Johnny?” gulat na wika ni Aurora nang dumating si Johnny sa hospital na may dalang pagkain. “Anong ginagawa mo ditto?” tanong nito. Wala naman silang usapan na susunduin siya nito o dadalawin.
“Dinalhan kita nang makakain.” Nahihiyang wika nito. “Well, it is not my idea actually. It was my mom. Pinilit niya akong dalhan ka nang pagkain. Sabi niya kasi hindi ko dapat hinahayaang magutom ka.” anito at nagkusot nang buhok. Napangiti naman si Aurora. Gusto niya ang ina ni Johnny. Parati siya nitong pinadadalhan nang pagkain. Nakikita din niyang maalaga ito which is something that she missed on her own mom. Hindi siya pinakitaan nang ganoon nang tunay niyang ina.
“Pakisabi sa mama mo salamat. Baka naman tumaba na ako sa ginagawa niya.” ani Aurora at kinuha ang dalang pagkain ni Johnny.
“Sabayan mo akong kumain?” aniya sa binata. Nagiging malapit na rin ang loob niiya kay Johnny araw araw siya nitong sinusundo sa Hospital. Malalahanin ito at mabait. Tinutukso na nga sila sa loob nang hospital at sinasabing sagutin na niya ang binata. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang nararamdaman ni Johnny sa kanya dahil minsan nang nagtapat ang binata sa kanya.
“I like you. Ang I am willing to wait until you are ready to give your heart to someone. I hope Ako yun.” Wika ni Johnny nang araw na sinabi nito sa kanya na gusto siya nito. hanggang ngayon hindi niya alam kung paano sasagutin ang binata. Naguguluhan siya. Dahil kahiit na anong gawin niya iisang tao lang ang laman nang puso niya. ngunit napapagod na siya. Kasama nga niya ang taong ito araw araw ngunit ang lamig naman ng trato nito sa kanya.
Pinilit niyang inilapit ang sarili niya kay Johnny with the hope na kahit konti may maramdamag kirot ang taong iyon ngunit wala manlang itong reaksyon. Hanggang ngayon ang pagtingin na iyon ay hindi pa rin nasusuklian. She even confesses her love to him pero anong natanggap niya?
“Thank you for telling me that you like me” ito ang mga salitang narinig niya sa bibig nang binata nang magtapat siya ditto.
“Bakit hindi mo ba gusto ang dinala ko?” tanong ni Johnny nang mag buntong hininga si Aurora.
“Hindi! Hindi ganoon yun, may iniisip kang ako.” Tanggi ni Aurora.
Bakit ba biglang pumapasok si Kristian sa isip niya gayong ibang taon naman ang kasama niya.
“Akala ko naman hindi mo nagustuhan ang dala ko.” ngumiting wika nito. simpleng ngumiti din si Aurora. Hindi niya ma control ang inisip niya. Lalong hindi niya pwedeng diktahan ang puso niya na tumibok para sa iba.
“Kristian, bakit narito pa kayo sa labas?” tanong ni Julianne nang lapitan si Kristian nasa labas nang unit nila “Hinihintay niyo ba si Aurora?” tanong nito sa binata. “Napapansin kong ilang araw na siyang sunusundo at hinahatid Ni Johnny, mukhang nililigawan yata. Kaya ba nag-aabang ka dito. Napatingin naman si Kristian sa kaibigan.
“Please don’t get me wrong, but I can sense that you like her and that you care so much about her? I know that the feeling is mutual. Are you hesitant to admit it?” anito.
“Ano bang pinagsasabi mo.” Wika ni Kristian.
“Hindi naman ako bulag para hindi makita. Kaibigan ko Si Aurora.”
“He is my friend as well.” dagdag nang binata.
“I know. But how you are treating her. I can’t stop but think that you think of her more than just friend.” Wika pa ni Julianne. “Ilang taon na ba tayong magkasam. I think I know you more than anyone.”
“Huwag mong bigyan nang meaning ang mga ginagawa ko. Alam mong may pangako tayo kay Don Gustavo na aalagaan natin si Aurora.”
“Pwede ba Kristian. Don’t tell me hindi mo parin nahuhulaan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Aurora. Hindi isang kaibigang nag-aalala ang tingin mo kay Aurora. You worry so much about her, you cared for her, kaya lang nag aalangan ka dahil sa pangakong binitiwan mo kay Don Gustavo. Well, let me tell you, hindi ka hihintayin ni Aurora. Lalo na ngayong nandiyan na si Johnny. He is young and bold, sinasabi niya kung ano ang nararamdamn niya kay Aurora. Baka magising kai sang araw---” biglang natigilan si Julianne nang biglang napatingin si Kristian sa dalagang lumabas sa elevator. Napatingin din si Julianne sa direksyon nang tinitingnan ni Kristian at Nakita niya si Johnny at Aurora
“Like I said.” Wika ni Julianne. Nakita nilang hinalikan ni Johnny sa pisngi si Aurora bago ito magpaalam. Nakita nilag nagdilim ang ekspresyon ang mukha ni Kristian at nagkuyom ito nang kamao. Hindi na tumuloy sa paglapit sa kanila ang binata at bumalik sa loob nang elevator mukhang inihatid lang nito ang dalaga.
“Anong sinasabi mo?”
“Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat nang mga ginawa mo para sa kin. Isa kang pamilya na hindi ko malilimutan. You become my shelfter when I needed one. Mahirap sa akin ang gagawin ko. But I think this is the only way. Gusto ko sanang magpaalam na. uuwi na ako sa bahay nang mama ko. I know we never treat each other like we are family pero kahit anong gawin ko pamilya ko parin sila. Sa ngayon, mabuti na ang pakikitungo nila sa akin. They need me.” Ani Aurora.
“UUwi ka sa bahay niyo after all that you have suffered?” Ani Kristian.
“Kahit pagbali-baliktaran ko ang mundo pamilya ko sila. Hindi ko naman sila pwedeng iwan. ” Ani Kristian. “Gusto kong maging anak kahit---” putol na wika ni Aurora.
“Do whatever you want to do. Gaya nang sabi mo you can already decide for yourself. Hindi na kita pipigilan. Pasensya na kung nag over react ako.” Wika ni Kristian at tinalikuran ang dalaga.
Kristian you idiot! Wika nang isip ni Aurora nang iwan siya ni Kristian. Wala naman siyang planong umalis kaya lang naman niya sinabi ang mga salitang iyon dahil gusto niyang malaman kung ano siya para kay Kristian. And know it’s clear they are nothing more that friends. He helps her out of responsibility. At masakit iyon para sa kanya. At dahil nasabi na niya sa binata na aalis siya kailangan niyang panindigan nag bagay na iyon.
“Ginabi ka ata Aurora?” ani Julianne nang makalapit si Aurora sa kanila.
“Ah, oo. Pasensya na hindi ko nasabi nagpunta kami ni Johnny sa bahay nila. bigla daw kasing sumikip ang dibdib nang mama niya. Ayaw namang magpadala sa Hospital kaya ako na ang nagpunta.” Wika ni Aurora.
“Ganoon na ba kayo kalapit ngayon na nagpupunta ka na sa bahay nila?” wika ni Kristian. Taka namang napatingin si Aurora sa binata. Nasa tono nang boses ni Kristian na hindi nito gusto ang ginawa niya.
“Pasensya na kung hindi ako nakapag sabi na gagabihin ako. But I think---”
“Iwan niyo muna kami.” Agaw ni Kristian sa sasabihin ni Aurora at bumaling sa dalawang lalaki. Napaawang ang labi ni Aurora dahil sa sinabi ni Kristian. Bakit naman ito nagagalit ngayon? Dahil ginabi siya at hindi siya nakapagsabi? Hindi na naman siya bata. Tumango naman si Julianne at tinapik ang balikat ni Kristian bago pumasok sa loob nang unit.
“Be nice.” Pabirong wika ni Julianne.
“Just go.” Wika nang binata sa kaibigan.
“Bakit ka ba nagagalit?” mahinahong tanong ni Aurora.
“So, what’s the score between you two?” tanong ni Kristian kay Aurora. “Nanliligaw na ba siya? No, Sinagot mo na ba siya?” tanong nito.
“Ano man ang relasyon namin ni Johnny sa palagay ko labas kana doon.” Ani Aurora. “I know that you care for me because my father entrusted me to you. Pero naisip mo na ba Kristian na Malaki na ako? I can decide for myself.” Bulalas ni Aurora.
“Ano? Malaki? Pati ba nang sinasabi mong pagiging grown up ang uminom at umuwi nang gabi? ” takang wika ni Kristian.
“Ano bang pinupunto mo? Hindi na ba ako pwedeng uminom? Kasama ko naman ang kaibigan ko bakit hindi ako pwedeng gabihin. Hindi ko alam kung anong problema mo at bakit nating pinag-aawayan ang bagay na ito.” Bulalas ni Aurora.
“I am grateful, really sa lahat nang ginawa mo para sa akin. Kung hindi dahil sa iyo. maaring patay na ako. Kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon nagtatago parin ako kay Ramon. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mo para sa kin habang buhay. I have decided to leave my life as I wanted it to be. Hindi ba ako pwedeng mabuhay sa paraang gusto ko?”