Why are you still here?” Tanong ni Hunter nang makasalubong si Selene. Napansin din niyang tila may hinahanap ang dalaga. Maging ang mga kasama niyang dalaga ay napatingin din sa dalagang tila aligaga sa paghahanap.
“Come on Hunter. Huwag mo na siyang pagtuunan nang pansin.” Wika nang babae saka hinawakan ang braso nang binata. Ngunit pasimpleng tinaboy iyon ni Hunter nang mapansin na tila lalampasan lang siya ni Selene nang hindi sinasagot ang tanong niya. Bago pa makalampas sa kanya ang dalaga. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.
“Hey Kiddo. Narinig mo ba ang sinabi ko?” wika ni Hunter na pinigilan ang dalaga.
“Kiddo?” takang wika ni Selene saka tumingin sa binata bago dumako ang tingin sa kamay nito.
“What’s with that look?” Tanong ni Hunter. Saka binitiwan ang kamay nang dalaga na bigla naman si Hunter nang biglang hawakan ni Selene ang kamay niya maging ang mga kasama niyang babae ay nabigla din sa ginawa nang dalaga.
“What’s with you?” tanong ni Hunter dahil sa gulat.
“Pwede mo ba akong Samahan?” Tanong nang dalaga.
“Wait what?” gulat na wika nang isang dalaga. “Hindi mo ba nakikitang may lakad kami ni Hunter. Ang lakas nang loob mo. Hindi porque nagiging mabait saiyo si Hunter aabusuhin mo naman.” Inis na wika nang dalaga. Nang mapatingin si Selene sa dalaga mabilis niyang binitiwan ang kamay nang binata. Ano bang nasa isip niya. Bakit naisip niyang pwedeng siyang tulungan ni Hunter. Nakalimutan niyang celebrity pala ito sa University nila. Maraming magagalit sa kanya kapag patuloy siyang naging malapit sa binata.
“Ganyan, alamin mo kung saan dapat ang lugar mo. You are acting too familiar with him.” Wika nang dalaga.
“Wait.” Wika nang binata na hinawakan ang kamay ni Selene nang magtangkang umalis ang dalaga. Napalingon naman ang dalaga sa kanya.
“It’s fine. I can----” putol na wika nang dalaga na tangkang aagawin ang kamay sa binata ngunit hindi iyon binitiwan ni Hunter.
“You are poking your nose to someone else’s business again I see.” Wika nang binata na binasa ang mga nangyari sa dalaga by holding her hands.
“I am not.” Wika nang dalaga.
“You know you are not a good liar.” Anang binata. Saka bumaling sa mga dalagang kasama. “I’m sorry I think I can’t join you this time. May pupuntahan pa ako.” Wika nang binata saka tumabi kay Selene.
“What? No, Hunter!” She whines.
“I am fine really, you can---”
“You can’t do this on your own.” Wika ni Hunter. Napatitig naman si Selene sa mata nang binata. Hindi naman siya tatanggi hindi niya kayang hanapin mag-isa si Analie at nag-aalala din siya sa mama nito.
“Thank you.” Wika ni Selene.
“Let’s go.” Wika ni Hunter at inakay ang dalaga papalayo, Naiwang namang hindi makapagsalita ang mga dalagang kasama ni Hunter.
“It is okay na iniwan mo sila?” Tanong ni Selene sa binata.
“It’s fine.” Wika nang binata.
Kung saan-saan na sila umabot ni Hunter sa paghahanap kay Analie ngunit hindi parin nila Nakita ang dalaga. Hindi rin naman nila alam ang number nito kaya hindi nila matawagan. Bumalik din sila sa university para kunin ang number ni Analie at tawagan ito ngunit hindi nila makontak ang dalaga.
“Ano nang gagawin natin ngayon?” tanong ni Selene sa binata.
“Madilim na at mukhang uulan pa. Mas mabuting umuwi muna tayo. Para matulungan din tayo nang iba na maghanap.” Wika ni Hunter.
“Bumalik nalang tayo sa bahay nina Analie, baka nalulungkot ang mama niya, gusto ko siyang samahan.” Wika ni Selene.
“Mabuti pa tawagan mo ang kuya mo para hindi siya mag-alala.” Wika ni Hunter sa dalaga. Tumango naman ang dalaga saka kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang kuaya niya at sinabing baka gabihin siya. Sinabi din niya kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya. Narinig pa niyang nagreklamo si Julianne at sinabing huwag siyang masyadong nagsasama sa Binatang si Hunter.
“He hates me.” Wika ni Hunter nang ibaba ni Selene ang cellphone niya. Narinig nito ang mga sinabi ni Julianne.
“You know he is not bad.” Wika nang dalaga.
“I know that I also know that he hates me for no particular reason.” Sagot nang binata.
“Mabuti pa bumalik na tayo sa bahay nina Analie. Nag-aalala ako sa mama niya.” Wika nang dalaga. Nang makabalik sila sa bahay nina Analie, isang nakakalungkot na pangyayari ang nabungaran nila. Nang buksan nila ang pinto nang silid nang Ina ni Analie, Nakita nila ang walang buhay nitong katawan habang nakasabit sa lubid, Natuptop pa ni Selene ang bibig niya dahil sa Nakita.
“Don’t look.” Wika ni Hunter at kinabig si Selene palayo sa pinto saka pumasok sa silid. Nang makapasok isinara nito ang pinto at ibinaba ang bangkay nang ginang inihiga niya ito sa kama at tinabunan nang kumot. Nang lumabas siya sa silid naabutan niya si Selene na nasa sofa at umiiyak. Nakita din niya ang kaluluwa nang ina ni Analie na nakatayo sa tabi ni Selene. Marahan siyang lumapit sa dalaga at tumabi ditto.
“Tahan na.” masuyong wika ni Hunter at lumapit sa dalaga saka pinunsan ang luha sa pisngi ni daalaga. “I think she wants you to give this sa anak Niya.” Dagdag pa nang binata at inabot kay Selene ang sulat saka tumingin sa kaluluwa nang in ani Analie. Nanginginig na kinuha ni Selene ang sulat. Mahigpit na hinawakan ni Hunter ang manginginig na kamay nang dalaga.
“Bakit kailangang mangyari sa kanya ‘to. Hindi man lang sila nagkausap ni Analie.” Wika ni Selene. “Ni hindi nila naayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.” Wika pa nang dalaga. “Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako umalis at iniwan siya. I could have saved her.”
“Tahan na.” Wika ni Hunter at niyakap ang dalaga. Iyon lang ang pwede niyang gawin para sa dalaga ngayon.
Dumating na sa lugar ang Task Force matapos tawagan ni Hunter sina Kristian at sabihin ang nangyari. Kasunod naman nila ang mga pulis at ambulansya. Nagbigay ng utos ni Kristian na dalhin sa morgue ang bangkay habang sina Julianne at Kristian ang maghahanap kay Analie kasama si Selene. Ayaw magpaiwan nang dalaga dahil nais nitong makausap si Alice nang masinsinan.
Natagpuan nila Selene si Alice sa rooftop nang school building nila doon ito nagpalipas nang gabi dahil sa labis na sama nang loob sa ina.
“Analie, bakit ka nandito?” tanong ni Analie sa kaibigan.
“Iwan mo na ako, narito ka rin ba para maliitin ako? For I know masaya ka dahil nalaman mo ang tungkols a sekreto ko. Kating-kati ka siguro na ipagkalat sa iba ang natuklasan mo.” Wika nito sa kanya.
“Wala akong dahilan para gawin yun.” Wika ni Selene.
“Really? Huwag mo akong niloloko. Mahirap lang ako at hindi tanga. Sabagay. Ano bang alam mo. Nabuhay kang maayos at marangya ang kinalakihan mo. Paano ako maiitindihan nang isang tulad mo. Wala kang in ana hindi kayang magbigay nang Magandang buhay para sa anak niya.” Bulalas pa nito.
“Analie huwag kang magsalita nang ganyan. Hindi masama ang nanay mo. Alam mo kung anong isinakripisto nang mama mo para saiyo.” Ani Selene at naglakad papalapit sa dalaga.
“Anong alam mo. Outsider ka sa buhay namin. Huwag kang magsalita na para bang naiintidihan mo ang nararamdaman ko.” Bulala ni Analie.
“Tama ka Outsider ako sa buhay niyo. At wala akong pakiaalam sa mga nangyayari sa buhay niyo dahil buhay niyo naman yan. Pero, minsan ba itinanong mo sa sarili mo kung anong nararamdaman nang mama mo?” ani Selene. “May be this will help you realize it all.” Anang dalaga at inilahad ang isang maliit na puting sobre.
“Galing sa mama mo!” ani Selene at inilahad ang sulat nito. “Isinulat niya iyan Bago niya kitlin ang buhay niya.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Analie at tumayo mula sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Selene. Tama ba ang dinig niya?
“K-Kinitil nang mama mo ang bahay niya para ipakita saiyo kung gaano ka niya kamahal. Dahil sinabi mong babalik kalang kung wala na siya.” Ani Selene na ikinuyom ang kamao.
“HINDI! Hindi totoo yan.” Hindi makapaniwalang wika ni Analie. Hindi naman ito ang gusto niyang mangyari. Ayaw lang niyang minamaliit siya nang mga tao sa paligid nila. Napapagod na siyang parating minamata nang mga tao at sa kung anong uri nang trabaho meron ang ina niya. Umiiyak na binuksan ni Analie ang sulat nang nanay niya. Nakita niya ang pangmamaliit nang pamilya nang ama niya sa mama niya. Nagagalit siyang wala siyang magawa para sa kanilang dalawa. Gusto rin naman niyang guminhawa ang buhay nila. Gusto niyang makaalis sa kung nasaan sila ngayon hindi ang iwan siya nang mama niya.