Kung nalulungkot ka dahil umalis si Aurora? Bakit ka pumayag?” ani Julianne nang maabotan ang kaibigan na nasa kusina at umiinom nang beer. Ilang araw na mula nang umalis si Aurora sa poder ni Kristian. Halos araw araw niyang nakikitang umiinom si Kristian. Alam niyang mabigat ang dinadala ni Kristian. Napapansin nila ni Selene na Malaki ang pinagbago nito simula nang Umalis si Aurora hindi manlang sila nakapag-usap nang maayos nang umalis ito at tila may Malaki pang tampuhan ang dalawa nang umalis si Aurora sa bahay nila.
Sinabihan ni Selene na kausapin nito ang kuya niya dahil tila para itong wala sa sarili. Hindi naman magawang makausap ni Selene ang kuya niya dahil tuwing nag-uusap sila parati itong umaakto na tilang walang nangyayari. Ayaw nitong ipakita kay Selene na may mabigat itong problema. Pero nakikita naman nang dalaga na kapag nag-iisa ito panay ang inom nito bagay na hindi naman nito ginagawa. Talagang Malaki ang naging epekto nang pag-alis ni Aurora sa bahay nila. Sinubukan din ni Selene na kausapin si Aurora at sabihing mag-usap sila ni Kristian kung may hindi man sila pagkakaintindihan. Alam niyang hindi niya maiitindihan ang naging tampuhan nang dalawa kung meron man. Pero ayaw niyang makitang kapwa malungkot ang dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagtangi nang dalawa sa isa’t-isa hindi lang siguro nakikilala nang mga ito ang emosyon na iyon Pero alam ni Selene na pareho nang naramdaman ang dalawa. Ayaw niyang pangunahan nag dalawa. Dahil sa alam niyang bukod sa isang bata ang turing nang mga ito sa kanya. Sa palagay niya walang kahit sino mana ng dapat dinidikatahan ang nararamdaman.
“Should I go after her?” tanong ni Kristian. “Anong sasabihin ko? I even don’t know what I feel about her?” ani Kristian.
“Pambihira. Are you that clueless?” ani Julianne at inagaw ang bote nang beer mula sa kaibigan saka naupo sa tabi niito.
“Hanggang ngayon marami pa akong dapat tapusin. Ang kaso nang adoptive father namin at ang conflict sa pamilya ko.” Wika ni Kristian. Nakarating sa kanya na minsan pinuntahan nang tito Antonio nila si Selene. Hindi niya alam kung anong kailangan nito. Sa pagkakaalam niya matagal nang nasa kamay nang mga ito ang mana nila sa Pamilya nang mga Guillermo kaya naman hindi na nito dapat ginugulo si Selene.
“I have so much to think. Hindi ito ang panahon para isipin ko ang sarili ko.” ani Kristian. Ayaw niyang maging makasarili. At bukod doon nangako din siya sa ama ni Aurora na poprotekahan niya ang dalaga. Kahit ang ibig sabihin nito. Kailangan din niyang pigilan ang sarili niya sa kung ano man ang nararamdaman niya.
“Idiot!” ani Julianne “Alam mo bang hindi lang ikaw ang nahihirapan dahil sa ginagawa mo. Magpakatotoo ka sa sarili mo. Hindi naman ako balag para hindi ko makita. Aurora likes you and I know that you do too. Kahit si Selene alam na may gusto kayo sa isa’t-isa. At ano sa palagay mo ang nararamdaman ni Selene ngayon habang nakikita ka niyang ganya. You may act cool and okay infront of her. Know this, hindi makitid ang utak ni Selene. She understand. She will understand kung susundin mo ang sinasabi nang puso mo. Isa pa, hindi ka habang buhay na hihintayin ni Aurora. Hindi mo ba alam na nagpaplano na si Johnny na yayaing pakasalan si Aurora? Anong sasabihin mo kay kapag nagising siya at nalamang ikinasal na si Aurora sa ibang lalaki.” Ani Julianne saka tinungga ang lamang nang bote.
“Anong sabi mo?” takang wika ni Kristian.
“Ah! hindi mo ba alam? Habang nag mumukmok ka ditto, abala naman si Johnny na makuha ang loob ni Aurora.” Ani Julianne. Hindi kumibo si Kristian. Napansin ni Julianne na malalim ang iniisip nang kaibigan. Kahit hindi nito sabihin alam niyang inaalala nito ang sinabi niya.
****
Hanggang kailan mo ba talaga kami susuyawin Aurora!” Galit na wika nang ina nang dalaga habang nasa sala sila nang bahay nila. “Dati ayaw mo kay Ramon dahil akala mo ipinambabayad utang ka ngayon naman na nililigawan ka nang isang binata ayaw mo dahil hindi mo siya gusto. Wala ka na bang ibang gustong gawin kundi ang kalabanin ako?” Galit na wika nito.
“Hindi naman po sa ayaw ko kay Johnny----” Putol na wika ni Aurora.
“Dahil umaasa ka na lilingonin ka nang Atty. Edwards na iyon. Gumising ka nga Aurora! Hindi isang gaya mo ang magugustuhan niya.” Agaw nang isang stepsister niya.
“For we know kaya siya malapit sa bunsong kapatid nito ay dahil para mapansin siya nang abogado. Ilusyonada!” Asik nang isa pa. walang ibang nagawa si Aurora ikuyom ang kamao at kagatin ang pang ibabang labi. Gusto niyang sumigaw dahil sa labis na pagtutol. Kailan man hindi niya inilapit ang sarili kay Selene para mapansin ni Kristian.
Dumating na si Kristian sa bahay nang pamilya ni Aurora. nagpunta siya sa hospital kung saan ito nang tatrabaho. Sabi nang nurse nag leave daw ang dalagang doctor. Intake daw kasi ang amain nito at kailangang may mag-alaga. Kaya naman naiisipan niyang puntahan ito sa bahay nang mga magulang nito. Sa gate pa lang dinig na ni Kristian ang mga boses nang ina at step sister nito. ilang beses siyang nag door bell pero walang may sumagot. Bukas ang gate kaya niisip niyang pumasok na lang. Habang papasok siya sa loob nang bakuran nang bahay nina Aurora naririnig niya ang pangalan niya na binabanggit nang mga ito. Lalo siyang na kyuryos kaya siya tuluyang naglakad patungo sa pinto.
Maya-maya narinig niyang sumisigaw na ang ina ni Aurora kaya naman agad siyang nagmadali palapit sa may pinto. Nabungaran ni Kristian nag nagkakagulong pamilya ni Aurora dahil inatake ang ama nito. walang sabi na pumasok sa bahay si Kristian bagay na ikingulat nang lahat.
“Kristian!” Gulat na wika ni Aurora nang Makita ang binata.
“Later, kailangan nating madala sa Hospital ang amain mo.” Wika ni Kristian kay Aurora sa pinasan ang ama nito hindi naman nag reklamo ang madrasta at mga kapatid nito sumunod na lang ito sa binata.
Agad na dinala sa operating roo ang ama ni Aurora. Hindi mapakakali ang pamilya ni Aurora habang naghihintay sa labas nang operating room. Nadako ang tingin ni Kristian kay Aurora na nakatayo sa labas nang pinto nakatungo ang ulo niya at nanginginig ang mga kamay.
“Aurora.” Wika ni Kristian na lumapit sa dalaga saka hinawakan ang kamay nito. nag-angat naman nang tingin ang dalaga. Nakita niyang nangingilid ang luha sa mga nito.
“Kristian, anong gagawin ko.” Wika ni Aurora na tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata. Hindi niya gustong Makita sa ganooong kalagayan ni Aurora.
He’s hurt seeing her in tears. Wala siyang ibang maisip na gawin nang mga sandaling iyon kundi ang i-comfort ang dalaga. Hinatak niya ang dalaga palapit sa kanya at niyakap. Hoping that his action would convey the message to her. That he is always there for here. Hinayaan niya ang dalaga na umiyak sa bisig niya. Alam niyang kailangang ilabas ni Aurora ang sakit na nararamdaman sa kalooban nito lalo na at dalawang oras na sa operating room ang daddy nito. Matapos ang tatlong oras na pag hihintay lumabas sa operating ang isang doctor agad naman nilang sinalubong ang doctor.
“Doktor Kumusta po ang asawa ko?” Tanong nang ina ni Aurora nang lumapit sila sa doctor.
“Pasensya na misis, ginawa na naming ang lahat ngunit hindi naming nagawang iligtas ang asawa niyo.” Malungkot na Wika nang doctor. Nang marinig iyon nang ina ni Aurora bigla itong nawalan nang balance at akmang matutumba, agad naman siyang inagapan nang anak nito ganoon din si Aurora kung wala pa sa tabi niya si Kristian marahil ay tuluyan na siyang nawala nang balance.
“Nalulungkot ako sa nangyari sa asawa niyo.” Wika nang doctor. Sa ginang bago umalis nang makalayo ang doctor saka naman pumalahaw nang iyak ang madrasta ni Aurora. Bigla itong tumingin ay Aurora, nag ngingitngit ang mga titig nito sa dalaga.
“Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko. Hindi sapat sa iyo na bigyan siya nang sama nang loob tuwing nakikita ka, ngayon pinatay mo pa siya.” Galit na Wika nito at sinugod si Aurora sabay sampal dito. Wala namang ibang nagawa si Aurora kundi tanggapin ang galit nito at umiyak.
“Umiiyak ka? Anong magagawa nang pag-iyak mo hindi mo na siya maibabalik.” Nangagalaiti sa galit na wika nang ina niya. “Kahit kailan malas ka sa buhay ko. Nagsisisi ako na isinilang pa kita.” Sigaw nito kay Aurora.
“Tama na.” Wika ni Kristian at sinalo ang kamay ni ginang nang muli nitong sasampalin si Aurora. “It is not just you who is hurt right now.” Wika ni Kristian sa babae.
“Huh, ang lakas nang loob, nang dahil sa iyo malaking sama nang loob ang ibinigay sa amin nang babaeng iyon. Bakit? Aakuin mo ba ang responsibilidad para sa buhay ni Aurora?” Sakristong wika nito kay Kristian. Napakuyom nang kamao ang binata. Nakikita niyang tila halos walang magawa si Aurora laban sa mga ito. They would really use this incident para lalong kontrolin ang buhay nang dalaga.
“Hindi ko alam kung ano ang ugat nang galit niyo sa ‘kin o kay Aurora. But I am not going to sit and watch you hurt the person I cared.” Makahukugang Wika ni Kristian. Gulat namang napatingin si Aurora sa binata.
“Huh, magsama kayo dalawa. Mga Buwesit!” wika nito saka umalis kasama ang dalawanng anak.
“Bakit mo ginawa yun?” Wika ni Aurora nang makaalis ang ina. “Hindi mo ba alam na ------” putol na Wika ni Aurora nang kabigin siya ni Kristian at niyakap.
“Wala naman akong pakialam kung galit siya sakin. Kaibigan mo ako, syempre---” naputol ang sasabihin ni Kristian nang bigla siyang itinulak ni Aurora. Ayaw niyang marinig na ang dahilan nang kabaitan ni Kristian ay dahil sa pangako nito at sa pagiging magkaibigan nila. Hindi iyon ang kaikangan niya ngayon.
“Pasensya, sa susunod na tayo mag-usap. Ayokong lalong dagdagan ang sama nang loob nang pamilya ko sa’kin. Sapalagay ko dahil sa nangyari lalo kong inilayo ang loob nila sa kin.” Wika ni Aurora.
“They never treated you like one. Bakit ba patuloy mong ipinipilit ang sarili mo sa kanila. Pwede naman tayong bumalik sa dati, gaya nang nasa bahay niyo noon, ako, ikaw, si Julianne at Selene. Pamilya tayo hindi ba?”
“Sila ang pamilya ko Kristian. Kahit anong gawin ko, hindi ko iyon mababago. Sa palagay ko, masyado akong naging makasarili.”
“Aurora..” mahinang wika ni Kristian. “And what do you take me for? I thought we are family. Ikaw, ako, si Julianne at Selene.”
“Pasesnya na iwan mo muna ako.” Wika nito at tinalikuran ang binata. Wala naman nagawa ang binata kundi ang sundan nang tingin ang dalaga. Hindi siya mapakali sa mga sinabi nang dalaga. Pero higit sa lahat bakit siya nasasaktan.