Ipinadala si Kristian at Julianne sa isang liblib na lugar para tugisin ang mga takas mula sa isang provincial jail. Kasama nila sina Rick at Ben at ilang miyembro nang SWAT. Dahil tambak na ang mga kaso sa phoenix kaya naman hiwahiwalay na sila kung lumakad.
“Anong nangyari?” tanong ni Kristian kay Rick at Ben nang bumalik ang dalawang binata mula sa pag papatrolya. Inutusan ni Kristian ang dalawang binata na suyurin ang kasukalan at tingnan kung naroon nga ang mga takas.
“Sa pusod sila nang kagubatan nagkukuta. Bukod doon armado din sila.” Wika ni Ben.
“Hintayin nating dumilim bago tayo sumalakay. Mas magandang hindi sila masyadong nakabantay.” Wika nang Leader nang SWAT.
“Ano sa palagay mo Kristian?” tanong ni Julianne sa kaibigan. “Maganda naman ang ideya ni Officer Cruz. Mas magandang lusubin natin sila on the time that they least expect it.” Ani Julianne. Sina Rick at Ben naman ay naghihintay lang sa utos mula sa Tinyente.
Napatingin naman ang SWAT leader sa binata hinihintay din nito ang desisyon nang binata.
“Alright then.” Deklara ni Kristian. “Hintayin nating dumilim.” Aniya. Habang naghahanda ang grupo ni Kristian sa paglusob sa kampo nang mga takas hindi naman alam nang nang mga binata ang nagbabadyang panganib para sa kanilang dalawa. Kalat na ang dilim sa boung paligid. Binigyan nang utos ni Kristian ang mga Tauhan niya na simulant nang kumilos. Maingat silang pumasok sa loob nang kasukalan.
“Hindi ko gusto ang katahimikang ito.” Wika ni Julianne sa kaibigan niya. Maya-maya, bigla na lamang silang pinaulanan nang putok. Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang mga putok. Ang tanging ilaw lamang na dala nila ay ang headlight na sout nila. matapos ang sunod sunod na putok. Sunod sunod naman napagsabok ang narinig nila Kristian at Julianne. Nagkagulo an mga SWAT member isa isang nagsitakbuhan para maiwasan ang putok nang baril at sunod-sunod na pagsabog. Dahil sa sunod-sunod na pagsabog na iyon halos maging abo ang boung kagubatan. Kahit na sinong nasa loob non tiyak hindi na nakalabas at tiyak nasunog na rin. Buong magdamag na nagliyab ang kagubatan na tila isang malaking forest fire. Sa lakas nang liyab kahit isang hayop sa loob nang gubat tiyak hindi na nakaligtas maging ang mga sundalong naroon.
Kinabukasan, nagtungo sa site ang grupo ni General Antonio para alamin ang nangyari sa mga sundalong ipinadala nila. ngunit kalbo na ang buong kagubatan at tiyak wala na ring nakaligtas na sundalo. Nang dumating ang mga sundalo at bombero patuloy pa rin ang pagliyab nang gubat. Inabot sila nang 3 oras bago naapula ang apoy at bago sila naka pasok para sa search ang rescue.
Agad na ibinalita sa radio at Telebisyon ang nangyari sa maging misyon nang mga sundalo. Lahat nang miyembro nang SWAT na ipinadala ay KIA. Ganoon din ang mga takas na dapat sana ay huhulihin nang mga ito. Inaalam pa rin anng pulisya ang tunay na dahilan nang mga naganap na pagsabog. Dahil sa sunog na paligid halos hindi makilala ang mga katawang natagpuan.
Habang pinapanood ni Aurora ang balita sa TV, hindi niya maiwasang hindi maiyak. Kasama sa mga ibinalitang KIA ay ang kaibigan niyang si Kristian at Julianne. Hindi na rin makilala ang mga bangkay dahil sa labis na pagkasunog.
“Naiinis ako sa pulis na iyon pero nalulungkot ako dahil namatay na siya.” Wika ni Marga habang pinapanood din balita sa TV.
“Hindi totoo yan. Walang mangyayaring masama kay Kristian at Julianne.” Tanggi ni Aurora, Habang tumutulo ang luha sa mga mata. Hindi niya tatanggapin ang nabalitaan.
“Pwede ba Aurora!” iritadong wika nang kapatid niya. “KIA nga sila hindi ba. Sa laki nang pinsala sa gubat na iyon na wala nang natira dahil sa apoy sa tingin mo bubuhayin pa sila.”. Ngunit kahit na anong sabihin nang kapatid niya. Gustong maniwala ni Aurora na ligtas ang mga kaibigan niya. Naiinis siya sa sarili niya dahil, hindi niya nagawang Makita si Kristiann bago ito umalis patungo sa misyon nito at ipinagtabuyan pa niya ang binata nang huli silang magkita. Sinabi niya ditong balak na niyang magpakasal kay Johnny which is something na ginawa niya lang upang layuan siya nang binata. Dahil ayaw niyang muling ma reject ni Kristian kaya naman siya na ang nagtaboy sa binata na ngayon ay pinagsisisihan niya. Nakakuyom ang kamao si Selene habang pinapanood ang Tito Antonio niya habang nasa harap nang mga reporters at media outlet at nagbibigay nang statement dahil sa nangyari. Nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa kuya niya hindi niya gustong maniwala. Ngunit sa nakikita niya ngayon. Halos lahat sinasabing hindi na mabubuhay ang mga sundalong na damay sa malakas na sunog.
Sinabi nang Tito Antonio niya na nalulungkot ang departamento nila dahil sa pagkawala nang mga maasahang miyembro. Kilala si Kristian bilang isang magaling na abogado at team leader nang special task force sinabi nitong malungkot sila sa nangyari at gagawin ang lahat para mabigyan nang hustisya ang nangyari sa binata.
“You are alone now. Mas mabuting sumama kana sa amin. Pwede kang tumira sa mansion. Kami nalang ang pamilya mo.” Wika ni Rafael at lumapit kay Selene na noon ay kasama si Hunter. Gaya nang pabor na hiningi ni Kristian sa kanya talagang hindi niya iniwan ang dalaga. Nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa prison break agad niyang pinuntahan ang dalaga.
“Ayoko.” Wika nang dalaga.
“Bakit ka nang mamatigas? Sinong inaasahan mo? Wala na ang kuya mo. AT bilang mga tito mo. We are your legal guardians. Pamilya mo kami. Kahit na magpalit ka nang apelyido hindi mo maikakaila na ----” Wika pa ni Rafael.
“Si Kuya Lang ang pamilya ko.” Wika ni Selene saka tumingin nang deretso sa tito niya. Habang nahigpit na nakakuyom ang kamao. Bakit ngayon lang sila tinawag na pamilya nang mga ito? All this time, they were struggling pero hindi naman nila Nakita ang mga tito nila. Ngayong wala na ang kuya niya biglang sila na ang legal guardian niya? Anong nangyari mundo?
“You are stubborn just like your brother. Masyadong mapagmataas. Ano naman ang balak mong gawin ngayon? Paano ka mabubuhay mag-isa?” Tanong ni Rafael.
“Hihintayin kong bumalik ang kuya ko.” Wika ni Selene.
“Stupid girl. Hindi mo ba narinig ang sinabi nang Tito Antonio mo. KIA ang kuya mo. Anong hihintayin mo? Multo niya?” sakristong wika nang lalaki.
“If I have to do that, Then I will.” Wika ni Selene saka nangilid ang luha sa mata. Nakita niya ang kaluluwa nang kanilang adopted father when he was murdered. Hindi naman siguro impossibleng balikan siya nang Kaluluwa nang kuya niya. Impossible mang pakinggan pero kumakapit siya sa bagay na iyon. Alam niyang kahit anong mangyari babalikan siya nang kuya niya Hindi pa ito sumusira sa pangako niya.
“Magkapatid nga kayo. Estupido at Ignorante.” Gigil na wika ni Rafael.
“General. With all due respect. Hindi naman ata Magandang sa bibig niyo lumabas ang mga salitang yan. To think Mataas ang posisyon niyo at pamilya niya kayo.”
“Young Man. Kung ako saiyo. Manahimik ka nalang. Wala kang alam sa mga nangyayari. Alam mo naman siguro kung sino ang nasa harap mo. Hindi mo gugustuhing ako ang makalaban mo.” Wika nito sa binata. Sakristo namang napangiti si Hunter. Sa isip niya. Baka ang lalaking ito ang hindi alam kung sino ang kinakalaban niya.
“Ano namang ibig sabihin nang ngiti mo. Mukha yatang masyadong mataas ang tingin mo sarili mo. Kahit na malapit sa defense secretary ang pamilya mo at -----”
“Oh Please.” Biglang agaw nang binata. “My family has nothing to do with this. I didn’t get this Job because of my family back ground. I know that you know what my capabilities are. I ccan even solve cases which your department is having a hard time handling.” Wika nang binata.
“What! You---” gigil na wika ni Rafael saka natigilan nang biglang humarang si Selene sa gitna nila nang binata.
“Hindi ako sasama sa inyo. I’ll stay where my brother left me. Alam kung babalik siya. He is not dead unless may maipapakita kayong bangkay sa ‘kin.” Wika nang dalaga.
“Huwag mo na siyang Pilitin Rafael.” Wika ni Lucas at lumapit sa kanila. “Siya na rin ang susuko kapag alam niyang hindi na niya kayang mabuhay. She is just a child anong pwede niyang gawin?” wika ni Lucas na naglakad papalapit sa kanila. Napatingin naman sina Selene at Hunter sa bagong dating.
“Know that You will not get any financial support from us.” Wika pa ni Lucas.
“She doesn’t need to.” Wika ni Hunter dahilan para mapatingin si Lucas sa binata. “Hindi naman naghihirap si Selene and if that happens, she still has me. Nangako ako kay Chief na babantayan ko ang kapatid niya. And I mean with my life.” Wika ni Hunter saka humakbang at inakbayan ang dalaga. Napatitig naman ang dalawang General sa binata. Parang nakikita nila ang kapatid nila at ang asawa nito noong kasing gulang nila ang dalawa.
“Huwag kang magsalita nang tapos binata.” Wika ni Rafael. “Baka hindi moa lam kung anong pinapasok mo.”
“Don’t worry. I am not as young as you think. I can make decisions on my own. Ganoon din si Selene.” Wika pa ni Hunter at pinisil ang balikat nang dalaga na parang sinasabi na huwag mag-alala dahil nandoon lang siya. Simple namang napatingin si Selene sa binata. Lahat nang pangamba niya ay biglang naglaho. She can feel the sense of security habang nakaakbay ang binata sa kanya.