Survival

1479 Words
Isa ang matanda sa mga dumukot sa kambal noong maliit pa ang mga ito upang patayin. Ngunit dahil sa awa, sa halip na patayin, itinago niya ang mga bata at pinalaki sa kanyang pangangalaga. Walang ala ang dalawang dalaga sa tunay nilang pagkatao at naniniwalang apo sila nang matanda. Alam nang matanda na patuloy na pinaghahanap nang mga taong gustong pumatay sa dalawa ang mga dalaga kaya naman hanggang kaya niya. Itatago niya sa isla ang dalawa. Ngunit napapansin nang matanda na habang tumatagal nagtatanong na ang mga dalaga kung bakit buong buhay nila nasa isla sila lalo na si Mae. Alam niyang buong buhay hindi nama niya pwedeng itago ang katotohanan sa mga ito. “Roch bakit ka nandito sa labas?” Tanong ni Julianne sa dalagang nasa labas nang bahay. Gabi na at malamig ang simoy nang hangin na mula sa dagat kaya naman nagtaka siya kung bakit nasa labas ang dalaga. Nang marinig nang dalaga ang boses ni Julianne bigla na lang nito nabitiwan ang tasa na may lamang kape. Nahulog sa buhangin ang tasang hawak nito at natapon ang laman. Napakunot ang noo ni Julianne. Nahulog na ang tasang hawak nito ngunit tila parang hindi gumagalaw ang dalaga. Marahang naglakad palapit sa dalaga si Julianne. Dinampot niya ang tasa. “Ginulat ba kita?” Tanong ni Julianne at iniabot sa dalaga ang dalang tasa. Ngunit hindi gumagalaw ang katawan nito. Para bai tong napako sa kinatatayuan. “Okay kalang ba?” Tanong ni Julianne at hinawakan ang kamay nang dalaga. Ilalagay sana nito ang tasa sa kamay nang dalaga nang bigla itong nawalan nang malay. Labis na nagulat si Julianne. May sakit ba ang dalaga? Wala naman siyang ginagawa ditto kaya bakit naman ito hihimatayin? “DIto mo nalang siya ihiga.” Wika ni Mae nang pumasok siya sa loob nang bahay habang pangko-pangko ang dalagang hinimatay. “May sakit ba siya?” Tanong ni Julianne. “Wala, ganito talaga siya sa harap nang lalaki. Dahil matagal na kaming nanantili sa islang ito minsan lang kami lumalabas para magpunat sa syudad. Hindi siya nakikisalamuha sa mga lalaki. At ito ang nangyayari kung nasa malapit siya nang lalaki. Nagiging bato and worse hinihinmatay.” Sagot naman ni Mae. “Eh bakit ikaw?” Tanong Julianne. “Hindi ako kasing hina nang kakambal ko.” Wika nito. Pakiramdam ni Julianne may kakaiba kay Mae.Para bang wala itong pakialam sa kapatid niya. Alam niyang may pagkaarogante ang dalaga ngunit hindi maganda ang nararamdaman niya ditto. Ayaw man niyang mag-isip nang masama ditto dahil iniligtas sila nang dalaga kaya lang masama talaga ang pakiramdam niya sa dalaga. Limang araw ding walang malay si Kristian at nanatili sila sa isla nang maglolo. Kaya lang nang araw nang magising si Kristian isang kagimbal gimbal na pangyayari ang naganap. Isang Yate ang dumaong sa dalampasigan nang isla. Nakita nilang may lumabas na armadong kalalakihan mula sa yate. Mahina pa ang katawan ni Kristian dahil kagigising pa lamang nito. Hindi pa nga naghihilom ang sugat nito sa tiyan. Nang Makita nang matanda ang dumating. Pinagkubli nito si Roch at Mae sa isang silid ganoon din sina Julianne at Kristian saka ito lumabas nang bahay. Pinipigilan ni Roch ang kanyang lolo subalit hindi ito nakinig. Sabi nito kakausapin nito ang mga dumating. Habang inoobserbahan ni Julianne ang matanda para bang kilala nito ang mga dumating. “Mae, saan ka pupunta?” Pigil ni Roch sa kamay nang kakambal nang bigla itong tumayo at akmang lalabas nang silid. “Pwede ba bitiwan mo ako.” Wika nito at marahas na tinaboy ang kamay ni Roch. “Huwag ka nang lumabas. Mapanganib.” Wika ni Kristian sa dalaga. “Pwede ba kaya ko ang sarili.” Wika nito at hindi nagpapigil. Mula sa binata. Nakita nilang lumabas ang dalaga at lumapit sa mga lalaki. Habang pinapanood nila ang mga nangyayari sa labas Nakita nilang binarily nang isang lalaki ang matanda ngunit wala manlamang ginawa si Mae kahit ang takot sa mukha nito ay hindi rin Makita. “Roch, Huwag ka nang magtago diyan. Lumabas ka na. Hindi naman kita sasaktan eh. Iniligtas pa nga kita.” Wika ni Mae at humarap sa bahay. Natuptop ni Roch ang bibig niya habang umaagas ang luha sa mga mata. Hindi ito makapaniwala sa Nakita lalo na ang makitang mukhang kilala pa nang kapatid ang mga lalaki at hinahayaan nitong patayin nang mga lalaking ito ang lolo nila. “Huwag kang matakot. INalis ko lang ang kalaban natin. Alam mo ba na siya ang dahilan kung bakit at tayo nakakulog sa islang ito? Nagpapangggap siya na lolo natin sa napakahabang panahon. Niloko niya tayo. Bagay lang sa kanya ang ginawa ko!” wika ni Mae. “Matagal ko nang alam na hindi natin siya lolo. Pero kailangan kong magpanggap sa kanya. Kapag niisip kong tinatawag ko siyang lolo. Tumatayo ang mga balahibo ko.” “Siya ang dahilan kung bakit matagal na panahon tayong nalayo sa pamilya natin. Pero okay na ang lahat. Wala na siya pwede na tayong bumalik sa bahay natin.” Wika nang babae. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Julianne sa dalaga nang bigla itong tumayo. “K-kakausapin ko sa Mae. Kapatid ko siya. Makikinig siya sa akin.” Wika ni Roch. Kahit nauutal sa harap ni Julianne pinilit niyang magsalita. Nitong mga nakaraang araw habang nasa poder nila sina Julianne. Kahit na nagiging bato siya sa harap nito pinagtatyagaan siyang kausapin nang binata at dahil doon kahit paunti-unti nawawala ang pagiging bato niya. Dahil sa binata nagawa niyang ma over come paunti-unti ang takot niya sa harap nang mga lalaki. “Hindi magandang ideya na lumabas ka. Baka kung anong gawin niya saiyo.” Wika ni Julianne. “H-Hindi niya ako sasaktan. K-ka usapin ko siya para paalisin kayo sa lugar naito.” Wik ani Roch at lumabs. Hindi na nagawang pigilan ni Julianne ang dalaga sinilip na lamang niya ito sa bintana. “Mae, Bakit kailangan mong gawin ‘to.” Wika ni Roch at hinawakan ang kamay nang kapatid. Ngunit tinaboy lang ito ni Mae. “Bakit ka maawa sa kagaya niya. SIya ang dahilan kung bakit narito tayo sa lugar na ito. Bakit hindi ka magalit sa kanya. Ang kamatayan niya ay kulang pa sa maraming panahon na pagtago niya sa atin.” Asik nito. “Pinalaki pa ri niya tayo. Kahit naman may kasalan niya----” “HUwag ka ngang hangal!” agaw ni Mae sa iba pang sasabihin nang kapatid. Biglang nahintakutan si Roch nang hawakan siya nang dalawang lalaki. “Anong ibig sabihn nito?” Tanong ni Roch. “Sapalagay mo, ngayong nalaman kung may malaking perang pamana ang magulang natin, hahayaan kung makihati ako sa isang gaya mo. Alam mo ba kung anong hirap ang nararamdaman ko dahil nakikihati ako nang mukha saiyo. Ikaw na isang walang kwentang nilalang. Kapag nawala ka, Akin na ang kayamanan nang pamilya natin maging ang mukhang ito.” Wika ni Mae at hinawakan ang mukha ni Roch. Sininyasan ni Mae ang mga lalaki upang tapusin ang kapatid niya. Hindi natiis nang dalawang binata na manoood nalamang. Kahit na mahina pa ang katawan ni Kristian. Kailangan niyang kumilos upang iligtas ang dalaga. Lumabas sa bahay ang dalawang binata at sinugod ang mga lalaki. Nagulat pa si Mae dahil sa galing nang dalawang binata sa pakikipaglaban. Kahit na armado ang mga tauhan nito wala pa rin silang nagawa sa dalawang binata. At dahil may sugat pa si Kristian. Kinalangan nilang tumakbo upang makalayo sa mga lalaki. Kahit naman magaling sa martial arts ang dalawa, hindi parin sila sasantuhin nang baril na hawak nang mga lalaki. TUmakbo papasok sa kasukalan sina Kristian kasama ang dalaga. Inis na inis si Mae dahil nagawa silang takas an nang kapatid at nang dalawang binata. “Ano pang hinihintay niyo!” gigil na wika ni Mae. “Tumayo kayo diyan at habulin sila. Mga sugatan lang sila at walang lakas.” Galit na wika nito. Agad naming tumayo ang mga lalaki at sinundan sa kasukalan ang tatlo. Nakalayo na sila, ngunit dahil nasa isla pa rin sila alam nina Julianne na mahahanap at mahahanap sila nang mga ito. Hinintay nilang magdilim bago sila lumabas sa pingkukublihan. May bangka ang lolo ni Roch na ginagamit nito sa pagpunta sa syudad. Ito ang plano nilang gamitin upang makatakas sa isla at sa kamay ni Mae. Lalim na ang gabi nang lumabas sila mula sa pinagkukublihan. silang lumapit sa bangka. Dahil sa kadiliman nang gabi hindi sila napansin nang mga tauhan ni Mae at nagawa nilang umalis sa isla. Umaga na nang mapansin ni Mae na wala na ang bangka nang lolo niya. Malakas itong sumigaw dahil sa labis na inis. Galit na galit itong bumaling sa mga tauhan at isa-isang pinagsasampal ang mga lalaki. “Isang pangkat kayo nang mga Bobo. Isang babae at 2 sugatan lang natakasan kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD