Ano ba talaga ang nangyari sa inyo dalawa?” Tanong ni Meggan nang makalapit sa dalawang binata. Matapos ang eksena sa national defense sinamahan nila sa pag-uwi sa unit nang mga binta para din makapag celebrate sa pagbabalik nang dalawa.
“Sino naman tong kasama niyo?” tanong ni Julius habang nakatingin sa dalagang kasama nila.
“SIya si Roch, ang tumulong sa amin. Kung hindi dahil sa kanya at nang lolo niya baka hindi na kami nakabalik.” Wika ni Julianne at lumapit sa dalaga.
“Ma-magandang araw.” Nauutal na wika nito.
“Ako nga pala si Rick.”wika nito at nakipagkamay sa dalaga, at dahil hindi naman talaga sanay sa harap nang maraming lalaki nang hawakan ni Rick ang kamay nang dalaga bigla itong nawalan nang malay dahilan upang ipag-panic nang mga miyembro nang Phoenix maliban kay Kristian at Julianne na sanay na sa reaksyon nang dalaga. Ipinaliwanag din nila ang sitwasyon ni Roch at kung bakit ito sumama sa kanila.
Isinalaysay nang dalawang binata sa mga kaibigan nila ang mga nangyari sa kanila maging ang nangyari sa kanila sa Isla na nagging dahilan nang pagkakaugnay ni Roch sa kanilang dalawa. Habang nakikinig sila sa kwento nang binata hindi nila maiwasang hindi mapaisip na baka may nagplano sa mga naganap sa gubat.
“So sa palagay niyo may target talaga ang mga lalaking iyon?”
“Hindi lang sa palagay. Talagang may target sila.” Ani Julianne. “The way I look at it mukhang si Kristian ang target nila.” Wika pa ni Julianne.
“May ideya ba kayo sa kung sino ang pwedeng gumawa nito?” Tanong ni Julius
“Iyon na nga ang masaklap. Hindi namin alam. Lahat sila namatay sa malaking apoy sa gubat. ”Ani Julianne.
“Hindi kaya yung mga dating nakalaban ninyo? Yung may mga sinabi sa lipunan, malalaking tao na nasagansaan natin dahil sa serbisyo natin bilang mga abogado at miyembro nang special forces. Tiyak na maraming may mga galit sa inyo?” ani Julius. “Sa dami nang mga kinalaban ninyo may pangalan tiyak binalikan na nila kayo.”
“Hindi ko alam.” Wika ni Kristian. Bigla siyang napaisip. Alam niyang marami siyang kalaban at sa dami noon sino sa kanila ang gustong gustong mawala na siya sa mundo? Pero may hinala siyang may kaugnayan iyon sa pagkamatay nang kanilang adoptive father.
Isang bagay ang napansin ni Kristian sa isa sa mga sumalakay sa kanila hindi niya makakalimutan ang palatandaang iyon. Dahil iyon lang ang nag-iisang lead niya sa pagkamatay ni Chris. Ang Scorpion tatoo sa leeg nang isang lalaki. Kagaya iyon nang tatoo nang lalaking sumalakay sa kanila noong nasa ibang bansa sila at pumatay kay Chris. Kung nandoon ang lalaking iyon marahil ay bumalik na ito para tapusin ang hindi nito natapos noon. At nangangamba siyang maging si Selene ay malagay sa panganib.
“Malalim yata ang iniisip mo?” Tanong ni Julianne nang mapansin ang pananahimik nang kaibigan.
“Wala ito.” Wika nang binata. Nakita niyo ba si Johnny?” tanong ni Kristian sa mga kasamahan. Bigla namang natigilan si Aurora nililinisan niya ang sugat sa balikat ni Kristian. Nawala na sa isip niya si Johnny dahil sa labis na kasiyahan nang makitang buhay si Kristian.
“AW!” daing ni Kristian nang maramdaman na biglang bumigat ang kamay si Aurora naramdamn din niya ang malakas napag pisil nito balikat niyang may sugat. “Balak mo bang putulin na ang balikat ko?” sita ni Kristian kay Aurora. agad namang inilayo nang dalagaw ang kamay niya sa sugat ni Kristian. Hindi na niya napansin kong ano na ang ginawa niya. nakangiti naman sina Julianne dahil sa reaksyon ni Aurora.
“Nakabalik nga ako nang buo mukhang ditto naman ako mababawasan.” Biro ni Kristian.
“Sorry.” Paghingi niya nang despensa. Alam naman ni Kristian na natigilan si Aurora dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Johnny. INiisip din naman niya kung saan nangpunta ang binata at kung anong nangyari ditto. Nais din naman niyang humingi nang despensa sa binata.
“Tuwing maalala ko ang eksena kanina pakiramdam ko nanonood ako nang pelikula.” pabirong wika ni Julius.
“Totoo yan. hindi ko akalain ganoon nila na-miss ang isat isa ni hindi na nila inisip na maraming taong nanonood.”dagdag naman ni Julianne.
“Parang eksena sa isang pelikula. Nakakakilig.” Wika in Meggan namalapad ang ngiti sa mga labi.
“Hindi ko Akalain na romantiko din pala itong si Chief. At hindi ko akalaing sa harap nang maraming tao niya iyon gagawin” wika ni Julius.
“Hay! Tama na nga kayo.”anas ni Kristian at tumingin sa mga kaibigan napansin niyang namumula na ang pisngi ni Aurora marahil dahil sa labis na hiya. Napatawa nang malakas sina Meggan at Julius. Lihim naman siyang napangiti nang makita ang pamumula nang pisngi ni Aurora.
Sa unit nina Kristian na nakatulog ang mga kasamahan nila. Hindi agad sila umuwi dahil nag inuman pa ang mga ito. Para daw ipagdiwang ang pagbabalik nila at dahil sa labis na kalasingan hindi na nakauwi ang mga ito. Sa sala nakatulog ang lahat maging si Kristian at Julianne. Si Aurora pa ang naglagay nang kumot sa kanila. Nang matapos niyang lagyan nang kumot si Kristian saka siya lumabas nag mansion at naupo sa harden. Nakatingala sa mga butuin. Iniisp pa rin niya kung ano nang ginawa ni Johnny. Alam niyang nakita nito ang nangyari kanina.
Biglang nagising si Kristian nang marinig niyang bumukas ang papunta sa terrace nang unit nila. Nang magmulat siya nang mata nakita niyang nakatulog na sala ang mga kaibigan niya. napangiti ang binata saka tumayo.
Alam niyang may lumabas nang bahay kaya naman naisipan niyang niya lumabas din. Nang makalabas siya nakita niya si Aurora na nasa harden at nakatingala sa langit. Napangiti ang binata at naglakad palapit ditto.
“Bakit nandito ka sa labas? Hindi kaba makatulog?” tanong ni Kristian nang makalapit sa dalaga. Napaigtad naman si Aurora dahil sa labis na pagkabigla saka napalingon sa binata.
“Kristian.” sambit ni Aurora.
“Malamig ditto sa labas. bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ni Kristian at naupo sa tabi nito.
“Napakarami nang bituin ngayong gabi.” Wika ni Aurora at muling tumingala.
“Alam ko namang lumabas ka hindi para pagmasdan ang mga bituing yan.” Ani Kristian. Napangiti naman si Aurora. talagang kilala na siya ni Kristian.
“INiisip mo ba si Johnny?” tanong ni Kristian.
“Iniisip ko lang. Masyado akong makasarili. Hindi ko manlang inisip na may ibang tao akong nasaktan. I guess I have that dark side as well,”
“Dahil ba nangyari kanina?” ani Kristian. Bigla namang napatingin si Aurora sa kanya. Biglang natakot si Aurora, paano kung sabihin ni Kristian na hindi nito sinasadya ang nangyari? Nadala lang ito sa emosyon niya.
“Tungkol sa nangyari kanina.. Sa sinabi ko-----.”
“Alin? Na mahal mo ang madhid na gaya ko?”nakangiting wika ni Kristian. “Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo? I told you, hindi mo na pwdeng bawiin yun.”
“Hindi. Bakit ko babawiin.”maagap na wika ni Aurora saka nagbaba nang tingin. “Iyon ang nararamdaman ko. I was miserable thinking that you have died. Nang Makita kita ulit hindi ko na napigilan ang sarili ko.” Wika ni Aurora. dahil naka yuko ang ulo nang dalaga hindi na niya nakita an malapad na ngiti sa labi nang binata.
“Bakit ka nakayuko?” tanong ni Kristian sa dalaga. “Paano ko makikita ang mukha mo kung nakayuko ka nang ganyan. How will I know kung sincere ka.” Ani Kristian dahil sa sinabi niya nag-angat nang tingin si Aurora at nilingon ang binata.
“That’s more like it.”nakangitig wika ni Kristian.
“Teka nga!” Biglang wika ni Aurora. “Pinaglalaruan mo ba ako? You are just acting so cool. Sinabi ko na kung ano ang nararamdaman ko saiyo. Wala Kaman lang tugon.” Ani Aurora.
“Wow!” manghang wika ni Kristian saka napangiti.
“I think I did response. Was it not clear enough?” dagdag pa nang binata.
“Tse! You did? Wala kang sinabi.” ani Aurora.
“Yes, But I did this.” Wika ni Kristian saka sinakop ang mga labi nang dalaga. Nanlaki ang mata ni Aurora dahil sa labis na gulat. Bago pa siya makabawi lumayo na si Kristian sa kanya. Nakatitig lang siya sa mukha nang binata dahil sa labis na pagkabigla.
“Was it not clear? Kailangan ko pa bang ulitin?” nanunuyang wika ni Kristian. Napakagat nang pangibabang labi si Aurora. nang makabawi, buong lakas niyang hinampas ang balikat ni Kristian. Hindi manlang niyang naisip kanina ginamot niya ang sugat doon.
“Aw! Aw” daing ni Kristian dahil sa ginawa nang dalaga saka napahawak sa balikat.
“Oh My goodness. Are you okay. Sorry” nag-aalalang wika ni Aurora saka tiningnan ang balikat ni Kristian. Napangiti naman ang binata dahil sa reaksyon ni Aurora. Masaya siyang makitang nag-aalala ang dalaga sa kanya.
Masayang buhay pa siya at nakabalik siya sa piling nito. nabigla si Aurora nang hawakan ni Kristian ang kamay niya. Taka namang napatingin si Kristian sa dalaga.
“Let’s not run away this time. I wont let go of this hand ever again.” Wika ni Kristian.
“Kristian.” mahinang anas ni Aurora. seryoso ba si Kristian o pinaglalaruan na naman nito ang damdamin niya gaya nang madalas nitong gawin. Kung totoo ang sinabi nito siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. She loved him even before. And she love him more right now. Ang tanging lalaking kayang pakabugin ang puso niya. Ang dahilan kung bakit siya pumasok sa pagpupulis and endure lahat nang mga training na pakiramdam niya ikamamatay niya. Ang lalaking iniyakan niya nang litro-litrong luha. Si Atty. Kristian Edwards.
“Oh Bakit?” tanong ni Kristian nang nakatingin sa mukha niya si Aurora.
“H-hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyari. Para bang isang panaginip.” Wika nang dalaga.
“Hindi ito panaginip.” Wika ni Kristian at hinalikan ang kamay nang dalaga. “Kailangan nalang natin kausapin si Granny at ang pamilya mo. At humingi nang basbas nila. AT si Johnny, kailangan niyang maintindihan na tayo talaga ay para sa isa’t-isa. I know he will understand.” Wika ni Kristian.
“Do you trust me?” tanong niya sa dalaga. Tumango naman si Aurora at ngumiti. Naniniwala siya sa binata at patuloy na maniniwala ditto. Kung sinabi nitong kakausapin nito ang pamilya nila at si Johnny then she will leave everything sa binata.