Selene?” gulat na wika ni Aurora nang dumating sa opisina nang task force ang dalaga kasama si Hunter dalawang araw na mula nang lumabas ang balita tungkol sa pagkawala nang mga sundalo. Nagpunta si Aurora sa opisina nang Guardians upang makibalita kung may Lead na ang mga ito sa nangyari sa 4 na binata. Hindi siya mapakali sa kakaisip sa kung ano nang nangyari sa mga binata at sa kuya niya.
“Selene? May nangyari ba? Bakit napasugod ka?” Tanong ni Meggan at lumapit sa dalaga.
“Makikibalita lang sana ako kung may lead na kayo o balita sa nangyari kay Kuya at Julianne.” Wika ni Selene. Bigla namang natigilan ang lahat. Alam nilang nag-aalala ito para sa kapatid ganoon din naman sila ngunit hanggang sa mga sandaling iyon wala silang balita. Hindi rin nila masabi sa dalaga na gusto nang ipatigil ni General Antonio ang paghahanap sa mga ito since na deklara na na KIA ang mga ito. Paano nila sasabihin iyon sa dalaga nang hindi ito nasasaktan.
“Wala pa kaming balita sa kanila. But we are doing our best para mahanap sila. Maging kami ay hindi rin naniniwalang kasama sa nasunog sina Chief” wika ni Aurora at lumapit kay Selene.
“Pero mukhang mahihirapan tayo sa paghahanap ngayon. Katatanggap ko lang nang balita. Naglabas nang uto si General Antonio na itigil na ang search ang rescue. They are declared KIA. Bakit pa daw natin sila hahanapin.” Wika ni Julius at naglakad papalapit sa kanila. Lahat napatingin kay Julius. Natigilan naman ang binata mukhang may nasabi siyang hindi dapat sa tingin palang nang mga ito.
“Ha? B-Bakit naman?” Garagal na tanong ni Selene dalawang araw palang mula nang mawala ang mga ito bakit titigil na sila sa paghahanap? Ganoon ba ka atat ang mga tito niya na mawala ang kuya niya at gusto na nilang itigil ang paghahanap dito?
“Hindi ko alam. Siguro sumuko na siya dahil masyado naman kasing imposible na buhay sila.” Wika ni Julius.
“Julius!” saway ni Meggan sa binata nang makita nilang biglang napaupo si Selene na tila nawalan nang lakas ang mga tuhod.
“Selene.” Wika ni Aurora at lumapit sa dalaga. “Alam mong hindi pa kami Wika ni Aurora saka hinawakan ang kamay nang dalaga. Ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang mga luhang pumapatak sa mga mata nang dalaga.
“Huminahon ka Selene. Hindi rin naman kami naniniwala na wala na sina Chief. Kahit ipinatigil na ni General Anotnio ang paghahanap sa kanila kami nalang ang gagawa.” Wika ni Julius. Para makabawi dahil sa guilt na naramdaman niya nang makita ang mga luha sa mata nang dalaga.
“At ano ang balak niyong gawin? Suwayin si General?” ani Johnny.
“We are not saying na susuwayin natin siya. We will look for them not because sundalo tayo but bilang mga kaibigan. Iyon naman ang ginagawa nang mga kaibigan hindi ba?” Ani Julius.
Habang nasa loob sila nang opisina at nagiisip kung saan sila magsisimulang mahanap sa mga binata. Nabigla silang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok doon sina Rick at Ben. Naka uniporme pa ang dalawang binata ngunit kitang kita ang dumi sa buong katawan na tila ba dumaan sa isang matinding gyera. Bukod sa pagkabalot nang dumi makikitang wala naming malubhang sugat ang dalawa. Sabay-sabay pa silang napatayo sa gulat nang Makita ang dalawang binata.
“Rick! Ben!” wika ni Meggan at lumapit sa dalawang binata.
“Anong nangyari sa inyo? Sina Kristian?” Tanong ni Aurora.
“Mabuti naman at ligtas kayo. Ngunit paano? Nasaan sina Chief?” Tanong ni Julius.
“Hindi namin alam. Ang huli naming natatandaan, may mga malalakas na pagsabog sa loob nang gubat. Nag kagulo na ang lahat. Haniwalay kamai sa dalawang tinyente. Hindi agad kami nakauwi dahil napadpad pa kami sa ibang lugar. “Wika ni Rick.
“Kung ligtas kayong dalawa may posibilidad na ligtas din sila Kristian hindi ba?” Tanong ni Aurora saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Selene. Napatingin naman sina Rick at Ben sa dalawang dalaga. Ayaw nilang sabihing baka natupok na nang apoy ang dalawang binata. At baka wala na ding posibilidad naligtas ang mga ito papaano nila sasabihin kay Selene iyon. Nakita niya ang mga nangingilid na luha sa mat anito.
“Possible yun. Ngunit sa pagkakaalam ko. Habag patuloy ang pagsabog sa loob nang gubat mag mga lalaking tumutugis sa kanila para bang gusto nilang patayin ang mga ito.” wika ni Ben ayaw din niyang paasahin si Selene na buhay pa ang kapatid niya mabuting alam niyang may posibilidad na wala na ito para maihanda nito ang loob kapag nakatanggap sila nang balitang wala na nga ito. Hindi rin naman gugustuhin ni Selene na magsinungaling sila para lang gumaan ang loob nito.
Dahil sa muling pagbabalik nina Rick at Ben isang hero's welcome ang ibinibigay sa kanila at binigyan din sila nang parangal nang General. Ilang araw ang lumipas matapos makabalik sina Ben at Rick ngunit hindi pa rin nila nakikita ang dalawang binata. Ayaw man nilang mawalan nang pag-asa at isiping wala na ang dalawa ngunit dahil sa tagal at wala pa rin silang lead sa mga ito. Hindi man nila man nila gustong ngunit kailangan nilang tanggapin na wala na ang dalawang binata. Dahil sa kagitingan nang dalawang binata. Isang Parangal ang ibibingay sa mga ito at sa harap nang pamilya nang dalawang binata kasama ang iba pang sundalo na nagging party nang misyon at nasawi dahil sa insidente.
****
Roch! Oh, bakit parang bato diyan?” wika nang isang babae habang papalapit sa isang dalagang huminto sa paglalakad. Nasa dalampasigan sila at namamasyal. Habang naglalakad ang dalaga sa dalampasigan Nakita nito ang dalawang binatang naka suot nang itim na damit at camouflage na maong. Walang malay ang mga ito at nakadapa sa may dalampasigan. Marahil ay naanod ang dalawang binata doon.
Nang Makita nang isa pag dalaga ang mga binata agad niyang tiningnan kung buhay pa ang dalawang binata habang ang isang dalaga naman ay tila bato na hindi makakilos sa harap nang dalawang walang malay na binata. Nang maramdaman nang dalaga na buhay pa ang dalawang binata. Agad nitong tinawag ang matandang nasa loob nang isang kubo malapit sa dalampasigan. Pinagtulungan nilang dalahin sa loob nang bahay ang dalawang binata at ginamot.
Malubha ang mga sugat nang dalawang binata. Ngunit ang pinagtataka nila, isa sa dalawang binata mabilis na naghilom ang sugat at mabilis nan aka recover. Tatlong araw lang ay gising na ito subalit ang isang binata ay hindi pa rin. Kinausap nang matandang lalaki ang unang binatang nagising.
Napakilala naman itong si Atty. Julianne Ramirez. SInabi nang binata na galing sila sa isang misyon. Ngunit hindi na sila nakabalik dahil sa nangyari sa kanila. Maswerte pa sila at nakaligtas sila. Habang nakatingin si Julianne sa kaibigan, iniisip niya kung magigising ba ang makaibigan matatandaan ba nito ang nangyari at mga Nakita nito? Paano niya ipapaliwanag sa binata ang lahat. Nang pumasok sila sa kuta nang mga priso, sunod sunod na pagsabog ang kanilang narinig. Nagkagulo ang mga priso at mga sundalo. Nagsitakbuhan nang walang direksyon, nagsimula nang maliyab ang buong paligid. Papaalis n asana sila ni Kristian nang bigla silang harangin nang mga di kilalang lalaki.
Nais nitong patayin si Kristian. Wala silang nagawa kundi ang labanan ang mga ito para iligtas ang sarili nila. At dahil, lalong lumalakas ang apoy sa buong paligid wala silang nagawa kundi ang tumakbo ngunit patuloy pa rin silang sinusundan nang mga lalaki. Napunta sila sa bahagi nang gubat kung saan napalibutan sila nang apoy. Ang mga sumusunod sa kanila ay biglang natupok nang apoy. Dahil napalibutana na sila nang apoy hindi na nila magawang makalabas. Nakikita ni Julianne na nahihirapan nang huminga si Kristian. Dahil hindi naman siya tao kaya hindi siya madaling maapektuhan nang usok.
“Julianne. Ilag!” wika ni Kristian sa kanya at bigla siyang itinulak. Huli na nang mapansin ni Julianne ang nasusunog na puno na pabagsak sa kanila. Dahil sa pagtulak ni Kristian sa kanya ito ang nabagsakan nang puno. Dahil sa ginawa nang binata malubha din itong nasugatan. Nang Makita ni Julianne ang ginagawa nang kaibigan. Agad siyang lumapit sa kaibigang nakahandusay sa lupa habang dinadaganan nang nag-aalab na puno. Buong lakas niyang itinulak ang puno papalayo sa kaibigan niya para mailigtas ito. Kahit mahina ang katawan nakikita ni Kristian kung ano ang ginawa nang kaibigan. Nang mga sandaling iyon iniisip ni Kristian na tila tapusan na nila. Isang bagay lang pinanghihinayangan niya nang mga sandaling iyon. Ang hindi ma protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya. Si Selene at Aurora.
Nang makalabas nang gubat ang dalawang binata hindi nila napansin na ang dinadaanan nila ay isang bangin. Kapwa mahina at halos wala nang lakas. Sa pagbaybay nila nang daan kapwa nila hindi napansin ang bangin. Malakas pa silang napasigaw dahil sa biglaan nilang pagkahulog at dahil kapwa mahina ang katawan wala nang nagawa ang dalawang binata hanggang sa iaanod sila patungo sa dalampasigan kung saan Nakita sila ni Tata Densio at nang dalawang apo nitong sina Roch at Mae.
Si Roch at Mae ay Identical twins ngunit lubhang magkaiba. Si Mae ay matapang at punong-puno nang confidence. SI Roch naman ay isang tahimik na dalaga. Tuwing nasa harap ito nang isang lalaki tila nagiging bato ang katawan nito. Ang maglolo ang nakatira sa isla kung saan sila napadpad ni Kristian. Mabait ang maglolo. Kung hindi dahil sa kanila baka hindi na sila naligtas ni Kristian. Naikwento sa kanya nang matanda na ditto niya dinala sa isla ang magkapatid upang iligtas mula sa mga taong gustong pumatay sa mga ito. Hindi naman talaga niya apo ang dalawa kundi mag inaalagaan. Half Japanese ang mga ito at anak nang malaking oil company sa Tokyo.