Order

2084 Words
I am utterly disappointed.” Wika ni Antonio Guillermo na dumating sa opisina nang task Force guardian. Ang tinutukoy nito ay ang kaso nang namatay na asawa ni Herrick Merin. Dati nang ini roll out nang mga pulis na robbery with Homicide ang kaso nang asawa ni Herrick pero ilan sa mga result nang DNA at sa imbestigasyon nila sa bahay nang mag-asawa naniniwala si Kristian at Julianne na hindi robbery ang nangyari. “Tell me, Kristian is this as stupid as you get?” wika ni Antonio sa binata. Lahat nang miyembro nang Task Force biglang natigilan at napatingin sa matandang lalaki at sa binata. Lahat sila na bigla sa sinabi nito. Alam nilang hindi hangal ang kanilang chief. He works diligently sa lahat nang mga kaso nilang hawak. At dahil sa sinabi ni Kristian na hindi isang robbery gone wrong ang nangyaring incidente sa bahay ni Herrick Merin galit na itong pumunta sa opisina nila at tinawag na hangal ang kanilang chief. At sat ono nang boses nito parang galit nag alit ito sa binata at may tono nang boses nang pangmamaliit. Kilala sa Police Force ang pamusong ugali nang General. Ngunit hindi nila akalaing masasaksihan nilang maliitin nito ang binata sa harap nila. “With all due respect General. I think you are crossing the Line.” Biglang wika ni Hunter. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nang matanda. At sa naalala niya ito rin ang matandang minsang dumalaw sa university nila. Hindi niya alam kung ano aning nangyayari sa kanila pero parang Malaki ang galit nito sa magkapatid and for him to humiliate Kristian infront of his subordinate. Pinapakita lang nito na wala itong paggalang sa binata at maliit ang turing nito dito. “I think you are the one crossing the line, Lad.” Wika ni Antonio kay Hunter. Minsan na niyang nakita ang binata nang puntahan niya si Selene sa University. Kilala din ang binata dahil sa galing nito. At mukhang, dapat niyang pagsisihan na pumayag siyang isama ang binata sa task force. Hindi siya miyembro nang armed forces. He is special and will recommend pero mukha yatang mas naging malapit ang loob nito kay Kristian. He is known sa pagiging stubborn at halos walang pinakikinggan kahit matataas ang ranggo, Pero hindi niya akalaing tila nasa likod ito ni Kristian. Mukhang nakahanap na naman nang bagong mga kaalyado ang mga pamangkin niya. Hindi pa tapos ang laban nil ani Kristian sa mga mana mula sa kanyang ama at heto mukhan na dagdagan pa ang mga taong kakalaban sa kanya. “Kristian. I am assigning you sa isang probinsiya. May napabalitang prison break doon. Investigate and find out what happen.” Wika ni Antonio. “Pero Sir. Hindi pa nalulutas ang kaso nang----” “Tinatanggal n akita sa paghawak nang kasong iyon.” Agaw nang General. “What?” Gulat na wika nang binata. “Narinig mo ang sinabi ko.” Matigas na wika nang Heneral. “But General. I think hindi tamang si Chief ang ipadala niyo. It’s a mission that----” putol na wika ni Julius nang tumingin sa kanya si Antonio. “And I think you need to do well to teach your team not to talk directly to your direct superior. Kahit special task force kayo. You are still under my supervision.” Wika nito. “And looks like this team needs to be discipline. So from now on, I will personally handle this unit. Mukhang kailangan niyo nang kamay na bakal para matuto kayong gumalang.” Dagdag pa nito. Hindi naman nakaimik ang ibang miyembro nang grupo. Wala na din naman silang magagawa. Maraming mga priso ang nakatakas dahil sa nangyaring prison break sa isang provincial Jail At gaya nangutos ni ni General Antonio. Si Kristian ang ipinadala nila para mag imbestiga. Hindi naman nagpaiwan si Julianne at sinamahan ang kaibigan niya. Alam niyang gusto lang gamitin nang General ang pagkakataon na ito para ipakita kay Kristian kung sino ang mas mataas ang ranggo sa kanilang dalawa. At mukhang sinisimulan na ding kausapin nang General ang Ilan pa sa mga General nang allied forces para unti-unting buwagin ang special task force. Si Julianne at Kristian kasama nang dalawa si Rick at Ben para tumulong sa kanila. Simula nang si General Antoino ang humawak sa Guardians. Hindi na sila kumikilos nang magkakasama, binibigyan sila nang general nang kanya kanyang kasong dapat lutasin. Wala din naman magawa ang ilang General at Commissioned officer sa mga desisyon nang General dahil, inalis na ito sa pwesto. Malakas din ang kapit nng General sa matataas na opisyal at bukod doon malakas din ang hawak nitong kapangyarihan at dalawa pa sa kapatid nito at mga General kaya naman malakas ang loob nito. Itinuruting silang malakas na haligi nang armed forces. Silang magkakapatid ang may hawak sa mga sangay nang armed forces at walang gustong kumalabasn sa kanila. Bukod sa malakas na hawak nilang kapangyarihan. Makapangyarihan din ang mg Guillermo dahil sa mga Negosyo nila. “Anong sabi mong ipidadala sila sa malayong lugar?” gulat na wika ni Aurora nang isang araw dalawin siya ni Johnny sa hospital at sinabi nitong umalis sina Kristian at Julianne sa malayo dahil sa isang misyon. Hindi pa siya nakakabalik sa headquarters kaya wala siyang masyado alam sa nangyayari at hindi rin sila nang-uusap ni Kristian nitong mga nakaraang araw kaya hindi niya alam kung anong mga nangyayari. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Johnny baka hindi rin niya malalaman. “Sino kasama ni Selene? Bakit naman siya tumanggap nang bagong misyon? At isa pa trabaho ba niya ang ganoong klaseng kaso?” tanong ni Aurora na hindi maintindihan kung bakit si Kristian ang ipinadala sa probinsya. Iniisip niyang masyadong bang makasarili si Kristian o talagang mahalaga lang ditto ang tungkulin nito sa bayan. Sinong kasama ni Selene ngayon? Alam niyang may mga panganib sa paligid ni Selene ngunit bakit kailangan nitong tumanggap nang bagong misyon. Pwede naman nitong kausapin si General Antonio na hindi siya lalayo sa syudad kung may mga misyon man. “Iyon nga din ang malaking palaisipan sa amin. Hindi naman niya kailangan tanggapin ang kason iyon. Hindi naman siya isang active Police officer or sundalo para pumunta sa mga ganoon misyon as a frontline. Pero parang si General Antonio ang tanong hindi niya magagawang tanggihan hindi ko alam kung bakit.” Wika ni Johnny.Sa isip ni Aurora, naiinis siya sa pagiging matapat nang binata sa tungkulin nito ngunit naisip niyang ano naman ang karapatan niya para mainis. Itinaboy na niya ang binata. At Sinabing kakalimutan na ito ngunit bakit heto na naman siya at ang laman nang isip ay ang binata. “Wala namang magagawa sina chief. Utos iyon ni General Antonio.” Wika pa ni Johnny. Bakit bigla niyang naramdaman na nag-aalala pa rin si Aurora sa binata. Akala ba niya sinabi na ni Aurora na kakalimutan na nito ang binatang abogado at susubukan siyang mahalin. Nanliligaw parin siya kay Aurora hanggang ngayon at hindi niya alam kung kailan siya balak sagutin nang dalaga. Sinabi naman niyang maghihintay siya. Gusto nang mama niya si Aurora at alam niyang magiging Mabuti itong asawa at manugang. Alam na ni Aurora ang intension niya para ditto. Sinabi din niya malinis ang hangarin niya. Ngunit bakit ang tagal mag desisyon nang dalaga? Ayaw niyang mainip sa paghihintay ngunit, baka hindi na siya magkaroon nang tiwala na may pag-asa pa siya na magkaroon nang puwang sa puso ni Aurora. Hindi na nga ito nakikipagkita sa binata ngunit nakikita naman niya na mahalaga parin ang binata sa kanya. “Malaki na si Chief. Alam niya ang ginawa niya.” Dagdag pa ni Johnny. “Alam ko naman iyon. Kaya lang minsan hindi siya nag-iisp. Dahil sa pagiging work oriented at katapatan sa tungkulin niya minsan nakakalimutan niya ang pamilya niya.” Wika ni Aurora. “Hanggang ngayon pa rin ba siya parin ang laman nang puso at isip mo? Kaya ba hindi mo ako magawang sagutin?” tanong ni Johnny. BIgla namang natigilan si Aurora. Is she really that obvious. Napatingin siya sa binata. Nakalimutan niyang, nililigawan siya ni Johnny at sinabi niyang kakalimutan niya si Kristian at bibigyan ito nang pagkakataon. “Pasensya na. Alam mo namang magkaibigan kami. Hindi mo maaalis sa akin na mag-alala.” Wika pa ni Aurora. Totoo naman ang sinabi niya. Bilang kaibigan pwede naman siguro siyang mag-alala kay Kristian. “Hindi ko naman inaalis sa iyo na hindi ka mag-alala kaya lang ako ang kasama mo ngayon. Hindi si chief Siguro naman hindi masamang hingin ko ang buong atensyon mo kung ako ang kasama mo.” wika pa nito. Napapatiim bagang siya dahil sa labis na selos. Alam naman niyang matagal nang magkaibigan sina Kristian at Aurora kaya lang hindi niya maiwasang manibugho. “Matagal kaming magkaibigan ni Kristian. Sinabi mo sakin na hihintayin mo ako hanggang sa maging handa ako na tanggapin ka sa buhay ko. Ngayon kung pati ang karapatan kung mag-alala sa kaibigan ko at sa taong pamilya ang turing ko. Siguro nga hindi tayo bagay.” Wika ni Aurora at tumayo. “I was wrong about you.” Wika ni Aurora at iniwan ang binata. “Aurora.”Habol ni Johnny sa dalaga. Kaya lang hindi siya nilingon nang dalaga. Mariing napakuyom nang kamao ang binata. Bakit ba kahit wala ang binata hindi pa rin niya ito magawang palitan sa puso nang dalaga. Naiintindihan naman niyang magkaibigan sila simula pa noong una. Ngunit hindi naman maaalis sa kanya na hindi magselos. Nililigawan niya ang dalaga habang iba naman pala ang laman nang isip nito. “Aurora sandali lang.” wika ni Johnny at hinawakan nang dalaga nang maabutan ito. Huminto naman si Aurora at humarap sa binata. “I’m sorry.” Wika ni Johnny. “Nagseselos lang ako dahil matimbang sa iyo si Chief.” Napatingin naman si Aurora sa binata. Nagiging unfair ba siya kay Johnny? Binibigyan ba niya nang pag-asa ang binata? Paano kung hindi magbago pagtingin niya dito? “Matagal kaming magkaibigan. Anong gusto mong gawin ko. Balewalain siya. Kahit naman sinabi kung kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya hindi ko sinabi na itatapon ko at kakalimutan na kaibigan ko siya. Si Kristian at Julianne ang tumulong sa akin noon. Wala ako ngayon ditto kung hindi sa kanila.” Wika ni Aurora. “I’m sorry. Dahil sa selos ko hindi na ako makapag-isip nang matino. Promise. Hindi na ulit ako magseselos at susubukan kitang intindihin.” Wika nito at itinaas ang kanang kamay. Habang nakatingin si Aurora sa binata. Nakaramdaman siya nang guilt. Alam naman niyang hindi lang dahil sa kaibigan niya si Kristian kaya siya nag-aalala. May nararamdaman siya sa binata kaya hindi niya ito magawang kalimutan. GInagawa lang niyang excuse ang pagiging magkaibigan nila para magkaroon siya nang dahilan para isipin ang binata. Hindi alam nang dalawa na anasa di kalayuan si Kristian at pinapanood sila. Ngayon ang alis nila patungo sa isang probinsya kung saan napabalita ang prison break. Nais sana niyang magpaalam kay Aurora kayalang nang Makita niya si Johnny hindi siya tumuloy. Nakalimutan niyang sinabi ni Aurora sa kanya na pumayag na itong magpakasal sa binata. Bakit pa ba siya nag abala na puntahan ang dalaga? Para namang may pakialam ito sa kanya. Sinabi na nito dati na sana hindi na sila magkita pa. Kung guguluhin niya si Aurora ngayon. Kaya na ba niyang harapin kung ano man ang nararamdaman niya para sa dalaga? Kaya na ba niyang aminin kung ano iyon? Hanggang ngayon ni hindi nga siya sigurado kung ano nga ang nararamdaman niya sa dalaga. “Oh? Nag kausap ba kayo ni Aurora?” Tanong Julianne na naghihintay sa labas nang hospital. Nakita niyang lumabas si Kristian. Simpleng umiling si Kristian habang papalapit sa kaibigan. “Anong nangyari? Wala ba siya diyan sa loob?” Tanong ni Julianne. “Hindi ako nagpakita sa kanya.” Wika ni Kristian. “Huh? Bakit naman? Akala ko ba -----” putol na wika ni Julianne “Mas mabuting hindi na muna kami magkita.” Wika nang binata. “Hindi ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko sa kanya. Kapag nagpakita ako sa kanya guguluhin ko lang ang utak niya. Kaya mas mabuting huwag na.” wika ni Kristian at sumakay sa kotse. Hindi naman nagsalita si Julianne at sumakay din sa kotse. Umuwi sila sa unit nila para magpaalam kay Selene. Tinawagan din ni Kristian si Hunter at humingi nang pabor na bantayan si Selene habang wala sila. Ito lang pwedeng niyang pagkatiwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD