigla namang natigilan si Johnny. May nasabi ba siyang masama para maging ganoon ang reaksyon anng binata?
Sa isip ni Kristian hindi niya gusto ang pakiramdam na para itong boyfriend ni Aurora kung umasta. Sinagot na ba ito ni Aurora?
“Uuwi ako nang maaga. Hindi mo na ako kailangang sunduin.” Wika ni Aurora kay Kristian at humarap sa binata. Nagkibit balikat lang si Kristian saka umalis.
“Huwag kang uuwi nang lasing.” Wika nang binata kay Aurora.
“Ano naming akala mo sa akin? Lasenggo?” inis na wika ni Aurora.
“Bakit hindi ba?”
“Sinabi ko naman saiyo na may dahilan ako. Bakit kailangan mo pang ipaalala yun.” Ani Aurora. Habang nakatingin si Johnny sa dalawa. Pakiramdam niya hindi siya nag-eexist nang mga sandaling iyon. Ang titigan nang dalawa parang may kahulugan.
“Nakakainggit naman ang closeness niyong dalawa.” Hindi mapigilang wika ni Johnny. Bigla naming natahimik sina Kristian at Aurora saka napatingin kay Johnny. “Sana maging ganito din tayo kalapit Aurora.” Wika ni Johnny at tumingin sa dalaga. Tipid naming ngumiti si Aurora.
Dahil nandoon si Kristian kaya naman nakaramdam siya nang awkward na feeling. Mabait si Johnny at gusto niya ito bilang isang kaibigan. Hindi niya alam ngayon kung paano tutugunan ang atensyon ni ibinibigay nito sa kanya. Habang si Kristian naman na buong buhay niya tinatangi ay tila yata hindi naman siya espesyal para ditto. She is stuck with a one-sided love at friend zone pa. Ano pa bang dapat niyang asahan. Kristian is just like that. Bago ang sarili niya, uunahin niya ang kapakanan ni Selene at ang misyon niya. Iniisip tuloy ni Aurora na baka misyon ni Kristian ang maging bagong Superman.
***
Mukhang ang saya mo yata ngayon?” Puna ni Ben kay Johnny habang inaayos nito ang mga files para sa meeting nila. Ilang araw na niyang napapansin na parating nakangiti si Johnny. Hindi lang iyon napapansin din nila ang extrang atensyon na ibinibigay nito kay Aurora. Tinatanong kung gusto ba nitong kumain. Kung kumain na ba ang dalaga. At nag bo-volunteer pa itong ihatid ang dalaga sa hospital kung saan ito nag tatrabaho. Bukod kasi sa trabaho nito sa Task force. Isa ding resident si Aurora sa isang Hospital.
“Bakit? May resulta na ba ang pangliligaw mo?” Tanong ni Rick sa kaibigan at lumapit dito.
“Si Johnny may nililigawan?” Gulat na wika nina Meggan at sumali din sa usapan. Narinig ni Kristian ang sinabing iyon ni Meggan kaya naman bigla siyang napanhinto.
“Ano ba, masyado naman kayong huli sa balita. Nililigawan niya si Miss Aurora” Wika ni Rick.
“Ano!?” Gulat na bulaslas ni Julius at Meggan. Matagal na nilang kasama si Aurora sa serbisyo pero ito ang unang beses na nakarinig sila nang ganoon. Hindi rin naman nila masisisi si Johnny kung liligawan nito si Aurora. Bukod sa Maganda, Matalino at mabait pa. wala ka nang hahanapin pa. Ewan nga nila at bakit hanggang ngayon single pa din ito.
“Ang tindi mo naman si Officer Aurora talaga?” Natatawang wika ni Julius. “Bukod doon, Hindi ako makapaniwalang pumayag siyang magpaligaw. Siya ang tipong hindi mag-e-entertain nang mga suitor. Bukod sa trabaho bilang pulis abala din siya sa trabaho sa hospital.” Dagdag pa nito
“Aba balita ko pa, eh, gustong-gusto siya nang ina nito. Huh! Mukhang may pag-asa siya.” Pagmamalaki ni Rick.
“Quit chichatting and bring me the files that I need!” Ito ang malakas na boses na wika ni Kristian. Dahilan para magulat sina Johnny. Hindi naman tumataas ang boses ni Kristian kapag may kinakailangan itong files. Hindi nila alam kung anong nangyari dito.
“Mainit yata ang ulo ni Kristian? Anong nangyari?” Tanong ni Julianne na pumasok sa opisina na may dalang kape. Ramdam na ramdam sa loob nang opisina nila ang madilim na aura at tension. Nagkibit nang balikat sina Julius dahil sila din ay hindi maintindihan kung ano ang nangyari.
“Baka may dalaw.” Pabirong wika ni Julianne saka ngumiti. Saka naglakad patungo sa opisina ni Kristian.
“Stop it Julianne!” Inis na wika ni Kristian na narinig ang sinabi nang kaibigan Natawa lang si Julianne sa kaibigan bago lumapit dito. Kanina lang maganda pa naman ang mood nito. Naging aborido na ito mula nang dumating galing sa hospital inihatid din kasi nito si Aurora sa Hospital.
“Narinig kong nililigawan ni Johnny si Aurora. Wow, tingnan mo nga naman, kakaiba talaga ang charm nitong si Aurora. Sabagay, mabait siya at maalaga. Kung ako kay Johnny talagang ma ho-hook ako sa ganoong klaseng babae.” Wika ni Julianne kay Kristian.
“Manhid lang ang hindi magkakagutso kay Aurora. Anong masasabi mo? Tiyak masaya sa kabilang mundo si Don Gustavo dahil sa wakas nabubuhay na nang normal anng anak niya” dagdag pa ni Julianne.
“Kung wala kang ibang sasabihin. Itikom mo na lang ang bibig mo and focus on the things that you need to do.” Iritadong wika ni Kristian. Napapansin niyang madali siyang mainis tuwing pinag-uusapan si Aurora at ang panliligaw ni Johnny dito. Maging si Julianne ay nabigla din sa ikinilos nang binata. Hindi naman mainitin ang ulo ni Kristian. He is calm and compose. Pwera na lang kung nasa di magandang sitwasyon ang mga taong pinoprotektahan nito.
“Ano bang nangyayari saiyo? Ang init ata nang ulo mo?”
“Wala ito.” Ani Kristian at tumayo. Walang ibang nagawa si Julianne kundi sundan nang tingin ang kaibigan.
Hay naku kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita inupakan. Inis na wika ni Julianne.
“Kumusta ang imbestigasyon sa kaso ni Herrick Merin?” tanong ni Kristian sa kaibigan. Hindi ito ang panahon para isipin niya ang mga iritasyon niya sa nangyayari, maraming nakatambak na kaso.
“Wala pang masyadong lead. Magpupunta ako mamaya sa forensic para alamin ang resulta nang Autopsy at DNA test result mula sa piraso nang basag na vase.” Wika pa ni Julianne.
“The police force already rolled out the incident as Robbery with Homicide. Pero hindi ako mapakali.” Wika ni Kristian.
“I think we are the same. Things would just connect. Parang may mali. Hindi ko lang mawari kung ano.” Wika pa ni Julianne.