Ano bang ginagawa mo? Diba sabi ko saiyo na huwag kang pupunta dito.” Wika ni Analie saka itinulak ang isang babae dahilan para mabuwal ito sa lupa. Ito din ang eksenang inabutan ni Selene. Kakalabas lang niya sa University noon. Naabutan niya si Analie at isang ginang na tila nagtatalo at maya-maya Nakita niya si Analie na iwinaksi ang ginang dahilan para mabuwal ito. Nang makita ni Selene ang nangyari agad niyang nilapitan ang ginang at tinulungang tumayo.
“Okay lang po ba kayo?” tanong ni Selene sa babae habang tinutulungan itong tumayo. Napatingin naman si Analie sa kanya na may halong disgusto dahil sa ginawa niya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang biglang pagtulong niya sa ginang.
“Great. Ugali mo ring bang makialam sa problema nang iba?” inis na wika ni Analie saka hinila ang ginang na muntik pa nitong ikabuwal nang pangawalang beses.
“Hey! Be careful. Don’t treat her like that.” Wika nang dalaga.
“Ano namang pakiaalam mo.” Asik nito sa kanya.
“Analie.” Wika nang ginang saka hinawakan ang kamay nang dalaga.
“Ikaw naman, uli-uli huwag ka nang pupunta dito. Ipinapahiya mo lang ako. Tingnan mo nga yang itsura mo. Para kang pulubi.” Wika nito saka madaskol na binitiwan ang kamay nang ginang saka tumalikod at walang pasabing umalis ang ginang naman ay nakatingin lang sa dalaga habang papaalis ito.
“Lumayo ka sa kin.” Wika ni Analie at itinaboy ang kamay nang ina saka nagmamadaling tumakbo.
“Analine sandali lang.” wika nang ina nito na agad na sinundan ang anak. Naiwan naman si Selene na gulantang sa loob nang bahay. Nang makabawi agad siyang lumabas para sundan ang mag-ina. Nakita niya sa labas ang ginang na umiiyak na tila hindi na yata naabutan ang anak niya. Sakto namang biglang bumuhos ang ulan. Nababasa sa ulan ang ginang habang umiiyak. Dahil sa Nakita. Agad na nilapitan nang dalaga ang ginang at pinapasok sa loob nang bahay. Nang una ayaw pa nitong pumasok sa loob nang bahay ngunit dahil sa kakapilit ni Selene wala din itong nagawa kundi ang pumasok sa loob nang bahay.
“Kailangan niyong magbihis baka magkasakit kayo.” Wika ni Selene saka kumuha nang tuwalya at inilagay sa ginang.
“Magiging masaya kaya si Analie kung mawawala ako sa mundo.” Wika nito. Bigla namang natigilan si Selene dahil sa sinabi nito And for a split second there Nakita niya ang ina ni Analie sa balintataw niya na duguan. Dahilan para lalo siyang matiglan. Anong ibiga sabihin nang Nakita niya? Babala na iyon sa mangyayari.
“Ha-hahanapin ko si Analie at ibabalik dito. Kapag humupa na ang sama nang loob niya tiyak na babalik iyon. Sa ngayon dito na muna kayo at hintayin kami Okay?” wika nang dalaga. Bahagya namang nag-angat nang tingin sa kanya ang ginang.
“Napabuti mo. Mawerte ang mga magulang mo saiyo.” Wika nang ginang. Simple namang ngumiti ang dalaga. Nagpaalam si Selene sa ginang at sinabing hahanapin niya si Analie. Pero ang totoo hindi niya alam kung saan hahanapin ang dalaga. At dahil sa wala naman siyang ibang alam na lugar na pwede nitong puntahan nagbalik siya sa University para doon hanapin ang dalaga. Habang umiikot siya sa Campus nakasalubong niya si Hunter kasama ang mga dalagang miyembro yata nang fans club nito.
“Magkakilala pala kayo nang anak ko.” Wika nang Ginang kay Selene. “Pagpasensyahan mo na siya. Hindi naman masamang tao ang anak ko.” Wika nito. Dahil sa sinabi nang matanda biglang napaisip ang dalaga. Hindi ba ang sabi sa kanila ni Analie lolo niya ang isang sikat na judge. Paanong ang ginang na ito ang magiging ina niya.
“Magkaklase ho kami. Huwag kayong mag-alala wala naman sa akin ang nangyari.” Wika nang dalaga.
“Kung hinid naman kalabisan saiyo hija. Pwede bang esekreto mo ang nangyari ngayon. Ayokong lalong sumama ang loob ni Analie. Isang malaking dagok na sa kanya ang magkaroon nang in ana gaya ko. Ayokong pangilagan siya nang mga kaibigan niya kapag nalaman na isang mahirap na tulad ko ang ina niya.” Wika nito sa dalaga sabay hawak sa kamay nito. Simple namang ngumiti si Selene. Bakit naman niya ipagkakalat ang tungkol doon. Wala sa lugar para gawin iyon isa pa ang problema nang pamilya ni Analie ay hindi niya problema. Marami na siyang iniisip para idagdag pa ang bagay na iyon.
Pero habang nakatingin siya sa ina ni Analie hindi niya maiwasang hindi maawa dito. Hindi niya maintindihan kung bakit ikinakahiya ni Analie ang pinanggalingan nito. Para kay Selene, maswerte pa nga si Analie dahil kasama nito ang mama niya. E siya lumaki siyang ang kuya lang niya ang kilala niya at pamilya niya.
“May sugat kayo.” Wika ni Ni Selene nang mapansin ang sugat sa tuhod nang ginang marahil natamo niya iyon nang bumagsak siya sa lupa matapos itulak ni Analie.
“Okay lang ako. Hindi naman ito nakakamatay.” Wika nang ginang.
“I better help you with that.” Wika nang dalaga. Matapos makabili nang panlini nang sugat sa isang pharmacy. Sinamahan ni Selene ang ginang pauwi sa bahay nila. Nagulat pa ang dalaga nang dumating sila sa isang squatters area.
“Pasensya kana sa bahay namin. Mukhang hindi ka sanay sa lugar na ganito.” Wika nito sa kanya.
“Okay lang po ako.” Wika ni Selene. Tinulungan niya ang ginang na linisan ang sugat sa tuhod nito. Matapos niyang linisan ang sugat sa tuhod nito. Nanatili siya bahay nang ginang at tinulungan itong magbalot nang kakanin. Sinabi din sa kanya nang ginang na ito ang ikinabubuhay nil ani Analie. Ang magbenta nang kakanin. Naikwento sa kanya nang ginang na bunga sa Analie nang kasalanan niya sa dati nitong pinagtatrabahuhan. Tama naman ang sinabi ni Analie.
Isang Judge ang Lolo niya at isang businessman ang ama niya. Kaya lang, hindi sila kinikilala nang mga ito dahil sa isang kasambahay lang ang ina ni Analie. Hindi matatanggap nang pamilya nang businessman kapag nalaman na nagkaanak siya sa katulong nila tiyak na magiging malaking eskandalo iyon sa pamilya nila. Kaya bago paman maging isang malaking suliranin iyon sa pamilya nila. Pinalayas nila ang in ani Analie kahit nag dadalang tao ito. Pinalaki nitong mag-isa si Analie at siniguradong maibibigay nito sa anak ang kahit na anong gusto nito para lang masuklian ang pagkukulang nito. Kahit na naghihirap sila financially hindi ito naging hadlang para ibigay nito kay Analie ang mga magagarang bagay na gusto nito. She even told her kung sino ang tunay niya ama. There was one-time na pinuntahan ni Analie ang ama nito at lolo dahil sa kagustuhang kilalanin nang mga ito. Ngunit sa halip nakilalanin. Binigyan lang ito nang pera nang matanda at sinabing umalis na. Dahil wala silang balak na kilalanin siyang miyembro nang pamilya. Dahil sa nangyari lalo namang naging rebelde si Analie.
“Talagang wala kang balak na lubayan ako. Anong ginagawa mo dito? Bakit mo siya isinama dito?” galit na asik ni Analie nang dumating at makita sa loob nang bahay nila si Selene.
“Analie. Huminahon ka nga. Kaklase mo siya diba? Bakit ba ganyan ka magsalita.” Wika nito.
“Bakit? Hindi niyo alam. Dahil tulad nang iba. Naghihintay lang yan na may makitang mali sa akin. Ngayong Nakita mo na kung anong buhay meron ako. Ano? Ipagkakalat mo sa iba?” wika nito saka itinaboy ang kamay nang ina niya saka galit na bumaling kay Selene.
“I am not like that.” Wika ni Selene sa ka tumayo. “Inihatid ko lang ang mama mo dito. Sana kung isa kang mabuting anak. Napansin mong nasugatan siya nang itulak mo. How can you---”
“Wala kang pakiaalam!” bulalas ni Analie at inagaw ang iba pang sasabihin ni Selene. “Lakas nang loob mong magsalita baka nakakalimutan mo kung nasaan ka ngayon.” Asik pa nito kay Selene.
“Tama na Analie. Wala namang ginagawang masama si Selene.” Wika pa nang ginang.
“Isa ka pa ma! Alam mo ba kung anong klaseng buhay meron tayo ngayon? Ayoko nang ganito. Hindi ko gusto ‘to.” Wika ni Analie.
“Analie.” Helpless na wika nito saka napahawak sa kamay nang anak. Ngunit dahil punong-puno nang emosyon si Analie itinaboy niya ang kamay nang mama niya.
“Alam mo bang hindi ko ginustong mabuhay sa mundong ito? Kung ganito lang din ang buhay ko. Bakit niyo pa ako binuhay. Sana pinalaglag niyo nalang ako. Ayoko nang ganito. Mas mahirap pa tayo sad aga. Kailangan kong magpanggap para lang matanggap nang iba. At ano? Tingnan niyo ang sarili niyo. Paano ko kayo tatawaging ina.” Wika ni Analie. Ganoon na lamang ang gulat ni Selene nang biglang umalingaw-ngaw sa loob nang bahay ang malakas na sampal nang ginang kay Analie. Hindi lang siya ang na bigla kundi maging si Analie. Gulantang pa itong napahawak sa pisngi niya. Maging ang ginang ay nabigla din sa ginawa niya. Til aba ito ang unang beses na napagbuhatan niya nang kamay ang anak.
“Galit ako sa inyo.” Wika ni Analie.
“Analie Anak. Pasenysa na hindi ko----” nagmamakaawang wika nito sabay hawak sa kamay ni Analie ngunit biglang itinaboy nang dalaga ang kamay niya.